CHRISTMAS MESSAGE

 

Ito po si Chiz Escudero. Dahil sa pagpupursigi ng bawat isa, unti-unti nang bumabalik sa normal ang ating pamumuhay. Magkakaroon na tayo ng pagkakataong magkita at magkasama sa kapaskuhan.

Bagama’t payak pa rin ang ating pagdiriwang, ang mahalaga ay malusog at ligtas ang ating pamilya.

Bigyang pugay po natin ang mga medical frontliners at lahat ng nagsakripisyo na mabuksan ang ating ekonomiya ng walang pangamba.

Mula kay Heart at sa aming pamilya, Maligayang Pasko po sa inyong lahat!