EUFEMIO ORDONEZ (EO): Governor Chiz, are you with us now?
GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Yes.
EO: What happens in your life, kasi you see so many things. What made you consider agriculture and why is it important today? Gusto ko iyong personal experience. May we know your heart? I know your heart loves many people but your heart also loves agriculture. What happened in your life that got you interested in agriculture?
CHIZ: Una sa lahat, pagbati sa lahat ng kapiling natin ngayong umaga. Hindi ko na iisa-isahin pa bagaman nais kong sabihin, miss na kita, Danny. Miss na kita, Josie. Matagal na tayong hindi na nagkikita. Gayundin si Alan, matagal ko na rin na hindi nakikita. Ka-batch ko ito sa Kongreso pero malayo na masyado ang narating ni Alan sa kanyang karera at paninilbihan sa publiko. Nagsimula ako sa agrikultura dahil sa pamilya at sa tatay ko.
Wala kaming palayan. Wala kaming palaisdaan. Wala kaming hasyenda pero kinagisnan ko dean o dekano ng College of Veterinary Medicine ang aking ama. Doon kami naglalaro kapiling ang iba’t-ibang mga hayop at aso at baka at baboy at kambing.
Naging Direktor ng Bureau of Animal Industry ang tatay ko. Kasama niya kami sa pag-iikot kada Sabado at Linggo sa iba’t-ibang dairy farm. Marami pang dairy farm ang pamahalaan noon na naubos na yata halos lahat ngayon maliban sa Sorsogon na lamang. At naging kalihim siya ministro noong panahon ni dating Pangulong Marcos at kalihim noong panahon ni dating Pangulong Ramos kaya ang exposure ko talaga sa agrikultura ay dahil at sa pamamagitan ng aking ama.
Sa pagbisita niya na hila-hila niya kami palagi noong bata kami. Pero, personally ako nahilig sa agrikultura tulad na lamang ng pagkahilig ko sa pagluluto. Iyan ang isang bagay na kaya mong hawakan, kontrolin at kayang i-manage. Hindi tulad ng maraming problema sa buhay na hindi mo kayang kontrolin. Kaya noong nabigyan na ako ng pagkakataon sa likod ng bahay namin sa Sorsogon. Mayroon akong fish pond doon na maliit. May tilapia, may sea bass at may bangus . Nagtatanim rin ako ng karamihan sa ginagamit namin sa bahay. May organic farming kami roon nitong nagdaang limang taon na. Dahil nako-kontrol ko kung may mangyaring masama sa halaman. Kaya mong i-adjust ang natutunan mo. Nakakapagbigay ng kapayapaan sap ag-iisip sa akin iyon. Pangatlo at pinakamahalaga ang lalawigan ng Sorsogon at ng ating bansa ang pangunahing agrikultura na pinagkukunan ng kabuhayan kung saan nabibilang ang pinakamarami sa mahihirap nating kababayan.
Sinumang naninilbihan sa pamahalaan, dapat ilapit niya sa puso niya ang agrikultura. Dahil sa kung gusto talaga niya ang mawala o mabawasan ang kahirapan sa bansa dapat tutukan ko ang agrikultura dahil doon matatagpuan karamihan ng mahihirap na ating mga kababayan.
EO: Salamat, Gov. Chiz. Nakita namin ang video may conjugal – kayo ng iyong kabiyak ng puso. Gov. Chiz, nakokontrol mo. Pagdating mo sa Senado actually mako-kontrol mo rin ang iyong environment para talagang gumanda ang buhay natin. Ang ganda ng background niya. OK, so tapos na ang personal insights questions ko, tuloy na natin sa formal interview.
Ang unang magtatanong ay si Danny Fausto, siya po ay representing Agri Business. Siya po ang president ng Philippine Chamber of Agriculture and Food. At si Danny, may advantage over the rest (inaudible) kasi the time niya, his first question is really important. Iyong question na iyon, I gave to both of you and it’s a very important question. Mr. Danny Fausto, please.
DANNY FAUSTO (DF): Maraming salamat sa ating dalawang panauhin, Si Senator Chiz. Mabuti naman at natatandaan mo pa ang kaibigan mo. Ang tanong ko lamang, I would like to address this to the two of you. Kung sakaling kayo ay maupo, which i think is sigurado na tayo diyan. Nandirito na naman iyong tropa nakasuporta sa inyo. Ano po ba ang dalawang importanteng items na gagawin ninyo once you are in Senate para matulungan iyong ating agriculture sector. I’s like to start with Governor Chiz then after Senator Alan. Chiz?
CHIZ: Danny, huwag kayong mag-alala hindi ko lamang naalala na Rotarian ka at dairy farmer ka. Marami pa akong ibang kaalaman, huwag kang mag-alala, hindi ko pa nalilimutan iyon. Anyway, isang bagay lamang siguro, Danny. Hindi ko na dadalawahin. Nalaman ni Alan, noong nasa Kongreso kami lalo na noong naging Speaker siya- na ang pinaka-importanteng piraso ng batas na naipapasa ng Kongreso ay ang taunang budget o ang General Appropriations Act (GAA).
May kasabihan tayo sa ingles. “Put your money where your mouth is.” Hindi puwedeng dakdak tayo ng dakdak na gusto nating tumulong sa agrikultura at gusto natin iangat ang buhay ng mahihirap na Pilipinong nasa sektor ng agrikultura. Kung hindi natin lalagyan ng sapat na pondo at budget ang agrikultura.
Halimbawa, sa taong 2022 ang budget para sa agrikultura pati na lahat ng attached agencies kabilang na ang NDA- na malapit sa sector ninyo, Danny -ay humigit kumulang Php80-B lamang. Lahat lahat na. Capital outlay, MOE tsaka personal services.
Ikumpara ninyo iyon, halimbawa, guwag na iyong DepEd kasi pinakamataas iyon. Ikumpara mo iyan sa DPWH o infrastructure nasa kulang kulang Php900-B. Ikumpara mo iyan sa Department of National Defense na nasa kulang kulang Php7-B. Hindi pa kasama iyong pension ibinabayad natin sa retiradong personnel. So, 800, 700 kumpara sa Php80-B naka-allocate sa agrikultura. Paano natin mapapa-angat ang sektor na iyan. Maiaahon sa kahirapan ang ating mga kababayan kung hindi natin lalagyan ng sapat na pondo.
Pangunahin na magiging layunin ko, gayundin siguro sa lahat ng magiging senador at kongresista at sana ang susunod na pangulo. Dahil ang problema natin sa budget, kapag ang i-propose na budget ng pangulo ay nakasulat na at isinabmit sa Kongreso, para madagdagan namin iyon kailangang may bawasan kaming ibang ahensya- na hindi ganun kadaling gawin. Kaya sana, katulong ang bagong administrasyon- sinuman ang mananalong pangulo, gayundin kami sa Senado at sa Kongreso, mabigyan dapat natin ng mas malaking alokasyon at pondo ang agrikultura na sobrang kawawa at maliit naman talaga ngayon.
Alam kong dinivolve ang agrikultura sa mga local government units pero hindi sapat. Kulang na kulang ang pondo ng mga local government unit para sa agrikultura. Kung hindi tutulong ang National Government sa pamamagitan ng government subsidy at sa pamamagitan ng government grand scheme aids sa mga local government unit. Nawala din Danny, isinusulong ko kada taon at isusulong ko uli iyan pagbalik ko sa Senado.
Nawala din ang kamay at paa ng kagawaran ng agrikultura dahil din evolve natin iyan. Hindi naman dine-devolved ang pondo sa mga LGU. Isinusulong ko kada pagbabalik ko sa Kongreso ang rationalization ng agriculture para sa gayon matutukan, mabigyan ng tamang direksyon at sapat na pondo ang sektor na pinakamahalaga sa marami sa mga lalawigan ng bansa at marami sa ating mga kababayang naghihirap at naghihikahos sa ngayon.
QUESTION 3:
STEVEN CUA (SC): Hi, good morning senators, I’d like to ask lang kasi ‘yun na nga maraming produkto tayo na nasa fields, which do not get to the shelves of supermarkets in good order. The problem sometimes is the supply chain, distribution ‘no, value adding for the product, marketing at tsaka packaging ‘no. How could we help this, hold their hands, ako ang inisip ko NGOs pero you know government seems like may road map, we’re doing a road map right now for food chains, we’re doing road maps for different products ng DA ano, in fact magkakaroon nga ng webinar very soon, workshop, but you know series of workshop and how do we really get down to the you know, sa fields ‘no? How the farmers, the small farmers, not the rich farmers na sinasabi niyo, small farmers. How do we hold their hands so that they will be able to get part of their yields into the food, to the tables sa mga bahay ng mga tao. Thank you!
CHIZ: Sa TV lang kita nakikita, Steve, tuwing ini-interview at nagtataas ang presyo, kamusta ka? Nakakalungkot naman talagang makita at tignan, nabubulok ‘yung mga gulay sa Norte, tinatapon na lang at noong pandemya pinamigay na lang nila dahil wala namang bumibili. Nakakalungkot tignan, lakihan ko na ng kaunti ‘yung problema, habang tag-tuyot sa ibang parte ng Pilipinas nagbabaha naman sa ibang parte ng Pilipinas, wala bang paraan na madala ‘yung sobrang tubig sa isang lugar doon sa lugar na kulang ng tubig. Wala bang paraan ‘yung sobrang produkto sa isang lugar ay madala sa lugar kung saan ito kailangan?
Ilang bagay ang dapat gawin na sana’y gawin pero hindi nagagawa. Halimbawa, noong ako’y nag-gobernadorm, maraming hindi na nagtatanim ng gulay sa aming probinsya. Napabalik naming sila magtanim ng gulay noong tinuruan at sinabihan na kung may isang ektarya ka, hindi mo puwedeng taniman ng puro pechay nang sabay-sabay. ‘Pag tinaniman mo ‘yan ng pechay nang sabay-sabay napakalaki ng ani mo at sobra para sa nabibili sa aming mga palengke sa loob ng isang linggo, so ang tanim dapat kada lingo. Magtatanim ka sa ilang metro kuwadrado, kada linggo iba ang itatanim mo para kada linggo may iba ka rin mabebenta. It’s basically the supply and demand challenge that, kaunting tulong lamang ay makukuha na nila at ng walang sayang at tapon.
Pangalawa, kulang pa rin ang ating cold storage sa ngayon, Steve. May mga dalawa o tatlong kumpanya atang pinapasukan na iyan ngayon ng pinakamalaki ata, kung hindi ako nagkakamali ay Frabelle na nagtatayo ng cold storage chain. Halimbawa, sa lalawigan ng Sorsogon walang cold storage, buong lalawigan ýun. Aabot ng mahigit kumulang 100 milyong piso para magpatayo ng cold storage na kung hindi papasukan ng pribadong sektor ay aabutin kami ng siyam-siyam para mapagawa ‘yun. Sa buong Bicol Region, anim na probinsya, ang Masbate at Catanduanes ay wala, ang Camarines Norte ay wala, ang meron lamang ay Albay tsaka Camarines Sur. Hindi natin mabubuo ‘yung pagtitiyak na walang produktong masasayang at makakarating pang maganda at maayos pa ang kalagayan kung hindi natin mabubuo ang cold storage chain sa buong bansa sa kada probinsya lalong lalo na sa mga lugar na may mga produktong napo-produce na sana makarating sa maayos na lugar.
Nabasa ko ‘yung ginagawa sana at tinangkang gawin ni then Speaker Alan Peter Cayetano ‘yung kanyang integrated approach sa agrikultura. Sayang at hindi natuloy dahil ang problema ng aming magsasaka halimbawa sa Sorsogon ay ‘yung mercado. May produkto nga pero wala namang bumibili. Hindi nila alam kung saan ibebenta at ang DTI ay walang papel na ginagampanan kaugnay sa bagay na iyan. Mas inaasikaso nila ang souvenirs. ‘Yung mga unique na items na mga pagkain pero hindi naman talaga ‘yung mga produktong pang-agrikultura. Kung may merkado lamang, ang mga produkto at mabibigyan ng value added, tama ka, Steve, mas malaki ang kikitain ng aming mga kababayan at tulad ng binanggit ni Alan kanina.
Sa totoo lang, mapakita lang natin na kumikita at hindi malulugi ang mga magsasaka, marami namang papasok sa propesyong iyan. Ang problema puro reklamo ang naririnig natin sa ating mga magsasaka na kulang ang kita, mas mahal pa ang gastos sa pagtatanim kesa pag binenta nila na napakababang presyo, lugi pa rin, babagyuhin ka pa, tatamaan ka pa ng kalamidad. Hangga’t iyan ang nakikitang imahe ng ating mga kababayan, tatanda na lamang ng tatanda ang ating mga mangingisda at magsasaka at hindi sila papalitan ng bagong henerasyon ng mga magsasaka at mangingisda na magbibigay pa rin ng patuloy na suplay ng pagkain para sa mga Pilipino dito mismo sa ating bansa.
So, ano nga ba ang intervention na kailangan, dapat, at puwedeng gawin. Dapat pumasok ang pamahalaan para tiyakin, halimbawa, itong cold storage matagal ng problema pero bakit wala man lang incentives lamang sa private sector na magtayo ng cold storage facility sa isang lugar. Ang tagal na ng problema ng merkado ng mga magsasaka natin, gulay man, ng coconut man, ng palay man, nasaan ang DTI, nasaan ang pamahalaan na para sa bagay na ito?
Sa totoo lang, Steve, hindi kailangan isabatas ito, polisiya lamang ng pamahalaan ito’y uubra na at magagawa na. kaya grabe ang panghihinayang ko doon sa binanggit ni Alan na noon na nabasa ko rin ‘yan noon na hindi ito natuloy pero marahil sa muling pagbabalik ni Alan sa Senado, ito’y mas mapapakinggan, mabibigyang daan at magagawa dahil mapatunayan lang natin ‘yan sa isa, tatlo, lima, o sampung lugar napakadali ng gayahin iyan sa iba’t ibang parte ng ating bansa.
Tandaan mo, Steve, huling bagay na lang, nasa interes ng magsasaka na maparating sa supermarket at grocery ang produkto nila, nasa interes niyo rin na makarating ‘yun sa maayos na kalagayan at sa abot kayang presyo at halaga, wala kayong pag aaway at dapat pagawayan ng magsasaka na hindi kayo magka kompetensya, importante lamang matawid at matulay natin kayong dalawa para sa gayon pareho mag benipisyo pati na rin ‘yung inyong mamimili at consumers.
QUESTIONS 4 AND 5:
CHESTER TAN (CT): Thank you, president Fausto! First, good morning po Senator Alan and Senator Chiz. While I’m having my national federation office here in Manila, matagal-tagal na po akong hindi nakauwi ng Mindanao because of the COVID but my hometown is down southern part of Mindanao, General Santos City. And speaking of that, alam po natin ‘yung Mindanao is ano ‘yan food basket, well known for food basket for our country. So, a while ago, Senator Alan had mentioned, anyway I want to ask this question to both senators present.First question, tama po si Senator Alan na sabi nga ay marami po ngayon na they don’t want to be involved, ayaw nila maging farmer. And according to UPLB, UP Los Banos ang average po pala ng mga farmers sa ating bansa is 53-years-old and up. So my question is, Senator Chiz, Senator Alan, how do we, paano po natin makumbinsi ‘yung mga younger natin to be involve or to persuade the young one to go to farming or continue ang kanilang mga magulang and we always have the caption na “farmers are poor” kaya siguro ‘yun ang pumapasok sa mindset ng mga bata, pero paano po natin ma ano iyan?
How can we reverse that? Or how do we remove that from the mindset of the young ones kagaya ng ibang bansa na, hindi kapag farmer umaasenso, kapag farmer maganda po ang pamumuhay, paano po natin ma-change ‘yung mindset and tuloy ko na lang ‘yung pangalawang question to be answered by both senators, Senator Chiz has mentioned ‘yung cold storages. Tama po, dito sa NCR marami na po tayong cold storages and siguro po, if given a chance, senator Chiz, maganda po hindi lang po cold storages ang focus natin, cold storages and dry storages. Bakit po? Kasi po majority po ng storages natin dito sa NCR o meron sa Visayas and Mindanao, karamihan po ay intended for the imported products, so ang nangyayari po, sabi ni Chiz maraming domestic products ang natatapon kasi wala po tayong storages, cold storage and dry storage, intended for domestic products. Minsan po tayo meron tayong overstock gusto natin itago sa storage, “Naku! Pasensya na po wala na po kasi para po ito sa mga imported.” Sana po magkaroon po tayo ng guideline and policy with the two senators here na pwedeng mai-ano po iyan na hindi, meron tayo pang imported, yes, meron din po para sa domestic products. Ayon po.
CHIZ: Yes, thank you, Chester! Chester, kamusta na? pagbati rin kay Alfred kay Mommy Dong at sa inyong lahat. Alam niyo, I stand corrected, let me add dry storage, tama ka. Ang problema kasi sa dry storage kaya naka-reserba yan sa mga imported dahil nirerentahan nila ‘yan bago pa man. Pero mas malayong mas mura ang dry storage kumpara sa cold storage at tama ka, puwedeng gawin iyan ng gobyerno. Dahil mas abot kaya iyan at mas puwedeng gastusan ng pamahalaan na iyan. Kaugnay sa nabanggit mo sa magsasaka, alam mo noong bago akong Congressman, me pinanukala ang isang kalihim noon ng agriculture na Php50-M para daw i-encourage ang kabataan na maging magsasaka at mangingisda. So, kinuwestyon ko sila noon, sabi ko, saan niyo gagastusin ito? Lakbay-aral daw, ipapakita daw ‘yung mga demo farms. Ipapakita ‘yung mga bagong teknolohiya. Sabi ko, pakiramdam ko sayang lang iyan at parang biyahe’t junk lang yan dahil para makonbinse ako, sabi ko, magdala nga kayo sa akin kahit isang mangingisda lang at isang magsasaka na ang pangarap niya sa kanyang anak maging mangingisda din at magsasaka tulad niya, sa lahat ng nakikilala kong magsasaka at mangingisda, ito’y mga ordinaryong nagsasaka ng land reform na ibinigay sa kanila. Ang sagot palagi ay ang pangarap ko sa anak ko maging nurse, maging engineer, maging abogado, maging doktor, maging propesyonal, magin teacher, maging pulis. Wala ni isa akong nakadaupang palad na ang pangarap niya ay maging magsasaka’t mangingisda tulad ng kanyang ama.
Sa hirap ng buhay ng agrikultura, so idadagdag ko lang sa sinabi ni Senator Alan, na kailangan natin kumbinsihin ang ating mga kababayan, gawing sexy, desirable, at napakaganda sa panlasa ang pagpasok sa agrikultura, pakita natin at patunayan natin na puwede kang kumita, pwede kang hindi naman yumaman, magkaroon ng sapat na panggastos, pangtustos sa pangunahing pangangailangan ng iyong pamilya.
Hangga’t hindi natin napapakita at napapatunayan at hangga’t hindi iyan nararanasan ng ating mga kababayan na nasa sektor ng agrikultura, mahihirapan tayong kumbinsihin sila na pasukan ito. Meron na ako ngayon, Chester sa probinsya ‘yung maganda buhay ko probinsya, meron na ako ngayon anim na baboy at apat na baka, dahil nga eksperimentuhan ko, sinusubukan ko at gusto ko pakita’t patunayan yung mga bago at makabagong teknolohiya na meron actual proof of concept para na rin sa mga magsasaka at nais pumasok doon sa aming lalawigan.
Marami akong nakakausap na negosyante ngayon na pinakitaan mo ng balance sheet na kung magkano kikitain nila, kung magkano ang gastos magawa lang ‘yun maraming papasok sa sektor ng agrikultura na malaki ang maitutulong sa ating magsasaka, sa ating mangingisda at kung sino mang nais maging invest din sa livestock industry. Ito para sa akin dapat at marapat gawin pero gaya nang sinabi ko hindi ito mangyayari sa loob ng isa o dalawang taon. Tama ang sinabi ni Alan kailangan natin maghintay ng lima hanggang sampung taon. Ang problema ang termino ng mga pulitiko natin maski ang presidente ay anim na taon lamang. Siyempre kung sino mang magiging presidente ang gusto nila palagi may resulta, may iri-ribbon cutting, may i-inaugurate matapos ang kanyang termino sa loob ng kanyang termino. Sana tayaan ito bagaman ang bunga ang ribbon cutting ika nga at inauguration ay may mangyayari makalipas pa mahaba at maraming taon lampas ng termino ng sinumang mananalo bilang pangulo o senador, mayor o governor man.
EO: Thank you, Chiz.
QUESTION 6:
LEONARDO MONTEMAYOR (LM): Salamat, salamat Ernie. Masayang pagbati po kay Chiz at kay Alan na naging kasamahan ko po sa Kongreso at masasabi ko ngayon na bigatin pala parliamentary at political heavy weights. I have two questions for each of you. Please, if possible, your replies po sana within 10 minutes. So, I will first ask Senator Chiz. Ito pong, bilang incoming senator sa palagay niyo ba ay dapat maamyendahan o ma-repeal, maipawalang bisa ang Rice Tariffication Law, why or why not? At pangalawa po, ano po ‘yung mga pangunahing kaisipan ninyo patungkol po sa Agricultural Trade Policy? And in disregard, would you share with us your thoughts about the Regional Comprehensive Economic Partnership agreement. ‘Yon lang po salamat.
CHIZ: Salamat, Manong Leony. Pabor po ako na muling buksan, amyendahan at kung hindi maisasaayos ayon sa pangangailangan ng ating mga kababayan ang Rice Tariffication Law ay isusulong ang pag-repeal po niyan. Maganda sanang intensyon ang Rice Tariffication pero tila sa pagpapatupad ay hindi nakamit ang ninanais nating resulta ng sinasabing batas. Wala namang batas na ginawa ang tao, Manong Leony, na nakaukit sa bato. Ten Commandments lang ang alam kong ganyan mas kabisado ni Alan ‘yon.
Ang ginagawa naming batas ay nakasulat lamang sa papel. Puwedeng burahin, puwedeng amyendahan, puwedeng baguhin at puwedeng lukutin, punitin at itapon. Hindi tulad ng Sampung Utos na nakaukit sa bato at galing pa sa Diyos. So takot ako sa bagay na ‘yan.
Kaugnay naman ng RCEP, nais ko muling tignan at i-review ang pagpapatupad ng RCEP dahil sa uulitin ko. Hindi nito tila nakamit ang intensyon para makatulong talaga sa ating mga kababayan. Partikular ang pag-iimport kung kulang naman talaga tayo, wala naman akong problema dun pero sana i-timing nila ng tama.
Alam halimbawa ni Jojie ‘yan partikular sa bigas. Bakit ba tayo nag-iimport ng bigas sa panahon na umaani ang ating mga magsasaka? Kinokompetensya pa tuloy ng bigas na galing sa labas yung pino-produce mismo ng sarili nating magsasaka. Bibili tayo ng galunggong mula sa ibang bansa. Kung sinuportahan lamang sana natin ang ating mangingisda sa pamamagitan ng mga fingerlings lalo na sa iba’t ibang uri ng isda na mayroon sana tayo, kumita pa sana ‘yung Pilipinong mangingisda imbes na dayuhang mangingisda.
Para sa akin dapat maging target ng Pilipinas is always self-sufficiency. Dapat ambisyonin natin na kaya nating pakainin ang ating mga kababayan ng hindi umaasa sa ibang bansa para bumili at gumawa ng suplay. Food security, ika nga. Pero matagal-tagal bago natin ito makamit kaya sa prosesong ‘yan sa pag-angkat natin balansehin natin dapat ang interes ng ating mga magsasaka at mangingisda at ng hindi naaapektuhan ang presyo at ang kita nila. Rason para hindi na sila magtanim sa darating na crop season. Rason para mawalan sila ng gana, rason para mas kaunti ang itanim nila kaya mas nagiging dependent tayo ngayon sa importation mula sa ibang bansa. Manong Leony, maganda ang intensyon sa mga batas na ipinapasa at mga tratadong pinapasukan pero sa dalawampu’t dalawang taon kong sa Kamara, sa Senado at ngayon bilang gobernador, minsan ang magagandang intensyon na sinulat ng batas ay hindi nakakamit ang layunin dahil sa klase ng pagpapatupad o kakulangan ng pag-unawa sa mga rason kung bakit sana ito ginawa at pinasa noong simula pa lamang. Bilang miyembro ng Senado kung ako’y muling makababalik, hindi lamang pagpasa at pagbabago ng batas ang aming gagawin. Bahagi ng aming trabaho ang pagtiyak ng bawat batas tratado at regulasyon na pumapasa sa Kongreso’t Senado ay masusunod ang tunay na layunin at intensyon at hindi nakadepende o base lamang sa interpretasyong personal na kung sinuman ang iluluklok o i-a-appoint sa iba’t ibang puwesto sa departamentong may kinalaman sa sektor ng agrikultura.
LM: So, Senator Chiz tama ba yung pagkaintindi ko na kaugnay sa RCEP ay mas mabuti na ipaubaya na ito sa susunod na Kongreso upang magkaroon ng sapat na pag-aaral at paghahanda bilang due diligence na rin po ng ating mga mambabatas.
EO: Eksakto po Manong Leony, tama po kayo. Hindi lang ako bahagi ng Senado ngayon o Kongreso para sana nagawa ‘yan. Alam mo isang natuklasan ko maikli lamang ito. Bilang gobernador ng isang maliit at malayong lalawigan sa NCR at Manila, kahit magtatalon, magta-tumbling kami at mag-rally kami araw-araw, isama mo pa ang hunger strike hindi naman po kami mapapansin o papansinin o didinggin ng mga national officials natin. Kung muling mabibigyan ng pagkakataon, makakaasa po kayo na magsisilbing tulay at boses ninyo ako kaugnay ng anumang bagay na marapat at dapat iparating. At matitiyak ko sa inyo, didinggin ko palagi ‘yan basta’t nanggaling sa opisyal natin, sa mga miyembro ng Senado at mga opisyal din sa Senado.
LM: Thank you, Senator Chiz for your very direct at makahulugang sagot.
QUESTION 7:
EUFEMIO RASCO (ER): So, I like to spend some time introducing CAMP. Ang CAMP ay Coalition for Agricultural Modernization of the Philippines. It’s a non-stock, non-profit association of the academics and professionals and some of us are successful farmers. Many of us are retired from academe or private industry but we also have young professionals and students in our rank. We are funded strictly by our membership case. The founder and chair of CAMP is Dr. Emil Javier who is former UP President and he served as Minister of Science during the Marcos regime. We are independent, preferring not to endorse any candidate at the moment. But we would like to help our candidates and society in general understand issues related to the food system and agriculture. Thus, I would like to assure our guests that win or lose we will continue to support them by giving advice and ideas that might help by their own role in the government.
In the interest of time and precision allow me to read the background of my question before asking. The problem of food is the most complex problem society has ever faced. True it is the first problem ever faces by humanity and giving time to solve the food problem for at least 10,000 years. But somehow, we have not solved it instead the problem has worsened. One reason is that we have the tendency to solve complex problems with simple solutions. This tendency can be traced to lack of appreciation that we are tuning with the complex system that covers us wide area of inter-related concerns as production, processing, marketing, consumption and waste management. Don’t forget waste management.
Indeed, it is a system that is becoming more complex by the day as the population grows, climate change and human activities compete for the limited resources needed to produce food. But our solutions remain rooted on simplistic assumptions. We often end up creating new problems that are more difficult to solve than the original problem. If we lack local production, import. If the farmers need money, give them subsidies. If the consumers are sick because of eating unsuitable food, give them free health care. If the environment is polluted, clean it up. This is a challenge that our guest, as future lawmakers, if they get elected has to face.
Today, the Philippine food system is dysfunctional. Our farmers are poor because their farming activity is not profitable, consumers are unhealthy because they are not eating the right kind and amount of food and the environment is suffering because of resource depletion and pollution due not only to farming but processing, packaging and other steps in the food system.
To solve this problem one has to choose a handle, a key so that if he tries to solve this problem, the other problems will equally be solved and no new and more difficult problems will be created. In short, we are looking for a win-win solution.
To make this long introduction short, the science sector that we represent has done the proper analysis and we have come up with some solutions as follow: one, on the consumption side. Diversified consumption encourages consumers to eat the kind of diet that we help our own farmers, protect the environment and ensure that they are properly nourished and healthy. Two, on the farmer’s side. Diversify resources of income by diversifying his farm, producing his own inputs and engaging in value adding and marketing activities. And lastly, on the environment side. Slow down on the use of plastic for production and marketing of food.
Now my question is this, given these choices consumers, farmers, and for the environment which solution do you consider as the key? What kind of laws and policies will you advocate or champion to make this solution happen?
CHIZ: Maraming salamat, Sir Dong. Puwede po ba hindi multiple choice na a, b, c? Puwede ho ba dagdagan natin ng letrang d, all of the above. Hindi naman po pupwedeng isa lang ang gawin natin at hindi na gawin ‘yung iba.
But to answer your question very briefly, the problem with our country even the agriculture sector we often hear this with respect to the pandemic oblique. Whatever we decide on should be data driven. Ang problema ang Pilipinas o ang Pilipino madalas ang ugali kapag ka mahina ang ekonomiya, masama ang ekonomiya maski mga pribadong kumpanya ng Pilipino ang unang pinuputol na pondo ay research and development. ‘Yung marketing ginagastusan pa rin, pinuputol ‘yung research and development. Sa ibang bansa ang unang ginagastusan pagkamahirap ang panahon ay research and development. Para makahanap ng mas mabilis at mas murang paraan na gawin pa rin yung dati nilang ginagawa at mahigatan pa ‘yung output nila noong nakaraang mga panahon.
‘Yan ang kulang sa ating bansa. Kaya may mga bagong problema na sumusulpot dahil kulang po sa research at kulang po sa pag-aaral at kulang sa data. Maikling halimbawa, ang Bureau of Agricultural Statistics kumukuha po sila ng datos kung ilan ang ani ng kada magsasaka sa pamamagitan lamang ng survey. At hindi tinitingnan ‘yung aktuwal na ani ng kada lugar, ng kada probinsiya ng kada munisipyo sa ating bansa. Base sa simpleng survey na ‘yun, iyon ang basehan ng paggawa nila ng polisiya para sa darating na taon. Hindi po maari at hindi pupuwedeng ganun kasimple lamang.
So ang solusyon para sa akin para hindi magkabuhol-buhol ang polisiya hindi maging, sabi niyo, over-simplistic ang mga solusyon sa komplikadong mga problema ay kung may sapat tayong datos para mapag-aralan, para mapagbasehan ang anumang sagot at tanong sa solusyon sa problema na atin ipapanukala.
Bilang huling halimbawa, tinanong ko Philippine Statistics Authority noon nung humihingi sila ng budget para sa census. Gaano ba kadalas ginagawa ang census? Sabi nila, Sir anong ibig sabihin mo? Every 5 years ba? Every 3 ba? Every 8 years? Every 10 years? Every year? ‘Yung iba ba dapat kada taon ating kinukuha ang impormasyon? ‘Yung iba ba kada tatlong taon? ‘Yung iba ba kada walang taon? Hindi maintindihan ang tanong dahil ang sagot sa akin, kada limang taon lang ho kasi pinopondohan ‘yung aming census. Hindi ba dapat kunin natin ‘yung datos kada taon kung kinakailangan kada taon, kada limang taon kung kinakailangan kada limang taon, kada buwan kung kinakailangan kada buwan. Upang sa gayon ay magkaroon tayo ng sapat na kaalaman para magbigay ng panukala at solusyon sa mabibigat na problema ng ating bansa.
Bilang huling halimbawa na ulit, matagal na kami ni Alan sa gobyerno at naranasan namin ‘yan. ‘Pag may gusto kaming i-procure na computer tatanungin namin ‘yung pinaka-tech-savvy na empleyado namin at ng gagawin ng empleyado naming na pinaka-tech-savvy tatanungin ‘yung kaibigan niya ‘’yung may computer shop. Ano ba ‘yung pinakamagandang computer ngayon? Government does not even have the data or knowledge of what kind of computer it needs to do to do the job done with respect to any department.
The same as true with every department, for every sector that we are facing a lot of problems with. We simply lack data. Nagpapasalamat ako merong CAMP. Nagpapasalamat din ako sana mapakinabangan ng pamahalaan ng DOST kung saan ang inyong chairman ay naging dating kalihim dahil malaki ang papel na gagampanan talaga nila para mahanapan natin ng simple at abot-kayang solusyon. Ang malalaking problema na kinakaharap natin na hindi lamang simplistic lamang ang approach gaya nang sabi niyo sa mabibigat at komplikadong problema tulad nito. Sorry my five minutes is up.
PARTING MESSAGE:
EO: Your parting message to us because we want to have first of all we are so thankful. We’re supporting you and of course, you’re going to win anyway. But we want to be with you as you take that important seat. And we want not only to ask you, to help us, we want you to tell us what we can do to help you because as you said we want to be part of it. We want to be with you with your efforts. Governor Chiz, kayo muna po.
CHIZ: May kasabihan tayo, kalabaw lang ang hindi tumatanda para related tayo sa agrikultura pero napansin ko sa ating lahat—lahat ng mga advocates ng agrikultura at sektor ng agrikultura tulad ng ating magsasaka at mangingisda ay hindi bumabata at tumatanda na rin kaya sana ang inyong sektor at inyong hanay na pinaglalaban. At hindi tinatantanan ng pagbabagong kailangang makamit sa agrikultura sana mapasukan din ng mas makakabatang henerasyon at saling-lahi para maipagpatuloy ang inyong mga hangarin at layunin sa sektor ng agrikultura.
Nais ko na lamang siguro banggitin bilang pangwakas na nakilahok ako sa forum na ito hindi lamang para sumagot ng tanong pero para makinig at matuto rin at sana matapos ang halalan magwagi man o hindi kami ni Senator Alan ay magpatuloy ang pakikipag-usap at diyalogo hindi lamang ulitin ko sumagot ng tanong pero matuto tayo sa isa’t isa at makalikha ng polisiya, batas at gawain na tunay na makakatulong sa sektor na malapit sa puso natin at inaasahan ng mas marami nating at mayoriya sa ating mga kababayan.
Nais ko rin pasalamatan si Senator Alan. Karangalan muling makasama siya sa isang forum at matagal-tagal na rin tayo hindi nagkakasama, miss you at sana pareho tayong magwagi sa halalan. Bilang tulong Sir tulad lamang ng typical na pangangampanya siguro na mabanggit masabi kung ano ang layunin, anong plataporma, anong gagawin at maiaalok namin.
Sa parte siguro naming dalawa ni Senator Alan dahil sa aming karanasan dahil sa anumang angking talino at talento meron kami ang aming inaalay ay siguradong desisyon at direksyon at solusyon. Hindi lamang sa problema sa agrikultura pero sa bawat sektor ng ating lipunan. Sa laki ng problema ng ating bansa dapat all hands-on deck. Sinumang may maiaalok, alukin na niya mag-ambag na siya dahil kailangan ng tulong ng bawat Pilipino.
At sa hangarin ko sa darating na halalan at sinumang magiging presidente ng ating bansa sana maging bukas siya na hingin ng tulong ng bawat isa dahil sinumang mananalong presidente, senador, governor o mayor hindi niya kakayanin na nag-iisa o kasama lamang ang mga kapartido o kaibigan niya. Kailangan ng tulong ng bawat isa, all hands-on deck, ika nga, upang sa gayon sabay-sabay makaahon sa pandemyang ito. At maniwala tayo matatapos din ito, lilipas din ito at magwawakas din ito. Sana lang bigyan pa rin tayo ng Panginoon nang sapat na lakas para harapin ang mga bagong pagsubok na kahaharapin natin bilang isang bansa at bilang isang lahi. Maraming salamat po sa pagkakataon. Alan, maraming salamat, see you soon. At sa muli mag-ingat po ang bawat isa at magandang umaga po sa inyo.
EO: Salamat, Gov. Chiz. All hands-on deck kasama kami doon.