ON THE PASSING OF TARLAC REP. CHARLIE COJUANGCO

 

Ako at ang aking maybahay na si Heart Evangelista ay nagpapahatid ng tao-pusong pakikiramay sa pamilya at mga naulilang mga mahal sa buhay ni Tarlac First District Rep. Charlie O. Cojuangco.

Nakikiisa rin ang lalawigan ng Sorsogon sa pagdadalamhati ng kanyang mga taga-distrito sa Tarlac at sa mga taga-Negros Occidental na minsan rin ay kanyang pinagsilbihan. Hindi lamang kapartido sa Nationalist People’s Coalition (NPC) ang turing ko kay Charlie kundi isang tunay na kaibigan. Nagkasama kami sa House of Representatives ng siyam na taon mula 1998 hanggang 2007 noong sya ang kinatawan ng Fourth District ng Negros Occidental.

Mula noon ay marami na kaming pinagsamahan bilang kapwa mambabatas na nagsisilbi sa bayan at bilang magkaibigan. Nakakalungkot ang kanyang pagpanaw at kasama ako sa mga nagdarasal para sa kapayapaan ng kanyang kaluluwa.

Sa muli, ang aking dasal at pakikiramay kay Mrs. Czarina Cojuangco, mga anak na sila Claudia and Jaime, at sa buong pamilya Cojuangco.