RATSADA BALITA EXTENDED

 

ALLAN AMISTOSO (AA): Sinasabi din ng Ombudsman na korapsyon na nawawala sa kaban ng gobyerno mga around Php700-M plus a year. Billion pala.

GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Billion iyon, Allan. At kaya ko sinabing kulang kulang isang bilyon dahil hindi pa sinabi Ombudsman iyong lagay sa BIR. Iyong lagay sa pagbibigay ng permit. Lagay sa pagbibigay ng lisensiya.

AA: Medyo nakakalungkot po iyan at sana kung mawawala iyong mga korupsyon na iyan, Senator Chiz. Kayo po ba ay naniniwala na talagang kayang sugpuin itong korapsyon na nangyayari po sa ating pamahalaan, Sir?

CHIZ: Simple lang ang aking prinsipyo, discretion equals corruption. Kapag walang pagdedesisyunan ang sinumang opisyal  at dapat lang niyang gawin ang trabaho niya, mawawala din ang korupsyon. Minimium discretion, minimum corruption. No discretion, no corruption. At siyempre, dapat sampolan natin iyong pinakamalaking pagnanakaw para matakot na lahat sa baba. Ito ang ipinakita namin sa mga nagdaang panahon at sa 23 taon ko na, Allan sa paninilbihan sa gobyerno. Ni minsan, hindi ako naakusahan ng anumang uri ng corruption sa pamahalaan o maski sa pribadong sektor.

AA: May pag-asa pa rin, Senator Chiz.

CHIZ: Meron palagi, Allan. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa.

AA: Alright. Puntahan ko iyong mga pakay ninyo po dito sa pagbisita ninyo sa Eastern Visayas, pupuwede po bang malaman, Senator Chiz, kung ano po ang mga agenda natin today?

CHIZ: Pangalawang araw pa lamang ng paglilibot ko at pangangampanya, Allan. Dahil may trabaho ako bilang gobernador sa Sorsogon. Kahapon, nanggaling kami ng Cebu, Bohol at Negros Oriental at ngayon, nandito kami sa Tacloban at mamaya tutulak kami ng Calbayog at Catarman.  Para sa gayon ay makipagpulong sa ilang mga grupo at supporters natin doon at gayundin mag-kortesiya sa ilang local officials. Medyo naipit nga kami sa schedule kaya babawi na lang ako Allan, pangako.

AA: OK po, Senator Chiz. At kami po ay nagagalak kung ma-visit niyo po kami personally sa office namin pero medyo payak lang ito at medyo hindi kalakihan ito. But anyway, mga tao dito ay malalaki naman ang mga puso so OK na po ‘yun siguro enough na po ‘yun.

CHIZ:  Maraming salamat, Allan.

AA: Lastly, Senator, nalaman namin na papunta ka po ng Calbayog ano, isa po sa pinag-uusapan namin kanina. Kanina pa actually, sa mga balita ni Jo nakakabahala na ‘yung mga nangyayari na po doon sa first district po ng Samar. Anyway, nandoon ‘yung presensya ng sinasabing private armed groups at nandiyan din po ‘yung problema ng insurhensiya noong mga presensya po ng NPA. Sa palagay niyo po, ano po ba yung mga dapat gawin para masugpo na po itong mga karahasan na nangyayari po doon sa may Samar area po, Senator? Sa tingin niyo po?

CHIZ: Law enforcement po ang private armed groups. Kaugnay naman sa insurhensiya malaki ang naitulong at nagawa ng whole-of-nation approach ng NTF-ELCAC lalo na yung Barangay Development Program. Sa aming lalawigan na lamang kung saan 16 na barangay ang nakatanggap ng Php20-M. Napakalaking bagay para sa kanila at napakalaking pagbabago sa buhay ng aming kababayan do’n. Sana nga’y nagpatuloy ito pero hindi pinagbigyan ng Senado noong nakaraang budget session. Pipilitin ko hong ako’y makabalik na matiyak na iyan ay mabibigay sa mga mahihirap na barangay sa ating bansa.

AA: Alright, so, kung kayo po ay manalo, push pa rin po itong funding para sa whole-of-the-nation approach po, Senator Chiz?

CHIZ: Partikular Allan sa Barangay Development Program nila.

AA: Alright, sige po. Anyway, Senator Chiz, maraming salamat po sa oras na ipinagkaloob niyo sa amin this morning at good luck po at ingat ka po sa iyong paglilibot po dito sa Eastern Visayas.

CHIZ: Sa muli, Allan maraming salamat at pagbati na lamang sa ating mga kababayan (greets in local language). Thank you and good morning!