THE SOURCE

 

PINKY WEBB (PW): He is gunning a Senate comeback as a guest candidate under the slates of Ping Lacson, Manny Pacquiao, Leni Robredo. He is also endorsed by VP candidate Sara Duterte. Let us go to the source of the story: we have Sorsogon Governor and senatorial candidate Chiz Escudero. Governor Chiz, welcome to The Source. It’s been a while. Thank you so much for giving us your time.

GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Hi Pinky, karangalan ko na maging bahagi ng programa mo at pagbati. Magandang umaga sa lahat ng ating taga-subaybay.

PW: I am sure you have been very busy, Governor. But before we get into the campaign, I just want to talk about the recent presidential debate that CNN had over the weekend. Siyempre, nandoon din ang vice presidential debate.

Doon po sa presidential debate, nag-tweet po kayo, “All did well but Sec. Abella, Senator Lacson and VP Leni stood out.” Idinagdag ninyo pa kung bakit? Ang sabi ninyo, si Sec Abella at Senator Ping showed their vast experience. Let me ask you, what made you say this?

CHIZ: Base sa mga sagot nila, base rin sa mga katanungan ninyo, hindi maikakaila na siguro si Senator Lacson ang may pinakamahabang karanasan sa mga tumatakbong kandidato, sa gobyerno at paninilbihan sa taong-bayan at marahil wala ka ng puwedeng ibato na bagong problema na hindi pa niya nakikita at hindi pa niya napagdaanan na siyang ipinakita noong debate.

PW: Vice President Leni, ang sabi ninyo po, “very presidentiable, full of substance to the point and humble yet confident”. Bakit ninyo po nasabi ito?

CHIZ: Base sa kanyang kasuotan, Pinky na hindi rin maikakaila na nakita rin ng marami.  Gayundin sa kanyang mga sagot. Sa mahabang panahon nitong mga nagdaang lingo, maraming bumabatikos kay President Leni kaugnay sa paggamit ng mga salita katulad ng “lugaw”, “luting” at kung anu-anong salita na ginagamit laban sa kanya. Pero, ipinakita niya roon na hindi. Malayo sa mga katagang iyong kanyang kakayahan gayundin ang pagsagot sa mga katanungang ibinigay, binato at ipinukol ninyo sa kanya na hindi madadali, Pinky ha. Kabilang na ang pagsabi niya na hindi siya tatakbo. Bakit siya tumatakbo ngayon? Hindi naging madali ang mga ipinukol ninyong tanong sa mga kandidatong nag-appear sa debate.

PW: Kayo, ang sagot ninyo doon, ang tagal ninyong sumagot noong 2016. ‘Di ba, isa kayo sa pinakahuling nagtaas ng “yes” or “no”.

CHIZ: Hindi ko na maalala, Pinky.

PW: Naalala ko po iyong video. Medyo tumitingin kayo sa kaliwa at kanan at medyo nagtagal iyon.

CHIZ: Tumatanda na at may nakakalimutan na rin naman.

PW: Opo. OK. I just wanted to ask you, ano ang tumatak para sa inyo doon sa presidential debate in terms of policies doon sa mga naging sagot ng kandidato. You can choose whoever. Of course, the question is “sino sa kanila ang tumatak in terms of sa kanilang mga naging sagot sa kahit na ano pa”?

CHIZ: Iyong pagkakaiba ng sagot ang mas napansin ko, Pinky. Halimbawa, iyong posisyon ni Senator Lacson at ni Mayor Isko kaugnay sa posisyon an kukunin ng ating bansa. Personally, mas pinaboran ko ang posisyon ni Senator Lacson. Nagbigay din ako ng pahayag kaugnay nun na marapat at dapat na habang pinapanatili nating ligtas ang ating mga kababayan ay huwag nating kalimutan na may trabaho at prinsipyo tayong isinusulong bilang isang bansa, sa mas nakararaming bansa sa mundo sa pakikipaglaban ng kapayapaan at labanan ang anumang form of aggression at pakikidigmaan na hindi naman nararapat at labag sa right to self-determination ng mga malalayong bansa katulad ng Ukraine.

PW:  Na-mention po iyong inyong sinabi, “I don’t believe we should remain neutral regarding this topic.” You said, there is a development on this -the DFA issue. A statement regarding this but I want to talk about that a little later on as part of our current issues.

Another question we’ve asked the candidates was when we were talking about corruption, anong unang ahensiya ang kanilang iimbestigahan sakaling sila ay maging pangulo. Lahat po sila sinabi BOC. Si Senator Manny Pacquaio, ang isinagot po niya ay DOH. What are your thoughts on that? We have nine candidates – eight – of them saying that ang uunahin nila ay BOC.

CHIZ: Pinakatalamak naman talaga ang corruption at nakikita natin sa BOC, BIR at kabilang na ang DOH noong mga nagdaang buwan. Pinky, para sa akin, simple lang naman sana ang solusyon sa corruption. Discretion, para sa akin, always equals corruption. Minimize discretion, you minimize corruption. Eliminate discretion, you eliminate corruption. Para systemic iyong pagpipigil natin sa corruption, kinakailangan na hanapin natin iyong mga area na nagdedesisyon at may kalayaang magdesisyon ang iba’t ibang opisyal. Subukan nating bawasan o bantayan ‘yon. ‘Pag nagawa natin ‘yan mapapabawasan na rin ang corruption.

Halimbawa sa Bureau of Customs, ang pinakamalaking source d’yan o ang pinagkukunan ng corruption ay uupuan lang nila ‘yung dokumento mo magugulpi ka na sa arrastre, kailangan mo na makipag usap at magbayad para lamang ma-proseso ‘yung papeles mo, ito’y madaling masosolusyonan sa pamamagitan ng FIFO o first in, first out, kung anong unang barko ang dumating ‘yan ang unang poproseso bago iproseso ang iba. Hindi mo puwedeng unahin ‘yung huling barko o kargamentong dumating doon sa naunang dumating.

At madalas kong sinasabi , minsan pabiro pero seryoso, pakita natin ang mga la mesa at uniporme ng mga taga-Bureau of Customs, piliin natin ang mga lamesang walang drawer, at tsaka mga unipormeng walang bulsa, bigyan na lang natin sila ng locker para lagyan ng kanilang mga gamit.

PW: But that’s the thing, if it’s first in, first out the problem there that even if that is implemented, how can we be assured na ang uunahin nila ay ‘yung first in? Kasi human intervention pa rin ‘yon.

CHIZ: Hindi Pinky, first in first out nagamit na ‘yan sa ilang ahensya ng pamahalaan partikular sa DBM, kung saan may bali-balitang corruption noon. Naayos ‘yan, nalinis ‘yan ni dating Secretary, the late Secretary Emi Boncodin, na in-adopt ‘yung first in first out, kung anong unang voucher ang dumating, ‘yan ang babayaran. Walang palakasan na bayaran muna si, ang distritong ‘to, ang probinsyang ‘to, ang munisipyong ‘to, walang ganon. Kung sino ang unang naningil, sila rin ang unang mababayaran, tinatakan nila ng numero ‘yun. Hindi puwedeng bayaran si voucher number 25 nang hindi pa nababayaran si voucher 24, si voucher number 8, voucher number 7…

PW: I see.

CHIZ: So, nakapila ‘yun, nabawasan ang away at ‘yung expectation naging maliwanag. So ang Customs ay nasa cargo number 25 at ikaw ay cargo number 70, makakaasa ka darating at darating pa rin sa iyo ‘yan, hindi mo kailangan magbayad, lumapit o kumatok, darating sa iyo ‘yan dahil hindi nila puwedeng i-proseso ang cargo number 71 nang hindi natatapos ‘yung cargo number 70 mo.

PW: I understand, just a last question on the debates, Sir. Were you discouraging or how did you feel when we were asking the presidential candidates who would be part of their economic team, of course that’s a very important question knowing that, well because of the situation were in, or was it, would it have been better for you had they named particular members of the economic team?

CHIZ: Maaga pa naman, Pinky, wala pa tayo sa kalahati ng kampanya sa bandang dulo ng Marso pero inaasahan ko bago matapos ang kampanyahan, bago dumating ang araw ng halalan, makikita natin ang mga mukha at pangalan sa likod ng mga tumatakbo na puwedeng magbigay sa atin ng kompiyansa sa kanilang magiging administrasyon.

Sa totoo lang, Pinky, sinumang tumatakbong presidente sa ngayon, dapat meron ng, ika nga, shadow cabinet, ito ang mga eksperto sa iba’t ibang sektor ng gobyerno na magbibigay na ng payo sa kanya policy wise sa talumpating ibibigay nila. Para ‘pag manalo sila o sino man ang manalo, they can, ika nga, hit the ground running, dahil may kumpleto na silang tao at least sa mga major departamento na maaari nang magsimula ng trabaho para sa pagsumpa ng June 30 agad silang makakagalaw at makakakilos.

PW: We’re gonna talk about current issues, Governor Chiz Escudero. Sinasanay ko pa po ‘yung sarili ko sa “Governor Chiz” kasi nga napakatangal naging senador.

Alert level 1, we need to get your, I wanna get your thoughts on this, calling this of course the new normal but we need to take a very short break, The Source will be right back.

You’re watching The Source on CNN Philippines, I’m Pinky Webb, our guest today is senatorial candidate and Sorsogon Governor Chiz Escudero. Alert level 1, Sir, tinatawag na po itong New Normal today that begins in NCR and 38 other areas. Was this the perfect time to de-escalate to Alert Level 1?

CHIZ: Kabilang na ang Sorsogon sa Alert Level 1, sa ngayon labing-lima lamang ang positibong kaso namin sa lalawigan ng Sorsogon sa populasyon na 1.1 million, Pinky. Pero alam mo mas ninanais ko ibigay na lamang sa mga lokal na pamahalaan, munisipyo, siyudad o probinsya man ang kapangyarihang idetermina at sabihin kung ano nga ba ang alert level na mananaig sa kani-kanilang lokalidad. Malayang mas alam ng mga local chief executive kung ano ang sitwasyon talaga sa kanilang lugar kumpara sa sinumang kalihim, gaano man katalino o kagaling o kaeksperto na magpasya para sa amin kaugnay niyan.

Pangalawa, binabase nila ang alert levels sa positivity rate na tinatawag subalit wala naman tayong mass testing. So, ‘pag sampu ang nagpa-test, pito ang nagpositibo sasabihin nila 70% positivity mataas dapat mataas din ang alert level. Wala naman tayong mass testing, Pinky. Kapag ka nagpapa-test ka, usually may nararamdaman ka at hindi naman nagpapa-test yung walang nararamdaman. So, madalas mataas talaga yung positivity rate na tinatawag sa kawalan ng mass testing. Ang mas nais kong tignang data o figure ay ito yung bilang na nagpopositibo kumpara sa bilang ng nagre-recover. Kapag ka mas mataas na yung bilang ng nagre-recover, makakaasa kayo pababa na ang anumang surge. At makikita mo unti-unti na rin, bababa ‘yung kaso ‘pag ka sunud-sunod na araw mataas ang recovery kumpara sa bagong positibong kaso.

Pero balikan ko, sana pagpasyahan ng DOH at IATF na i-devolve, i-delegate ang kapangyarihang ‘yan na magdetermina ng alert levels sa mga lokal na pamahalaan. Mas maraming best practices akong nakita sa mga probinsya at gayundin sa mga siyudad at munisipyo sa ating bansa na puwede pang pagbunutan ng aral ng IATF at DOH kumpara sa pilit kaming pinapasunod sa ilang kautusan na hindi naman bagay o angkop sa aming lugar.

PW: OK, while there is a point there that you’ve mentioned to allow areas Gov ‘yun pong mga cities and provinces to declare their own alert levels kasi kayo naman ‘yung nasa ground. Just a quick question on that, what about the kind of confusion that will cause the public? Sabihin po natin NCR nasa Alert Level 1 pupunta ka sa isang lugar, “Ay naku, Alert Level 3 pala dito.” How do you see that being resolve?

CHIZ: Baliktarin din natin, Pinky, sa NCR dinideklara nila bilang isang lugar, kami sa Bicol Region dinideklara rin nila kami ng alert level bilang isang rehiyon. Napakababa na ng kaso namin. Mataas ang kaso sa iba. Hihintayin namin at kailangan naming sumabay sa aming rehiyon. So, baliktad ‘yon. Sa NCR bilang isang rehiyon sila pagpasyahan. Pagdating naman sa mga probinsya, kada probinsya sana dapat dahil hindi naman tulad ng NCR na tumawid ka lang ng kalye ay nasa San Juan ka na. Tumawid ka lang ng kalye nasa Mandaluyong ka na o nasa Quezon City ka na. May mekanismo naman para diyan tulad ng Metro Manila Commission na binubuo ng mga mayor na puwede nilang pagpasyahan ang NCR.

PW: MMC ho pala. Okay, still other current issues we need to talk about. Napakataas na po ng presyo ng gasolina, diesel, kerosene. Nine increases since the start of the year of course world prices of oil have gone over a hundred dollars per barrel. Is it time you think to suspend VAT or excise taxes?

CHIZ: Suspend or lower VAT and excise taxes kasi Pinky mayroong windfall ang pamahalaan habang tumataas ang presyo lalo na ang VAT. Sabihin mo ng 10% hindi 12% dahil mahirap mag-compute. ‘Pag Php40 ang gasolina, Php40 kada litro ang nakukuha ng gobyerno. ‘Pag maging Php70 ‘yan, magiging Php6 ang buwis ng gobyerno kada litro. Nakakadagdag sa pagtaas at lumalaki pa ang kita ng gobyerno habang ang pasanin ni Juan Dela Cruz na Pilipino ay mas pinabibigat pa ng mga buwis na ‘yan. Tama ka panahon para babaan ‘yan o kung hindi man lagyan ng mekanismo para hindi na kailangan ng batas. Puwede ng gawin ng BIR o Department of Finance mismo dahil ang target naman talaga nila halimbawa ay Php4 kada litro ang buwis. Huwag naman silang kumita pa ng mas malaki at maging Php6 kada litro porket lamang tumaas ang presyo ng langis. Pero hindi lamang ito–

PW: But Gov. Chiz, sorry po, let me interrupt there. There is a mechanism in place hindi ho ba. If it reaches, if world prices reached over 80 barrels for three consecutive months dito po papasok yung suspension ng excise tax I believe or VAT. But there is a mechanism in place there.

CHIZ: Tama ka, Pinky, nandoon para sa Senado at isa ako sa mga nagsulong ng amendment na ‘yon. At inaasahan ko na ‘yan ang gagawin ng Department of Finance at ng BIR para hindi na kinakailangan ng panibagong batas. Pero para kalahatiin mo ‘yung rate at ‘yung buwis na pinapataw excise man o VAT sa panahong ito, kinakailangan pa rin ng panibagong batas ng Kongreso.

PW: OK. And Russia-Ukraine you already made your position known here of course the latest is that the Philippines already voted yes to the United Nations General Assembly Resolution condemning the invasion on Ukraine. Would you care to react to that? At least you made your position nun and I think way back about two weeks ago sometime in February, second week of February you were already pushing for humanitarian flights in Ukraine.

CHIZ: Tama ka, Pinky, bago pa sana pumutok at sumiklab ang giyera dahil ngayon binomba na ng Russia karamihan ng airports sa Ukraine at kinakailangan na kung ililikas natin ang ating mga kababayan dadaan na sila sa ibang bansa katulad ng Poland.

PW: Poland.

CHIZ: Banggitin ko lang, Pinky, actually nagulat ako kung bakit ang Secretary of National Defense ang nagsalita kaugnay sa isang bagay na may kinalaman sa foreign policy na dapat tayong manatiling neutral sa bagay na ‘yon. Binabati ko at nagpapasalamat ako kay Secretary Teddy Boy Locsin na pinangunahan ang Department of Foreign Affairs ang tama sa pananaw ko na posisyon ng ating bansa kaugnay sa bagay na ito, na dapat sumabay tayo sa ibang bansa mundo na kondenahin ang anumang aggressive war o aggression laban sa isang malaya at independent na bansa. Hindi natin alam kung ito’y mangyayari sa atin sa hindi malayong hinaharap o malayong hinaharap at tayo naman ang mangangailangan ng tulong at suporta at pagkilala mula sa ibang bansa na nagnanais din ng kapayapaan.

PW: Last topic on current issues Sir ito pong sa e-sabong meron nang naging hearing si Senator Bato Dela Rosa hinggil dito. Senate President Tito Sotto was saying that according to Senator Bato, sinabi daw ni Pangulo na isu-suspend muna yung e-sabong and of course kayo po ay governor right now but sakaling nandiyan po kayo sa Senado, do you think it is time to suspend e-sabong because there’s a part here. Sir, I don’t know if you will agree that Senator Joel Villanueva is saying that you know regulating this via PAGCOR is not actually part and parcel of the PAGCOR Charter.

CHIZ: Hindi ko na susubaybayan ang bagay na ‘yan gaano, Pinky, nitong nagdaang araw. Alam ko lamanag ay may hearing na darating na Biyernes dahil nabanggit ni Senate President Tito Sotto ‘yan dahil bibisita sila sa lalawigan ng Sorsogon isang araw bago n’on.

Pero para sa akin Pinky, liwanagin ko ilang bagay; walang kapangyarihan ang gobernadora o ang mayor kaugnay dito sa e-sabong. Ito’y prangkisang binigay ng PAGCOR at ang nagre-regulate lamang sa kanila ay PAGCOR. Ang puwedeng magsuspinde kung saka-sakali sa operasyon o lisensya ay PAGCOR din na alam naman natin in-appoint ng Pangulo ang mga nakaupong presidente, chairman at miyembro ng board ng PAGCOR, sila lamang ang may kapangyarihang magsuspinde ng e-sabong kung kanilang nanaisin o gugustuhin. Walang poder o kapangyarihan ang mga lokal na pamahalaan dito ni hindi nila kailangang kumuha ng lisensya, Pinky, sa mga lokal na pamahalaan para magkaroon ng ganyang pasilidad dahil sa pamamagitan lamang ng telepono o computer ‘yan. Ano man ang magiging pasya ng (inaudile) kaugnay sa bagay na ‘yan.

PW: But are you for e-sabong or not?

CHIZ: Hindi ako nagsasabong, Pinky, kaya hindi ko gaanong alam ang larong iyan. Sabong man na totoo o e-sabong hindi. Ang nakikita ko lang ilan sa mga kaibigan ko na ginagawa nila ‘yan. Siguro ang puwede review-hin, tignan nakabubuti ba o nakasasama?

Ngayong may imbestigasyon, marapat bang suspendihin? Nasa kamay ng PAGCOR gayundin ang rekomendasyon ng Senado kung ano ang mas marapat gawin kaugnay sa bagay na ‘yan, Pinky. Ayokong panghimasukan dahil sa delicadeza siguro ang bagay na ‘yan na iniimbestigahan ng mga dati kong kasamahan sa Senado na hindi naman ako bahagi sa ngayon.

PW: OK. Dati mong kasamahan at posibleng maibalik po kayo if we were to look at the latest Pulse Asia Survey, kayo po number 2 to number 5. But we need to take a very short break. We’re gonna ask you about your ranking and of course your plans for Senate comeback. We’ll be right back.

You are watching The Source on CNN Philippines, I’m Pinky Webb. Our guest today is senatorial candidate and Sorsogon Governor Chiz Escudero. Number 2 to 5 ranking sa Pulse Asia, ano ho ba ang pakiramdam ng isang tumatakbo na nasa top 5? Puspusan pa rin ho ba ang iyong pangangampanya?

CHIZ: Puspusan pa rin, Pinky, dahil paniniwala ko sa mga surveys, snapshot lamang ‘yan kaya sino man ang mataas ‘di dapat magyabang at maging komportable, sino man ang mababa hindi dapat mainis o magalit, tuloy-tuloy lang dahil sa dulo sa araw pa rin naman ng eleksyon at hindi sa survey binibilang ang boto kung sino ang mananalo at kung sino ang hindi. Ang problema ko lamang ay hindi katulad ng ibang kumakandidato, may trabaho akong kailangang gampanan sa lalawigan ng Sorsogon bilang gobernador at hindi ako 24/7, araw-araw pwedeng makaikot tulad ng kandidatong walang pinanghahawakang parehong responsibilidad.

PW: But why make a Senate comeback? What it is about the Senate that makes you want to be a Senator again and not remain as Governor?

CHIZ: Pangunahin, Pinky, ‘yung pandemya. Dahil sa bigat ng problema ng bansa kahit na anong galing ang ibuhos, kahit anong talento, kahit mag-tumbling, magsasayaw, magsirko ako sa lalawigan ng Sorsogon bilang gobernador may hangganan ang aming mararating kung hindi sabay-sabay aangat ang ibang lalawigan at ang buong bansa.

Bilang senador matutulungan ko pa rin naman hindi lang aming lalawigan pati na rin ang aming rehiyon dahil noong pandemya nagising kami sa realidad na hindi kakayaning umangat ang lalawigan ng Sorsogon kundi sabay-sabay aangat lahat at sa bigat ng problema ng bansa natin Pinky, ika nga, ito yung mga panahon na dapat all hands-on deck.  Sinumang may maiaalay, maiaambag ng galing at talento, karanasan o dunong dapat ialok at iambag niya sa muling pagbangon ng ating bansa at pag-ikot ng ating ekonomiya.

PW: You are a guest candidate of Vice President Leni Robredo, Senator Ping Lacson, Senator Manny Pacquiao and of course vice-presidential candidate Sara Duterte.  Ano ho ba ang plano ninyo?  Meron ho ba kayong sasamahang mga sorties o kayo ho lang ba talaga?

CHIZ: To begin with, Pinky, hindi ako nanampalataya ika nga motorcade, caravan or rally dahil kung hindi naman ako magsasayaw, magpapatawa o kakanta sa rally boring akong pakinggan sa malaking pagtitipon tulad niyan.

Pangalawa, tama ka, in-adopt nila ako at nagpapasalamat ako sa kanilang tiwala at paniniwala.  At hindi lang naman ako nag-iisa, Pinky.  May mga ibang kandidato na in-adopt ng ibang presidential candidates.  Ang tingin ko rito ay nakahanap ng common ground ang nagtutunggaling mga kandidato sa pagkapangulo imbes na batikusin o tingnan ng iba na masama o mali niyan siguro mas maganda positibong bagay ang pagkakaroon ng common ground.

Nagkataon sa mga kandidato pero ibig sabihin may posibilidad din ng magkaroon ng tinatawag nating common ground ang presidentiable depende kung sino ang mananalo sa kanila.  May pagkakasunduan pa naman sila.  Ang layunin natin padamihin ‘yung pagkasunduan nila alang-alang sa ating bansa at sa ating mga kababayan.

PW:  Definitely favorable for senatorial candidates to be a common candidate.  But the question some people would be asking nasaan ang loyalty nitong kandidatong ‘to?  So iyon po ang tanong ko sa inyo.  ‘Pag tinanong ho kayo, kanino ba ho kayo?  Kay VP Leni?  Kay Senator Ping Lacson?  Kay Senator Manny Pacquiao?  O kay vice presidential candidate Sara Duterte?  Kanino ho kayo?

CHIZ: Simulan natin Pinky sa pagsabi na sila ang nagsabing at nag-alok na ia-adopt ang aming kandidatura bilang bahagi ng kanilang slate.  Marahil sa ibang in-adopt din nila ganoon iyon.  Hindi naman po kami lumapit at nag-apply nangako ng anuman.  Karangalan para sa amin maging bahagi ng kanilang slate nung inalok nila ako nung in-adopt ako sa slate nila agaran akong nagpasalamat.

Wala silang hiniling na kapalit na endorsement, Pinky, nung ginawa nila ‘yan.  At para sa akin, buti ‘yung iba nating mga kababayan nakapagpasya na rin kung sino ang iboboto pagdating ng eleksyon pero sagot pa lamang sa mga tanong at forum at debate ang ating naririnig.

Wala pa namang talagang eksaktong paglalahad ng mga plataporma kaugnay sa gagawin nila kung saka-sakaling sila ang maluluklok bilang pangulo kabilang na yung pinag-usapan natin kanina na mga eksperto o mga taong bubuo ng kanilang gabinete kung saka-sakali.  Proseso ito nalalaman ko wala pa siguro tayo sa puntong iyun na may maglalahad sila konkretong plano kaugnay ng mga mabibigat na problemang kinakaharap natin.

Halimbawa, wala pa namang nagsasabi na para matulungan ang magsasaka at umangat ang agrikultura sa bansa maglalagay ako ng Php300-B mula sa Php8-B lamang sa Department of Agriculture para matulungan ang pinakamahirap na Pilipino.

Wala pang nagsasabi halimbawa, bubuksan ko ang Pilipinas.  Tama na ‘yang lockdown harapin natin ito buong-buo at alam na natin kung ano ang kailangan gawin at dapat shared responsibility yan sa pagitan na ng mamamayan at ng gobyerno.

At hindi puwedeng puro gobyerno na lamang ang nagbibigay.  Wala pa akong naririnig nagsasabing magtatag tayo ng strategic oil reserve ng Pilipinas kung saan bibili tayo kapag mura ang presyo iimbak, i-istock natin para sa gayon pagmataas ang presyo i-release natin itong murang bili nating produktong petrolyo para mapababa ‘yung presyo.

Sana marinig natin sa mga susunod na araw at linggo at hindi ‘yung sagot lamang sa tanong, sa interview o sa debate pero aktuwal na paglalahad ng kabuuang plano kung saka-sakali sila ang mananalo sa darating na eleksyon.

PW:  Sir, we ran out of time and I just want to say also that Sorsogon is open to all candidates.  Ginawa niyo po itong open para sa mga kandidatong pupunta sa inyo.  So, as Governor Chiz Escudero, Sir, maraming salamat po sa inyong oras and of course good luck to you.

CHIZ: Maraming salamat, Pinky, sa muli magandang umaga sa inyo at ingat kayong lahat!