NIMFA RAVELO (NR): Good morning po, Senator Escudero.
ISA UMALI (IU): Good morning po.
SENATOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Nimfa, Isa magandang umaga sa inyo at sa lahat ng taga-subaybay magandang umaga din po. Ba’t hindi ko kayo makita sa Zoom, Nimfa, Isa?
IU: Ipa-check natin.
NR: Pero Sir, nakikita naming kayo
IU: Kitang-kita namin kayo. Ang inyong glow.
CHIZ: Ang nakikita ko lang DZBB.
NR: Ganoon ho ba? Ayusin ninyo hindi makita ni Sir ang beauty natin.
CHIZ: Oo nga.
NR: Alangan naman si Sir lang ang guwapo? Senator, habang inaayos po ano ay tayo po ay mag-start ng talakayan. Senator, ang dami niyong concerns dito sa Maharlika Investment Fund Bill na may certification ng Pangulo, ibig sabihin na urgent, ibig sabihin minamadali.
IU: Yes. Urgent.
NR: Sir, doon sa unang pagdinig pa lang ang dami niyong concern. Ssa inyo na po manggaling, una siguro, kasi ang dami, source ng pondo, sinong mangangasiwa ng pondo, saan gagamitin ‘yong pondo na tinatawag na Maharlika Investment Fund. Senator Escudero, patulong po sa talakayan.
IU: Simulan niyo na.
CHIZ: Liwanagin ko muna Nimfa, Isa hindi pa certified ‘yang bill na ‘yan sa Senado. Nase-certify lamang ang bill kapag may committee report na dahil ‘yong numero minsan nagbabago lalo na kung may substitute bill na ipa-file.
NR: So, Sir meron certification Sir sa House.
CHIZ: Ano?
NR: May certification po para sa House ‘yon, sa Senate wala?
IU: House of Representatives.
CHIZ: Para sa House ‘yon. Sa Senado wala pa Nimfa dahil wala pang committee report. Uulitin ko, ‘pag nag-certify kasi sila ng Senate bill at binago ‘yan nag-file ng substitute bill magbabago ‘yung numero. Panibagong certification na nanaman ‘yan. So, by practice sine-certify lamang ang isang bill matapos itong lumabas sa kumite at may committee report na.
NR: Ayon. So ‘yong certification of urgent na ‘yon ibig sabihin pala n’on mailabas lang kaagad sa House at maiakyat sa Senate.
IU: Malinaw.
CHIZ: Sa Kamara pa lang ‘yon Nimfa. Ngayon, bilang pagliliwanag hindi na natin iisa-isahin simulan na muna natin sa iisang bagay. Ano ba ang layunin at pakay nila dito sa Maharlika Investment Corporation o Maharlika Investment Fund? Importante ito dahil ‘yan ang magdidikta kung saan kukunin ang pondo. Saan i-invest? May ROI bang aasahan ‘yong mga mag-i-invest o wala?
Bigyan ko kayo ng halimbawa sa mahigit kumulang limangpu, 48 to be exact, na sovereign wealth fund sa buong mundo sa iba’t ibang bansa. Iba’t iba ang layunin at pakay at clinassify na po ‘yan ng ilang pag-aaral. Halimbawa, kapag ang isang bansa tulad ng UAE ay nagkaroon ng malaking kita sa pagbebenta ng langis pero paubos na ‘yong langis nila. Nagtayo sila ng sovereign wealth fund para mapangalagaan ‘yung windfall profits nila noong mayroon pa silang langis para makaabot ito sa salinglahi at sa susunod na henerasyon at hindi maubos ng kasalukuyang henerasyon at kasalukuyang administrasyon. So ang kanilang objective preservation of earnings and assets for future generation. ‘Yan ba ang pakay ng Maharlika Investment Fund? Meron ba tayong malaking windfall ika nga o malaking kita na kailangang iisang tabi para sa salinlahi?
Pangalawa, developmental, ‘pag developmental ibig sabihin i-invest mo ‘yong pera para umunlad ang iyong bansa. Tulad ng binabanggit noon sa Kamara, Isa, sa tulay, sa dam, sa kalye pero dapat maliwanag din kung i-invest natin ‘yan sa tulay, sa kalye, sa dam, sa social services saan po manggagaling ‘yong balik n’ong pondo? Saan manggagaling ‘yung kita o ROI ng mga mag-i-invest d’yan tulad na lamang ng Landbank at DBP na kumikita respectively ng 3.7 percent at 7 percent samantalang kung bumili lamang sila ng government security o government bonds kikita nag Landbank at DBP ng 6 percent. So ano nga ba ang balak nila kung d’yan nila ilalagak ‘yong pondo tulad ng nakasaad sa House bill. Nasaan ‘yung ROI ng mga mag-i-invest d’yan? Paano natin mahihikayat ‘yong mga tao na mag-invest d’yan kung wala namang garantisadong ROI o kita kada taon man o sa loob ng limang taon.
Pangatlong objective, Nimfa, Isa ay para palakasin ang pension fund na madalas ay nagkukumahog sa iba’t ibang bansa para may ibang pagkukunan ika nga ng income. Alam natin, halimbawa, na nag-intersect na ang pension at bayad natin sa suweldo ng active na mga sundalo. Dinudugo ang pondo at kaban ng bayan dahil mas malaki na ang binabayaran nating pension sa retiradong sundalo kumpara sa mga active na sundalo. ‘Yan ba ang objective nila? So, kung ‘yan ang objective dapat ang investment sa MIC, MIF palaguin, palakihin para mapunuan ang pagkukulang na ‘yan. Ang pang-apat na objective ay para kumita upang sa gayon mapunuan ang budget deficit. Ang perang nakasaad sa Senate bill bawal daw gastusin ang kita sa infrastructure. So ano ba talaga? Dapat maliwanag sa simula pa lamang ano ba ang pakay, objective, layunin at principal reason kung bakit natin ginagawa ito. Hindi naman siguro dapat nangongopya lang tayo dahil ginagawa na ng iba dapat gawin na rin natin. Hindi naman siguro ganoon kasimple lamang ‘yon.
NR: Ibig sabihin na binanggit niyo po ‘yang apat na ‘yan hindi ‘yon nasasagot pa hangang sa ngayon ng economic managers na para kasing binabanggit nila ito, tinatalakay parang ang rosy rosy ng kanibukasan nitong ating bansa kapag ito ay naisabatas.
IU: Tsaka susugan ko ‘yan partner. Senator Escudero, hindi po ba kayo bilib dito sa Maharlika Investment Fund bill na ito knowing na mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay nagbebenta nito halimbawa noong nakalipas niyang biyahe sa Switzerland.
NR: Si Presidente.
CHIZ: Well, anong ibebenta niya, Isa, kung wala namang klarong balik? Paano siya hihikayat ng investor sa MIF, MIC kung wala namang klarong balik. Ano ba ang kikitain ng mga mag-i-invest diyan na nasa isip ng mga investor or future or possible investors. What is in it for me? Anong mapapala ko d’yan ‘pag nag-invest ako? Walang klarong nakasulat sa panukalang batas na inaprubahan ng Kamara. Wala rin klarong nakasulat doon sa pinanukala sa Senado na bill sa ngayon.
NR: Sir —
CHIZ: Uy wala pa rin ‘yung mga beauty ninyo hindi ko pa nakikita.
NR: Pero Sir, nakikita ka namin nasa ano po Facebook Live po kita naman po tayong tatlo. So walang lamagnan.
CHIZ: Lugi naman hindi ko kayo nakikita dito sa Zoom.
NR: Opo. Sir ito po doon sa pagtalakay para lang masundan ng ating mga listener dito po sa panukalang paglilikha ng Maharlika Investment Fund Bill na ima-manage nung itatatag na Maharlika Investment Corporation paglalagak nang pagpu-pull ng pondo. Kukuha sa Landbank, kukuha sa Development Bank of the Philippines.
IU: Sa DBP.
NR: Sa PAGCOR at uutang. Kasama ‘yung borrowing pero hindi naka-separate letra ‘yung tungkol sa borrowing. Anyway, Sir ‘yong binabanggit Ninyo, Sir, nandoon nga ‘yung pagkukunan ng pondo pero tapos magigig hybrid puwede ring pumasok ‘yong mga private entities hindi ho ba, Sir. Pero hindi klaro doon ‘yong binabanggit ni Sir na ROI o return on investment, hindi klaro kung ano ‘yong magiging kita at paano ‘yong hatian sa kita. Tama ho ba?
CHIZ: Well, ang nakakalagy sa panukalang batas na inihain sa Senado, Nimfa, Isa ay 25% lang ng kita gagastusin para sa social services para sa pinakamahihirap na mga Pilipino at ‘yung balanse ay gagastusin sa ibang programa pa ng gobyerno maliban sa infrastructure ‘yung nakalagay sa bill sa Senado.
NR: Paano kikita ‘yon?
CHIZ: ‘Yan ay saliwa sa sinasabi ng mga nagsulong sa Kamara na ‘yan daw ay gagamitin pang-invest sa infrastructure at bagaman sinabi na may neto wala namang sinabi sa cost. Kasama sa cost ang cost of money. ‘Yan yung ROI na pinag-uusapan natin ang Landbank at DBP. Hindi naman pwedeng pwersahin mo ang Landbank at DBP na magbigay ng Php50-B at hindi ito kikita.
May mga regulasyon ang Bangko Sentral na anumang investment ng mga bangko dapat may mapatunayan silang kita. Ika nga, ‘yung tinatawag nilang regulasyon ng Bangko Sentral at monetary board para sa mga bangko. Kaya ang hiling nga ng Landbank at DBP, Nimfa, Isa, sana huwag ito ibilang sa capital reserve requirement ng Bangko Sentral. Pero kung ganon ang gagawin nila, ang tanong ko ay mas mahalaga siguro bakit hindi ‘yan ginawa ng Bangko Sentral na monetary board para magpahiram ang Landbank at DBP sa sektor ng agrikultura.
Kung willing silang hindi tumingin magkibit-balikat at tumingin sa kabilang banda kaugnay ng Php50-B na papautangin sa iisang korporasyon, ano ba naman ‘yung Php50-B doblehin pa natin Php100-B na puwedeng pahiramin sa agrikultura para ma-modernize na natin ang agriculture upang sa gayon ay tunay ngang mapakita at matulungan natin ang pinakamahihirap na mga Pilipino sa sektor na ‘yan.
IU: Senator Escudero, kasi I’m sure nabalitaan niyo po na itong Maharlika Investment Fund Bill sa side ng Kamara re-engineered kumbaga may ilang binago pero may mga ilang ekonomista pa rin po ‘yung nagsasabi na ay beyond repair na ‘yang MIF Bill. Kumbaga kahit na anuman ang gawin mo diyan or galawin o diyan baguhin mo, hindi pa rin siya napapanahon. Kung kayo po ‘’yung tatanungin, tama po ba yung timing nitong MIF Bill?
CHIZ: Posibleng tama naman, Isa. Sinasabi nilang hindi napapanahon dahil wala namang surplus na kita at wala naman tayong surplus sa ating budget sa taong kasalukuyan sa nagdaang taon at malamang sa susunod na taon na 2024. Ang pinagbabasehan lamang ng ekonomista na nagsasabi niyan ay wala naman tayong sobrang kita saan kukunin. Subalit sa kabilang banda tignan din natin. Papasok sa tinatawag na worldwide recession ang mundo at magandang pagkakataon ‘yon para makabili ng mura at makapagbenta ng mas mataas sa hindi malayong hinaharap. Pero dapat klaro pa rin ‘yon sa economic managers natin dahil kung ‘yan ang istratehiya mag-iinvest sa mga private securities o private shares of stock ay gaano katagal ang kita. Madalas umaabot ng dalawang taon ang isang recession bago umangat muli ang presyo ng shares of stock. Ibig sabihin ba nun wala munang kita ‘yung mga nag-invest sa loob ng dalawang taon? Kailan ba mare-realize yung kita? Kapag ka binenta na ‘yung shares of stock. Hahawakan ba muna nila, paper gain lang ba ‘yon?
Maraming katanungan pero depende nga Isa, depende Nimfa. Ano ba ang objective nila? Ano ba ang layunin? Hindi nila puwedeng paghalu-haluin na para magkapera mag-invest sa tulay at kalye para kumita na magkaroon ng dagdag na budget para sa social services. Klaro dapat para klaro rin po yung ating pagkukunan ng pondo. Klaro rin po kung may guaranteed rate of return on investment ba tayo. Klaro rin po kung saan lang talaga gagastusin ‘yan.
May pagkakataon si Pangulong Marcos na magkaroon ng legasiya ika nga dahil itong Maharlika Investment Fund ay labas sa budget, dagdag sa budget on top of the budget. So maaari siyang may magawa ditong legasiya na puwedeng, ika nga, tawaging siya lang ang nakagawa o gumawa. Pero hindi pupwede kung ‘yan ang intensyon nila na sumawsaw lamang sa madalas ginagawa o dati ng ginagawa ng gobyerno tulad ng social services at paggawa ng infrastructures.
NR: Sir, ‘yung sa binanggit ninyo na social services kasi ang dami ng social services actually ng gobyerno.
IU: Sa DSWD pa lang.
NR: ‘Di ba may 4Ps tayo o yung mga bigay sa senior citizens.
IU: IPs.
NR: Parang saliwa Senator Escudero na itong investment ‘pag gusto mong mag-invest, gusto mong kumita. May kita ho ba sa pagbibigay ng pondong additional sa social services?
CHIZ: Well, Nimfa to begin with walang katapusan, walang kasing lalim na balon ang social services. Gaano man kalaking pondo ang ilagay mo diyan.
NR: Opo, laging kailangan naman talaga ‘yan.
CHIZ: Dahil palaging may mangangailangan at palaging may nangangailangan. Pero ito ang tawag naman dito ay investment. Ika nga, sa social capital ng bansa sa kalusugan ng ating mga kababayan sa edukasyon ng ating mga kababayan. Pero uulitin ko, dapat nga klaro.
Tayo ba ay nag-iinvest sa kinabukasan ng ating mga kababayan? Are we investing in what we call social capital or ‘yung kapital na puwedeng ibigay ng mas malawak na kaalaman ng mga kababayan natin, mas malusog na mga kababayan natin? ‘Pag ‘yan kasi ang i-invest natin, puwes huwag na tayong umasa sa ROI. Huwag ng umasa ang Landbank at DBP sa ROI. At kung hindi sila aasa sa ROI baka pwede may mas iba naman tayong pagkunan ng pondo imbes na bangko na dapat magpatunay at magpakita ng kita.
Ulitin ko Isa, Nimfa, ano ba talaga ang pakay, layunin at opektibo nila dito, ‘pag naliwanagan na sila dun, dun na siguro magtutuluy-tuloy ung saan kukunin ‘yung pondo. Ano ang kailangang ipangakong guaranteed rate of return kung mayroon man? Saan-saan lang ba puwede i-invest ‘yang pondong ‘yan. ‘Yung kita gaano katagal ba bago makuha o ma-realize ng gobyerno? Saan ba gagastusin yung kita kung mayroon man na makukuha mula diyan?
NR: Senator, doon po sa briefing sa inyo noong nakaraang linggo ang sabi ng economic managers, tama ho ba ang sabi nila they defer to the Senate tungkol po dito sa Maharlika Investment Fund Bill. Makakatulong ho ba? Bakit kayo tumatawa, Senator? Makakatulong ho ba kung, halimbawa, ibalik nila ito sa drawing board kumbaga pag-aralan nilang muli at kunin ‘yung concerns ng mga senador at doon sila bumalangkas ng panibago?
CHIZ: Nimfa, chicken or the egg ‘yan. Pero ika nga nag-a-apply dito they are putting the cart ahead of the horse. Inuuna nila ‘yung hinihila kaysa doon sa kabayo. Sila may gusto nito. Sila ang nagsusulong nito. Kayo na mismo ang nagsabi cinertify ‘yan sa Kamara. Bakit biglang kayo na bahala? Hindi ba dapat sila ang nag-isip, nag-aral, nagsulat, at ipagtatanggol na lamang sa amin. Kung may kaunti man kaming suhestiyon na pagbabago dapat naman sana ang basehan ay klaro, solido, at medyo nakatayo na. Hindi ‘yung tuturo Php50-B ang pondong ito pero ‘yung parusa ay mababa pa sa plunder na Php50-M lang ang threshold. “Ay kayo na po ang bahala kaya nga nasa inyo ‘yan para baguhin niyo.”
Hindi naman siguro ganun ‘yon. Dapat sa parte at sa punto pa lang nila pinag-aralan na at dedepensahan na lamang sa amin. Ngayon kung may konting hindi napansin, kung may kaunting nakaligtaan ‘yon na lang marahil ang dapat punuan ng Senado. Hindi para sa akin, halimbawa Nimfa, na punuan lahat ng pagkukulang na ginagawa nila at hanapan ng solusyon lahat ng problema ng panukalang batas na ito. Mga tanong lamang ang ipinupukol ko ang problema, wala po silang maibigay na konkretong kasagutan.
IU: Gaya po ninyo, Senator Escudero, marami rin po sa ating mga kababayan, halimbawa po sa social media kapag magbabasa ho kayo marami pa rin ang may agam-agam. May mga pag-question dito sa MIF Bill. Pero, kung kayo po ang tatanungin, may kailangan bang remedies para kahit papaano ay maging katanggap-tanggap or acceptable na ito sa ating mga kababayan kahit po sa inyong mga senador?
NR: Kasi Sir, parang doon po sa inyong mga explanation hindi kayo totally tutol dito?
CHIZ: Hindi naman ako tutol , Nimfa, posibleng may magandang kakalabasan ito, Isa. Pero ayusin lamang nila. Ano ang solusyon, Isa? Simulan natin sa simula katulad ng sinabi ko sa simula ng interview natin, maliwanag dapat sa kanila. Sabihin nila ano ba ang pakay at gusto nilang makamit sa pamamagitan ng pagtatatag ng pondong ito. Hindi puwedeng jack-of-all-trades, master of none.
Hindi pupuwedeng shotgun approach ang gagawin nila. Hindi na puwedeng bahala na ang board of directors. Hindi pupuwedeng bahala na sa pagsusulat ng internal rules and regulations nito. Dapat sa anumang bagay na gagawin natin, klaro kung bakit natin ginagawa ito sa simula pa lamang. Sa ngayon, tila parang fruit salad ang kanilang mga objective depende sa kausap mo. Dami ng may-akda nito. Iyon ang sinasabi niyang rason at dahilan na hindi po klaro sa panukalang batas.
NR: Sir, kasi itong nangyari paspasa doon sa Kamara.
IU: 15 days to 17 days.
NR: including Sabado, Linggo at Biyernes na walang pasok sa Kamara?
IU: In short, mabilis talaga.
NR: Parang ang ginawa, Senator, minadali doon para dalhin na sa Senado at doon na magtalakayan at ma remedyuhan kung ano nang butas.
IU: Bahala na kayo.
NR: Sir, as it is.
CHIZ: Matagal ng may kasabihan, Nimfa, Isa, anumang bagay na minadali mo ay hindi maganda ang kalalabasan. Maligo ka man, kumain ka man, maglakad ka man, mag-ayos ka man. Kapag minadali mo hindi palaging maganda ang kinakalabasan. At sa totoo lang, mas magtatagal pa bago ka matapos dahil kailangan mong paulit-ulit na simulan na naman. Dahil lamang sa isang dahilan- sa iyong pagmamadali.
NR: Ito nga, Sir, may timetable na po si Senate President Juan Miguel Zubiri, ang tantya niya ay puwedeng tapusin ng Senado ang talakayan hanggang March and then after ng Lenten break ninyo, pagbalik po ninyo, siguro additional talakayan ay puwede na kayong magbotohan. Iyon ho ba ay sapat ng panahon o bago ninyo pag-usapan ang time table ibalik ito nga sa drawing board at pag-usapan ulit? Ano ho ba ang dapat sitwasyon? Kasi tinatalakay na po ninyo ito.
IU: Susugan ko rin iyan, partner, kasi si Senator Escudero ay may mga isinusulong din. Sana magkaroon ng national consultation para iyong ibang mga kababayan natin ay alam din kung ano nga ba talaga itong Maharlika Investment Fund na ito?
CHIZ: Well, iyong national consultation, Isa, papasok iyan sa isa sa mga pagdinig na isinasagawa ng Senado. Depende iyan sa chairman kung ilalabas niya pero dahil kumplikado ang bill na ito, kahit na ilabas ninyo iyan sa mga forum sa barangay malamang ay mahihirapang maunawaan ng ating mga kababayan iyong mga technical na probisyon iyan. So, ang pinakakonsultasyon diyan ay dadaan sa pamamagitan ng mga public hearing na isinasagawa sa loob man o kung magpasa ang chairman sa labas ng Senado.
Pero, para sa akin ang timetable na ibinigay ni Senator Migz ay hindi naman namin hawak ang bola, Nimfa. Hawak ng economic managers ang bola kailan ba sila makakasagot at makapagbibigay ng tamang mga kasagutan. Kailan ba nila maipapaliwanag kung ano talaga ang gusto nila at ano ang solusyon sa mga problema na pinapadaan ng mga senador sa pamamagitan ng tanong.
Hindi para sa amin para tapusin ang mga pagtatanong, tapusin ang pagdinig kung wala namang sagot na katanggap tanggap at angkop ang mga economic managers kaugnay sa bill na isinusulong nila.
NR: So, papaano?
CHIZ: Nasa kamay nga nila ang bola, Nimfa, dahil, halimbawa, noong nagsimula ang hearing ni wala doon ang Secretary of Finance. Dumating siya, late pa. Akala ko ba interesado silang nagmamadali sila dito. Sa dami ng sinagot ng kinatawan ng economic managers sa katauhan ni National Treasurer Rhea De Leon. Nakatali na ba sila roon. Iyon ba talaga ang sagot nila.
Halimbawa, Nimfa, Isa, tinanong ko kung bakit hindi dadaan sa GCG itong Maharlika Investment Corporation. Ang sagot, kasi mabagal sila, nagmamadali na kami dito. Iyong lang? Hindi naman yata makatarungan iyon na kung ang janitor at pulis at sundalo may requirements. Ang member of board of directors na hahawak ng Php100-B, bahala na iyong board of directors magpasa at pumili at advisory council na lahat ay co terminus sa president. hindi katanggap tanggap ang kasagutan tulad noon kaya ang bola nasa kamay nila kung papaano nila at kailan nila maipapaliwanag at mabibigyang linaw ang maraming isyu kaugnay sa nakasulat sa panukalang batas sa MIC o MIF.
NR: Isang point na lang ako dito, partner sa Maharlika Investment Fund. Sir, doon din sa isa sa mga na point-out ninyo ay tax exemption. Apparently magiging exempted sa taxes iyong kung anumang bibilhin o mga transaksyon ng MIF Fund Bill. Bakit at ano iyong particular concern ninyo dito Senator, diba nga nagbibigay tayo ng tax exemption para maka-attract ng investors.
CHIZ: Sa mahabang panahon, Nimfa, Isa, ang gobyerno ay tumutulak na palayo sa pagbibigay ng exemption patungo sa pagkakaroon ng iisang uniform rate of taxation and policy and principle of taxation. Mas madali kasi kung walang exemption. Madalas din kasi ang mga exemption ay pinagmumulan ng napalaking loophole na pinagsasamantalahan at pinapakinabangan ng ibang tao o indibidwal na kasangkot o bahagi ‘yan.
Halimbawa, paano kung may private investor na nag-invest diyan o nag-invest sa kumpanya ang MIC na pribado. May exemption din ba ang kumpanyang iyon. Ang mangyayari niyan dahil silensyo ang batas, opinyon na lamang ng BIR ang tutugon sa katanungang iyon. Opinyon na lamang ni Bureau of Customs ang tutugon sa katanungang iyon. Kaya administrasyon pa lamang ni Pangulong Aquino at administrasyon ni Pangulong Duterte at karamihan ay economic managers ni Pangulong Marcos na galing sa administrasyon ni Pangulong Duterte. Ang polisiya nila ay iwasan, bawasan ang mga exemption.
May paraan naman kasi kung talagang gawing “exempted“ang MIC. Mayroon tayong probisyon sa General Appropriations Act na tinatawag nating tax expenditure fund. Ito ay isang mekanismo kung saan ang buwis na ibinayad- ang customs duties na ibinayad ng MIFMIC ay puwedeng ibalik sa kanila dahil sa totoo lang mula sa isang bulsa patungo sa kabilang bulsa lamang ng gobyerno iyan pero policy wise. Implementation wise, magiging mas maliwanag at mas klaro at hindi prone sa abuso iyong exemption na balak sana nilang ibigay.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon, Nimfa, Isa na magbibigay tayo ng blanket exemption sa isang GOCC matapos nating matuto sa mga kapalpakan at pang-aabuso na ginawa at nangyari halimbawa sa NAPOCOR, sa Transco noon at iba pang mga korporasyon na pag-aari ng gobyerno.
NR: Tsaka naalala ko si Sec. Diokno alam ko noong Budget secretary siya ayaw niya sa mga tax exemptions, hindi ho ba?
CHIZ: Ayaw niya talaga, iyun na nga sinabi ko kaya noong sinabi ko iyun, ay Nimfa wala siya doon.
NR: Late kasi siya doon sa hearing.
CHIZ: Akala ko ba importante, Nimfa. ‘Di ba dapat unahin iyun certified kamo. Dapat pagtuunan nila ng pansin at panahon kung talagang gusto nila. Lumalabas tuloy Nimfa, Isa ang dating sa akin tuloy ay parang hindi kumbinsido ang economic managers dito at sumasakay na lamang kumbaga sumasabay sa agos. Halimbawa na lamang, magandang itanong sila kaugnay nito, Nimfa. Ang Secretary of Finance at tumatayong chairman ng Land Bank of the Philippines at siya rin ang magiging chairman of the board ng Maharlika Investment Corporation. Siya din ang lider ng economic manager na nagtatanggol, nagsusulong sa bill na ito. Nakita ba niya, hindi ba niya alam kung komentaryo ng Land Bank kaugnay sa ROI, kaugnay sa capital reserved requirement na hinihiling sila na i-exempt sila. Nakita nila yung mga ibang concerns sa mga probisyon ng Landbank. Kung talagang gusto nila ito at kumbinsido sila dito dapat sa simula pa lamang hindi na kinomentaryo iyun ng Landbank at naayos nila sa panukala pa lamang.
NR: Oo nga.
IU: Iyon nga Senator Escudero sa akin lang naman pero hindi ho ba ito masyado pilit, masyadong kumbaga hilaw pa?
CHIZ: Kaya nga wala akong balak madaliin ito. Hindi delay ang gagamitin kong salita. Wala akong balak madiliin hangga’t hindi nasasagot ng economic managers ‘yung mga simpleng katanungan at simpleng mga paglilinaw na hinihiling hindi lang mga miyembro ng Senado pero marami rin sa ating mga kababayan. Dapat klaro ito sa kanila bago natin ituloy, isulong at ipasa itong panukalang batas na ito.
NR: Banggitin ko lang Senator Escudero para ho masundan din ng ating mga listeners sa Bantay Balita sa Kongreso. Monday kasi nag-briefing ‘yung mga economic managers, kumpleto sila doon ‘di ba ho, Senator? Sila Sec. Diokno ng DOF, Sec. Pangandaman DBM, NEDA, National Treasurer and then Miyerkules ng umaga ng hearing, wala sila.
Ang nandoon ang mga undersecretary, mga director humabol na lang si Sec. Diokno at si Sec. Pangandaman. Nag-uusap-usap kami siyempre sa mga nagko-cover, kako napakaimportante naman nitong panukala bakit sila ang wala. Although humabol pero kahit nagbigay na ng briefing iba na yung aktwal na committee hearing Sir, hindi ho ba?
CHIZ: Hindi lang Nimfa. Alam mo ba ang balak nila originally, magbibigay ng presentasyon ang Landbank, ang DBP, ang secretary board, ang DBM kaya diba simula pa lang sinabi ko, puwede ba isa lang? ‘Di ba dapat economic team tumatayo bilang isa? Isa lang ang magpepresinta kaya nung magprepresenta na ang DBM, magpepresenta sana ang Bangko Sentral hindi ko pinahintulutan at sinabi kong dapat nasabi na ito ng presentasyon ng national treasurer na kumawatawan sa buong economic team. Hindi ito ang lugar para mag debate kayo sa isa’t isa. Ito’y debate sa pagitan ng Senado at Executive branch. Hindi debate sa pagitan ng mga ahensiya ng executive branch. Dapat naplantsa na nila ‘yan bago pa sila humarap sa amin.
NR: Sir, nabanggit ko kanina na last ‘yung question ko kanina patawad dito lang sa Maharlika Investment Fund ito po kasi meron suggestion na weekly na magka-hearing ‘yung banks committee. Would that help or sorry makulit ako o una ayusin muna nila yung kanilang script kumbaga ayusin muna nila ito bago ulit hingin sa Senate o pag-usapan natin plantsado na ito.
CHIZ: Well tama ka Nimfa kahit weekly ‘yan kahit twice a week ‘yan kung hindi naman sila makakasagot sa mga simpleng tanong kung hindi nila kayang i-articulate ‘yung maliwanag na objective sa isipan nila na dapat maisulat sa batas; wala po tayong masisimulan o pagtutuluyan nito kung shotgun approach ang gagamitin nila hindi ito uubra sa dinami-dami ng sovereign wealth funds humigit-kumulang ng limampu sa buong mundo gamit ng iba’t ibang bansa hindi po pupwede na kinopya lang natin, gumaya lang tayo at hindi maliwanag sa atin kung ano ang layunin natin.
Bigyan ko pa kayo ng isa pang halimbawa, Nimfa, Isa. Iyong Temasek sovereign wealth fund ng Singapore na tinayo noong 1974 nagbago ang mga objective niya. Noong iyan ay tinayo nung 1974 klaro sa isip ni Lee Kuan Yew, Prime Minister ng Singapore noon na ang layunin nito i-take over ‘yung mga government corporations na nalulugi at patakbuhin bilang pribadong korporasyon. Naayos nila iyon sa pamamagitan ng konseptong iyan at sa susunod na sampung taon hanggang 1984-1985 iyan lamang ang ginawa ng Temasek Holdings Corporation. Makalipas ang dalawampung taon doon lamang sila nagsimula mag-invest sa mga pribadong korporasyon sa Singapore muna at makalipas na dagdag walong taon doon lamang sila nag-invest sa iba’t ibang korporasyon sa labas naman ng Singapore.
Pero klaro estratihiya ng Singapore dahil sila finance center, hindi sila nag-invest sa mga korporasyon na finance din ang pinagtutuunan ng pansin parang UAE sovereign wealth fund. Hindi sila nag-invest sa mga kumpanya na may pag-aari ng langis. Nag-invest sila sa mga ibang investments na wala iyung bansa nila. Klaro sa isipan nila yung kanilang tatahaking landas. Tayo ni hindi nakasulat sa panukalang batas iyun. So halimbawa, wala tayong langis ‘di mag invest tayo doon sa mga korporasyon sa mga bansang may langis. Kulang tayo sa bigas, mag-iinvest ba tayo sa ating agriculture sector o mag-iinvest tayo sa Thailand at Vietnam kaugnay ng mga korporasyon na nagpo-produce ng bigas. Hindi ko rin alam pero dapat klaro iyan sa isipan nila tulad ng mga nagtayo ng sovereign wealth fund din noon.
NR: Sir, ang daming nagtetext tungkol sa Maharlika Investment Bill at personal question. Sabi ko hindi ako magtatanong ng personal questions kay Senator Escudero.
CHIZ: Hindi pala, Nimfa, ba’t nagbabanggit pa?
NR: Pero bakit kakaiba ang glow niyo?
IU: Yes.
CHIZ: Gluta lang ‘yan, derma at gym.
IU: Exercise. ‘Di ba Senator, nakakatulong ang love.
CHIZ: Kaya naka-ganito lang ako pa-work out ako, Nimfa, Isa. Sorry.
NR: Salamat po, Senator Escudero.
IU: Thank you so much po, ingat palagi.
CHIZ: Salamat. Magandang umaga sa inyo at sa muli sa ating tagasubaybay, magandang umaga po. Thank you and good morning.