ON-AIR

 

NINA CORPUZ (NC): Nasa linya na po si Senator Chiz Escudero. Siya po ay miyembro ng Senate Committee on Foreign Relations. Magandang umaga po, Sir, Senator Chiz.

SENATOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Nina, Magandang umaga sa iyo, Cong. Erwin Magandang umaga at sa lahat ng ating taga-subaybay good morning. Medyo mahina lang ‘yong monitor, Nina.

NC: Mahina po. Pero naririnig niyo ako Senator?

CHIZ: Barely, Nina.

ERWIN TULFO (ET): OK.

NC: Yes. OK. Barely, so I’ll try to speak louder. Senator Chiz, unang-una po, ano po ang inyong reaksyon sa ginawang pambobomba ng tubig ng China sa barko ng ating Coast Guard nitong weekend, Sir?

CHIZ: Wala naman sigurong Pilipinong hindi madidismaya, maaasar, at mapipikon sa ginagawa ng bansang Tsina at sabay-sabay tayo dapat ikondena ‘yan dahil hindi karapat-dapat at hindi tamang gawain ‘yan ng bansang Tsina lalong lalo na sa gobyerno o sibilyan man na sasakyang pandagat ng ating bansa.

ET: Sir, this is Erwin. Sen., parang na-exhaust na ho lahat ng efforts, dialogue—

CHIZ: Erwin, medyo mahina lang hindi ko maintindihan. Sorry.

ET: Alright. Sen., ano hong tingin ninyo ang dapat gawin kasi parang na-exhaust na lahat ng efforts dialogue, back-channeling, diplomatic blah blah blah. What do you think we should do Sen.?

CHIZ: Well, hindi tayo dapat tumigil doon, Erwin, patuloy nating gawin ‘yon. Dahil ‘yung matapang na malalakas ang loob ang sinasabi palagi dapat higit pa diyan ang gawin natin. Anong gusto nila, magdeklara ng giyera ang Pilipinas laban sa China dahil doon? Ang gusto ba nila magpadala tayo ng sasakyang pandagat ng Coast Guard at Navy para kung gawin ‘yon ay papaputukan natin? Sa ilalim ng Saligang-Batas patuloy na isinusulong ng ating bansa ang mapayapang paraan para maresolbahan anumang hindi pagkakaintindihan. Ito ang dapat lamang patuloy na gawin ng Pilipinas para hindi masabi na binibitawan na natin ‘yong ating karapatan, kaugnay at pagmamay-ari kaugnay ng West Philippine Sea. Anuman ang gawin ng bansang Tsina ngayon na nagkataon lang naman na sa panahon ngayon ay mas malakas ng ‘di hamak sa ating sa bansa, militarily.

ET: Pero Sen., it’s not working itong diplomatic dialogue tapos hindi po ba parang act of war na rin ‘yong ginawang pambobomba ng tubig sa coast guard natin, Sen.?

CHIZ: Hindi act of war ‘yon para sa akin Cong. Erwin, ‘yon ay bullying na maliwanag—

ET: Opo.

CHIZ: —ng bansang Tsina laban sa atin. Pero susugpunan ko kung act of war man ‘yon, ang gusto nga ba nating gawin ay magdeklara ng giyera, putulin lahat ng ugnayan, diplomatic relation sa China, itigil ang pakikipagkalakal international trade sa China, paalisin mga ambassadors? Wala pa tayo sa lebel na ‘yon, sa aking palagay. At kung hindi man umuubra ngayon pwes hintayin natin sa pagdaloy ng panahon na baka magbago ang ihip ng hangin dahil ang kapalit Erwin and Nina uulitin ko, pagdedeklara ng giyera na siyang hinihimok ng maraming sektor na hindi yata inabutan lahat tayo kasama doon ‘yong Ikalawang Pandaigdigang Digmaan at hindi alam ang depinisyon ng giyera.

ET: Sir, may plano raw ang China na magsagawa ng military exercise sa ating militar. Sang-ayon ba kayo, Sen.?

CHIZ: Nangyayari ‘yan, halimbawa, Cong. Erwin, Nina sa Korea. Ang North Korea nagmi-military exercise at ang South Korea nagmi-military exercise sa mga teritoryong disputed din pero hindi ‘yon rason para sila’y magbarilan at magdeklara ng giyera sa isa’t isa. Patuloy lang tayo dapat na inihahayag at nire-record, tinatala ang ating objection doon para hindi masabi na binitiwan na natin ‘yong ating karapatan diyan sa mga karagatang ‘yan at mga isla diyan. Ang ginagawa ng China sa tingin ko, pinapagod tayo, pinagsasawa tayo o hinahamon talaga tayo dahil kung magkaroon man ng giyera na sana’y hindi mangyari ay todo bigay na silang gagalaw at kikilos, imbes na sa ginagawa nila ngayon na pang-aasar, pambu-bully laban sa ating mga sasakyang pandagat gobyerno man o pribado.

ET: Sir, panghuli na lamang na katanungan sa akin, sang-ayon ba kayo na magkaroon ng joint patrol ang Pilipinas at Estados Unidos d’yan sa West Philippine Sea? What do you think?

CHIZ: Sang-ayon ako doon dahil tingin ko magbibigay ng deterrent sa bansang Tsina dahil ayaw din naman nilang magkagulo pero alalahanin din natin, Erwin, pag-aralan sana ng husto ng ating Pangulo ‘yan dahil sa pagitan ng dalawang higanteng nagbabanggaan baka tayong maliit ika-nga sa kasabihan ng matatanda ang maipit sa gitna. Alalahanin pa rin natin hawak ng bansang Tsina ang mahigit $2-T na utang ng Amerika. Sa dulo gusto ba talaga nilang magbangayan o mag-away o maggiyera o hindi? At baka sa dulo tayo ang maipit. Pero kung magkakaroon ng joint patrol, tingin ko enough deterrent ‘yon para hindi magsimula ang China ng mas malaking kaguluhan o giyera laban sa Estados Unidos kung papayag ang Amerika na dalhin sa lebel na ‘yan.

NC: Senator Chiz, I understand ‘yung sinasabi niyo nga po ay ‘yan din naman ‘yung sentimyento ng ating mga kababayan na nakatira mismo doon sa mga lugar na ‘yon. Kasi, oo nga naman malayo tayo, nandito tayo sa Metro Manila parang hindi namin nararamdaman ‘yong nararamdaman ng iba nating kababayan na sa bandang huli hindi naman po sa Amerika ‘yong giyera, hindi rin naman sa Tsina kundi sa Pilipinas at kawawa po ang mga Pilipino. Pero on the other hand, para nga po ang nangyayaring ito sobra na po itong pambu-bully kung Vietnam ba ‘yan, Malaysia or Indonesia ano po kaya sa tingin niyo ‘yong gagawin nila kapag ganitong binomba sila. I understand this is the third time na binomba na po tayo ng Tsina pero matagal na, several years ago ‘no I think 20, kailan ba matagal na po before the pandemic pa ‘yong isa. So ito po ay pero alam naman ng lahat na nasa gitna ng balita ngayon itong West Philippine Sea versus itong South China Sea. What do you think should the Filipinos, how should the Filipinos react to this, sabi niyo, on one hand dapat mapikon, magalit pero on the other hand maging mahinahon din. Saan po ba talaga tayo pupunta?

CHIZ: Liwanagin lang natin Nina, binomba ng tubig at hindi binomba. Ibang usapan kapag binomba na tayo o binomba ‘yong barko natin

NC: Ng tubig. Opo.

CHIZ: Ginawa ‘yan sa Vietnam noon sa aking pagkakaalala mga two or three years ago at gumanti ang Vietnam at ginawa rin ‘yan sa kanila ng minsan pero wala naman kasing islang kontrolado ang Vietnam d’yan at hindi ganoon kadalas ‘yong kanilang pagpapatrolya diyan sa lugar na ‘yan. Alalahanin din natin Nina, Cong. Erwin, na isa sa mga pangunahing dahilan, puwedeng i-confirm ng DFA ‘yan, kung bakit hindi natin madala sa ASEAN ‘yong grupong kinabibilangan ng bansa natin sa Southeast Asia ang problemang ito dahil may mga bansa din sa ASEAN na naapektuhan sa arbitral ruling na nagsabing sa bansa natin ‘yan dahil nag-claim din sila doon. Kabilang na ang bansang Vietnam kaya sa parte sa kasong ito tila ang Southeast Asian Nation ang ASEAN ay hindi natin magagamit bilang forum para ipaglaban ang arbitral ruling. Ito’y sa pagitan ng bansa natin at ng China at kung tutulungan talaga tayo ng Amerika sa pagitan ng bansang Amerika at ng ating bansa sa kabilang banda at China sa kabilang banda.

So tatapusin ko na rin ang dulo Nina, Cong. Erwin, hindi rin ako gaanong kumbinsido na dalhin ito sa UN General Assembly sa simpleng dahilan. Una, ano ba ‘yong political capital na gagastusin natin para makuha ‘yong resolution na ‘yon? Pangalawa, paano kung natalo? Hindi lang naman tayo ‘yong kukuha ng boto syempre kukuha rin ng boto ang China. Paano kapag natalo ‘yung resolution sa kabilang banda mayroon kang arbitral ruling na pabor sa atin tapos mayroong UNGA resolution na laban sa atin? Mas makakabawas pa yata ‘yan kaysa makadadagdag kung saka-sakali. So sana pag-aralan ng husto ng Pamahalaan ‘yung kanilang balakin o suwestiyon na dalhin ‘yon doon dahil hindi lang naman palaging panalo ang tinitignan natin, may pagkakataon din o tsansa din na matalo ‘yong resolusyon sa United Nations General Assembly dahil syempre gagalaw at kikilos din naman ang bansang China para tutulan at talunin ‘yon.

ET: All right. Senator Chiz Escudero, Sir maraming salamat po sa oras na ibinigay niyo po sa amin. Thank you.

CHIZ: Cong. Erwin maraming salamat din hindi pa kita nako-congratulate. Congratulations at ingat at maraming salamat sa pagkakataon Magandang umaga sa inyo.

ET: Walang anuman po. Salamat po.