QUESTION (Q): Suspension of implementation of IRR for Maharlika, is that a good decision? Or you were expecting that to happen? Pinapa-suspend ni PBBM ‘yung implementation ng Maharlika Law.
SENATOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Marahil patunay ‘yon na ang pinasang batas ng Kongreso ay kulang pa sa pag-aaral at nagpapasalamat ako kay Pangulong Marcos na nakita niya ‘yun at kung anumang mga butas o pagkukulang na kailangang ayusin at linisin at maaaring mahabol at ayusin pa sa IRR. Ang question na lang dito ay saan ba nilagay ng Landbank at DBP ‘yung perang sinasabi nila na nilagay nila doon na dapat naman sana ay sinet aside lang nila from within their funds. Hindi ‘yung dineposito nila sa National Treasury. Ni hindi natin alam k’yung kumikita ng interes ‘yun doon.
Q: Sir, ano ‘yung kailangan na nakikita ninyo na dapat ayusin in the first place?
CHIZ: Well, dapat klaruhin ang mandato, siyempre. Ano ba talaga ang nais nilang gawin dito dahil para sa akin hindi nasagot ‘yung simpleng katanungan ‘yun sa mahaba-habang diskusyunan namin at dagdag pa doon meron pang pending Supreme Court case kaugnay ng pag-comply nga ba o hindi pag-comply nung test of economic viability na isinampa o inihain ng ilang mga tao, grupo at sektor.
Q: But what does that say na pinamadali, sinertify as urgent ni PBBM then in the end, hindi rin pala ma-implement
CHIZ: Well, hindi para sa kin na sagutin ‘yun, para ‘yun dun sa nagmadali at nagsulong nito na maaprubahan agad ang katanungang iyon.
Q: Sir, si PBBM din naman ang nag-certify nito as urgent
CHIZ: Oo. ‘Di marahil may nakita siya na kakulangan doon sa batas na naipasa ng Kongreso at kung kaya pa nga ‘yun maresolbahan sa pamamagitan ng IRR
Q: Puwede ba nilang i-scrap?
CHIZ: Hindi talaga nila puwede i-scrap dahil batas ‘yun pero may choice ang presidente palagi na piliin at pumili ng anong mga batas ang ipapatupad niya at popondohan niya at ano ang mga batas na hindi. Sa kabuuan, sa huling talaan na nakita ko, humigit-kumulang Php5-T halaga ng mga batas ang hindi napapatupad dahil kulang sa budget. So kung hindi talaga siya kumbinsido dito, simple lang naman, ‘di huwag niyang pondohan
Q: Sir, wise move ‘yun, ‘yung aralin muna?
CHIZ: Wala naman sigurong bagay na masama ang kalalabasan kung mas pag-aralan pa at masusing tingnan
Q: Si, may seed money na ito di ba?
CHIZ: ‘Yun nga ang sinasabi ko kanina. Marahil dapat bawiin na muna ng Landbank at DBP ‘yung nilagay nila sa National Treasury dahil ang tanong ko nga kumikita ba ng interes ‘yun? Dapat isinantabi lang nila within their funds ‘yung dapat ibigay or i-earmark lamang ang dapat ibigay sa Maharlika Investment Corporation dahil bakit nila ginawa ‘yun ng ni wala pang nahihirang na CEO at mga members ng board at ni wala pang IRR. Masyado naman ata silang nagmamadali nang ginawa at pinagpasyahan nila iyon.
Q: Sir, ‘yung mga batas na may palyadong IRR, so this time it’s better na i-suspend para ma polish ang IRR?
CHIZ: Wala pa namang IRR dito. Ginagawa pa lamang ang IRR at marahil nais pa nilang tignan kung kaya pang punuan ng IRR ‘yung iba pang mga katanungan at kakulangan dun sa naipasang batas na nakita marahil nila pagkatapos na.
Q: Sir, aside from test of economic viability, ano pa ang nakikita ninyong nagkukulang sa Maharlika Law?
CHIZ: Direksyon. Gaya nga ng sabi ko, saan ba talaga i-invest ito? Bigyan ko kayo ng halimbawa, ang isa sa pinakallumang sovereign wealth fund ay ang sovereign wealth fund ng UAE. Meron silang langis noon at alam nila, nakita nila na sa loob ng 45 taon na mauubos na ang langis nila kaya nagpasya silang mag-create ng sovereign wealth fund at isinantabi nila ang windfall profits mula sa langis dito sa sovereign wealth fund para i-invest para ‘yung salinlahi ng mga henerasyon matitikman at matatamasa pa ‘yung laki ng kita mula sa langis. At in-invest nila ito, alam nyo kung saan? Sa wind energy, sa renewable energy, electric, para sa gayon kung mag-shift man ‘yung pangangailangan sa enerhiya at wala na at hindi na sa langis, nandoon na rin sila, nauna na sila. Klaro ang objective, klaro ang polisiya, klaro ang pagkukunan. Dito, hindi ko nakita un kaya hindi ako bumoto at sumuporta doon
Q: Patunay din ‘yung pag amin ng Landbank at DBP na medyo magkakaproblema, halimbawa, dito sa nilagak nila. Patunay ‘yun na hindi talaga stable, wala talagang ganoong pagkukunan ng pera
CHIZ: Merong pagkukunang pera total investible at loanable funds ng Landbank ay nasa Php1.3-T. Ang sa DBP naman, kung hindi ako nagkakamali, kulang-kulang Php800-B. Kaya nila, ang tanong lang, kikita nga ba sila mula rito? Dahil tinitignan syempre ng Bangko Sentral ang balance sheet ng mga bangko na hindi sila puwede mag-invest sa hindi kikita dahil nga meron silang obligasyon sa kanilang mga depositor. Sa kasong ito, minandato ng batas na sila ay contribute kaya pinaglalaban ko sana na merong mandatory minimum profit at guaranteed profit ‘yung mga bangkong ito na hindi nakap[asa sa period of amendments.
Q: So, in the meantime, Sir, na nakatengga ‘yung pondo, any benefit for the government?
CHIZ: Nais ko ngang malaman ‘yun. May benepisyo ba sa Landbank at sa DBP ‘yung nilagak na nilang pondo sa National Treasury o dapat bawiin muna nila iyon lalo na’t nagpasya ang Pangulo na isuspinde ito.
Q: (inaubdible)
CHIZ: Saan? ‘Di ba dinebate natin? Binuksan nila, puwede raw in-invest ‘yan sa infrastructure, nasaasn ‘yung kita? Nagpagawa ng kalye, nasaan ang kita sa kalye? Ano kikitain ng bangko sa kalye? Ano kikitain ng DBP at Landbank sa pagpapagawa ng tulay? May toll ba ‘yon?
Q: So dapat may ganoon. Ang sabi, Sir, pagnagka-toll dun tayo kikita.
CHIZ: Oo, pero gagawin ba nila ‘yun?
Q: Walang ganoon siya.
CHIZ: O mag-i-invest ngayon sila. Bumili ng stocks. Mababa, kailan kikita? After two years, after three years, after five years? Paano ang balance sheet ng bangko? Hindi sila kumikita. Kaya nga hindi ako bumoto, tanungin niyo ‘yung mga bumoto. Hndi ako bumoto. Tanungin niyo ‘yung mga bumoto.
Q: (inaudible)
CHIZ: Most sovereign wealth funds do it. In fact, the Santiago Principles, ginawa kasi sa Santiago Chile, walang kinalaman si Senator Miriam. Nag-agree ang mga may sovereign wealth fund ng basic guidelines in establishing a sovereign wealth fund at that time there were 48 pa lang kasi ‘yung mga bansa pumapalag. Hindi pinapapasok ‘yung sovereign wealth funds na investors sa bansa nila kasi napakalalaking pera na maapektuhan ang macro at micro economic policies nila. So tayo, sa pananaw ko, hindi sumunod sa Santiago Principles kaya baka hindi tayo payagan na mag-invest sa ibang bansa na hinihingi at hinahanap ‘yon. I’ll give you another example, Singapore, ang Temasek. Kasama sa mandato nila, if we buy stocks it should be with a view to controlling the company. Galing, ‘di ba? Ito reverse: they can never buy enough to control the company; they should not run any company. Ito ok lang din pero baket? ‘Di ko rin maintindihan.
Q: Naguluhan tuloy.
CHIZ: Unang-una, bakit? Fidex is controlled by Temasek its owned by Temasek, it controls about 80 percent. Now what is Fidex? Parang stock exchange of private banks, controlled by a foreigner, a foreign company. May sovereign wealth fund and yet pinayagan, walang restriction.
Q: Sino kasi nag advise sa kanya? Parang lately na lang nya na-realize.
CHIZ: Wala namang economic managers na may gusto niyan, naalala mo? Si Diokno ni isang tanong walang sinagot inaasahan niya si Lea. Sabi ko, ito sinabi ko sa hearing, pinapa-postpone ko ‘yung isang hearing kasi hindi siya uma-attend. Sabi ko, Lea, bakit ikaw ang sumasagot, ni hindi ka member ng board. Ni hindi member ng board ang treasurer. Ang chairman ng board, secretary of Finance. Kahit anong tanong mo kay Diokno, ipapasa niya kay Lea. Bongbong will never benefit from this, it’s too early. Any investment that they will make will not have any difference in the next 4 to 5 years.
Q: If ever, ‘yung next admin na ang mag-gi-gain?
CHIZ: ‘Yung next admin na ang mag-gi-gain sa Maharlika. Ito, in whatever investments, mag-invest sa tulay, kailan matatapos ang tulay? Nag-invest sa dam, kailan matatapos ang dam? Ang baba ng stock market ngayon, worldwide. O dito, kailan tataas ‘yon? Tandaan niyo, paper gain lang ‘yun ha? Tumaas man sa bili mo, binili mo ng Php10 naging Php15. Tanong: ibebenta mo na ba o hindi pa? Nag-increase ng Php5 per share, pero hangga’t hindi mo binebenta, paper gain ‘yun. Kikita lang ang gobyerno ‘pag kikita na, ‘di ba, sa investment. Kaya hindi ako bumoto.