ALVIN ELCHICO (AE): Kasama na po natin sa linya si Senator Francis ‘Chiz’ Escudero, chairman ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education pero ang itatanong po natin sa kanya—
DORIS BIGORNIA (DB): Ano daw?
AE: Partner, ‘yon ang kanyang committee. Senator Chiz, naka-speaker ka kasi. Hindi siya available sa Zoom. Can you say something, Senator?
DB: OK.
SENATOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Yes, Alvin, Doris, at sa ating mga taga-subaybay, magandang umaga po sa inyong lahat. Good morning.
DB: Good morning.
AE: Can you hear him well?
DB: Yes.
AE: Ayon, very good. Kasi ang ano natin, style natin naka-speaker ‘yung phone. Naka-on ako sa camera tapos ganyan lang.
DB: Nakatutok sa mikropono.
AE: Nakatutok sa mikropono si Senator Chiz.
CHIZ: OK.
AE: Pahingi naman ng kaunting idea lang ‘no. Kahapon you were there sa imbestigasyon ng komite ni Senator Bato and ano ba sa tingin mo, may pinatutunguhan ba ‘yung imbestigasyon o dapat nang itigil na panawagan din ng ilang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan o parang sumasabog?
CHIZ: Well, una desisyon ng liderato ng Kamara ‘yan at ng komite na pinangungunahan ni Senator Bato kung tutuloy pa ‘yan o hindi. Pangalawa, Alvin, Doris inter-chamber dictates na ‘wag sanang pinagsasabihan ng Kamara ang Senado at dapat hindi rin pinagsasabihan ng Senado ang Kamara kaugnay sa mga gawain nila. Mas alam dapat nila kung ano ang dapat nilang gawin. Pero kagaya ng sa akin na halos napiga na ‘yung issue at halos wala na rin namang mapipiga doon sa mga resource person, na halos personal na alitan na lamang ang inilalabas ng komite tulad ng alitan ni General Santiago at G. Enriquez, ‘yung alitan ni Picoy kay Enriquez, ‘yung alitan ni General Santiago, General Cacdac, at ni Morales. Labas na lang sila ng Senado mag-away kung saka-sakali kung talagang magkakagalit sila.
AE: So dapat tapusin na?
DB: Wrap-up na.
CHIZ: Ulitin ko, pasya po nila ‘yan. Ako, basta may hearing, dadalo, mag-a-attend para bigyang-linaw ang ilang bagay at para mailagay sa tamang direksyon dahil minsan ay nalilihis dahil nga sa kung anu-anong sinasabi ng mga testigo. Pero ibigay natin, Alvin, magagaling at malalakas ang loob ng mga testigong nag-a-appear.
AE: Oo nga! Pero pinag-uusapan namin ni Doris parang puro kasi maritesan pero here comes a representative of St. Luke’s, ito medical ito talagang nagkaroon ng test, official record hindi ba tapos na ‘yung istorya. Sinabi na, negative na nga sa cocaine. Ano pang kailangan nating gawin?
DB: Oo. Official records.
CHIZ: Well, hindi ‘yon subject matter ng hearing, Alvin, Doris. Kung maaalala mo ang motu proprio hearing ni Senator Bato ay tungkol sa leak ng dokumento at doon sa malaking drogang nahuli sa Batangas. Hindi pinag-uusapan doon, totoo ba ‘yong leak o hindi, leak nga. At lumalabas dahil walang records sa PDEA, ni hindi pala official document ‘yung lumabas. Dahil hangga’t hindi nasusumite anumang pre-op report, anumang hindi sinusumiteng dapat o ano pa man, hanga’t hindi natatanggap, nare-receive, ika nga, ng PDEA hindi pa naman official document ‘yon na puwedeng ma-i-leak, ika nga. Lumabas ‘yon sa bandang dulo ng hearing. Pero may nais akong sabihin, Alvin, Doris—
AE: Sige po.
CHIZ: —Lumabas sa pagdinig na dahil nga tinanong ni Senator Bato, ‘di ba, bakit cocaine lang? Ang sabi ng St. Lukes ay ‘yon lang po ang hiniling nila. Babalikan natin ‘yung naunang interview ni then Atty. Vic Rodriguez, later on, Executive Secretary ng bandang November, 2021, sabi niya cocaine lang ipina-test nila dahil nauna ng ipina-test sa firearms application ni G. Marcos noong panahong ‘yon ang shabu at marijuana. Medyo nagulat ako doon, dahil hindi ko alam na ganoon pa rin ang lumabas sa hearing. (inaudible) ng gobyerno shabu at marijuana. Kapag ikaw ay mag-a-apply ng driver’s license, shabu at marijuana lang. Kapag ikaw ay nag-a-apply ng lisensya para magdala ng baril sa labas ng bahay, shabu at marijuana lang.
DB: Correct. Oo.
CHIZ: Baka mamaya pati ang CAAP para sa mga piloto ay shabu at marijuana lang din. Ang sagot kung bakit ganoon ay mahal daw ‘yong reagent para i-test ang cocaine. Ganoon?
DB: Hala!
CHIZ: So, mula’t mula ng panahon ni dating Pangulong Duterte pa, panahon ng drug war ang naite-test lang natin ay nasasabat sa airport, nahuhuli na taong may droga ‘di umano ay shabu at marijuana lang. Wala tayong testing ng cocaine. Alalahanin natin Doris, Alvin cocaine ang ginagamit na droga ng mga mayayaman. Ang ginagamit na droga ng mahihirap ay shabu at marijuana at tila ang ating batas, ‘yong ating mga mag-e-enforce ng batas ay nakatuon lamang sa ginagamit na droga ng mga mahihirap nating kababayan. Kaya siguro puro mahihirap lamang ang nahuli, napatay sa ilang pagkakataon noong nakaraang drug war ng administrasyon.
AE: Dahil ‘yon lang ang i-tini-test for shabu lang and marijuana.
DB: So ngayon—
CHIZ: Paano na ‘yung ecstasy? Nagte-test ba sila sa ecstasy?
DB: ‘Yon pa.
CHIZ: Tine-test ba kapag may nahuling ecstasy sa iyo? Hindi ko rin alam at dapat hindi ganoon ‘yon.
AE: But do you get a sense na ang hearing ay nagagamit, actually, sa pulitika?
CHIZ: I get the sense ng hearing dahil nga ito ay motu proprio. Pinayuhan ko nga si Senator Bato na maghain na ng resolusyon para sa gayon may direksyon ang pagdinig. Kasi depende sa sinasabi ng testigo doon napupunta ang hearing.
DB: Oo.
CHIZ: Napag-usapan din. Naaalala mo ‘yung abogadong kinabog daw ‘yong dibdib ni Lazo pati ‘yon napag-usapan na rin pinatawag din ‘yung abogado. Naalala niyo ‘yong binanggit ni Morales na may pumipigil daw sa kanya magtestigo?
AE: Oo.
CHIZ: Lahat din ‘yon binanggit, pinatawag na rin.
AE: So, what are you saying, Senator Chiz na parang sabog?
DB: Sabog na sabog.
AE: Sabog na sabog ‘yung direksyon ng hearing.
CHIZ: By tradition, Alvin, ang motu proprio hearing ay isinasagawa lamang ng Senado kapag in recess ang Senado. May mahalagang bagay na nangyari, wala pang resolusyon na pa-file at nare-refer sa committee, kailangan ng dinggin. Motu proprio ‘yon.
Pero sa mga nagdaang panahon ang tradisyon ng Senado ay kapag nag-resume na ng sesyon ang Senado, dapat maghain na ng resolusyon sa paksang ‘yon para ma-refer na ng tama. Dahil bagaman saklaw ‘yan ng jurisdiction ng committee ngayon ni Senator Bato, desisyon ng Committee on Rules sa ilalim ng aming rules ang pagpapasya kung saan at ilang komite ire-refer ‘yan at sino ang lead committee. Hindi maaari na pinagpapasyahan lang ‘yan ng isang chairman.
‘Yon ang nakaraan, ‘yon ang tradition at ‘yon ang ipinapaliwanag ko nga kay Senator Bato at ilan naming mga kasamahan para pahalintularan para sa susunod pang panahon. Dahil noong nag-hearing si Senator Bato, may session na ang Senado niyan. Uulitin ko, by tradition, by practice, ginagawa ang motu proprio kapag in-recess ang Senado. Pero walang pumipigil kay Senator Bato maghain ng resolusyon sa anumang bagay na gusto niyang paimbestigahan kabilang na kung totoo nga ba na adik ba si ganito, adik si ganyan. Walang pumipigil sa kanyang gawin ‘yon sa tamang proseso lang.
DB: Correct. ‘Yan OK na ako, Senador.
AE: OK na. Senator Chiz maraming, maraming salamat po.
DB: Maraming, maraming salamat po at least naliwanagan ko ang dami palang rekositos ‘yan. Paikot pala, ‘no.
AE: Yes. Kaya ang sinasabi niya go through the formal channel kasi ito motu proprio ito.
DB: Yes. Tssaka kung hindi rin lang kayo magpe-personal-an d’yan kung mayroon kang ihahain na resolusyon, ihain mo na ngayon.
AE: So wala palang resolusyon.
CHIZ: Kaya nga, motu proprio Alvin ang tawag. Ang kagandahan ng resolusyon kasi may mga “whereas clauses” ‘yon, nakasulat doon ano ba ang nangyari at ano ba ang nais gawin.
DB: Ayon.
AE: Oo nga.
CHIZ: At least nalilimitahan doon, makikita doon at puwedeng i-cite palagi ‘yung papel at nakasulat doon na hanggang dito lang tayo. Hindi ‘yung dahil nga motu proprio, salita lamang ang basehan madaling madala tulad ng nakikita natin ngayon dahil interesting naman talaga, Alvin, Doris, ‘yong mga binabanggit.
DB: Oo naman.
CHIZ: So magtatanong ka sa direksyon na ‘yon pero mahirap ibalik sa tema talaga dahil ‘yung tema ay salita lamang dahil motu proprio nga.
AE: Oo nga. So dapat talagang—anyway. But you are still going to participate kahit ganoon ang advice mo sa kanya na idaan mo sa isang resolusyon? Hindi pa nga niya ginagawa you will continue to attend the hearing.
DB: Kung may hearing.
AE: Kasi may isa pa yata, may Sec Ochoa pa.
CHIZ: Parang may isa pa. Oo, Alvin, Doris, para mabigyan giya lang naman at para mailagay sa ayos dahil medyo binabatikos na nga ‘yong institusyon sa nagaganap na hearing. Para magkaroon lang ng kaunting linaw din at direksyon.
AE: OK. Thank you, Senator Chiz.
DB: Maraming salamat, Sir.
AE: Alam mo na, thank you.
DB: Thank you. Ingat lagi.