ENERGY

 

SENATOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Your Honor, on that point. You left the firm because you were appointed, ES?

FORMER EXECUTIVE SECRETARY PAQUITO OCHOA (PO): Yes, that is correct, your Honor.

CHIZ: By whom?

PO: By President Benigno Simeon Aquino III, your Honor.

CHIZ: Who was your immediate superior and of course superior?

PO: Yes, your Honor. For six years.

CHIZ: Serving as the alter-ego of the President, you don’t do anything without his knowledge or order. Would that be correct?

PO: That is correct, your Honor.

CHIZ: Thank you, your Honor. Miss ko na rin ‘yong kaibigan natin. Thank you, your Honor. I don’t have any further questions, Mr. Chairman.

SENATOR RONALD DELA ROSA (RDR): Thank you. Salamat, Senator Chiz.

CHIZ: Mr. Chairman, if I may, Senator Jinggoy. Ang dami na nating hearing dito wala pang pinapakita kahit isang original si G. Morale, ngayon siya ang manghihingi ng original. Kung ano mang kopya, Senator Jinggoy, baka naman sapat na po ‘yon dahil nakakatatlong hearing na po kami na picture lang ng Xerox ang pinag-uusapan po naming at pinagbibigyan po naming ng panahon. Bigyan niyo rin ng panahon ‘yong xerox ni Senator Jinggoy ‘wag na po natin pahabain.

FORMER PDEA AGENT JONATHAN MORALES (JM): Your Honor, Mr. Chairman, ito pong pagtungo ko dito ay bilang resource person kaugnay po sa PDEA Leaks.

RDR: OK na ‘yan. That’s given but please answer the questions because Senator Jinggoy is trying to establish ‘yung credibility mo as a resource person or as a witness kaya please answer the questions properly. Thank you.

CHIZ: Mr. Chairman, the point is not to cause undue delay kasi hahanapin ‘yung original. Can the resource person kindly comment on the photocopy given by Senator Jinggoy or ‘yung copy niya na photocopy, hindi original. Because that’s what we’ve been doing all throughout this time anyway. So baka naman unless malabo po, kung malabo kuha tayo ng mas maliwanag na kopya.

JM: Mr. Chairman, your Honor, mabigyan man lang sana ako ng pagkakataon na ma-examine mismo ‘yong dokumento dahil ito po ay nagtutukoy doon sa akin.

RDR: Paano naman ngayon kung tanungin tayo ng ating mga kasamahan na puwede niyo mabigyan ng hard copy? ‘Yung nakakalat ngayon sa social media na mga dokumento na sinasabing “PDEA Leaks,” wala tayo niyan, hindi rin tayo maka-produce. Ikaw, hindi ka maka-produce. Sino pa ang involve dito, Maharlika? The more na hindi maka-produce kahit siya ang nagpakalat niyan, wala siya dito sa Pilipinas. Paano ngayon kung hanapan tayo ng record? I have already, as I have said I have already ruled and I have given my opinion on that particular document that na talagang totoo ‘yan dahil hindi ‘yan lalabas kung walang original na kinunan ng xerox copy. So ganoon na rin ang mangyayari sa papeles ni Senator Jinggoy.

JM: Your Honor, Mr. Chairman ako po ay pinakitaan ng isang dismissal order kahit wala ‘yong due process. Katulad po niyan, sinasabi no’ng nakaraang hearing pinakitaan po ako ni General Lazo ng isang special order na hindi ko alam na ako ay sinasabing dismissed pero, your Honor, ni hindi ako naka-avail or naka-attend man lang doon sa pre-charge, walang patawag. Wala po ‘yung due process na dapat ay nakamit ko. Kaya itong sinasabi ngayon na PDS na allegedly ay gawa ko at sinubmit ko, your Honor, Mr. Chairman dapat ko rin malaman at ma-examine kung ano itong nakalagay sa dokumento mismo. Sapagkat ‘yung pre-ops tsaka authority to operate ito po ‘yung parte ng trabaho ko, your Honor, bilang imbestigador. Ito po ‘yung personal na kaalaman ko na may kaugnayan noong 2012. Kaya po noong ipinakita niyo po sa akin ‘yong dalawang klase ng dokumento at tinanong niyo ako doon sa memorandum na in-issue ng March 10, 2012, ito po ay aking kinilala sapagkat alam ko sa sarili ko na ako mismo ang gumawa at ito ay ginawa noong panahon na nandoon po ako sa PDEA. ‘Yon po, Mr. Chairman, your Honor.

SENATOR JINGGOY ESTRADA (JE): Mr. Chair, ito pong PDS it is already certified photocopy, cinertify ito ng PDEA. So, I don’t think we still need to have the original true copy, submitted before this committee.

CHIZ: Again, with permission of Senator Jinggoy, Mr. Morales, pakiusap na po, tatlong hearing na po tayo, ‘di ba. Ulitin ko, litrato lang xerox itong lahat ng ‘to nagsimula. So maaari naman po mapagbigyan niyo si Senator Jinggoy. Aktuwal na xerox ‘to na certified copy pa na puwede niyong makita. ‘Yung pinagbabasehan nga po natin ng pagdinig na ito hindi niyo ma-produce ang original, litrato nga lang po. So pagbigyan niyo na po para makaandar na tayo. Simple lang naman ‘yong sagot madali naman sagutin.

JM: Your Honor, Mr. Chairman ano, ‘yon pong sinasabi ninyo na hindi ko mai-produce ‘yung original talaga pong hindi ko po mai-po-produce.

CHIZ: Hindi po ‘yon ang tanong, G. Morales. Mr. Chairman, can the witness kindly just address what is being asked?

RDR: Pakinggan mo ng husto ‘yong tanong ni Senator Chiz. ‘Wag kang lumihis sa tanong, please.

JE: Laging malayo ang sinasagot nito, Mr. Chair.

CHIZ: Ang akin po ay pagbibigyan niyo po ba si Senator Jinggoy o hindi? Para lumipat na siya sa—

JM: Your Honor, hindi po, uour Honor. Hindi po siya katanggap-tanggap na ipresenta sa akin, uour Honor, sapagkat ito ay hindi ko po siya makikilala na, gawa ay ito ay xerox copy, your Honor.

JE: Mr. Chair, certified photocopy na ito ng PDEA. OK?

RDR: So, PDEA if that is certified true copy, mayroon kayong true copy doon sa files ninyo? If that is certified by you as a true copy. It should be a true copy of an original document.

CHIZ: Excuse me. Your Honor, a certified true copy replaces the presentation of the original document and the presumption is, mas magaling ‘yung tokayo ko si Atty. Francis dito: they perform their duties regularly and they will not issue a certification unless there is a copy on file. That is why my point is unreasonable to be asking for the original because quite frankly at least for the purposes of the court, lalo na rito na relaxed rule and evidence na tayo na ‘yong certified true copy parang original na rin po ‘yan. Hindi na kailangan pagdebatihan po ‘yan.

RDR: Yes. I don’t disagree with you.

CHIZ: Sagutin niyo na lang po, ayaw niyong sagutin ‘di lipat si Senator Jinggoy ng tanong.

RDR: I don’t disagree with that. Ang tinatanong ko lang is kinonfirm ko lang sa kanila na mayroong true copy and then certified true copy man, alangan naman na hindi niyo i-certify kung walang totoong true copy ‘yan ‘di ba? So mayroon kayo sa kampo niyo ‘yan na original document. So sino ang nag-certify? Since certified mo, totoong kopya ‘yan. So Mr. Morales, certified ng PDEA na totong kopya ‘yang dokumento na ‘yan coming from their files.

CHIZ: Mr. Morales said repeatedly that he is only a resource person. As the chairman said, Sir hindi niyo po ito party, hindi po kayo at wala kayong karapatan mag-imbita ng kung sinong gusto niyong imbitahin. Pangalawa po, tinatanong po kayo ni Senator Jinggoy ng tanong, ang sagot lang po naman ay oo, hindi totoo. Hindi po irrelevant. Hindi niyo po kapasyahan bilang resource person lamang. Kung relevant o hindi pwede kayong magsabi ng I invoke my right to remain silent, I invoke my right against self-incrimination, karapatan niyo po lahat ‘yon may abogado naman kayong katabi. Pero hindi po para sa inyo na pagsabihan ang miyembro ng komiteng ito na irrelevant yung kanyang mga tanong. Sagutin niyo na lamang po na ayoko pong sagutin ganun tapos para hindi na po tayo magtagal masyado.

CHIZ: Mr. Chairman, can I make a manifestation?

RDR: Yes, go ahead.

CHIZ: Sa haba ng testimonya at daming sinabi ni Ginoong Morales ang napatunayan lamang sa pamamagitan ng mga testigong kumatig sa kwento niya ay ang mga sumusunod; una, pinatawag po siya ni General Serapio dahil sa away nila ni General Cacdac, ang kanyang superior. Totoo po ‘yon. Meaning kinatigan no’ng testigo ang kanyang sinabi patungkol doon pero hanggang doon lamang. Pangalawa, na may condo unit si Binibining Maricel Soriano sa Rockwell. Pangatlo, na may mga kotse ang PDEA doon sa mga plakang binigay niya na sinang-ayunan din kung hindi ako nagkakamali ‘di po ba ng PDEA na nagpunta sa kanya si Ginoong Enriquez at may kausap siyang nagngangalang Eric Santiago na na-video-han, napatunayan din po ‘yon. ‘Yong nilalaman ng pag-uusap o rason sa likod nasa pagitan na po nila. Nakakalungkot lang nga na ‘yong standard na ginagamit ni Ginoong Morales na dapat gamitin daw sa kanya ni Senator Jinggoy, hindi niya sinusunod sa komiteng ito matapos siyang mabigyan ng buong laya na magsalita ng ilang oras nitong nagdaang dalawa, tatlong pagdinig. I’d like to close, Mr. Chairman by taking advantage of the presence of Secretary Cuy. Sir, kindly submit to the committee anu-anong klaseng drug test ba ang ginagawa ng kada ahensiya ng gobyerno dahil galing po sa inyo ang policy para sa piloto, sa driver, hindi po ba professional driver’s license, sa firearms, una. Pangalawa, paki-submit din po sa amin kung ano ang imbentaryo ng mga test na mayroon po ang iba’t ibang ahensiya kabilang ang customs, kabilang ang immigration ng pag-test ng drugs baka mamaya gaya ng sabi noong nakaraang hearing puro marijuana at shabu lang ‘yan pati sa customs at immigration ‘di hindi natin alam kung may nakakapasok na iba’t ibang uri ng mga droga at panghuli po pakibigay sa amin kung ano ang available sa mercado para sa budget deliberations at nasa ilalim ‘yan ng komite ni Senator Bato, anu-anong klaseng test pa po ang nand’yan. May test po ba na kayang malaman kung isang taon, mayroon o hangang isang linggo lang o dalawang linggo ‘di po ba may mga ganoon o hangang isang buwan lang. magkakano ba ‘yon, ilan ba ang binibili natin kada taon para sa taunang budget, kapag pinag-usapan ay mailagay na po naming doon para hindi naman ‘yon tila ‘yong shabu at marijuana lang ang palagi nating tine-test at hindi iba’t ibang klaseng droga, Sir.

DDB CHAIRPERSON CATALINO CUY (CC): Yes, Your Honor we’ll do.

CHIZ: Maraming salamat po, Mr. Chairman sana maging bahagi po ‘yon ng pag-uulat o report ng komite.

RDR: Yes. Thank you, Senator Chiz.

CHIZ: Thank you, Mr. Chairman. Thank you, Sir.