UKOL SA IKA-126 NA ANIBERSARYO NG ARAW NG KALAYAAN NG PILIPINAS

 

Sa ating ika-126 na anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, isang maalab na pagbati ng pag-asa at pagkakaisa sa ating mga Pilipino.

Ang tema ngayong taon, “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan,” ay nagpapaalala sa ating lahat ng kahalagahan ng ating nakaraan at ang papel nito sa paghubog ng ating kinabukasan.

Ang kalayaan na ating tinatamasa ngayon ay bunga ng mga sakripisyo at katapangan ng ating mga bayani. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa atin upang patuloy na magsumikap para sa isang mas magandang bukas.

Sa paggunita natin sa mahalagang araw na ito, isapuso natin ang diwa ng kalayaan, hindi lamang bilang alaala kundi bilang gabay sa pagtahak sa landas ng pag-unlad at pagbabago.

Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!