PUBLIC SERVICES

 

RESOURCE PERSON (RP): Thank you, Mr. Chair. Ako po si Jaime Aguilar, taga-NCTU po National Confederation of Transport Union. Matagal na po nating nag-e-engage sa government regarding this sa programang ito na totoo po ang sinabi natin na minadali po ito. As early as 2017 may mga proposals po kami na para maayos sana ang implementation kasama na po ang Cars Program Budget na natitira sana na P9-B na puwedeng gamitin sa ECU-PUV development ay tinanggihan din ito ng previous secretary ng DOTR. So maganda ho sana ito na ‘yung mga lumalabas po kasing mga problema ngayon ay inanak siya nung kultura natin kaya nga sabi naming “just transition.” Tama po ‘yung bill natin na dine-develop na capacity-building, dapat muna ‘yung lahat ng mga nag-transition, association to cooperative. Kaya ho umanak ng maraming problema ito kasi wala nga pong ganoon na nangyari. Minadali nga po itong programa na ito at naniniwala nga po kami na malaking bagay katulad po niyan, si Mr. Elmer Francisco, mayroon pong pagkakataon tayo na nade-develop na ‘yung ECU-PUV natin. Ito na po ang dapat na i-develop para hindi po ganito kalaki ‘yung mga presyo ng PUV na sobrang mahal.

Kaya nga po doon sa proposals natin sa just transition ay dapat po talaga ‘yung government budget for this big program ay ma-sustain. Halimbawa po, noong panahon ng pandemic inanak po ‘yung service contracting. Noong una, akala natin, ito po ay parang pandemic response lang, pero nakita natin ‘yung papel nito sa PUV modernization na kung saan ‘yung binabanggit nga po natin, ‘yung ibang mga ruta na nag-modernize, hindi kumikita. Pero sa pamamagitan ng service contracting kasi nasu-subsidize sila, ‘no, at marami po kaming kooperatiba na nasa miyembro po natin naka-survive po, Sir.

SENATOR RAFFY TULFO (RT): Sir, may sinasabi po sa akin si Senator Chiz Escudero, mas maganda ikaw na magsabi, Senator.

SENATOR FRANCIS ‘CHIZ’ G. ESCUDERO (CHIZ): Thank you, Chairman Raffy. Una sa lahat, magandang umaga po sa inyo wine-welcome namin ‘yung ating mga kaibigan na galing sa MANIBELA na nabababasa ng ulan sa labas at nagra-rally. Kung hindi lang po maliit ito in-accommodate namin kayong lahat dito sa aming tanggapan. Pero natutuwa ako at naging bahagi kayo ng pagdinig ni Senator Tulfo.

Mr. Chairman, matagal na akong tutol sa PUV Modernization at hindi na natin kailangan pa magdebate. Hindi ito pinag-isipan, hindi ito pinaghandaan at hindi tinanong man lang o pinakinggan ‘yung sektor mismo ng PUV bago ito ipinatupad sa nakaraang administrasyon. Sa madaling salita, brinaso lamang po ito.

Noong ako ay gobernador, ipinatupad ito noong mga panahong ‘yun 2019 to 2022, tinutulan ko po ito hindi ko pinapasok ang DOTR sa modernization nila sa aming lalawigan ng Sorsogon. At noong pinapuntahan ako ng usec ng DOTR noong panahon na ‘yun, ang itinuro ko ay ‘yung panahong ‘yun, si Mayor Sara Duterte, na anak ni Pangulong Duterte, na nagsabi na hindi raw niya papayagan ‘yan sa Davao. Sabi ko, kumbinsihin niyo muna ‘yung anak bago kayo magpunta sa akin kasi kahit si then Mayor now Vice President Sara ay tutol po dito noong siya ay mayor parang pagtutol ko noong gobernadora ako.

‘Wag na nating ulit-ulitin, P2.5-M ang pinakamura. Lahat ngayon ay sira na puro gawang China at Russia. Bakit hindi tinutukan at binigyan ng pansin ang mga gawang Pilipino mismo? Nakalikha pa ng trabaho at hindi pa nabura ‘yung kultura, tradisyon at kasaysayan na nasa likod ng ating PUV. ‘Yung mga kuwadradong parang minibus na binebenta ng DOTR sa nagdaang administrasyon hanggang ngayon sa totoo lang walang ka-amor amor sa akin at, sa totoo lang din, kasaysayan din naming ginamit ng kooperatiba.

Mr. Chairman, gumastos ng humigit kumulang P300-M ‘yung isang kooperatiba naming sa Sorsogon, sumugal sa mahigit kumulang 40 ata o 50 minibus na binili mga 8 na lang ang tumatakbo ngayon. Pinagkahuyan na rin ‘yung mga nasira. Kulang nga ng paghahanda.

At bilang pang-huling punto, Mr. Chairman, sa halagang P2.5-M kada isa, saan naman kukuha ng pambayad doon ‘yung operator o ‘yung driver? Kahit anong computation ang gawin ninyo para mabayaran ang buwanang hulog sa isang PUV na P2.5–P3-M ang halaga, kahit magkanda-kuba ang driver, kulang po ang 24 oras ng pamamasada para mabayaran ‘yun na may kita pa rin ‘yung operator at ‘yung driver.

Ang solusyon dito, Mr. Chairman, sa panig naman ng ating gobyerno, mula’t mula, ang solusyon naman dito pinansyal paano niyo mabibigyan ng sapat na kakayahan ang PUV driver at operator para mabilis itong sinasabi niyong malinis, moderno, mas maayos at mas Maganda? Hangga’t hindi po sapat ang financing, kahit anong puwersa niyo na magkooperatiba ‘yan para lamang makabili ng mga sinusubo niyong galing China at Russia, hindi po talaga uubra. At isa pa po saan na napunta ‘yung tradisyon, kasaysayan at kultura natin kaugnay sa jeep? Hanggang ngayon po ‘yung mga ambassador natin pati po ako bilang Senate President ngayon, ‘yung ibang mga senador natin at kongresista, ang pinamimigay po ay ‘yung simbulo pa rin ng jeepney. Hanggang ngayon, dahil parte na ito ng kultura at kasaysayan ng ating bansa. Isang ganoon buburahin ninyo? Sino kayo? At sinong nagsabing may kapangyarihan kayong burahin ‘yun ng ganoon ganoon na lamang? Kaya ipinapanukala ko, Mr. Chairman, buo ang paniniwala ko na mayorya ng mga senador ay sumusuporta sa pagsuspinde ng modernization program na ito, kaya imbes na panukalang batas o dagdag dito makakapagpasa tayo agad ng resolusyon expressing the sense of the Senate na hinihiling at pinapanawagan sa Pangulo na ito’y pansamantala munang suspindehin hangga’t hindi nasasagot lahat ng mga katanungan, lahat ng problema at lahat ng kuwestiyong pinansyal kaugnay ng modernisasyong ito.

Buo ang pag-asa ko, Mr. President, dahil na rin sa naging posisyon ng Pangulo sa kanyang SONA particular kaugnay ng POGO may isang bagay na ipinakita si Pangulong Marcos kahapon siya ay nakikinig at siya ay sensitibo sa pulso at opinyon ng ating mga kababayan at bilang inyong mga kinatawan sa Senado, sa pangunguna ni Chairman Raffy Tulfo, ipaparinig natin at ihahatid natin sa kanya ‘yung pulso, pananaw at posisyon ng mas nakararami nating mga kababayan na ipagpaliban muna ito at sana dinggin niya tulad ng naging posisyon ng Senado sa POGO. ‘Yung ating posisyon kaugnay nito ng hindi na kailangang hintayin pa ‘yung susunod na SONA.

Kaisa niyo kami, Mr. Chairman, at suportado ko ang posisyong ‘yan kung inyong ihahain ang resolusyon kahit po sa darating na lingo. ‘Yan ay resolusyon lamang po kapag makakuha tayo ng mayoryang pirma tutulungan ko kayo makakuha ng mayoryang pirma agad naming maipapasa ang panawagang ito ngayon o sa darating po na linggo. Thank you, Mr. Chairman. Salamat po sa inyong lahat.

RT: Maraming, maraming salamat, Senator Chiz Escudero. Yes. Definitely absolutely ako po ay maghain ng resolusyon para suspindehin po itong PUV modernization program and susuportahan naman ako ng mga kasamahan ko sa Senado, majority and even the Senate President, then so be it. Suspendido muna pero mukhang malungkot po kayo noong marinig mong suspendo. Mukhang malungkot ka, Sir, bakit ho kayo nalungkot? Bakit kayo nalungkot noong nabanggit yung suspension? Para kayong na-bankrupt.

RP: Your Honor, unang-una nirerespeto po natin ‘yung nailahad ng ating Senate President. It is fair for everybody to speak kung ano po ‘yung gusto nilang sabihin and nirerespeto po naming ‘yun. So, kung magkakaroon po ng resolusyon ‘yung ating Senado, ‘yun po ang ipaparating natin sa ating Pangulo para malaman po niya ‘yung sentimyento po ng ating mga kasamahan dito sa Senado. At sa parte naman po ng DOTR, we will always maintain po ‘yung aming naiparating sa ating pangulo at consistent with what we have been doing. We have been giving fair, accurate and proper information to our president based on what we felt and we’ve seen sa buong bansa sa pag-iikot naming and hearing the sentiments of the majority of our transport leaders. Salamat po, Mr. Chairman.

RT: ‘Yung sinasabi niyong majority, majority dahil? Sabi mo pinakinggan niyo ‘yung majority ng mga operators. Ito pong majority ng mga operators, ito po ‘yung mga kakampi niyo na nakuha niyo ‘yung loob for whatever reason pero marami pa rin po ang tutol. In fact, even mga taga-LGU, katulad ni Senator Chiz pala noong governor pa, siya tutol siya ayaw niyan papasukin ‘yung DOTR. Ayaw niyang papasukin ang modernization program. Anak nga mismo ni President Duterte na si Sara, mayor ng Davao that time ayaw niyang pumasok sa PUV Modernization Program sa Davao. Anak na mismo ng president ‘to, ‘di ba, so dapat kumbinsihin niyo muna ‘yung mga taga-LGU katulad halimbawa ni Governor Chiz Escudero bago kayo sana magpatuloy sa modernization program ninyo. So hindi talaga napagplanauhan, hindi napag-usapan, hindi napag-isipan talagang minadali po ito, minadali ito.

RP: Sir, if I may po, we will duly take note all ‘yung observations and recommendations and suggestions here, Mr. Chair, and please allow us to discuss with the secretary and we will submit a report, Mr. Chair.

RT: Yes. Pero talagang nobody can stop me now specially na narinig ko kanina na nagsalita ‘yung Senate President namin na he will support kapag ako ay mag-file ng resolusyon para i-suspend muna itong modernization program na ito para sa kapakanan ng lahat.

RP: Mr. Chair?

RT: Go ahead.

RP: Mr. Chair makikiusap (inaudible) sa resolution na gagawin hindi naman po kami tumututol doon pero baka po puwedeng isama sa resolusyon kung paano din po ang mga hulugan o mga loan ng mga coopearatives na nag-respond doon sa modernization kung ano ang magiging take ng mga—paano din ba ma-hold or anong take ng mga bangko doon sa resolution na gagawin. Kasi may mga coops na po na marami na pong loans sa bangko so baka mapasama po sa resolusyon kung paano din po ang pag-treat sa kanila, ‘yon lang po, Mr. Chair.

CHIZ: Mr. Chairman, kapag sinuspinde po ng Pangulo ‘yan, ‘yung mga ongoing, ‘yung mga napuwersa o boluntaryo ng sumunod dito, malaya naman po silang ituloy ‘yung ginagawa nila. Pero dahil din dito, malaya din po silang ipagpaliban ito. Ulitin ko ‘yung isang kooperatiba po naming daang milyon ang inutang, lugi na po ngayon kailangan nga po kasing i-review hangga’t hindi klaro at maliwanag. At ‘yung binabanggit naman po ni Usec. Ortega na ang concern ninyo sa pasahero na maayos ‘yun. Anong tingin niyo sa amin, hindi namin gusto ‘yon? Tingin niyo ba gusto naming mamatay, maaksidente ‘yung mga pasahero, at hindi maging komportable? Tingin niyo ba ayaw naming aircon ‘yung sinasakyan nila tulad namin at hindi walang aircon? Ang tanong, hindi naman porke’t gusto ninyo ay agad-agad magagawa ng mga tsuper at operator natin. Gusto naman talaga natin ‘yun, ang tanong kaya ba nilang bayaran ‘yung mahal na jeep na gusto niyo? Magkano pinakamura? Can you answer, Sir? How much is the cheapest modern jeep that you are providing for our drivers right now? Cheapest, Sir, and where is it made?

RP: ‘Yung cheapest po for Class 2 or 3 is around, mga P2.2-M po, at umaabot po to almost P2.6-M ‘yun po ‘yung mga gawang Tsina at mayroon po tayong mga gawang China at Korea.

CHIZ: Exactly nga po. Wala doon sa presyong ‘yun ang gawang Pilipino. Magkano po ‘yung buwanang hulog sa isang jeep na P2.5-M, P2.6-M sabi niyo? Magkano po ang downpayment, magkano po ang buwanang hulog? Kayo po dapat alam niyo po yun dapat masagot niyo ng diretso ‘yun.

RP: As per info po, ‘yung mga dipende po sa 7 years or 6 years na in-apply nila mga P25 to 30,000 po.

CHIZ: Magkano po ang downpayment?

RP: Ang downpayment po, 5 percent po.

CHIZ: Sir, ang buwanang hulog ay magdedepende ‘yan kung magkano ang downpayment kapag nag-downpayment kayo ng 50 porsyento ‘di mababa ang kada buwan na hulog niyo. Kung 5 porsyento ang downpayment niyo, ‘di napakalaki ng buwanang hulog niyo. Hindi ako maniniwala sa P2.0-M, trenta mil ang hulog kada buwan kung 5 percent lang ang downpayment. Give me, Sir, the actual computation, game! P2.6-M, 5 percent is P130,000 downpayment o ‘yung balance ng P2.6-M na P2.44-M divided by 5 years magkano ba yon?

RP: Mr. President.

CHIZ: Wait. Who are you, Sir?

RP: Mr. President, my name is Ed Comia, Metro Comet Transport Service Cooperative, representing CALABARZON.

CHIZ: Sir ‘wag muna, Sir. Tinatanong ko gobyerno. Kung plinano niyo ang programang ito ano ang nakikita niyong window of downpayment hindi naman pupwedeng negosasyon lang to sa parte nila. Kayo po, ano ‘yung programa ninyo ng financing na iaalok niyong abot-kaya sa ating mga tsuper? Sir, what is the downpayment monthly in your program? Huwag depende sa kanila kayo naman dapat may chart kayo nito. Yes Sir, please.

RP: Mr. Chair, may I be allowed to answer the queries of the Senate President?

CHIZ: Sir, before you answer, what is the role of LTFRB in the financing aspect of the PUV Modernization? Kayo nagbibigay po ng prangkisa sa kanila. Alam ko ‘yon. Kayo ginagamit para sakalin sila na kung hindi maporma ‘yung kooperatiba, hindi kayo sumunod sa modernisasyon hindi na naming kayo bibigyan ng prangkisa. Ano ho ang papel ninyo kaugnay ng financing?

RP: Mr. Chair, kami po ang nag-e-endorse ng equity subsidy na ibibigay ng gobyerno sa bawat jeep na mag-avail ng modernization.

CHIZ: Narinig ko na rin ‘yan. Magkano ang equity subsidy?

RP: Which P280,000, Mr. Chair, per unit.

CHIZ: Magkano po ang pondo ninyo para diyan?

RP: For now ho, ang pondo namin is P1.3-B po.

CHIZ: Magkanong unit ang kaya niyong pondohan at bigyan ng equity share? Ilan unit po? Ikumpara niyo sa ilang libong jeepney na gusto niyong i-phaseout lahat. Magkano po ang budget niyo para sa equity share? Yung sinasabi niyong mahigit isang bilyon i-divide niyo ng P280,000 bilang unit po ‘yun? Sir, dapat automatic ‘yun, ‘di ba, pinapatupad niyo ‘yung plano nasa gitna na tayo ng programa. Hindi ba dapat ito ‘yung pondo? Congress, kailangan namin ng P10-B para ‘yung 50,000, 80,000 jeepney, isang milyong jeep mapalitan natin sa loob ng tatlong taon, ‘Di ba automatic dapat ‘yun, Sir? So, tell me how many jeepneys does your fund or can your fund can provide na may bibigyan kayo ng equity contribution?

RP: Your Honor, if I may be allowed while they are looking at numbers?

CHIZ: Yes, Sir, please.

RP: For next year po and DOTR was asking for P4.9-B. This is an amount equivalent to, staggered po ‘yung ating imo-modernized na almost 150,000 because the modernization of the vehicle po will end up to 2030 po. It’s like 25, 26, 27 so mga anim na taon po ‘yun. So ang ginawa po namin, hinihingi sa ating mga kaibigan sa Senado at Kongreso, is the amount na ini-stagger po o hinati po in 6 years ‘yung 150,000 tsaka po ‘yung dami po next year will not really be as equal sa 6 years. Ngunit parami po nang parami ‘yung requirement kaya po palaki nang palaki po ‘yung hihingiin namin. With due respect po, Senate President, ‘yung hinihingi po namin is just enough, na alam po naming na magmo-modernized sa ating transportation sector. Thank you po.

CHIZ: Then Sir, let me ask you this: so, 280,000 times 150,000 kamo ang jeep, ‘di ba? Tama? Tama po ba ‘yung figure? Sabi niyo po Usec, 150,000 ang jeep? Sir, ang sabi niyo po kanina 150,000 ang jeep, ‘di ba, times 280,000.

RP: Yes.

CHIZ: So magkano na po ba ang pondo ninyong ina-allocate sa modernization para sa equity mula noong nagsimula itong ginagawa ninyo? How many? You talked about P1.8-B kanina. So may pondo ba bago nun, may pondo bang sumunod noon. Sa kabuuan po magkano? Sir, again, these figures should come automatic to you. The total amount of money you need to provide at equity contribution for 150,000 jeepneys is P42-B. So, my question is how much have you allocated since you wanted to phase them out and been implementing this phaseout. Nakakamagkano na po kayo, Sir?

RP: As per info po, since 2018 po, umabot na po tayo ng P4-B sa paghingi po sa Congress for equity subsidy. Just to clarify lang po, your Honor, ganito po ‘yun kasi po since nag-start ang modernization sa previous administration we notice po ‘yung pag-a-acquire po ng modern vehicle was not a big number kasi po there was one major concern ang transpo sector. Lagi po nang nae-extend ‘yung deadline, so ‘yung pagbili po ng atin pong mga transpo sector or pagsuporta po ng certain banks parang bitin po because they are not sure na matutuloy po ito pero po noong naging firm po at nagkaroon po ng final decision ang ating gobyerno na April 30. This is what we felt and we saw nagkaroon po ng resurges ng interest from financial institutions at ‘yung ating mga transpo sectors sila po ay kumakatok na sa mga bangko for their modern vehicles, that’s why ‘yung pagmo-modernize na amount po before was not that high because it was a real number na kaunti lang po ang nag-a-avail I think mga 7,000 lang po but for the next years we feel and we feel po na parami na po ng parami that’s why we are asking a certain amount.

CHIZ: Sir, with the permission of the Chairman, kung bahagi ng programa ang equity donation contribution ng gobyerno, P280,000 is approximately about 10 percent downpayment, ‘di ba? So, kung 150,000 na jeep ‘yan, P42-B ang kabuuang plano niyo, bakit hindi niyo isabay ‘yung phaseout, depende sa pondo na meron kayong iaalok sa mga magmo-modernize? Hindi naman po puwede, Sir, deadline na ‘to, dapat gawin niyo na mas maraming gagawa nito na wala naman kayong ibinibigay na equity contribution hindi naman ‘to unahan din. Na if that’s the amount you need, Sir, P42-B, stagger it for 6 years as you said until 2030 so P40-B divided by 6 kung ilang jeepney man ‘yon time P280,000 ‘di ‘yun lang din po ang i-modernize na muna natin sa kada taon. Hindi ‘yung sasabihin ninyo deadline na ‘yan para humabol na lahat meantime bawal muna hindi naman yata makatarungan ‘yon.

RP: Tama po, kaya nga Senate President, kaya po ‘yung modernization para lang po will be clear po will not happen this year. As when I say “modernization” ‘yung they are obliged to modernize their vehicle. Ang tatapusin na po muna natin is the LPTRP which will be three years, 24, 25, 26 pagdating po ng LPTRP meaning ‘yung route utilization doon na po papasok ‘yung pagmo-modernize nila ng vehicle. So tama po kayo, they are not obliged to, but the modern vehicle now but pagdating ng LPTRP which will be at least by 2027 doon na po sila magpapalit from traditional to modern and that will be the time po na hihingi po tayo from Congress for the bigger amount of equity subsidy for the last 3 years of the program. Pero ngayon po, it is just an amount of P2.6-B dahil hindi pa po ganun karami ang nagpapa-modernize.

CHIZ: May I ask now our friends from the transport sector, ito bang pagkakaunawa ninyo na hindi pa niyo kailangan talaga gawin ‘to? Ewan ko kung sino ang kailangang sumagot.

RT: Si Ms. Sembrano.

RP: Good afternoon, Honorable Senate President Senator Escudero, tsaka ‘yung si Senator, hindi ko kilala.

RT: Senator Ejercito, Senator Tolentino.

RP: Ang sa akin kasi kanina ‘yon ang sagot ko sa tanong ni Idol Senator Tulfo na ang tanging hiling natin sa panahong ito para maisalba natin ang krisis na kinakaharap ng ating mga operators sa transport sector na-modernize man o hindi sumama sa programa ay i-suspend muna itong programang ito kasi maraming libu-libong operators at drivers na napilitan talaga at sa tingin ko 1 to 5 percent lang ang naging masaya, ‘yung naka-kickback lang sa programang ito. So, kaya ‘yan ang hiling natin na i-suspend muna or ibasura muna itong DOTR 2017-011 na ina-approve at pinapamadali ng Duterte Administration noong last administration. Tsaka consistent kami na ayaw talaga naming sumama. Tsaka salamat din sa sinasabi ng ating Senate President na susuportahan niya si Senator Tulfo na i-suspend talaga ito. Isang malaking pasasalamat sa amin nagagalak kami na sana po ma-realize ito. Tsaka isang hiling lang namin dagdag kay Senator Tulfo at kay Senate President na ibalik na ang limang taong prangkisa while i-suspend ito, i-renew na agad. Maraming salamat po.