QUESTION (Q): Sir, sabi nila Senator Zubiri they were being independent. Tapos si Senator Angara sabi, (inaudible). ‘Yung Senate Building pinapapaspasan na daw.
SENATE PRESIDENT FRANCIS ‘CHIZ’ G. ESCUDERO (CHIZ): Ano?
Q: Pinapapaspasan mo sabi nila Senator Zubiri on Senate Building para maging on schedule (inaudible). Sir, baka may comment kayo ‘yung sa statement ni Russian President Vladimir Putin.
CHIZ: OK, sige. Ganito.
Q: Explain ko na lang po ‘yung sa PAGCOR na may sinabi sila na mayroong former member of the cabinet sa current issue na nanghimasok sa POGO issue. Your comment na lang po doon, Sir.
CHIZ: Dapat pangalanan ng PAGCOR ‘yung ‘di umano dating cabinet official, na ranking cabinet official noong nakaraang administrasyon para naman hindi mapagdudahan ang lahat ng ibang cabinet former ranking cabinet officials. At kung hindi gagawin ng PAGCOR ‘yon, marapat ay usisain at alamin ng kumiteng nagdidinig diyan sa kasong ‘yan ngayon sa pangunguna ni Senator Risa at Senator Win Gatchalian.
Q: Sir, pero sa inyo may nakarating na sa inyo? Sabi po kasi ni Senator Win mayroon na daw po siyang naririnig.
CHIZ: Sa akin wala, sa akin wala. So, kung sino man ang papangalanan nila marapat imbitahan ng Senado para mabigyan ng linaw ito. At dapat pag-aralan ng kumite kung may mga kaukulan pang kaso o kung mayroon man na maaari o puwedeng isampa.
Q: Sir, sorry, doon po sa hearing ni Guo. ‘Yung Guo family, sila Mayor Alice Guo, sinubponea na po sila dahil hindi sila um-attend last hearing. Should they not appear in the next hearing sa July 10?
CHIZ: As a matter of course. You know talaga, ang proseso ng Senado kailang i-issue-han ng subpoena. Kapag hindi sila sumunod sa subpoena sila’y i-issue-han ng show cause kung bakit hindi sila i-cite in contempt. Kapag sila ay nagpaliwanag at hindi katanggap-tanggap ang kanilang paliwanag i-cite sila ng kumite in contempt at ang susunod na ay ang warrant of arrest para sila (inaudible) na mag-attend sa pagdinig ng Senado.
Q: Sir, kung kahit po non-Filipino, it still applies to them?
CHIZ: It applies, the coercive or the coercive and compulsory process of the Senate as well as any court in the Philippines applies to any person within the jurisdiction of the Philippines.
Q: Sir, ‘yung “Solid 7” daw po they will be an independent bloc.
CHIZ: Ang tagal na nilang sinasabi ‘yan para sa akin, uulitin ko pa rin ang sagot ko iisa ang tingin ko sa Senado Majority o Minority man. Wala akong tinitingnang pito. Kung ‘yon ang tingin nila, ginagalang ko ang kanilang opinyon. Hindi ko lang maunawaan kung bakit palaging kailangang sasabihin ito nang paulit-ulit, samantala, nasabi ko na Majority o Minority pantay ang trato at magiging pagtingin dapat ng bawat isa sa amin sa isa’t isa.
Q: Sir, did you try to convince them to join the Majority?
CHIZ: Sa ngayon, sila’y parte ng Mayorya. Anong kailangan kong ikumbinse para mag-Mayorya dahil base sa nakaraang botohan, sila’y parte ng Mayorya at ituturing ko silang parte ng Mayorya. Bagaman sabi ko nga, bawat senador, Mayorya, Minorya pare-parehas at pantay ang pagtingin at pagtrato ko.
Q: So wala na dapat (inaudible)
CHIZ: Hindi para sa akin na gawin ‘yon. Para sa kanilang pagpasya marahil ‘yan. At para sa akin, ulitin ko, ang lahat ng senador 24 Majority o Minority, pantay at parehas ang pagtingin ko. Mula’t mula naman, malaya naman ang bawat isa sa amin kaya hindi ko maintindihan ‘yang salitang “independent” na ‘yan. Dahil mula’t mula lahat naman kami independent Majority man o <inority. Kung mapapansin mo iba’t iba ang pagboto namin sa kada isyu at hindi naman talaga sinusundan yung linya ng majority at minority sa iba’t ibang bill na tinatalakay namin. Kaya nga hindi ko alam kung saan sila nanggagaling. Saan siya nanggagaling at kung ano ang binabanggit niya kaugnay sa bagay na ‘yan dahil mahigit isang buwan na ang lumilipas? Marahil ay panahon na para magtrabaho kaming muli sa ikagaganda, ikabubuti ng bayan, imbes na puro dibisyon, puro dibisyon, at hatian ang pinag-uusapan.
Q: Sir, Senator Sonny is open to becoming the next DepEd secretary. Anong comment niyo dun, Sir?
CHIZ: Well, that’s good because I was one of the first, if not the first, to actually recommend him to become the DepEd secretary given his competence, given his track record, given his experience in the education field at the end of the day. Desisyon at pasya ng Pangulo ‘yan dahil ‘yan ay position of confidence. Gabinete ‘yan at dapat that person will enjoy the confidence and trust of the President.
Q: May iba po ba?
CHIZ: Whoever the president chooses of course the Senate, I will accept and respect.
Q: May iba pa kayong nadi-discuss, Sir?
CHIZ: Mahirap na ho magrekomenda ng sobra pa sa isa. Ugali ko na ‘yan noon pa, kung may sinabi ako o nirekomendang tao, ‘yun na lamang ‘yon pero nasa kamay pa rin ng appointing power kung ‘yun ay tatanggapin niya o hindi. Anuman ang maging pasya ni Pangulong Marcos, siyempre maluwag at bukal sa kalooban ng sinumang inirekomenda naming.
Q: Sir, in the event na ma-appoint si Senator Angara sa posisyon, what happens to his Senate seat?
CHIZ: The throne of Senator Angara will be expiring in June 2025 anyway. So tingin ko, hindi na ‘yan kailangan fill up-an pa sa isang special direction na gastos lamang. So hintayin na lang siguro mag-expire ‘yon. So, if the senator will accept it and he is appointed, there will only be 23 seating senators.
Q: Sir, doon sa Senate Building. In the same event today nina Senator Zubiri. Senator Zubiri is a PDP (inaudible) na sana paspasan na raw ‘yung hearing in the new Senate Building.
CHIZ: Hindi naman nakadepende sa hearing ‘yon. Sana inalam din nila na sa ngayon ang Senate Building ay delayed na dahil mayroong slowdown order ang DPWH bago pa man ako magbigay ng suspension order. May slowdown order ang DPWH, sana sinabi din nila ‘yon. Dahil may hindi pinagkakasunduan ang kontratista at DPWH kaugnay sa mga may depektong nagawa o ginawa o hindi tama o kulang. At dahil hindi din siya nababayaran, nag-slowdown din siya. So isang bagay din ito na dapat naming asikasuhin at ayusin. Hindi ‘yung hearing ang nagpapaantala dahil bago kami nagp-hearing ay tuloy-tuloy naman ‘yung naunang bi-nid na P8.9-B. Nauna namang na-negotiate na nila ‘yung P2.3-B. Hindi naman namin inantala ‘yon. ‘Yung pending na P10-B ang sinuspinde muna namin na hindi pa naman nai-implement dahil nga kailangan ‘tong i-review at tingnan kung bakit nga ba umabot na ng ganoong kataas ‘yung kailangang gastusin para matapos ‘yung Senate Building. At ayon nga sa DPWH noong una at sa mga dating mga opisyal ng Committee on Accounts ay hindi pa ‘yon ang kabuuang amount para mabuo ‘yung Senate building. So nais naming malaman magkano ba talaga ‘yung kabuuan. Pangalawa, sa laki ng building na ‘yan, magkano ‘yung gagastusin natin para i-maintain ‘yang building na ‘yan. Lahat ng mga bagay na ito, kinakailangang importanteng malaman at hindi pikit-mata lamang kaming papasok gaano man kaganda ‘yan kung hindi naman kakonse-konsensya ‘yung halagang kailangang gastusin ng sambayanan para diyan. Hindi ko rin naman mapapayagan ‘yan.
Q: Sir, your thoughts, ang sabi kasi ni Senator Zubiri kasi ni Senator Zubiri, he’s confident na there are no irregularities.
CHIZ: Nobody alleged irregularity. I’m not alleging any irregularity. I never alleged irregularity. I don’t know why people are sounding too defensive about this. Ang sinabi ko lamang, hindi ba, masyadong mataas at parang masama sa panlasa na ganito kalaking halaga ang kailangang gastusin para sa isang gusali ng pamahalaan. ‘Yun ang sinabi ko. Wala akong sinabi na anomalya, wala akong ina-allege na anomalya. Wala akong inaakusahan na anumang uri ng anomalya. Masama lang sa panlasa kung payag kayo diyan, ‘di kayo kaya niyo sigurong sikmurahin ‘yon, ako hindi. At siguro, trabaho at obligasyon ko bilang tagapangulo ng Senado na tingnan ‘yon, na pag-aralan, suriin, at tingnan kung paano ito mapapababa. Dahil bawat piso dapat ng pamahalaan, hindi ba, ginagastos natin sa tama at maayos at hindi nilullustay? ‘Yun lamang ang rason kung bakit naming ito nire-review. Ulitin ko, walang rason para magsabi sila ng ganiyan at walang rason para maging defensive sinuman, dahil wala naman ako at si Senator Alan na inaakusahan mula noong sinimulan namin hilingin na ito’y i-review.
Q: Sir, nakausap niyo na po si Senator Nancy bilang dating chair ng Committee on Accounts?
CHIZ: Hindi. At ang sinasabi niyang gusto daw niyang kausapin si Senator Alan. Kayo naman ang sinasabihan. Puwede naman niyang i-text si Senator Alan. So pakitanong si Senator Alan kung na-text na nga ba siya ni Senator Nancy.
Q: Sir, after po ng hearing on Wednesday, what do we hope to resolve or understand?
CHIZ: I don’t know. It was Senator Alan who called for the hearing and when I asked him why, initially, the reason he told me was DPWH was not cooperative. So, the reason why we need to call a hearing is so that the compulsory process of the Senate, and the Senate committee would abide. The building issue and compulsory process compel them to answer certain basic questions and to submit certain basic documents that according to Senator Cayetano are not being submitted on time and, at least, based on what he needs from the DPWH.
Q: Sir, for the record lang po, ngayon may ongoing na construction na nagaganap ngayon sa Senate Building?
CHIZ: Most likely, because I did not order a stoppage. Number two, you and some media outfits went there and they interviewed the contractor, they interviewed, the DPWH and they said there is no stoppage of construction. So again, I don’t know what’s this all of this talk about delaying the construction from members of the Senate from the previous administration.
Q: (inaudible)
CHIZ: Hindi ko alam ‘yon at base lamang sa sarili nilang intel ‘yon na hindi naman nakabase marahil sa reyalidad o sa totoo. Dahil baka bahagi lang ‘yan ng EDCA ng military exercises na isinasagaw na kukunin din naman o aalisin din naman pagdating ng panahon. Pero nais kong liwanagin, ibang usapin at walang pakialam ang bansang Russia kung magkakaroon ng sariling kapabilidad ang ating bansa. Atin ‘yon eh. At hindi naman siguro dapat pakialaman ‘yan ng ibang bansa.
Ibang usapin kapag maglalagay ng ang ibang bansa dito ng kagamitang pang-giyera. Pero kung sarili natin ‘yon ‘yung tinutukoy niya, hindi ‘yan puwede at dapat pakialaman ng ibang bansa, dahil karapatan naman natin ‘yan na magkaroon ng sarili nating kagamitan para depensahan ang ating sariling bansa.
Ang madalas ko ngang sinasabi at sinabi ko na rin noong una, importante at mahalaga na palakasin natin ang ating sandatahang-lakas, ang kapabilidad ng ating sandatahang-lakas. Ito ang pinakamalaking deterrent kumpara sa anumang military exercises, kumpara sa anumang EDCA, kabilang ang iba’t ibang bansa. Ang pinakamaganda at mabilis na paraan para magkaroon ng deterrents dito, ika nga, sa rehiyon na ito ay kung mapalakas natin ang ating sandatahang-lakas at kung may hihilingin tayong tulong sa ibang bansa, imbes na to the rescue lamang sila sa atin, mas maganda siguro na tulungan nila tayo na magkaroon ng sariling kapasidad at kapabilidad na palakasin ang ating sandatahang-lakas. Hindi upang makipag giyera sa ibang bansa pero mag provide ika nga sa anumang tangka o banta na maaaring namumuo dito sa ating rehiyon.
Q: Expected issues na lang sa ngayong nalalapit na SONA ng Pangulo.
CHIZ: Hindi ko alam, pero kadalasan ng SONA binabanggit ng Pangulo ay kaugnay ng kanyang accomplishments nitong nagdaang taon, dalawang taon. At kadalasan ginagamit din ang SONA bilang sa tunay na kalagayan ng ating bansa. At higit sa lahat, ang plano ng ating Pangulo sa susunod na mga buwan, leading to the next SONA, kaugnay sa kanyang legislative agenda, at sa landas na tatahakin kung paano mapabuti pa ang kalidad ng buhay ng bawat Pilipino. ‘Yun naman ang inaasahan natin tuwing magdedeliver ng SONA ang ating Pangulo anumang administrasyon ang ating pinag-uusapan.
Q: Sir, last baka may nasabi po ba siya na, ito talaga priority ko ito in the future.
CHIZ: Hindi pa ba nilalabas ng LEDAC, kasi sila yung naglalabas niyan, officially. Naglabas na ata sila ng listahan ng priority, first priority, at second priority na mga bills.
Q: For the Senate, Sir, ano ang uunahin natin sa Senate?
CHIZ: Sa Senate? What do you mean?
Q: Which is the priority? Kasi hindi naman sabay-sabay mata-tackle.
CHIZ: Karamihan sa kanila kasi nasa bicam, na ang iba ay nasa committee pa lamang. Ang iba ay hindi pa na-file. So siyempre kung ano ang ‘yung mas madaling matapos ‘yun ‘yung mas una naming tatapusin. Pero ‘yung ibang hindi pa nafa-file dahil ‘yung ibang pinag-usapan na mga panukalang batas wala pa namang version eh. So siguro mahuhuli ‘yon. Hindi dahil hinuhuli naming siya pero dahil wala pa talagang bersyon na pinagkasunduan ang Kamara at Senado at ng Executive branch, so we will proceed as a part of the ordinary course of legislation. We will not be in a hurry but neither we will be relaxing so far as wasting time before these bills are passed. I-prioritize namin ‘yung mga malapit nang matapos. Ang halimbawa niyan would be palabas na sa kumite ang RTL ni Senator Cynthia. Palabas na sa kumite ‘yung CREATE MORE ni Senator Gatchalian. Nasa kumite pa ‘yung Single-Use Plastic. ‘Yung Mining nasa kumite pa. ‘Yung Department of Water, nasa kumite pa. ‘Yung ibang mga panukalang batas na nilista ay wala pang bersyon. So kailangan pang pag-usapan at pagkasunduan ng Executive at ng Legislative.
Q: Thank you, Sir.