UKOL SA ARAW NG PASKO

 

Sa espesyal na araw na ito, ako po ay nakikisa sa ating mga kababayan at sa ating mga kapatid na Kristiyano sa buong mundo sa pagdiriwang ng kapanganakan ng ating Panginoong Hesus.

Ang masayang okasyong ito ay nagpapaalala sa atin ng walang hanggang pag-ibig at pag-asa na dala ng kapanganakan ng ating Panginoon sa sangkatauhan.

Habang tayo ay nagbabalik-tanaw sa mga pagsubok na ating hinarap nitong 2024, kabilang ang mga kalamidad na kumitil sa buhay ng ilan sa ating mga kababayan at sumira sa kanilang kabuhayan, atin rin ipinagdiriwang ang katatagan at pagkakaisa ng mga Pilipino sa gitna ng mga hamon ng buhay.

Nagpapasalamat tayo sa Diyos, sapagkat tanging sa Kanyang biyaya at awa ay nalampasan natin ang mga pagsubok na ito. Sa kabila ng unos at trahedya, ang katatagan at malalim na pananampalataya ng mga Pilipino ay nagningning.

Ngayon kapaskuhan, habang tayo ay nagtitipon kasama ang ating mga mahal sa buhay, huwag nating kalimutan ang ating mga kababayan na mas nangangailangan at iabot ang ating mga kamay upang sila ay tulungan. Ito ang aking panalangin: pagkain sa bawat hapag, bubong na masisilungan, at kasuotan sa ating mga katawan.

Kapag tayo ay nagkakaisa at sama-sama, buo ang aking paniniwala na ating malalampasan ang anumang balakid. Kasama ang Panginoon bilang ating gabay at tagapagtanggol, makakamit natin ang tagumpay bilang isang bansa.

Nawa’y ang diwa ng Pasko ay magbigay-inspirasyon sa atin upang maging mas mahabagin at mapagbigay. Dalhin natin ang diwang ito ng pag-asa at pagkakaisa sa bagong taon habang inaasam natin ang mas maliwanag at mas masaganang 2025.

Nawa ang darating na taon ay magdala ng kapayapaan, kagalakan, at biyaya sa bawat pamilyang Pilipino.

Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat!