Tayo po ay nakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day 2025 ngayon Marso 8 na may temang “For ALL women and girls: Rights. Equality. Empowerment.”
Nakikiisa rin tayo sa lahat ng mga Pilipino sa pagdiriwang ng National Women’s Month sa buong buwan na may temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas.”
Patuloy nating isulong ang pagkakaroon ng isang makataong lipunan na lilikha ng mga pantay na oportunidad para sa lahat nang hindi nakabase sa kasarian, estadong panlipunan, paniniwalang pangrelihiyon, at kinaaanibang pulitika.
Isang maalab na pagpupugay para sa lahat ng mga kababaihang Pilipino sa kanilang kontribusyon sa pagtataguyod ng ating bayan.
Mabuhay ang mga kababaihan!