Katawa-tawa naman ang ginagawa nila… ang bilis naman nila i-abswelto si Speaker Romualdez… ilaglag si Zaldy Co, ilihis ang isyu at magtuturo ng iba.
Ang isyu ay ghost projects, substandard projects at mga kickback na karamihan ay nasa budget ng 2022, 2023 at 2024 at bago ang mga taong yan ayon mismo sa COA, DBM, DPWH at paglalahad ng whistleblowers.
Samantala ang 2025 budget ay kasalukuyan pa lang na pinapatupad sa ngayon. Ayon kay Sec. Dizon, titiyakin daw nya na maayos ang pag-implement nito di tulad ng sa mga nagdaang taon.
Mag-ingat po tayo at wag po magpadala sa dibersiyon at paglilihis na ito.