STATEMENT

Ipinaabot ko ang aking taos-pusong pakikiramay sa mga pamilya at komunidad na naapektuhan ng lindol na yumanig sa Cebu kagabi.

Sa gitna ng ating pagdadalamhati, mahalagang tiyakin ang agarang pagtugon mula sa pamahalaan para sa search and rescue hanggang sa tulong para sa mga nawalan ng tirahan at mahal sa buhay.

Kasabay ng ating pagtugon, muli kong iginigiit ang panawagan para sa mas mahigpit na inspeksyon sa mga gusali at imprastraktura sa buong bansa. Ang naganap na trahedya sa Cebu ay paalala na tayo’y nasa Pacific Ring of Fire at hindi ito dapat balewalain.