CHIZ-LED COMMITTEE SECURES SENATE NOD FOR 4 KEY HOUSING-RELATED MEASURES

The Senate has approved four major housing-related measures aimed at expanding access to affordable housing, providing relief to calamity survivors, and updating the decades-old condominium law crafted by the Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement chaired by Senator Francis “Chiz” Escudero.Chief among the legislative package was the ratification of the bicameral conference committee report on Senate Bill No. 2420, which reconciled the disagreeing provisions with House Bill No. 2286. The measure modernizes the Republic Act 4726 of 1966 to make it more responsive to the realities of contemporary urban living.

Before Congress adjourned on Thursday, Escudero, who authored and shepherded the bill, presented to the plenary the key updates on condominium maintenance, repair, reconstruction, and redevelopment.

“The bicam also provided two options for liquidation: selling the entire condominium project or declaring liquidating dividends to shareholders. In the case of the former, the unit owner shall be entitled to an advance on their share of the sales proceeds based on the agreed valuation and payment terms to be deducted from their final payout,” he explained.

The veteran legislator noted that Metro Manila alone has more than 775,000 condominium units, many of which are aging and in need of redevelopment. The bill, he said, ensures unit owners are protected while allowing old properties to “find new life.”

Alongside the ratification, the Senate approved on third reading three other measures under Escudero’s committee. He thanked his colleagues for their swift action, pointing out that three of the four bills were only brought to the plenary under his sponsorship two weeks ago.

“Nagpapasalamat tayo sa ating mga kasamahan sa Senado sa mabilis na pagtalakay at pagpasa ng mga panukalang ito,” he said, stressing that the measures respond directly to urgent needs in housing and disaster recovery.

“Talaga namang malaking tulong ang mga ito para sa ating mga kababayan na nangangailangan ng mas maayos na tirahan at ginhawa matapos ang mga sakuna at kalamidad,” he added.

Among them is SB 1992, which enhances government capacity to implement socialized housing projects by rationalizing land acquisition and utilization, amending the Urban Development and Housing Act of 1992 (RA 7279).

On housing relief, SB 2503 institutionalizes a Rental Housing Subsidy Program for displaced families and low‑income households, while SB 2507 promotes access to affordable rental housing through incentives for the development, rehabilitation, and operation of qualified projects.

The fourth measure, SB 2508, emancipates calamity survivors from financial burden by condoning outstanding housing obligations—including principal, amortizations, interest, and penalties—amounting to at least P9.5 billion. It also exempts awarded housing units under calamity programs from estate tax.

Meanwhile, two bills principally authored by Escudero was passed on third reading, namely SB 2484, declaring the first Monday of August as National Line Workers Appreciation Day; and SB 2485, which mandates P300,000 in insurance coverage for line workers against death or disability, with employers required to shoulder premiums.

“Kinikilala natin ang ambag ng ating mga line workers sa ating mga komunidad at ang pagbibigay sa kanila ng nararapat na proteksyon. Maraming salamat rin sa ating mga senador sa pagsuporta sa mga panukalang ito,” he said.

 

TAGALOG VERSION>

 

MAHAHALAGANG PANUKALANG BATAS SA PABAHAY NG KOMITE NI CHIZ UMARANGKADA NA SA SENADO

 

Inaprubahan na ng Senado ang apat na pangunahing panukala hinggil sa pabahay na naglalayong palawakin ang access sa abot-kayang pabahay, magbigay ng tulong sa mga nakaligtas sa kalamidad, at i-update ang ilang dekada nang batas sa condominium.

Ang mga naturang panukalang batas na binuo ng Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement na pinamumunuan ni Senator Francis ‘Chiz’ Escudero ay pumasa sa ikatlong pagbasa sa sesyon noong Huwebes, ika-8 ng Oktubre.

Pangunahin sa serye ng mga panukalang batas na ito ay ang pagpapatibay sa ulat ng bicameral conference committee para sa Senate Bill No. 2420, na nagkasundo sa mga magkakaibang probisyon nito at ng House Bill No. 2286.

Nilalayon ng panukalang ito na gawing makabago ang Republic Act 4726 ng taong 1966 upang mas tumugon ito sa pangangailangan ng modernong pamumuhay sa lungsod.

Bago magsara ang sesyon, iprinisenta ni Escudero – may akda at nagtaguyod ng panukala – sa plenaryo ang pangunahing update sa condominium maintenance, repair, reconstruction, and redevelopment.

“The bicam also provided two options for liquidation: selling the entire condominium project or declaring liquidating dividends to shareholders. In the case of the former, the unit owner shall be entitled to an advance on their share of the sales proceeds based on the agreed valuation and payment terms to be deducted from their final payout,” paliwanag niya.

Ayon sa beteranong mambabatas, sa Metro Manila pa lamang ay mayroong higit sa 775,000 na unit ng condominium, kung saan marami rito ay luma na at kailangan nang i-redevelop. Aniya, tinitiyak ng panukalang-batas na protektado ang mga may-ari ng unit habang pinapayagan ang mga lumang gusali na magkaroon ng bagong buhay.

Kasabay ng ratipikasyon ang pag-aruba ng Senado sa ikatlong pagbasa ang tatlo pang panukalang batas sa ilalim ng komite ni Escudero. Pinasalamatan niya ang kanyang mga kasamahan para sa kanilang mabilis na pagkilos, at binigyang-diin na lima sa anim na panukalang batas ay dinala lamang sa plenaryo sa ilalim ng kanyang pag-endorso dalawang linggo na ang nakalilipas.

“Nagpapasalamat tayo sa ating mga kasamahan sa Senado sa mabilis na pagtalakay at pagpasa ng mga panukalang ito,” sabi ni Escudero, sabay diin na ang mga hakbang ay direktang tumutugon sa mga kagyat na pangangailangan sa pabahay at pagbangon mula sa kalamidad.

“Talaga namang malaking tulong ang mga ito para sa ating mga kababayan na nangangailangan ng mas maayos na tirahan at ginhawa matapos ang mga sakuna at kalamidad,” dagdag pa niya.

Kasama rito ang SB 1992, na nagpapalakas sa kakayahan ng pamahalaan na magpatupad ng socialized housing projects sa pamamagitan ng pagsasaayos ng pagkuha at paggamit ng lupa, na nag-aamyenda sa Urban Development and Housing Act of 1992 (RA 7279).

Tungkol sa tulong sa pabahay, ang SB 2503 ay nagtatatag ng isang Rental Housing Subsidy Program para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan at mga pamilyang mababa ang kita.

Samantala, ang SB 2507 naman ay naglalayong maging mas madali ang pagkuha ng abot-kayang rental housingsa pamamagitan ng pagbibigay ng mga insentibo sa pagpapatayo, pagkukumpuni, at pamamahala ng mga aprubadong proyekto sa pabahay.

Ang ikaapat na panukala, ang SB 2508, ay nagpapalaya sa mga nakaligtas sa kalamidad (calamity survivors) mula sa pasanin sa pananalapi sa pamamagitan ng pagbura sa kanilang mga natitirang obligasyon sa pabahay—kabilang ang principal, amortization, interest, at mga multa —na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P9.5 bilyon. Ipinapwera rin nito ang mga iginawad na yunit ng pabahay sa ilalim ng mga programa para sa kalamidad mula sa estate tax.

Samantala, dalawang panukalang batas na pinangunahan iniakda ni Escudero ang ipinasa sa ikatlong pagbasa, partikular ang SB 2484 (Senate Bill 2484): Idinedeklara nito ang unang Lunes ng Agosto bilang National Line Workers Appreciation Day; at SB 2485 (Senate Bill 2485) na nag-aatasng ₱300,000 na insurance coverage para sa mga line worker laban sa kamatayan o kapansanan habang ang mga employer ay obligadong magbayad ng kanilang premium sa insurance.

“Kinikilala natin ang ambag ng ating mga line workers sa ating mga komunidad at ang pagbibigay sa kanila ng nararapat na proteksyon. Maraming salamat rin sa ating mga senador sa pagsuporta sa mga panukalang ito,” sabi pa ni Escudero.