CELY BUENO (CB): Sa pagkakataong ito, ating makakapanayam via Zoom. Ito ay halos hinawakan na niya napakaraming committee sa Senate, Committee on Justice, Ways and Means, Environment, Finance, pero ngayon po ang kanyang hinahawakan ay Committee on Higher Education. Ating tinutukoy si Senator Chiz Escudero. Hi Sir, magandang tanghali po.
SENATOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Magandang tanghali din po sa inyo at sa lahat ng tagasubaybay, magandang tanghali po.
CB: OK, kasama ko po si Raoul Esperas.
RAOUL ESPERAS (RE): Senator, magandang hapon.
CHIZ: Magandang hapon po.
CB: Sir, bilang abogado at bilang dating chairman ng Committee on Justice ano po masasabi niyo sa sinabi nitong Senior Associate Justice Mark Leonen na nanawagan siya sa mga abogado na tulad niyo na magsalita daw laban sa corruption sa gobyerno kasama daw ‘yung corruption sa judiciary dahil ito ay malaking factor bakit matindi ang inequality sa ating lipunan.
CHIZ: Nabasa ko ang kanyang talumpati, Cely. Tinutukoy niya ay korupsyon sa hudikatura partikular kaya hinimok niya ang abogado, partikular mga opisyal at miyembro ng IBP na magsalita daw kaugnay sa nalalaman corruption. Liwanagin ko Cely, meron tayong principle of separation of powers sa pagitan ng executive, legislative at judiciary. Sa katunayan may ilang kaso na ng Korte Suprema kung saan pinigilan nila ang Kongreso mag-imbestiga sa diumano anomalya sa hudikatura. Ang kanyang paglalabas ng problemang ito sa Hudikatura at paghingi ng tulong sa mga abogado tumutukoy lamang ito sa Hudikatura at sana maliban sa paghingi ng tulong ay meron din ginagawa ang Korte Suprema kaugnay sa pagtugon sa alegasyon at isyu ng korupsyon sa hanay at parte nila.
CB: So, Sir dahil meron nga kayong separation of power wala pong puwedeng gawin ang lehislatura to address ito hong sinasabing corruption sa judiciary?
CHIZ: Well, kung meron silang kinakailangang batas na miapasa meron namang JELACC (Judicial Executive Legislative Advisory and Consultative Council) LEDAC. Meron din naman kung pagkakataon sa panahon ng pag-uusap kaugnay ng budget. Kung may kinakailangan po silang lehislasyon na gustong ipasa ng Kongreso pero sa ilalim ng ating Saligang-Batas maliwanag na may rule making power ang Korte Suprema sa katunayan ang rules of court hindi naman batas ‘yan. Iyan ay rules na tinalaga mula mismo sa Korte Suprema sa pamamagitan lamang ng resolusyon ng Korte Suprema. Halimbawa na lang Cely, maraming kumpanya, maraming opisina, pribado man o pampubliko na meron tayong tinatawag na internal Ombudsman. In fact, ang military, ang AFP, ang pulis, ang PNP, meron din silang mga internal service na opisina na nagsisiyasat, nag-iimbestiga sa hanay nila kung saka-sakaling may ginagawang pag-aabuso o pagnanakaw o pagsasamantala ng hanay nila.
CB: So, Sir, ang malaking hamon ngayon ay nasa punong mahistrado ba ng Korte Suprema para mai-address ito? Primarily kay Chief Justice?
CHIZ: Hindi lamang punong mahistrado bagaman administrative functions na mas malawak ang punong mahistrado maliban sa mahistrado ng Korte Suprema. Tandaan mo Cely, wala namang presidente ang Supreme Court although may chief justice. Wala namang—parang Kamara lang ‘yan at Senado. Bagaman may speaker at senate president lahat ng bagay napagpapasyahan pa rin sa pamamgitan ng buong Korte, en banc. Sa pamamagitan ‘yan ng buong Kongreso magbobotohan, sa pamamagitan ng buong Senado magbobotohan at kokonti kung meron man purely administrative ang puwedeng gawin ng Supreme Court chief justice at kailangan niya pa rin ng tulong ng labinapat pang na mahistrado na bumubuo ng Supreme Court en banc.
CB: Pero Sir, kayo ba kumbinsido o naniniwala kayo doon sa sinabi ho ni Justice Leonen na talagang nage-exist itong korupsyon sa judiciary? May mga naririnig na ba kayo na talagang ay patuloy pa rin itong nangyayaring korupsyon sa judiciary?
CHIZ: Kung nanggaling mismo sa kanya, Cely, wala akong duda na may pinanghuhugutan siya at may nalalaman siya at mas alam niya ‘yan kumpara sa atin, sa iyo, sa akin at kanino pa man. At dagdag pa siguro dito panahon ni Jesus meron ng magnanakaw dalawang libo nang lumilipas matapos nung siya ay nabuhay dito sa mundo. Meron pa rin namang magnanakaw. Panahon ni Jesus meron mahirap, ngayon naman meron pa rin mahirap hanggang sa ngayon. Ang problema ng mundo ay hindi nagbabago at hindi ako magugulat at hindi ko kinagugulat ang mga sinabi niya.
RE: Senator, mismo si dating Pangulong Joseph Estrada kung iyong matatandaan nagsalita noong araw na ang tawag pa nga diyan, mga “hoodlums in robes.” At nagkaroon parang tensyon sa pagitan ng justice system at ng executive legislation, sa mga executive mga ano ‘no. Ang punto ko lang is kung sila rin ang mag-iimbestiga sa kapwa nila may mangyayari ba sa ganyan?
CHIZ: Mayroon naman halimbawa po marami nang pagkakataon na ang Senador, inimbestigahan ng kapwa Senador. Maraming pagkakataon na inimbestigahan ng Kamara ang kapwa nila Kongresista at maliban po d’yan para sa akin naniniwala ako na mayroon man, ‘wag natin lahatin that would be unfair or uncalled for to say the least. Tiyak ko mayroon pero hindi mayorya at yung kokonti ika nga pagkatapos ‘yon ang dapat hanapin s ahanay man ng lehislatura, hudikatura, o ng Executive branch sa hanay man ng Armed Forces of the Philippines o kapulisan. Palaging mayron at ang unang hakbang pinakamagandang hakbang hindi ba mula sa sariling hanay namin, sariling hanay nila magsimula ang pagbabago o paglilinis. Dahil ‘pag ‘yan pinasukan na ng ibang ahensya, ng ibang branch ng pamahalaan mas magiging madugo ika nga hindi man literally madugo pero mas magkakaroon ng sinabi ko na nga initan, bangayan at hindi pagkakasundo. Mas magandang mabigyan ng pagkakataon sinuman. Maglinis ng sarili niyang bakuran kaysa pasukin pa ng kapitbahay niya at ‘yung kapitbahay niya ang maglinis baka may matapon na mahalagang bagay dahil hindi naman niya nalalaman s akanyang tangkang maglinis sa bakuran ng kanyang kapitbahay.
CB: So matagal ng panahon na talagang pinag-uusapang may korapsyon sa judiciary. So, it means sabi niya, Sir, laging nandiyan lang. May pag-asa pa ba na malinis ng tuluyan o sa tingin niyo mahirap?
CHIZ: Mahirap para sa judiciary, Cely, dahil naniniwala ako diyan sa isang simpleng prinsipyo. Discretion always equals corruption. Minimize discretion, you minimize corruption. Eliminate discretion, you eliminate corruption. Ang problema pagdating sa hudikatura ay purely discretion ito maliban na lang kung may swak at eksaktong desisyon ang Korte Suprema na preho ‘yung facts of the case na wala talagang pupuntahan yung pagpapasa ng mahistrado kung hind isa direksyong ‘yon. Kadalasan 90% ng 25% ng mga kaso ay bago, unique at kakaibang sitwasyon kung kaya’t papasok palagi ang discretion. Gayoon na lamang ang mga naging desisyon na nauna na ng Korte Suprema para sa kanila at kung sila’y lalayo babalik ka at nakalabas dito dun papasok ang disciplinary power ng Korte Suprema. May korapsyon man o wala pero hindi kasi ina-assume ng Korte na ignorante ang mga judge kaugnay sa pagpapasya nila. Kaya ‘pag may ginawa ang isang judge na maliwanag na taliwas sa isinulat ng Korte Suprema sa isang desisyon o sa rules ng Korte Suprema malamang sa malamang mayroong abutan o palitang nangyari. Pero ‘yung kasong isasampa sa kanya ay administratibo at kaugnay sa tinatawag nating ignorance of the law ng mahistrado.
CB: Sir, may nakikita ka pa ba na pwedeng i-legislate na batas ang Congress na makatutulong para kahit papaano maibsan itong korapsyon sa judiciary?
RE: Mabawasan ‘yung korapsyon.
CHIZ: Well, alam po ninyo sinulat na ‘yan ng Diyos mismo. Nakaukit sa bato. Binaba ni Moses sa atin. Thou shall not steal pero hanggang ngayon ginagawa pa rin naman ng tao. Ito ano mang kasalanan galing sa tao nakasulat lamang sa papel puwedeng burahin, puwedeng amyendahan, i-repeal. Sa totoo lang, nasa isip at nasa puso at nasa paniniwala sa kanyang sa dakilang lumikha ano man ang kanyang relihiyon para pigilan at pumigil ng isang tao na magnakaw at mag-abuso sa puwesto.
CB: May narinig nga ako Sir hindi na ano kailangang batas basta sundin mo lang yung 10 Commandments parang diba.
CHIZ: Cely huwag na nga e mahirap memoryahin ang 10 Commandments. Ano ang pinakahuling commandment?
RE: 11 ‘yan, Senator Chiz.
CHIZ: (laughs)
RE: 11. Kita mo natawa si Senator.
CHIZ: Huwag na nga ‘yung sampu. ‘Yung dalawa na lang na binigay ni Hesus, Mahalin mo ng buong loob, katapatan, isip, salita at gawa. Ang Diyos Ama at pangalawa ang kapwa mo tulad sa sarili mo. Dalawa na lang, kung mahal mo ang kapwa mo sasaktan mo, gagasahin mo, papatayin mo, pagnanakawan mo, aapihin mo, lolokohin mo. Lahat naman iyon saklaw ng pagmamahal sa kapwa.
CB: So, isa lang iyon sundin mo wala na magiging kasalanan.
RE: E hindi ako.
CB: Pang labing-isa
RE: Labing-isang utos.
CB: Teka limited ang oras natin
RE: Pero Senator maiba, naman tayo showbiz naman. Kumusta na po kayo?
CB: Masaya!
CHIZ: Masaya ang buhay, mapaya. Ika nga pinagdarasal natin dapat palagi kada araw, dalawang bagay lamang; for God to give us peace and joy na nagmumula lamang sa kanya.
CB: Sabi nga ni Chiz, ni Heart doon sa kanyang—
RE: Instagram.
CB: Birthday wish, noong nag-blow siya ng candle na ang may hawak n’ong cake si Senator Chiz ang kanyang good health and then sabi niya peace of mind. Isa ‘yon sa mga wish ni Heart Evangelista.
RE: OK naman pala si Senator, ‘di ba.
CB: Teka limited ‘yung oras natin. May gusto pa akong ihabol.
RE: Sige.
CB: Sir, ang sabi ninyo kaya hindi kayo pumirma sa committee report tungkol dito sa free trade agreement na tinatawag na Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP, hindi niyo pa nababasa. Ngayon po ba tapos niyo nang basahin at sa tingin niyo kumbinsido kayo na ito’y magiging beneficial sa ating bansa kung ira-ratify ito?
CHIZ: Patapos na, Cely, annexes na lamang ang binabasa ko pero mas makapal ‘yong annex kaysa doon sa aktwal na tratado. Nakalista kasi sa mga annex kung ano ‘yong mga produkto ba na hindi na natin puwedeng lagyan ng taripa o dapat babaan natin o patawan natin ng mababang taripa. Tiyak ko, magtatanong ako bago ito ratipikahan, bago ako bumoto dahil alalahanin natin Cely tinutulak ito ng kasalukuyang DTI na si Secretary Pascual pero wala naman siya doon no’ng ito’y ni-negotiate ng ating bansa sa pagitan ng mga regional partners natin sa RCEP. Nandoon pa ba’ yong mga asec at usec, nandoon pa ba ‘yong mga opisyal na nag-negotiate ito? Alam ba nila ‘yong laman nito at tatayuan ba nila ‘yan at doon sa mga bagay-bagay na hindi siya sang-ayon, ano ba ang solusyon nila, panakip butos o pangpuno para matugunan ‘yong tila masamang magiging epekto nito lalong lalo na sa sektor ng agrikultura. Itong RCEP ay tulad ng ibang free trade agreements, tinatanggalan nito ng anumang trade barriers by way of tariff or restriction sa quarantine.
Ang maraming agricultural products sa pagitan ng mga bansang pumirma sa tratadong ito. Bagaman binuksan din nila ang tinatawag nating free trade in services na hiniwalay doon sa WTO (World Trade Organization). Mayroon tayong GATT (General Agreement on Tariffs and Trade) at meron tayong GATS (General Agreement on Trade in Services) sa WTO, dito sa RCEP, pinag-isa na ‘yan at alam naman natin mas marami ang resources ng mga mahihirap na bansa pagdating sa trade in services. So, dapat timbangin natin ‘yan dahil gaya nga ng sabi ko sa naunang sagot ko sa tanong kaugnay sa RCEP, ang ratipikasyon ng isang tratado ay take-it or leave-it. Hindi mo puwedeng amyendahan, hindi mo puwedeng baguhin. Oo ira-ratipika mo o hindi ayaw ko iratipika Dapat timbangin ng mahusay at tama kung ano ba talaga ang mas mabigat, mas makabubuti ba o hindi. ‘Yung masama ba puwede pa natin hanapan ng solusyon at paraan para hindi man maiwasan, mabawasan ‘yong masamang epekton ito kung mayroon man.
CB: So doon sa inyong, sabi niyo patapos na although makapal ‘yong annexes doon sa patapos niyo nang basahin na agreement, ano ang nakikita Ninyo, Sir, sa pagtitimbang ninyo, mas malaki ba ang benepisyo o negatibong epekto.
RE: Makakasama sa ating mga—
CB: Negatibong epekto sa atin—
CHIZ: Bibigyan kita ng halimbawa Cely, kung magkakaroon tayo ng free trade kaugnay ng bigas binibili natin sa kasalukuyan ang bigas mula sa Thailand at Vietnam depende kung ano ang may mas murang presyo dahil G to G ito. Kung tanggalin mo lahat ng barriers to trade, ibig sabihin puwede nang iangkat ‘yan ng pribado o pampublikong sektor man kahit kailan. Pero may epekto ‘yan sa timing. Kapag nag-angkat tayo ng marami o mas marami pa tayong stock na mas mura sa panahon ng anihan, mabubulukan ang ating mga magsasaka. Nalalaman din naman siguro ng ating mga policy makers nakapagka-minill na ang bigas, hindi na lalampas ‘yan ng anim na buwan. Kapag palay pa lang ‘yan, puwedeng tumagal pa ng isang taon at kapag hinintay nating maubos muna ‘yong mas murang in-import darating ho ‘yong panahon mas lugi ‘yong magsasaka dahil sobra sobra ang supply at mabubulukan sila at hindi na ito mabibili, mabili man sa murang halaga. So timbangin palagi ‘yan ganoon din ang usapin kaugnay ng gulay, ganoon din ang usapin kaugnay sa ibang pananim. Dapat i-timing natin sa panahon ng anihan, wala munang ipapasok hanga’t hindi nauubos. Pero ‘yong mga bagay na ‘yon subject for future negotiations pa, subject sa apila ng Pilipinas sa ating trading partners kung saka-sakaling hihingin natin ‘yon. Walang katiyakan ‘yon sa RCEP.
CB: So, Sir kung ngayon ang botohan, boboto ka ba for ratification?
CHIZ: Mahirap timbangin Cely, puwede ba hindi din naman ganoon katadali ‘yong pagpasya Titimbangin ko talaga ng husto ‘yan kung ano ang mas mabigat dahil wala namang perpektong tratado, may mga tratado naman talaga na dapat tanggapin mo na lang ‘yong masama kasama no’ng mabuti, ang importante, mas mabigat ‘yong mas makabubuti sa atin kaysa makasasama.
CB: So, para sa inyo, ‘wag namang madaliin ‘yong ratification hangga’t hindi niyo masusing napag-aaralan at natitimbang kung alin ang mas mabigat ‘yung benepisyo nito o ‘yong hindi magandang—
RE: Mas makakasama sa mga magsasaka.
CHIZ: Well, naghintay na sila ng dalawang taon, two years ago pa ‘yan pinirmahan ng Pilipinas, ano ba naman ‘yong ilang buwan pa hindi ko naman sinasabing dalawang taon ulit pero ano ba naman ‘yong ilang buwan pa kung saka-sakali.
CB: Pero Sir, may labing-anim na senador na pumirma sa committee report. ‘Yon ba assurance na ‘yon na kasi sa ratification two-thirds votes, so it means 16. Sir, tama po ba?
CHIZ: Labing-anim ang kinakailangan, Cely. Tingin ko marami namang sumusuporta dito pero ilang bagay rin ang dapat nating maipaliwanag upang makuha natin ang commitment ng executive department at gayun din tulong ng aming mga kasamahan na may mga problemang dapat tugunan, may mga butas na dapat punuan sa pamamagitan ng budget. Sa darating na Hulyo, August, ang pag-uusapan na naman ang budget para sa 2024 sana anumang diskusyon na nasa record kaugnay ng mga dapat nating punuang butas at punuang pagkukulang ay maaalala pa rin nila habang ginagawa ang taunang budget lalo na ang executive dahil ang budget call, Cely, ay ngayon na buwan ng Pebrero ang budget call. So sana kung anuman ‘yung mga kailangang punuan at pondohan mailagay na nila sa panukalang budget ng taong 2024 mula sa DBM.
CB: Sir, ang dapat bang unahing ligawan ng executive para sumuporta sa ratification nitong RCEP ay ang mismong kapatid ng pangulo na si special ate to the president na si Senator Imee kasi hindi siya pumirma tapos sabi niya feeling niya makakapatay ito.
RE: Pero tituladong ano ‘yan ‘di ba priority bill, tapos si Senator Imee hindi pumirma?
CB: Hindi siya pumirma, hindi siya nag-sponsor
CHIZ: Well para sa akin hindi ba maganda ‘yon na hindi automatic ang suporta ng kamag-anak imbes naman na porket kamag-anak ay automatic ang suporta. Para sa akin ang paninindigan-
RE: So, there must be—
CHIZ: Para sa akin ang paninindigan na pinapakita ni Senator Imee Marcos ay napakagandang makita sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon kung saan ang Pangulo ay kapatid niya.
CB: So para sa inyo na-appreciate ninyo na kahit kapatid, it doesn’t mean na lahat ng gugustuhin ng kaniyang kapatid susunod siya.
RE: Susundin na lang.
CB: Kung alam niyang hindi makakabuti.
CHIZ: Hindi lang ‘yon, si Senator Imee, kumakatawan sa sektor ng populasyon na bumoto sa kanya, hindi lamang bumoto sa kanya pati ‘yong hindi bumoto sa kanya bilang isang senador. Magkaiba nag trabaho nila ng kanyang kapatid. Tiyak ko nag-uusap sila maski na papaano pero naninindigan si Senator Marcos sa kaniyang sariling paniniwala at prinsipyo iba man ito o pareho sa kaniyang kapatid na Pangulo ay magandang makita imbes naman Cely, imbes naman ang nakikita lamang natin ay parang iisang grupo at iisang may conspiracy ika-nga—
RE: Double stamp ano.
CHIZ: Sa pagitan na ng magkakamag-anakan dahil lamang magpinsan o magkamag-anak.
RE: Senator, maiba naman tayo dito sa water leak—
CHIZ: Opo.
RE: Doon sa water leak ng mga bagon sa LRT ‘no. Ano po ba ang pananaw niyo dito dahil I thing, hindi babayaran ng ating gobyerno.
CB: Dapat bang imbestigahan Sir?
CHIZ: Alam niyo ang problema kasi sa LRT pati sa MRT ito ay unique na mga bagon pati ‘yong mga ginamit na gulong para d’yan ay unique ibig sabihin hindi ‘yan off the cuff. Ibig sabihin hindi ‘yan parang piyesa ng auto na sparkplug at turnilyo at gulong na puwede kang bumili kahit saan, kahit kailan. Ito’y kailangan made-to-order at special pa dahil unique ‘yong sukat ng riles natin at unique din ‘yong ating LRT at MRT. So anumang pagbabago na kailangang gawin ay medyo maaantala at mangangailangan ng konti pang panahon maliban na lamang kung ire-repair na lamang nila, kakasuhan ‘yong supplier para sa defective na delivery o ihihirit natin ‘yong warranty kung mayroon man. Dahil hindi ko kabisado ‘yong kontratang pinasukan ng gobyerno kaugnay niyan pero maghihintay tayo ‘pag binalik natin, ‘pag i-repair natin mas mabilis pero baka naman ‘di tumagal. ‘Yan ang ilan sa mga bagay na dapat pasyahan ng LRT administration gayundin ang DOTR kung alin ang the best answer ika nga para sa kapakanan ng ating mga mananakay.
CB: Naku. On that note, bagama’t marami pa kaming bitin na tanong kaya lang wala na kaming oras.
RE: Oo nga.
CB: Marami pong salamat, Senator Chiz Escudero.
RE: Salamat Senator Chiz at kumusta rin kay Heart.
CB: Belated happy birthday kay Heart
CHIZ: Ipaparating ko po maraming salamat muli sa ating mga tagasubaybay, magandang hapon po at maraming salamat.