NIMFA RAVELO (NR): Magandang umaga sa inyo, Senator Chiz Escudero.
ISSA UMALI (IU): Good morning po.
SENATOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Nimfa, Issa at sa lahat ng tagasubaybay natin magandang umaga sa inyo. Good morning!
NR: Good morning, Sir. Sir, una ‘yung tungkol sa West Philippine Sea. Patulong po sa discussion kako po kanina kayo po ay senador noong Duterte administration, naging governor, tapos senador noong PNoy administration. Sir, puwede niyo ho bang i-compare para ma-assess din ho ninyo ang pagtugon ng Marcos administration dito sa West Philippine Sea?
CHIZ: Well, mas nagbibigay ng pahayag si Pangulong BBM. Mas nagsasalita ang ating sariling DFA. Mas nagsasalita ang ating Armed Forces of the Philippines at Coast Guard kaugnay sa paglabag ng Tsina sa kanilang ginagawa sa West Philippine Sea laban at kaugnay ng Coast Guard at ating Navy at ng mangingisda. Actually, nang pinatawag ng Pangulo mismo at hindi ng kalihim ng Foreign Affairs lamang ang Ambassador ng Tsina para magpaliwanag ay malaking hakbang yan at malaking pagbabago kumpara sa nagdaang administrasyon ni Pangulong Duterte.
NR: Oo nga. This time presidente ang nagpatawag dun sa Ambassador. Noong nakaraan, DFA secretary.
IU: Sa Malacanang.
NR: ‘Yung ganitong ginagawa ng presidente, ano ho iyon? Mainam ‘yon?
CHIZ: Pabor ako dun at kung ako tatanungin Nimfa, pinapakita nito na mahalaga at importante ito sa bawat Pilipino, sa ating bansa at sa kasalukuyang gobyerno at presidente at hindi makikibit balikat lamang at titingin ika nga sa kabilang banda na lamang ang gobyerno ni Pangulong Marcos kaugnay ng ganitong uri na mga gawain ng Tsina sa West Philippine Sea.
IU: Senator Escudero, si Issa po ito.
CHIZ: Yes, Issa.
IU: Kasi may nagsasabi sa amin na iyon nga po nagfa-file naman ang ating gobyerno na mga diplomatic protest pero may mga naghahayag na sapat pa ba yung mga diplomatic protests na ‘yan na tila naman po pinapansin ng China?
NR: Paulit-ulit na lang ‘yan.
CHIZ: Well, ibabalik ko ang katanungan sa kanila. Ano ang gusto nila bombahin natin ‘yung barko ng China at magsimula tayo ng giyera? Iyon ba ang hinahanap nilang sapat na pagtugon sa programang ito? Nakasaad sa ating Saligang-Batas, ‘”The Philippines renounces war as an instrument of national policy” and foreign policy as well hindi para sa isang pangulo ang magsimula magdeklara ng giyera para sa isang pangulo dahil siya ang chief architect ng ating foreign policy na tiyakin na makakahanap tayo ng mapayapang paraan na maresolba na hindi ang pagkakaunawaan sa pagitan natin at sa bansang Tsina kaugnay ng West Philippine Sea.
NR: Senator Escudero, nabanggit niyo ho kanina maingay ngayon ‘yung atin pong Presidente nagsasalita sila, ‘yung military natin at ang DFA napa-active din.
IU: Yes. In fairness.
NR: Ito ho ba paano ito makakatulong, Senator? Ito ho ba parang pang hihingi natin atensyon ng international community?
CHIZ: Well, kasama na iyon pero pinaka-importanteng bagay at hindi tayo nagpapabaya kaugnay sa ating pagmamay-ari, kagunay sa ating kasarinlan at soberehenya sa lugar na iyan at hindi natin hinahayaan ang isang Tsina maghariharian at magmay-ari ng lugar na ‘yan. May isang prinsipyo, Nimfa at Issa, tawag nila ay “last test.” Pag ika’y tinutulugan mo ay iyong Karapatan, darating ang panahon na mawawala iyan. Kung hayaan na lang natin ang bansang Tsina gawin ‘yan na wala man lang tayo pinapaabot na protesta o pag reklamo, darating ang panahon sasabihin nila, “Matagal na kaming nandiyan, wala namang nagrereklamo, wala namang nagpoprotesta, wala namang nagsasabi na umalis kami diyan. Amin na ‘yan. Sana huwag dumating ang panahong iyon dahil para sa akin mahina man tayo kumpara sa bansang Tsina ngayon. Kulang man, ika nga, ang ligal at lakas ng suporta kaugnay sa ating pinaglalaban malay natin dumating ‘yung panahon na iyun ang importante lamang habang mas mahina pa tayo sa bansang Tsina huwag nating bitiwan at hayaan na talikuran ang karapatan natin sa West Philippine Sea.
IU: Sa ngayon po, Senator, maraming bansa nagpapahayag ng suporta sa Pilipinas. May mga nagsasabi na, halimbawa po, sa Mababang Kupulungan ng Kongreso. May mga kongresista nagsasabing mabuting samantalahin ni Pangulong Marcos yung mga ganun para pumasok halimbawa sa Visiting Forces Agreement hindi lang sa US o sa Japan kundi sa iba pang bansa. Ano po ‘yung pananaw niyo dito, Senator?
CHIZ: Well, pabor ako du’n dahil sa mahabang panahon ang gusto ng bansang Tsina ay bilateral talk. Ibig sabihin ang mag-uusap lamang ay ang Pilipinas at bansang Tsina kaugnay sa West Philippine Sea. Matagal ng hinihirit ng Pilipinas at regional o multi-lateral talks dahil maliwanag naman kapagka isang bigating bansa tulad ng China makipag-usap sa isang developing country tulad ng Pilipinas simula pa lang ng usapan ay dehado na tayo. Magandang pagsimulan ng usapan ika nga mula sa position of strength na tinatawag kung saan hindi man pantay halos pantay ang dalawang nag-uugnayan at nag-uusap na bansa sa pamamagitan ng isang multi-lateral or regional stepping.
NR: Sir, nabanggit po ninyo ‘yan may sinabi noong isang araw si Senator Alan Peter Cayetano naging Foreign Affairs secretary. Sinabi niya noong panahon ni dating Pangulong Duterte, iyon nga, bilateral, ‘di ba China ang direktang kausap. Compared doon sa PNoy administration na ginawa nating multi-lateral na hanggang umabot pa sa dinala natin sa Europe, dinala—sa UN Arbitral, ‘di ba? Ngayon po Sir, sabi niya, panahon ni dating Pangulong Duterte naging effective ‘yung bilateral ‘yung pagtrato dito ‘yung pakikipag-usap sa China kasi hindi nadagdagan ‘yung occupied territory ng China kasi tanggap na sa Scarborough Shoal talaga sila. Nang kinakausap palagi ang China hindi na nadagdagan ‘yung kanilang sakop so ang sabi niya kaya dapat clear din daw tayo dun sa makikipagmabutihan sa ibang bansa tulad ng US na dinadagdagan natin sila ng kapag puwedeng puwestuhan para sa EDCA. Mag-iimbita pa tayo ng maraming bansa. Ano ang masasabi po ninyo dito, Senator Escudero?
CHIZ: Well, factual at historical ‘yung account ni Senator Cayetano. Tama naman talaga iyon. Dahil ginawa ng China ‘yan noong panahon ni Pangulong Aquino noong hindi natin kinakausap ang China at masyado tayong dikit sa Estados Unidos at kawalan ng relasyon, ugnayan, pakikipag usap at pakikipag kaibigan ng panahong ‘yon ang ginamit na lusot, dahilan at paraan ng China para magpagawa ng mga base. Ginawang base diyan sa Scarborough Shoal noong panahon ni dating Pangulong Aquino at dahil hindi nga maganda ang ugnayan ng Pilipinas at bansang Tsina nagkaroon sila ng dahilan na ipagpatuloy iyon. Noong nakipag—usap tayo sa China, oo nga tumigil pero ang harassment naman ng China sa ating mga mangingisda at sa ating mga coastguard ay napagpatuloy rin.
Ang ginagawa ni Pangulong Marcos ngayon ay pinaghalo niya ang dalawa habang nakikipag-ugnayan siya sa bansang Amerika habang pinapalawig niya ang EDCA. Habang pinagtitibay niya ang alyansa sa pagitan ng America, Japan at Chinao kahit Australia at Pilipinas ay nakikipag-uganayan pa rin naman siya sa bansang China. Galing nga lang siya doon para makipag-ugnayan sa mga bagay bagay na tulad ng ekonomiya na puwede naman nating pagkasunduan at hindi pinag-aawayan. Ika nga ni Deng Xiaoping, “we can agree on what we can agree on today and set aside what we disagree on.” Maaari namang makipagkasunduan sa bansang China habang hindi isinasantabi at hindi pinakakawalan kaugnay sa ating pakikipag-ugnayan sa Scarborough shoal kaugnay sa West Philippine Sea.
NR: Doon po ba situation ngayon, kinakailangan po ba Senator Escudero na i-convene ang National Security Council?
CHIZ: Sa pananaw at palagay ko, hindi naman. Pero, hindi iyan call ng Senado,call iyan ng Pangulo. Bilang commander-in-chief iyan ay bahagi ng Pangulo na iyan ay dapat na timbangin kung iko-convene ba ang National Security Council. Kapag ginawa mo iyan ay baka pinabibigat mo lamang ang sitwasyon sa ngayon kumpara sa realidad na iyon lamang naman talaga iyon.
NR: Pero paano po makakaambag ng ideya ang Senado kaugnay sa foreign relations?
CHIZ: Alam ninyo, pagdating sa foreign relations, ang chief architects ay ang Pangulo ng bansa. Walang papel ang Kamara. Ang tanging papel ng Senado ay magratipika ng mga tratadong papel na papasukin niya. Pero kapag personal agreement katulad ng EDCA ang pinasukan niya, walang papel na gagampanan ang Senado maliban na lamang sa pagpasa ng mga resolusyon na hinihikayat ang Pangulo na gawin ang isang bagay o ibang bagay.
NR: Pero, may pagkakataon po na humingi ang Senado ng briefing kaugnay sa nangyayari sa West Philippine Sea kasi after all kahit na ang chief architect ng foreign policy ay katuwang nga din ho kayo – like sa ratification ng treaty. Kayo ho ang mag-approve ng mga budget?
CHIZ: Tama po kayo. Hindi naman kawalan. Pati ang Kamara puwedeng humingi ng briefing sa National Security Council at security official. Hindi lamang kaugnay ng budget kaugnay sa mga nangyayari ngayon. Hindi ba parang Kongreso lamang iyan ng America, maraming naglalabasan na diumano’y UFO ay humiling naman sila ng briefing mula sa mga executive officials nila sa Estados Unidos.
IU: Nakapanayam po naming dito sa DZBB iyong mga opisyal ng PH Coast Guard o PCG ang kanilang hirit po sa Senado at Kamara po ay ipasa na iyong PCG Modernization Program. Kaugnay nga naman- dito sa mga nakalipas na mga araw ay very active nga sila. Sabi nga nila ay pinalakas pa nila ang kanilang pagbabantay at pagpapatrolya sa West Philippine Sea. Sa inyong pagkakaalam nga Senator Escudero sa Senado sa isinusulong kaugnay nga sa Coast Guard Modernization Program?
CHIZ: Maliban sa pagpasa ng batas ay mahalaga iyon sa taunang budget dahil kung hindi may mga batas ka nga sa modernisasyon kaugnay sa AFP Modernization, napondohan lamang naman ng sapat at kinakailangang panahon ni Pangulong Duterte at ngayon naman panahon ni Pangulong Marcos. Hindi lamang pagpasa ng batas kaugnay sa modernisasyon. Ang higit na ang importanteng bahagi niyan ay ang pagpasa ng taunang badyet na nandoon ‘yung taunang nilalaan na pondo na kinakailangan ng Coast Guard para ma-modernize natin sila.
NR: Tsaka may naalala din ako Senator Escudero, may mga nagsusulong na ‘yung Coast Guard tanggalin na siya sa ilalim ng Department of Transportation na mas palakasin pa ng husto ‘yung Coast Guard. Kasi nga naman ang Pilipinas alam natin na papalibutan tayo ng mga karagatan, ‘di ba?
IU: Tsaka ibig sabihin nasa Department of Transportation siya, civilian agency siya. Hindi siya sa military.
CHIZ: Well, you know, importanteng pagkakaiba Nimfa tama ka kapag inalis natin ‘yung sa DOTR at nilagay natin sa ilalim ng Sandatahang Lakas ang unang tanong ano ang pinagkaiba niyan sa Philippine Navy? Pangalawa, kung kinokonsidera natin militar ‘yan, ‘di ang magbabanggaan sa West Philippine Sea at wala na tayong puwedeng ika nga ikubli pa ay military ng Pilipinas at militar ng bansang Tsina. At ang sunod na hakbang na diyan ay deklarasyon ng giyera na wala sa paniniwala kong may gusto.
NR: Ang daming—ang masalimuot ng isyung ito na parang saan tayo matatapos dito Senator. Hindi natin nakikita na ending, happy ending.
CHIZ: Matagal pa ito Nimfa, Issa hindi ito matatapos pero ang importante habang hindi pa natatapos pabor sa atin huwag tayong bumitiw, huwag natin bitawan at patuloy natin panghahawakan yung ating pagmamay-ari, interes, soberehenya at kasarinlan sa karagatan at mga isla diyan.
NR: Sir, ito lang tanong ng isang estudyante maraming nakikinig sa ating estudyante gustong matuto. Ano ho daw ‘yung logic ng sampa tayo ng sampa ng diplomatic protest na wala namang nangyayari at hindi naman pinapansin ng China. Naipaliwanag ni Senator ‘yan kanina, pero Sir, kayo na nga ho ulit sumagot. Kung OK lang.
CHIZ: Gaya ng sinabi ko, pinapatunayan nito na hindi natin binibitiwan ang ating karapatan. Hindi natin sinusuko sa kabila ng katotohanan na mas makapangyarihan, mayaman at malaking bansa ang Tsina kumpara sa atin. Wala mang epekto ngayon. Pinapakita, pinapatunayan niyan na hindi tayo bumibitiw at sumusuko. Ika nga, ‘yung kabilang banda ‘yung isipin natin. ‘Pag hindi tayo maghain ng diplomatic protest, manahimik lamang tayo, ‘di ‘yung karapatan at kapangyarihan at pagmamay-ari natin diyan ay baka maging solid pa. ‘Yung kabilang banda naman anong gusto ninyo hindi magsalang ng diplomatic protest at magdeklara na lang ng giyera at makipag giyera tayo sa China dahil diyan? Isipin na lang natin ‘yung konsikwensa at epekto nun kung gagawin nga natin iyon.
NR: Ano ‘yun Sir, kung halimbawa kung ikukumpara sa magkakapitbahay ‘pag ‘yung kapitbahay mo kuha ng kuha ng bayabas puno na nasa bakuran mo hinahayaan mo lang at tapos alam mo namang bawal pero kapag kinunsinti mo hinahayaan mo na ipagpapalagay na payag ka OK lang, ‘di ba?
CHIZ: Huwag lang bayabas Nimfa, magkapitbahay kayo, alam mo lupa mo parte ng lupa mo iyon, tinaniman niya at bakuran niya at wala kang sinabi, ‘pag lumipas ang dalawa, tatlo, sampung taon, dalawampung taon, baka ‘yung salinlahi mo ang pagkakaalam nun, kanya na iyon at hindi na sa iyo.
NR: Mas in-improve pa ni Sir. Abogado e.
IU: Pero ako isa na lang po regarding po dito, Senator Escudero. Kasi may mga naitatala pa rin pong insidente diyan sa Scarborough Shoal, Ayungin Shoal at iba pang sakop ng West Philippine Sea. Pero iyon nga po lagi na lang sinasabi nagpapatuloy ‘yung harassment umano o intimidation ng China sa Pilipinas pero ano ho ba iyung kumbaga paraan para maiwasan ang mga bagay na ito sa panig ng ating bansa?
CHIZ: Well, magsalita na. Sa paniniwala ko, kung tama ang pagkakaalala ko si Pangulong Marcos na nais niyang makipag-ugnayan sa bansang Tsina kaugnay sa tamang galaw o gawain at puwede at hindi puwedeng gawin diyan sa West Philippine Sea. Hindi lamang ang bansang Tsina pati ang bansang Pilipinas para maiwasan anumang hindi pagkakaunawaan, banggaan at gawain hindi lamang sa West Philippine Sea. Hindi lamang ng bansang China pati na rin ng Pilipinas para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at banggaan o tawagin kong aksidente na magkaputukan at may mamatay o masaktan na baka maging hudyat o simula ng mas malaking kaguluhan.
Alalahanin natin halimbawa, Nimfa at Issa, nagsimula ang World War I sa pag-assassinate na lamang ng isang tao na si Archduke Franz Ferdinand sa Europa. Isa lamang ang pinatay pero naging hudyat iyon sa simula ng mas malawakang daigdigang digmaan. Ganoon din dito. Sana magkaroon ng code of conduct o magkasundo ang dalawang bansa kaugnay sa code of conduct habang pinanghahawakan ng bansang Tsina ang paniniwalang kanila iyan. Habang pinanghahawakan natin ng ating paniniwala na atin naman iyan.
NR: Isang tanong na lang tungkol dito, meron pong statement ang China ang panawagan nila sa Pilipinas ay iwasan yung mga aksyon na maaaring magpainit pa ng tensyon although sila naman ‘yung nauuna, hindi ba? Pero merong observation na maaring nakapagsindi o nakapag escalate pa ng tensyon yung initiatives pa ng Marcos administration kagaya ho ng pagdaragdag ng agreed locations para sa Enhanced Defense Cooperation Agreement tsaka ‘yung pagjo-joint patrols ‘yung pagpu-push ng joint patrols with US, Japan at least wala pa ngayon ‘yung Australia pero pinu-push na rin.
CHIZ: Hindi naman siguro tama Nimfa, Issa at sa ating mga tagasubaybay na magiging basehan natin ang ating foreign policy, ang magiging basehan natin sa gagawin at hindi natin gagawin hindi lang isang bansa ay ‘yung konseptong takot na baka magalit o baka iba ang interpretasyon ng bansang Tsina na inaagaw ang parte ng ating teritoryo. Ang ganoong opinion ay ikokonsidera kapag ikaw ay may gagawin. Siyempre, hindi ‘yung opinion ng kalaban o kumakalaban sa iyo kaugnay sa parte ng ating teritoryo pero siyempre ‘yung opinion at inaalok na tulong ng ating mga kaibigan at sumusuporta sa atin. Ika nga sa Ingles, we should not be deciding based on fear. So hindi natin gagawin ng US, hindi gagawin ng Pangulong Marcos ang EDCA takot siya na anumang isipin ng China? Hindi niya gagawin makipag-ugnayan sa bansang Japan at sa bansang Australia para mapanatiling malaya at libre ang international sea lane dahil takot sila baka magalit at magtampo ang bansa Tsina? Hindi naman po siguro ganoon iyon. At naniniwala ako na merong back room at backchanneling talks sa pagitan ng mga opisyal ng bansang China at Pilipinas para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa kabila ng public pronouncements ng Pilipinas at ng bansang Tsina. Siyempre meron din silang domestic audience na kailangan ika nga paunawain at paintindihin kaugnay sa ginagawa at hindi nila ginagawa sa islang iyon.
NR: And then kanina Senator, nabanggit po ninyo hindi lang ‘yung tungkol dito sa West Philippine Sea ‘yung ugnayan natin sa China ‘yun pong China seguehin ko na sa RCEP para sa ating listeners ano po. ‘Yung Regional Comprehensive Economic Partnership, isa sa bansa trading partners diyan o kasama diyan sa RCEP ay ang China. Sir, ito ba ay isa sa puwedeng turn-off sa RCEP dahil hindi kasama diyan ang China?
CHIZ: Sa pananaw ko hindi. Tulad ng binanggit ko Nimfa, Issa maraming uri ng relasyon at ugnayan ng mga bansa. Isa lamang ang territorial dispute. Pero ang pinakamalaking parte ang economic, cultural, educational, at iba’t ibang uri ng ugnayan. Gaya ng binanggit ko kanina. Ang dating pinuno ng China na si Deng Xiaoping naniniwala dun at ganun din ang dapat pananaw ko dapat nating tingnan hindi porke’t hindi kayo nagkakasundo sa isang bagay ay aawayin mo na sa lahat ng bagay. Importanteng trading partner pa rin ang Pilipinas ang bansang Tsina isa sila sa pinakamalaking export sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa. At marami sa probinsiya
IU: Naku naputol ba si, Senator Chiz.
IU: Nagbabalik po si Senator Francis Escudero.
NR: Senator, naputol lang po kayo- hindi kasama sa lumagda doon sa committee report para doon sa RCEP. Tutol ba kayo dito at bakit po?
CHIZ: Hindi naman ako tutol. Hindi pa lang ako tapos basahin dahil napakahaba. Tapos na ako sa tratado mismo pero tinatapos ko ngayon annexes na, ika nga, sa ingles the devil is in the details. Doon mo makikita ang may mga produkto ba talaga ang tatanggalan nila ng taripa at malaya ng makakapasok sa ating bansa at anong epekto nito at anong produktong ipo-produce sa ating lalo na ng ating magsasaka at mangingisda.
NR: Sir, conclude lang po ‘yung aming panayam sa inyo. Ano po ang siyempre ang sabi niyo pinag-aaralan ninyo pa pero ano ‘yung mga consideration niyo dito kasi sinasabi papatay nito ang sektor ng agrikultura, sisigla yung ibang sektor like ‘yung sa semi-conductor industries pero pagdating sa agrikultura made-dead daw po?
CHIZ: Well, hindi lang naman ‘yung IT industry merong parte ng tratado kaugnay ng trade-in services. At alalahanin natin mahigit sampung milyong Pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa at bubuksan ang pintuan para makapagtrabaho pa rin ang Pilipino sa ibang bansa partikular sa ASEAN region at partners ng ASEAN. Ang problema kasi Nimfa, Issa ay tratado ito na ira-ratify o ire-reject lamang ng Senado. Hindi ito parang batas na puwedeng amyendahan o baguhin pa. Take it or leave it, ika nga, ito. Kailangan timbangin ang bawat senador mas malaki ba ‘yung kabutihan kaysa kasamaan, mas malaki ba kasamaan kaysa sa kabutihan kung sa pagboto niya kaugnay nito wala ka nang puwedeng baguhin pa. Ang pinakapuwedeng magawa na lamang ay humiling ng assurance mula sa Executive department na ‘yung mga tatamaang sektor ay mabibigyan ng karampatang ayuda at tulong upang makatayo laban sa mga produktong manggagaling sa ibang bansa na mas mura, mas maganda marahil kumpara sa kasalukuyang mga produkto natin partikular sa sektor ng agrikultura.
NR: With that, maraming salamat po inyong oras po, Senator Chiz Escudero.
IU: Thank you so much Senator. Ingat po kayo palagi.
CHIZ: Salamat at magandang umaga sa muli pagbati sa ating tagasubaybay.