NIMFA RAVELO (NR): Si Senator Chiz Escudero. Sir, maraming salamat po sa inyong paghihintay naurong lang ‘yung ating oras dahil doon sa mahalagang pulong balitaan tungkol sa lindol sa Surigao Del Sur.
ISA UMALI (IU): Magandang umaga po. Hello?
NR: Nasa Viber natin si Senator Chiz. Sir, good morning po.
SENATOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Hello?
NR: ‘Yan. Good morning, Sir
IU: ‘Yan na si Senator.
CHIZ: Isa and Nimfa, magandang umaga sa inyo at sa lahat ng ating tagapakinig. Magandang umaga at kasabay niyo ako sa pag-aalala sa ating mga kababayan sa Surigao na tinamaan ng lindol. Sabay ko na rin ‘yung pagbobombang naganap sa Marawi.
NR: Naku opo ‘yung pambobomba sa simbahan sa Marawi kanina. Ano ba covered court?
IU: Sa gym.
NR: Sa gymnasium. May tatlong nasawi doon sa pagsabog ‘no sa isang misa. Sir, I’m sure doon lang po sa lindol I’m sure meron hong dapat na sapat na budget pa ang ating pamahalaan para ma- ‘yung Calamity Fund ano pantugon po doon sa of course maituturing na itong kalamidad.
CHIZ: Meron naman, Nimfa, sa 2023 Budget. Meron pang nakalaan ang pagkakaalam ko may tira pang mga Php12-B doon at sa darating na taon, kulang-kulang Php30-B ang nasa Calamity Fund ng presidente.
NR: ‘Yan ang mapagkukunan dapat na sigurado. Sir, ito po ang aming pakay sa inyo ano ho ‘yung tungkol doon sa pagre-reimburse sa offloading, kayo ‘yung nag-raise nito noong tinatalakay ‘yung budget sabi niyo dapat i-reimburse kaya lang ang kaagad na reaksyon po ng immigration ay wala sila sa poder para mag-reimburse at ang sabi ng DOJ pag-aaralan kasi puwedeng maabuso. Hindi ko alam kung paanong puwedeng maabuso.
CHIZ: Nimfa, inaawtorisa ng budget ‘yung sinasabi nilang poder puwede kapag napasa ‘yong budget at nasama ‘yang probisyong. ‘Yan meron na silang authorization na gawin ‘yan. ‘Yung proseso at procedure in-assign na namin sa Bureau of Immigration at DOJ dahil detalye na ‘yon at mas nalalaman nila. Ngayon, kung takot silang maaaring maabuso dapat matakot din sila doon sa pag-aabusong nangyari na sa pag-o-offload ng mga pasahero base lamang sa itsura, sa discretion at sa sariling pasya at desisyon ng mga immigration officers. Ngayon nilagay naming doon, Nimfa, is 10 percent ng nakokolekta ng Bureau of Immigration dahil nakita ko noong nagdaang taong 2022 meron silang sobrang mahigit Php200-M na hindi nila nagastos. Na-carry over lamang sa 2023. ‘Yan ay katumbas ng 10 porsyento ng nakokolekta ng Bureau of Immigration na mahigit Php2-B kada taon. So wala naman talagang epekto sa kanila, sa suweldo ng immigration officers, sa mga programang kailangan nilang gawin imbes na mapunta sa treasury ibigay na lamang ito sa mga na-offload.
IU: May binabanggit po ang Department of Justice, Senator Escudero, na pag-aaralan nga po nila itong usapin na ito pero may kasabay na babala na baka daw po it might crimp BI or Bureau of Immigration sa work dahil nga po baka nga po maabuso raw itong mga reimbursement na ito ng mga offloaded passenger. Your thoughts po?
CHIZ: Maraming options na pwedeng gawin ang DOJ. Puwede silang magtalaga ng desk para dito, pwede silang humiling ng tulong mula sa DBM, maglagay din ng taga-COA para matiyak na ‘yong mga dokumentong ire-require ay mapepresenta, pwede rin naman sila maglagay lang ng flat fee ibig sabihin X amount applicable sa lahat kahit kulang ‘yon sa ginastos nila at least may makabalik man lang na pera sa kanila dahil hindi sila natuloy na magbiyahe. Maraming options, actually, ang DOJ hindi lang sapat ang panahon ng Kongreso at Senado para talakayin ‘yong detalye kung paano ito ibabalik pero nandoon na ‘yong awtorisasyon, nandoon na ‘yong pera at ang kailangan lang nilang gawin ay ipatupad. Trabaho naman talaga ng Executive ‘yon. Ipatupad ang polisiya, i-execute ang polisiya ng Kongreso.
NR: Ayan ‘yung binanggit po ni, Isa, Senator Escudero na mag-alangan, ika nga, ‘yung mga taga-Immigration doon sa pagkilatis doon sa mga aalis sana dahil syempre, at the back of their minds, ano baka sila masita o bakit mo ito in-offload tuloy magbabayad pa ang immigration samantalang trabaho daw ho ito ng inter-agency, ano—
IU:—IACAT.
NR: Inter-agency Council Against Trafficking to which ‘yung Immigration Bureau ay member. Trabah nila na siguraduhing hindi mabibiktima ‘yung ating mga kababayan sa ibang bansa.
CHIZ: Tama din naman ‘yon, Nimfa, pero ang sinasabi ko lang dapat may basehan. Asan ba ‘yong kasulatan hangang ngayon kasi wala. Ano ba ‘yong dapat nilang hinahanap parang checklist, kumbaga, na kapag 7 out of 10, 8 out of 10 nakita nila sa pasahero ay offloaded ‘yan. Tandaan mo, walang korteng nagpapasa kaugnay nito kung ikaw ay magiging biktima ng trafficking o ikaw ay papasok sa human trafficking sa ibang bansa. Ito’y discretion lamang ng Executive na ni hindi inawtorisa ng Kongreso na ibigay sa kanila base lamang sa kasunduan. So as soon as meron na silang patakaran, definite na listahan o checklist kung sino nga ba ‘yong ma-o-offload dapat at hindi siguro ‘yon ang magtutulak sa kanilang gawin na ‘yan ngayon na babayaran na nila sinumang i-o-offload nila. Liwanagin ko lang Isa, Nimfa ito ay retroactive provision ibig sabihin lahat ng mga na-offload sa nagdaang panahon, puwedeng mag-claim nasa sakanila na ‘yan kung ano ang ire-require nila, ticket, pruweba na in-offload sila, petsa na dapat sila’y umalis, magkano ginastos nila sa ticket, etc. Ang requirement na ‘yan na pwedeng ipataw ng DOJ at BI.
NR: Mukhang malaki-laking halaga po ito, Senator, kasi naalala ko ho noong ni-raise niyo ho ito sabi niyo nasa 32,000 ‘yong mga na offload last year.
IU: Marami ‘yon.
NR: Ang dami ho no’n tapos ay 472 lamang ‘yong nakumpirma na biktima ng trafficking. So paano ho ito, paano ho ito bu-budgetan kung sabi niyo ho ay nasa Php200-M, tinimes ko sa Php15,000 kung average, halimbawa, nilang pamasahe ay nasa Php486-M, Sir.
CHIZ: E ‘di kung mag-iingat sila mababawasan ang numerong ‘yan at puwede namang hulugan kada taon ‘yong mga hindi pa mababayaran sa kasalukuyang taon. Ang importante, Nimfa, Isa ay meron nang proseso para makapag-reimburse ‘yong na-offload. Ngayon, tandaan ulit natin, may intensyon man talaga siyang pumasok sa human trafficking o maari man siyang nabiktima o hindi, the fact remains is gumastos sila. In-offload siya ng walang pagbabasa ang husgado at korte ika nga sa civil code may probisyon tayo doon na unjust enrichment hindi puwedeng ika nga yumaman ‘yong airline na ganoon-ganoon lamang dahil hindi naman kasalanan ng pasahero kung bakit hindi siya nakasakay. Isa pang punto Isa, Nimfa trabaho ‘yan na nag-iisue ng visa, trabaho ‘yan ng bansang nagre-require ng sobrang daming requirements bago bigyan ng visa ang isang Pilipinong magbibiyahe para tiyakin na hindi mangyayari ‘yan. Pangalawang line, pangatlong line of defense naman ‘yung Bureau of Immigration kung saka-sakali.
NR: Buti nabanggit niyo ‘yan, Sir, kasi Isa merong mga na-offload na may visa naman, kung halimbawa sa U.S., may visa pinaghinalaan siya na ita-trafficking doon, binigyasn siya ng visa ng U.S. ‘di ba dapat problema na ng U.S. kung pagdating niya doon siya tanungin kung may pupuntahan ka ba talaga, may trabaho ka ba talaga, binigyan na ho nila ng visa ibig sabihin supposedly nakilatis na nila.
IU: Nakapasa na.
CHIZ: Sa lookout na ‘yan, Nimfa, noong bansang pupuntahan nung Pilipino bakit kapwa Pilipino pa ang magpapahirap sa kapwa Pilipino na gusto sanang makipagsapalaran sa ibang bansa para baguhin ang kanyang buhay o makapiling marahil ‘yong kanyang pamilya at mga mahal din sa buhay?
IU: Senator Escudero, kumusta po ‘yung take dito ng mga members ng bicam, sa palagay niyo ho ba makakalusot po ito at maisasama sa 2024 National Budget natin?
CHIZ: Buo ang paniniwala ko dahil gaya ng sinabi ko ang ginalaw ko lang na pondo ay ‘yung 10 porsyentong nakokolekta ng BI na binabalik din naman nila kada taon sa National Treasury dahil hindi nila nagagastos. Diyan kasi kinukuha ‘yung overtime pay, halimbawa, ng Immigration officers, d’yan kinukuha ‘yong ibang mga gastusin ng Bureau of Immigration para maayos ‘yong kanilang computer, camera, etc. Hindi ko po ginalaw ‘yon. So walang nabawasan, walang nasaktan ika nga imbes na bumalik sa national treasury ‘di ibigya na lang natin doon sa mga na-offload ng walang basehan o ng walang sapat na basehan dahil alam na nga ng BI 450 plus lang ang may basehan talaga ‘yong iba mahigit 31,000 ay haka-haka hula at wala naman talagang basehan.
NR: Hindi naman pala sila masasaktan bakit nila ipagdadamot. Sabi nga ni Senator Chiz, kapag nailagay na ‘yong special provision magiging batas na, mao-authorize na sila. Paano po Sir kapag kung sa Kamara, halimbawa, i-accept nila ito ‘yong chances naman nito sa Malacanang hindi naman po kaya ito ma-veto kung halimbawa alangan dito ang Justice Secretary o DOJ puwedeng i-advice ang presidente.
CHIZ: Maliit na halaga lamang ito Php200-M kaugnay ng mahigit P5-T budget ng pamahalaan at nakabase pa ito sa income ng BI, hindi nakabase sa bagong buwis na kokolektahin na kailangan pang kolektahin ng BIR kaya wala akong nakikitang masasaktan ang gobyerno dito. Alalahanin natin Isa, Nimfa, ang gobyerno ay inembento para magserbisyo hindi para kumita marapat at dapat ‘yan ang nasa una sa isipan ng sinumang magpapatupad ng mga batas ng ating bansa at naniniwala akong si Pangulong Marcos ay hindi ivi-veto ito dahil ito ay serbisyo at tulong sa mga nasaktan nating mga kababayan kaugnay ng polisiya na inabutan na lang niya noong siya ay naging pangulo.
NR: Ayon. Opo. Tsaka ano, Sir, isang point lang ako dito bad trip ito doon sa mga mamamasyal sa abroad. Alam mo ‘yong pinag-ipunan tapos-
IU: Oo naman.
NR: Hindi lang sila mukhang mayaman pinagdudahan ng ita-traffic ‘di ba ngayon ho mura na ang mga—
IU: Hindi biro ang pagbayad ng tickets ha.
NR: Tsaka may budget fare na ‘di ba. Kami nag-aabang kami ng piso fair o kung magkaroon ako ng Php15,000 puwede na akong magbalikan ng Hongkong o Taiwan.
IU: Tsaka ‘yung baon, ‘di ba.
NR: O pinag-ipunan mo nag-book ka na ng hotel tapos io-offload dahil hindi lang ako itsurang mayaman, hindi ako nakalimang bag ‘di ba.
CHIZ: Kahit ‘yung hitsurang mayaman kung matsambahan man ng Bureau of Immigration dahil (overlapping voices) at face value at far price sila nga puwede pa magpa-reimburse pero ‘yung mahihirap nating kababayang nakipagsapalaran, naghintay, nag-ipon, tumaya sila pa ‘yong nasasaktan ng polisiyang ito.
NR: Kaya nga. Sir, isang punto pa ‘yong tungkol sa International Criminal Court naging mainit na issue din ito dahil doon sa Kamara na kino-cover ni Isa ayan ang resolution.
IU: Approved na sa House Committee on Justice at Human Right ‘yung tatlong House resolutions na nagsusulong nga po na makipagtulungan na ‘yong Pilipinas sa ICC probe sa giyera kontra droga. Iaakyat na sa plenary ‘yan.
NR: Tapos sa Senate nag-file din po si Senator Risa Hontiveros, Sir, kasi pinakilig ‘yong ibang mga anti-Duterte dahil sa pulitika man o dahil gigil sa EJKs o extrajudicial killings parang nakiliti sila nung sinabi ho ni Presidente na pinag-aaralan kung magre-rejoin tayo ulit doon sa ICC o hindi. So napunta ‘yung debate sa kung mag-decide ang Presidente kailangan ba ng concurrence ng Senate o hindi. So, kayo ho Senator Escudero ano pong tingin niyo dito?
CHIZ: Ang batas at jurisprudence Nimfa, Isa kaugnay nito ay hindi pa tapos ang kuwento ika nga maski na sa Amerika kung saan natin kinopya ang ating Saligang-Batas karamihan ng probisyon nito hindi pa rin settled ‘yung issue kaugnay sa kailangan pa bang kunin ang ratipikasyon ng Senado o hindi. Merong dalawang pananaw Nimfa, Isa una ‘yong pananaw katulad ng sinasabi ni Senator Bato kailangan kunin ‘yong ratification ng Senate muli kung pipirma ang presidente sa ICC. Ang pangalawang pananaw ay hindi na kailangan kunin dahil ‘yung ratification ng Senado ay tumatayo pa rin, nananatiling valid pa rin dahil pangulo lang naman natin ang nag-withdraw at wala namang kaakibat na resolusyon ‘yon galing Senado para mag-withdraw. Kung may kaakibat na resolusyon ‘yon para mag-withdraw kasabay ng pag-withdraw ng Pangulo ‘di ang sinasabi ng teorya, legal theory ay doon kailangan ng Senate ratification muli. Pero kung presidente lang ang umatras at nandoon pa rin ‘yong Senate ratification at wala namang resolusyong binabawi ‘yon nakatayo pa rin, valid pa rin ‘yung ratification ng Senado at ang kailangan lamang ay pumirma ang pangulo.
IU: Pero kung kayo po ang tatanungin personally dapat po bang i-reconsider ni Presidente Marcos Jr. ‘yong pagbabalik ng Pilipinas sa ICC?
CHIZ: Para sa akin, tama ‘yong sinabi ng Pangulo na dapat ito’y pag-aralan muli dahil may mga pinasok tayong tratado na tayo naman ‘yong nagbabayad palagi at tayo ‘yong nagdurusa katulad na lamang ng FATF, sumali tayo d’yan kaya tayo bina-blacklist ang Malaysia hindi sumali diyan kaya kahit anong gawin nila hindi sila maba-blacklist. So may mga ganoong klaseng tratado. Ito dapat pag-aralan din ng Pangulo ano nga ba ang mapapala ng ating bansa kung tayo ay muling papasok dito. Sana hindi pulitika, sana hindi pang-personal ang rason ng muli nating pagpasok dito. Dapat ‘yan ang ipaliwanag ng husto ng Executive Branch kung itutuloy nga nila ang muling pagbalik sa ICC. Isa pang punto siguro merong probisyon sa ICC na nagsasabi na kapag nagkaroon na ng jurisdiction ang ICC maski na umatras o umalis ‘yung bansang dating miyembro may jurisdiction na silang dati ‘yan ang isang paksa din ng international law na hindi pa maliwanag masyado kung paano ipatutupad pero may ganoong probisyon, Isa, Nimfa.
NR: Paano po ito mase-settle sa Supreme Court ho ba ito?
CHIZ: Hindi. Masisimulang ma-settle ‘yan sa Pangulo dahil kung ayaw niyang pumirmang muli at bumalik wala naman tayong pag-uusapan. Ang chief architect ng foreign policy natin ay ang pangulo ang Senado at nagraratipika lamang, ang Kamara walang papel sa foreign policy. Magsisimula ‘yan sa muling pagpirma ng Pangulo kung pumirma siya doon lamang magsisimula ang usapin kung meron nga bang Senate concurrence na kailangan o hindi. Puwedeng concurrence ang gawin puwedeng resolusyon din ang gawin na kinakatigan, sinasang-ayunan ‘yong muling pagpirma ng Pangulo at kung ito ay makakuha ng two-thirds ‘di parang ratification na rin ‘yon.
NR: Parang sa ngayon merong petisyon sa Supreme Court na kumukwestiyon doon sa pag-unilateral na pag-atras ni dating Pangulong Duterte sa ICC o pagwi-withdraw sa atin kasi sinasabi na kung ang tratado ay ni-ratify ng Senate, nag-concurrence ang Senate sa ratification dapat kasama din siya sa pagdedesisyon doon sa pagkakalas.
CHIZ: Maliwanag ang mga desisyon ng U.S. Supreme Court kaugnay sa bagay na ‘yan, Nimfa, Isa kung sasabayan ng Philippine Supreme Court ang mga naging unang pasya ng U.S. Supreme Court ‘di ibig sabihin no’n puwedeng mag-withdraw ang Pangulo na ginawa ng ilang ulit ng Pangulo ng Amerika sa mga tratado ni-ratify ng Senado nila na hindi kailangan ang Senate concurrence sa pag-withdraw. Kaya nga tinawag na concurrence pagpayag ng Senado sa pinirmahan. Walang nakalagay sa Saligang-Batas nila o Saligang-Batas natin na ‘yung pag-withdraw ay kinakailangan din. Bagama’t in-infer ng mga ibang legal theorist at legal scholars na kung kailangan pagpasok, kailangan din dapat pagkalabas. Pero hindi ‘yon ang naging desisyon ng Korte Suprema sa Amerika.
NR: So ang ending nito Senator Escudero saka natin problemahin kung kailangan ng concurrence o hindi ng Senate kapag nag-decide na si Presidente na bumalik tayo sa ICC?
IU: Sabi nga ng SolGen si PBBM pa rin ‘yong may final say dito sa ICC.
NR: Oo.
CHIZ: Tama ka dahil sa systema ng konstitusyon natin ang pangulo ang chief architect ika nga, siya ang nangunguna pagdating sa foreign policy ng ating bansa.
NR: Ayan. Maraming salamat po sa inyong mga paliwanag Senator Chiz Escudero sa uultin po ha.
IU: Thank you so much po. Ingat po kayo palagi.
CHIZ: Salamat, Nimfa. Salamat, Isa. Sa muli sa ating mga listeners, magandang umaga po.