NIMFA RAVELO (NR): Ito na, makakausap na natin ang bagong-bagong lider ng Senado, I’m sure fresh na fresh, Senate President Chiz Escudero. Magandang umaga po sa inyo. Sir.
SENATE PRESIDENT FRANCIS ‘CHIZ’ G. ESCUDERO (CHIZ): Nimfa, magandang umaga sa ating mga listeners at televiewers. Bakit hindi ko kayo makita?
NR: Ayan. Hindi tayo makita ni Sir. Hindi rin namin siya makita, pero, Sir, naririnig namin kayo. Aayusin lang po namin, Sir. In the meantime, on the air na po tayo sa DZBB. Mamaya, Sir, makikita na po kayo sa FB Live namin. Sir, una muna, congratulations.
ISA AVENDANO-UMALI (IAU): Yes, congratulations!
CHIZ: Salamat. Baka “condolence” ‘yan sa dami ng trabaho kumpara sa nakagisnan ko
NR: ‘Yan nga po ang una kong tatanungin, Senate President Chiz. Unang-una, Sir, magpapatawag ba kayo “Senate President Chiz” o “Francis”?
CHIZ: Parang hindi bagay, kasi, sa totoo lang, ako mismo sanay pang tawagin si Senator Zubiri ng “Senate President” o “SP.” OK lang naman sa akin. Wala naman sa akin ‘yang titulo ngayon dahil alam ko pansamantala ko lang namang hahawakan ‘yan.
NR: Pero, Sir, ano? “Chiz” or “Francis”? Kasi si Senator Padilla sabi niya, “Robinhood Padilla” siya.
CHIZ: Sa mula’t mula, Nimfa, matagal na tayong magkakilala, “Chiz” lang ako.
NR: O, ayan si Senate President Chiz Escudero. Sir, doon po muna sa unang isang linggo ninyo may nabago ho ba sa inyong schedule, mas marami ba kayong naging kaibigan, maraming nag courtesy call o dumami ang kaaway? Ano ho ‘yung first week ninyo?
CHIZ: Wala pa. tatapusin ko muna i-meet lahat ng opisina at lahat ng empleyado ng Senado dahil hindi bahagi ‘yun ng trabaho ng isang ordinaryong senador pero bilang taga-pangulo ng Senado, tumatayo na akong ama ng mga empleyado at iba’t ibang opisina ng Senado bilang administrative head, so ‘yun muna ang uunahin ko. Matatapos siguro ako diyan sa Lunes bukas at tatanggap ako ng mga bisita siguro. ‘Yung mga mag-courtesy call na ambassadors—ganoon pala ‘yun—siguro, sa Martes na.
NR: Ayon. Kasi natatandaan ko rin ‘yung mga past Senate President, bising-bisi sa pagtanggap ng mga nagko-courtesy call. Opo. Heto, Sir, sabi niyo, isasaayos nyo muna ‘yung sa Senado, pero paano ho iyong Majority bloc din? Ngayon po sinasabi na this early may crack na ‘yung Super Majority. At para po sa pag-unawa ng ating mga listeners, mga viewers natin, kasama pa rin dun sa Majority bloc si Senator Juan Miguel Zubiri at ‘yung kanyang mga ka-grupo, kasi kasama sila sa nag-elect, kay Senate President Chiz Escudero dahi elected si Sir by acclamation. So sila lahat ‘yun.
Kaya nga lang Sir, may crack daw. Naghayag po ng sama ng loob sina Senator Nancy Binay, paa lang daw ni Senator Revilla ang dahilan kaya. Kung ‘yun daw lang ba ang dahilan kaya natanggal si Senator Zubiri. Tapos masama rin ang loob kay Senator Grace Poe dahil close sila, siya, sa seatmates tapos sumama siya sa inyo. Tanggap na mas close sa inyo mula pa naman, kaya lang hindi man lang daw nagsabi. I mean, ‘yung, Sir tampuhan within the Majority bloc, paano nyo po ito aayusin?
CHIZ: Nimfa, bagama’t nauunawaan ko ang kanilang sinasabi dahil nga, siguro, nakapuwesto sila, siguro (inaudible) kaya nagugulat nga ako kasi dati naman kaming 22, ‘di ba? Dalawa lang naman ang nasa oposisyon, ano itong 7, ano itong 8? Baka naman ang ibig sabihin nila dati ng may group of 7 sa loob ng 22 dahil, ba’t may biglang ganoon?
Sa totoo lang, mula’t mula ang tingin ko 22 kami. Sa katunayan, ngayong taga-pangulo na ako ng Senado, sinabi ko sa speech ko, ‘di ba? Pagkatapos ko sumumpa, Nimfa, ang tingin ko ay pare-pareho tayong senador, Minority o Majority man. Walang grupo ko, grupo mo, iisang grupo tayong naninilbihan sa isang institusyon para sa bayan. Bakit ang amo ba nila ay ang iisang indibidwal sa Senado? Yun lang ba ang depinisyon ng isang traydor o tapat? ‘Di ba dapat ang sukatan kung tapat o traydor ang isang naninilbihan sa bayan ay kung naging tapat o traydor siya sa bayan, sa banasa at sa ating mga kababayan, hindi sa isang tao lang.
NR: And then may sinasabi po sila na kino-consider po ng grupo ni Senator zubiri na lumipat sa Minority bloc. Sila ho ba ay aagapan nyong lumipat, kakausapin niyo para manatili sila sa Majority bloc, Sir?
CHIZ: Karapatan nila ‘yon, Nimfa, bagama’t nagkausap na kami at nag distribute na nga ng mga komite at responsibilidad sa Senado. Kung hindi pa sapat ‘yun, hindi ko na alam sa ngayon kung ano gagawin. Pero sa akin, Nimfa, mangingibabaw pa rin, mas nakatataas na interes ng bansa, ng mga kababayan natin at ng Senado, hindi ng partikular na indibidwal o grupo. At ang magiging layunin din naming, Nimfa, ay ipasa ang mga priority measures at bills, hindi lamang ng administrasyon pero pati na rin ng mga senador. ‘Yun din naman ang sinabi nilang priority nila. So hindi ko alam kung ano ang magiging pagkaiba noon. Bilang Minority o Majority rin naman, ‘yun din naman ang pakay nila, maliban na lang kung mababago ‘yun.
NR: Sir, pagka ho sila ay sumama sa Minority, magiging malaking balakid ho ba sila sa pagpapasa ng mga maraming mga panukalang batas, especially po ‘yung pinu-push ng Marcos administraton na ‘yung ilang alam ko kontra din naman kayo.
CHIZ: Ang maganda tanong siguro, Nimfa, ay sila ang nagtutulak ng mga panukalang batas na iyan noon, na hindi naman naming hinaharang. ‘Pag naging Minority ba sila, magbabago ang isip nila at ayaw na nila bigla ‘yung gusto nila ngayon? Hindi ko na alam.
NR: Case in fact, ‘yung Cha-Cha at ‘yung ROTC
CHIZ: ‘Di ko kayang sagutin ‘yun, Nimfa. So, sa Minorya ba isusulong pa nila ‘yung RBH hearings? ‘Di magkakabotohan siguro kami doon. Tutol kami sa PI, tutol din sila sa PI, so ano ang pagdedebatehan namin doon? Sinusulong nila ang mga priority measures na in-endorse ng LEDAC na sila ang nag-attend, Nimfa. Ni minsan hindi ako nag-attend doon. ‘Yun din naman ang gagawin naming at sisikapin namin. So wala akong nakikitang problema, pagdating sa bagay na iyon, dahil hindi naman kami naging pabaya sa aming obligasyon at tungkulin bilang Mayoriya, bagaman hindi kami espesyal na bahagi ng tinatawag nilang, ngayon ko nga lang narinig ‘yan, na group of 7 o group of 8.
NR: Sir, isang tanong na lang ako dito, tapos si Isa na. Sabi ni Seanator Binay kahapon, hanggang ngayon ay nahihiwagaan sila sa kung ano talaga ang dahilan ng ouster ni Senate President Juan Miguel Zubiri. Sir, puwede ba malaman mula sa inyo kasi sabi niyo nga, move forward na pero para matapos ang issue puwede ho ba malaman kasi may mga umuusbong na ‘yung isa sabi, yun paa daw ni Senator Bong Revilla.
IAU: Nagtampo raw sa treatment kay Senator Revilla.
NR: ‘Yung isa naman nagkabukulan raw sa bigayan ng pondo o ano, bigayan ng, hindi pera na aktuwal kundi allotment, parang pork, Sir.
IAU: Alokasyon.
CHIZ: Nimfa, sinagot ko na at sinabi ko yan hindi para sa akin o sa amin na patulan ang kung anumang tanong na meron sila sa isipan nila. Para sa akin, binanggit ko na, unang araw pa lang, bawat miyembro ng Senado may kanya-kanyang dahilang kung bakit, pero sa dulo, ‘yun ang basehan nila para sabihing nawalan na sila ng kumpyansa.
Sino ba ang nagbibigay ng iba’t-ibang rason nitong mga nakaraang araw kung bakit? Hindi naman galing sa nagbigay ng unang suporta sa pagpapalit ng liderato kundi galing sa kanila. Ayoko sanang sabihing sa min o sa kanila, pero para maliwanag lang, sabi noong una ay dahil daw sa Cha-Cha, ‘di naman nagbago ang posisyon ko at mas maingay pa nga ako kaysa sa karamihan doon, maliban kay Senator Joel Villanueva siguro. Tutol ako sa RBH na dinidinig nila, ilang beses na, karamihan ng nandoon nag-attend sa hearing ng RBH. So hindi Cha-Cha.
Sabi nila ung PDEA Hearings, hindi naman naming tinanggal si Senator Bato at wala naman kaming sinabing itigil ‘yan. Sabi nila galaw daw ito ng Speaker, isa sa matinding hindi kasundo ng Speaker, si senator Marcos Bakit siya bumoto at sumama? Bawat rasong ibinigay, ang sagot ay kung sino lamang naman ang bumoto o sumuporta, pero wala sa mga sinabing rason na nanggaling sa iisa sa amin.
NR: Ayon.
CHIZ: Si Senator Villanueva sumuporta sa panukalang papayagan si Senator Revilla sa virtual, so hindi naman siguro din ‘yun, kasi magkasama kami ni Senator Villanueva doon at hindi naman kami nagkasabay ng boto dito. So ang simpleng paliwanag, sa anumang akusasyon, Nimfa, Isa, ay ‘yung listahan o talaan ng mga bumoto at sumuporta dahil hindi naman puwedeng totoo ang kanila at totoo rin ang kabila. Iisa lamang palagi ang totoo at indibidwal ‘yan sa kada miyembro.
IAU: Magandang umaga po, Senator or Senate President Escudero, ngayon po na kayo ang lider ng Senado, ano po ‘yung mga magiging diskarte Ninyo? Kasi ‘yung kamara lagi pong binanggit before na iyong Senado, maraming mga panukalang batas na nabibinbin daw po sa Mataas na Kapulungan hindi na-aaksyunan. Ngayon po na kayo na po ang lider ng Senado meron na po ba kayong partikular na gagawin or iuutos para mas mapabilis pa ‘yung pagsasabatas ng mga importanteng panukala.
CHIZ: Muli, Isa, hindi naman ‘yan kuwestiyon ng bilis, kuwestiyon ‘yan ng kalidad. Madalas kung mapapansin mo mabilis ang pagpasa sa Kamara pero may nakikita pang hinahabol ang administrasyon mismo para mas ayusin pa ung mga panukalang batas na kung binilisan namin, ‘yung pagkakamaling ‘yon ay maisasabatas. Bigyan kita ng halimbawa, kayong dalawa naman mino-monitor niyo ang Kamara at ang Senado. Ilan na ba ang bicam na binawi. Ilan na ba ‘yung enrolled bill na binawi. Kasi nga minsan sasobrang bilis kinakailangan ay medyo baluktutin ng kaunti ‘yung proseso atprocedure na maging unanimous concept para ma-suspend ang rules para maihabol. Ang mas mahalaga para sa akin na maipasa ng tama at wasto ang mga panukalangbatas hindi mabagal pero hindi rin mabilis na isinasakripisyo na ‘yung kalidad.
IAU: Tsaka po ‘yung mga partikular pala na mga House bills na gusto niyo po personally na matutukan po ng Senado? Kasama ho ba dito sa inyo pong gusto ring maisabatas ‘yung amyenda sa Rice Tariffication Law tsaka marami din po talagang nagtatanong, ano ba ang kapalaran ng Economic Charter Change o Cha-Cha sa Senado ngayong kayo na po ‘yung lider ng Senado.
CHIZ: Hindi pa namin napag-uusapan ‘yun dahil wala naman ‘yun sa LEDAC priority bills. Wala rin ‘yun sa listahan ng mga priority measures ng mga senador. ‘Yun pa lang ang mga nakukuha ko. Hinihiling ko sa Kamara mula, either kay Speaker Romualdez o kay Majority Leader Mannix Dalipe, ‘yung mga priority naman ng mga individual na mambabatas, local bill man yan o national, para makagawa at makahubog ng sariling, ika nga, agenda ang Senado. Kabilang na diyan ang indibidwal na agenda ng mga senador ‘yung priority measures base sa LEDAC at ‘yung mga indibidwal na measures din na prayoridad ng mga mambabatas at ng Kamara bilang isang institusyon.
NR: Meron kasi pong pinagkasunduan na hindi po ba doon sa LEDAC na mga priority measures, about twenty nga, na nai-promise ni Senate President Zubiri na aaprubahan ng Senado by June. ‘Yung iba napasa na ‘yung amendment sa Procurement Act, ‘yung AFASA. Anyway, mamaya, ikukwento ko na lang. Pero Sir, magbabago ho ba ‘yung inyong latagng mga priority bills o susundan na lang itong napagkasunduan sa LEDAC kasi ‘yung iba doon hindi kayo sang-ayon kagaya nung ROTC. ‘Yung Cha-C ha kasi nga wala ‘yun sa LEDAC. Kagaya, Sir, ‘di ba ‘yung sa ROTC, iba din ang posisyon alam ko ninyo doon sa Rice Tariffication na ipinasa ng House. Iba ang magiging version ng Senate.
CHIZ: Nimfa, uulitin ko ang magiging agenda ng Senado, hindi lamang ‘yung nasa LEDAC. Bubuuin ‘yan ng agenda ng indibidwal na mga senador ng Kamara mismo at ng mga mambabatas at mula doon pipili kami. Halimbawa, Nimfa, tila naging priority ng Kamara ang pagboto sa Divorce Bill. So bahagi ba ‘yan at priority ng Kamara? Wala sa LEDAC, wala rin sa Senado ‘yan. Pero nais naming malaman para maikonsidera at matimbang namin sa pagpapasya. Ngayon nabanggit mo ang ROTC. Sasagutin ko rin, ang tingin ko sa akin bilang taga-pangulo ng Senado hindi naman ako primus inter pares na dalawaang boto hindi isa. Tig-iisang boto lamang kaming lahat at hindi para sa akinna tumutol at tutulan ‘yan sa pamamagitan ng pagharang diyan. Ang pinaka-gagawin ko kung ‘yan ay tumuloy-tuloy ay boboto ako laban diyan.
Halimbawa, nasa kumite ko ‘yan finile, sa kumite ko ni-refer yan bilang chairman ng kumite ng Higher Education. Inupuan ko ba? Puwede ko naming upuan ‘yan. Hindi ko lang tatalakayin. Pero anong ginawa ko nung unang na-refer sa kumite ko nag-attend si Senator Bato para mag-sponsor, tinanong ko siya kung gusto mo ba na mag-create ako ng subcommittee at ikaw na ang mag-chairman niyan dahil tutol ako dyan. Wala akong plano kung ako ang tatanungin na i-report out ‘yan pero bilang subcommittee kung ikaw ang maghe-hearing i-report out mo gagalangin ko at ikaw na rin ang mag-sponsor sa plenaryo at hindi ba ‘yun ang nangyari, Nimfa, Issa. So, sa akin taga-pangulo man ng Senado, ordinaryong miyembro hindi magbabago ang tingin ko sa boto ko naiisa lamang pa rin naman at hindi porke’t ako ang taga-pangulo ay diktado ko nakung ano ang mangyayari at hindi mangyayari.
NR: Pero Sir, ‘di ba as lider ng Senado, you will set the tempo, you will set the tone? Hindi po ba ganoon doon sa mga panukala na hindi kayo sang-ayon, merong magagawa din na paraan parahindi ito umusad o mapasa?
CHIZ: Well, magandang tanungin muna ‘yung mga kasamahan pabor ba ang Mayorya. Natanong ba kami noon? Well, balak kong tanungin dahil kung pabor ang Mayorya hindi para sa akin na hadlangan o harangin ‘’yon, pero syempre may karapatan akong mag-interpolate, bumaba ako mula doon sa kinalalagyan kong upuan sa pag-preside at mag-interpolate at pagdatingng botohan Karapatan ko din na bumoto laban doon. Pero sa dulo, kaya nga nasa demokrasya tayo kung sino ang boto ng mas nakararami ‘yun ang dapat nating sundin, sang-ayon man tayo o hindi.
IAU: Senate President, balikan ko lang ‘yung divorce na banggit mo kasi kanina may mga panawagan ang mga kongresista lalong-lalo na ‘yung mga authors nito na sana umusad din sa Senado itong Absolute Divorce Bill. Sa inyo pong leadership, uusad ba itong Divorce Bill? And personally, kayo po, kayo po ba ay pabor dito sa divorce?
CHIZ: Well, magandang timbangin dahil halos kalahati ‘yung boto hindi ba. So biruin mo may kalahati ng mambabatas sasabihin sa amin ‘wag niyong dinggin ‘yan. So babalansehin namin ‘yun. Ako, personally, nasabi ko na mas nais kong gawing affordable at accessible ang mgakasalukuyang batas natin sa annulment. Halimbawa, pagbubukas sa PAO ng mga kasong tulad nito para hindi mahal kaysa naman sumabay tayo sa agos ng, ika nga, ng mundo na sinasabi nilang tayo na lang ang isa sa dalawang bansang walang divorce. Bakit ba natin gustong, any time natin gamitin ang salitang “divorce” away klaro ‘yan sa pagitan ng pamahalaan at ng simbahan? Pero tinanggap na ngsimbahan ang salitang annulment sa katunayan si dating Corazon Aquino pa namalapit sa simbahan ang nagpasa ng executive order parang batas ‘yon. Law-making Family Code na ang annulment na meron tayo ngayon, marahil, dapat tignan at pag-aralan, palawakin ‘yon at gawing mas abot kaya ng sinumang Pilipinong nais na magkaroon ng annulment o mapawalang-bisa ang kanilang kasal.
NR: So specific din naman ang mgapanukalang atin pong pinag-uusapan. So, Sir doon po sa Divorce Bill, hindi pinatatanggap ng annulment cases ang PAO?
CHIZ: Hindi. Sa ngayon ay hindi at sa panukalang Divorce Bill din yata kung tama ang pagkakabasa ko hindi rin nakalagay doon.
NR: OK. So ‘yun angmagandang idagdag kasi nga tawag dito parang ang sinasabi ngayon P600,000—
CHIZ: —Pinadali ‘yung grounds sakasalukuyang bersyon ay hindi ko sigurado dahil hindi ko pa nakikita ayaw kong pangunahan pero sa nakita kong bersyon pinadali ‘yung grounds pero available pa rin ito sa mayaman dahil magbabayad ka pa rin ng abogado at hindi naman lahatay kayang bayaran ang fees ng abogado. Ang Korte Suprema tinanggal na ang requirement ng psychologist sa isang desisyon so sakabilang banda nagmura na ‘yun pero nagdagdag sila ng ibang mga grounds na marahil ay kailangan ng psychologist kakailanganin ng iba’t ibang uri ng medical expert para patunayan na nandoon nga ‘yung grounds na bagong binanggit nila.
NR: And then Sir, ito po ba ay uusad na, kasi po may committee report na kasi dito ‘yung Committee on Women kaya lang natulog ‘yan sa Committee on Rules dahil ang natatandaan ko inurong ‘yung committee report dinala sa Committee on Rules, si Senator Villanueva ay tumututol diyan. Sir, aminin man natin o sa hindi, kapag dinala sa Committee on Rules natutulog ‘yun hindi ho ba? Kapag gusto mong patulugin ang bill doon mo dalhin. So, Sir ito ho ba uusad na this time?
CHIZ: Hindi ko alam personal na posisyon ni Tol diyan, ni Senator Tolentino, subalit may proseso naman ‘yan, Nimfa. Sinumang nais maglabas ng bill o i-report out ili-lay on the table ‘yan sa pamamagitan ng mayoryang boto at sa pamamagitan ng mayoryang boto, ay sorry limangboto lamang ang kailangan sa loob ng isang kumite para ilabas ‘yan sa plenaryo at para maging part ng agenda at pagbotohan kung magiging parte ba ‘yan ngdiskusyon o hindi. So may proseso naman doon kung saka-sakaling may akusasyon nga na hinaharang o hindi nilalabas.
NR: Ayan. And then ‘yung “PDEA Leaks,” Sir, pagpapatuloy ho ba ‘yung pagdinig. In fairness kay Senate President Escudero, hindi porke’t na kausap naming kayo, kahit siya gulong-gulo doon sa takbong pagdinig ni Senator Ronald Dela Rosa dito. Kasi kung saan-saang wardi-wardi ang punta. Parang, Sir, ito yata ‘yung hearing na pinakagulong-gulo ang mga Senate reporters. Ang gulo ng direksyon, Sir. Ito ho ba ipatitigil, ipapaayos? Ano ho ang gagawin ninyo dito, Sir?
CHIZ: Hindi ko alam kung ano ang pasya ni Senator Bato diyan bilang chairman, pero pinayuhan ko siya na option niya palagi habang recess na maghain na ng resolusyon at sa una at pangalawangaraw pa lang nang pag-resume naming ire-refer naming sa committee niya para hindi na makuwestiyon nino man ‘yung pagdinig niya at magkaroon din ng linaw ng konti ‘yung pagdinig niya sa parte niya o sa parte ng mga miyembro ng Senado. Pero kaugnay ng pagpigil, walang ganoong intension, Nimfa, Isa.
NR: Kasi po ang sinasabi isa daw po ito sa dahilan ng ouster sabi ni Senator Zubiri.
CHIZ: Sasagutin kong muli ‘yung mga. Kaya nga naging emosyonal si Senator Bato dahil ang sinasabi siya daw ang dahilan kung bakit natanggal. Noong nakausap ko nga si Senator Bato kung feeling mo ikaw ang dahilan, ikaw na lang sana ang tinaggal namin ba’t si Senate President Zubiri pa? Kung ‘yon talaga ang rason. At marami pang nadagdag, humaba pa sana ikaw na lang. Pero hindi po ‘yon ang dahilan at hindi ‘yon ang rason kung bakit.
NR: And then Sir, ‘yung Rice Tarrification Law, ipinasa po ng Kamara, binibigay ‘yung authority sa NFA para po mag-import at magbenta ng bigas. Sa Senado ho ay ano ho ang direksyon nito, Sir, at ano ho ‘yung personal stand po ninyo dito?
CHIZ: Patungo sa Department of Agriculture, bibigyan pa rin ng authority pero malamang sa Department of Agriculture. Simple ang rason sa likod nito, Nimfa, Isa, ni Senator Villar. Marahil miyembro ng Senado. Dapat pagpulutan natin ng aral ang mga pagkakamali ng nakaraan. Nakita na nating napakaraming korapsyon sa NFA nung pinayagan nang mag-import ng bigas. Nakita na natin na nagkabaon-baon sa utang ang NFA nung pinayagan natin ang mga bagay na ‘yan. So matuto naman sana tayo at ‘wag nating pilit na inuulit ang pagkakamaling ng nakaraan. Nagbago nga yung mga tao pero yung sistema nandoon pa din. Napakaikling probisyon lang kasi ng batas ang nagsasabing pwede na sila muling mag-import. So mas maganda na siguro dun naman sa DA ang subukan natin na mas meron safeguards at checks and balances.
NR: Pero Sir, bakit po bibigyan ulit ang gobyerno ng poder na mag-import, doon po sa umiiral na batas ngayon ibinigay na ho hindi ho ba sa private sector. Hindi ho ba effective ‘yon?
CHIZ: Kung maaalala mo, Nimfa, ginawa ‘yan noong panahon ni dating Pangulong Arroyo. Dahil hindi naman maikakaila na ekonomista si dating Pangulong Arroyo at tiningnan niya ang balance sheet ng NFA. Tiningnan niya yung balance sheet ng pamahalaan. Negative, hindi siya sang-ayon doon. Ginawan niya ng paraan. Pero kung babalik-tanawan mo ang orihinal na layunin ng NFA, ang layunin ng NFA naman talaga ay para malugi. Serbisyo ang ipinangako niya, hindi negosyo. Kaya ang mali doon ay bakit nilikha ang government corporation ‘yan. Sana line agency na lamang para serbisyo talaga ang layunin at hindi negosyo. ‘Yan din ang isang rason sa likod nang pagbibigay natin ng kapangyarihan sa DA at hindi sa NFA.
Ang NFA ang layunin noong nilikha ‘yan, bumili ng mataas sa magsasaka para pakitaan ‘yung magsasaka at ibenta ng mura sa consumer para sila na lang ang babalikat ng pagkatalo, pagkalugi. So, sa importation naman, ganoon din. Kung mas mahal ang importation, babalikatin nila, bebenta nila pero may kaunting lugi. Sa private sector noong ginawa kasi ‘yan ng private sector, Nimfa, siyempre pinatungan pa nila. So imbes na bumaba, tumaas. Nagka-supply nga pero mataas naman. So ‘yan ang isang bagay na nais balansehin ng Department of Agriculture ngayon ni Sec. Laurel na mapababa ang presyo. Magkaroon ng sariling stocks ang pamahalaan. Para ‘pag hino-hoard, tinatago ‘yan ng pribadong sektor na nag-import o bumili mula sa magsasaka dito mabubulukan sila kapag hindi nila sasabayan ‘yung presyo ng pamahalaan. Kung pilit nilang ipagbenta pa rin ‘yan sa mataas na presyo. ‘Yun ang kapangyarihang nais mabalik sa pamahalaan ng administrasyon ni Pangulong Marcos at ni Sec. Laurel.
NR: Pero Sir, kailangan klaro na kapag lang po may emergency. Oo, dagliang pangangailangan. Hindi po ‘yung regular na importation.
CHIZ: Tama ka. Isa pang problema kasi, Nimfa, Isa, sa naging private importation. Walang kontrol ang pamahalaan sa pag-release ng stock. So pag tag-ani sana hindi naman binabaha ‘yung merkado ng imported na bigas. Para naman may tyansang mabili ‘yung bigas ng ating mga magsasakang Pilipino. Ang problema dahil pribado ang may-ari nagkakalagayan, hindi na nila ma-control. So ‘yung bigas ng mga magsasaka natin ‘yun ang nabibili ng mura dahil, una, nang binenta ng mura at mas mura ‘yung mga imported na bigas. ‘Pag gobyerno mismo ang gumawa nito, malilimitahan at makokontrol na ‘yan ng pamahalaan. ‘Yung supply at demand, ika nga. Para mas maimpluwensyahan ang pamahalaan sa presyo ng bigas.
IAU: Pero tama ho ba, nabanggit ni Senator Cynthia Villar last time sa isang interview na after ng SONA ni Pangulong Marcos Jr., aaprubahan ho itong RTL amendments? Tama po ba, Senate President?
CHIZ: Sila kasi ‘yung nag-usap nun, Isa. Naki-tsismis lang ako pero humiwalay din ako agad. Pero ayon kay Senator Villar, tila may napagkasunduan sila ni Pangulong Marcos na siyang magiging bersyon ng Senado kapag ka nag resume kami. Ang understanding ko ay tatapusin na ni Senator Villar ‘yung Committee hearings ngayong recess dahil recess pa naman kami. Wala pa kaming report diyan at ilalabas kapag nag-resume kami.
NR: Ayon. Ang importante, Sir doon, ‘di ba, klaro kung ano ‘yung tinatawag na emergency.
IAU: Yes, oo.
NR: ‘Di ba, kailagang ma-define ‘yon, Sir.
CHIZ: Tama po kayo, pero minsan kasi sa pulitika, Nimfa, Isa, ayaw mong magdikta ng emergency pero kailangan mo na talagang ipasok dahil pag nagdeklara ka ng emergency, tumataas ‘yung presyo. Mas maraming nagpa-panic at marami din ang nag-papanic buying. So babalansehin din ‘yon. Kung kailan, hanggang kailan, may deklarasyon bang pormal emergency o wala.
NR: Tsaka Sir, naalala ko lang ‘yung maganda ‘yung sinabi niyo noong isang interview natin. Dapat hindi na ina-announce. Papatigili niyo ba yung DA o NFA sa pag-a-announce na mag-import tayo ng bigas. Kasi, ‘di ba, ‘yon ‘yung nagpapataas ng presyo. Naalala ko kayo ‘yung nag-raise noon na ‘pag nag-aannounce tataas ang presyo sa abroad.
CHIZ: Well, sana sa SONA ng Pangulo at sa mga announcement ng DA, ‘wag na nilang sabihin kung ilang ang iaangkat natin sa darating na taon. Ang problema naman, ang U.S. Department of Agriculture, siya ang nag-a-announce ng i-aangat ng Pilipinas. Hindi ko alam kung bakit may pakialam sila doon.
NR: Oo kasi, ‘di ba, nag-aano ‘yon nag-iignite ng speculation. Tataas ang presyo asukal man ‘yan o bigas. Tama ho ba?
CHIZ: Siyempre. So halimbawa, malaman na, ma-anunsyo ng USDA hindi ko sinasabing Philippines DA, USDA. Na 4 million metric tons ang i-import ng Pilipinas. ‘Di lahat ng i-import na bigas mag-place na ng order sa Vietnam at Thailand dahil baka kapusin at kulangin sila. Hindi natin mapipigilan gawin ng U.S. Department of Agriculture ‘yon, pero at least mula sa ating mismong mga bibig. ‘Wag na nating saksakin, ika nga, ‘yung sarili nating mga paa, sa pamamagitan nang pag-anunsyo ng ganyan.
NR: And the Sir, nillulubos lang naming kausap namin kayo. Alam ko, may meeting kayo, mabilis na lang. Sir, ano secret agreement allegedly na pinasok po ni dating Pangulong Rodrigo Duterte with China tungkol po ito doon sa Ayungin Shoal. Iimbestigahan pa rin po ba ito ng Senado?
CHIZ: Desisyon ‘yan ni Senator Imee Marcos bilang chairman ng Committee on Foreign Relations na siya yatang nagpasa ng resolusyon na ‘yan.
NR: Nagkausap na po kayo, Sir?
CHIZ: Dinidinig na din ng Kamara sa ngayon. Pero parang wala silang maimbitahan na mag-di-discuss niyan kasi kaya nga secret. Hindi ko alam kung sino ang iimbitahan ni Senator Marcos diyan. Kung pareho din naman baka narinig na natin sa Kamara. Pero sa dulo tulad na lamang ‘yan ng kumite ni Senator Bato. Desisyon ‘yan ng, chairman, Nimfa. Wala akong balak tingnan.
NR: Ayon. Kasi may committee system ang Senado, so ‘yung desisyon ng committee chairman. Pero hindi ho ba ‘yon puwedeng, Sir, na tapikin ng Senate President, “chairman” o “mare o pare.”
IAU: Na bulungan.
CHIZ: Pero hindi lang ako, Nimfa. Puwede rin bigyan ng mga kapwa namin miyembro. Sa dulo, pasya ng chairman.
NR: Ayon.
IAU: Sir, ako last question na lang. Senate President nagkausap na ho ba kayo ni House Speaker Martin Romualdez? Kasi naibalita po ni, Ate Nimfa, mayroon kayong meeting.
NR: Oo, mag-uusap sila.
CHIZ: Nagkausap kami sa telepono. Binati niya ako sa pamamagitan gamit ang telepono ni Sec. Laurel. Dahil tumawag sa akin si Sec. Laurel at nagkataon na magkasama yata sila. So natanggap ko ‘yung pagbati Huwebes ba o Miyerkules. At napag-usapan nga namin. Sabi ko na nais kong makipag kita sa kanya during recess para nga matalakay ‘yung priority ng Kamara bilang institusyon. ‘Yung priority ng bawat miyembro din ng Kamara, national man o local bills, na nais nilang mapasa sa termino nilang ito. Baka makatulong kami at pangatlo kung paano maaayos ‘yung relasyon sa pagitan ng Kamara at ng Senado moving forward.
NR: At Sir, may kinalaman nga ho ba talaga ang paa ni Senator Bong Revilla sa pagpapatalsik kay Senator Zubiri?
IAU: Ayan. Linawin mo na po.
CHIZ: Well, again, sasagutin ko, Nimfa. Si Senator Joel kung makikita niyo ‘yung mga video na lumalabas sa TikTok ay pumabor dito, hindi ba? So, kung pumabor siya dito, ako pumabor doon pero bakit magkaiba ang boto namin kung ‘yan ang dahilan.
NR: So walang kinalaman?
CHIZ: ‘Yon na lamang ang masasagot kong basehan, hindi ba? ‘Yon talaga ang basehan, ‘di sana ‘yung boto namin pareho. Pero hindi pareho ang boto naming sa isyu ng Senate President pero pareho ‘yung posisyon at boto namin sa isyu kay Senator Revilla. So malamang hindi.
NR: Sir, ako na mamaya magkekwento kung ano ‘yung isyu doon sa paa. Sir, ano ‘yung aasahan po ng ating mga kababayan sa inyong Senate Presidency. Ang inyo ho bang liderato sa Senado, makakabuti o hindi sa Marcos administration? Kasi may mga Sinasabi na dahil kapag hindi ninyo naagapan ang paglipat ng pitong senador. ‘Yung grupo ni Senator Zubiri sa Minority bloc, magiging stumbling block sila doon sa mga legislative agenda ng administrasyon. So mahahadlangan ito and kung ganyan yung responsibility o burden po ay nasa inyong balikat, Sir.
CHIZ: Tingin ko naman ay hindi, Nimfa. Uulitin ko ha, ‘yung pitong binabanggit mo ang siyang parehong pito rin na nagsulong mula at mula nag attend pa mula’t mula ng LEDAC at nag-approve ng mga priority bills. Sila rin ang nagsusulong niyan nitong mga nagdaang buwan at taon. Wala akong nakikitang rason at dahilan para magbago bigla ‘yon dahil nagbago lamang ang liderato. So, kung may pag-aawayan man kami o pagdedebatihan, may hahadlangin man sila. Siguro ‘yung mga bagong panukala na manggagaling sa amin o manggagaling sa administrasyon na hindi sila naging bahagi nang pagbuo at pagsulong din naman nitong mga nagdaang buwan.
NR: Mag e-effort kayo, Sir, para pagkasundo-sunduin na para hindi mabiyak ang at the moment ay super majority.
CHIZ: Hindi naman kami magkaaway, Nimfa.
NR: Sir, ‘yung mga kasama ninyo na nagsasagutan.
CHIZ: Intindihin at unawain natin. Siyempre, mainit pa. Kailangan palamigin ‘yon dahilan kung bakit tiyempo ang recess para mapalamig ang isip, ang damdamin. Hindi lamang ng isang panig pero ng magkabilang panig at umaasa ako na pag-resume namin malayong malamig na ang mga silakbo at init ng damdamin sa ngayon. At mas magiging maayos ang relasyon sa pagitan namin. Lahat ng bagay naman sa pagdaloy ng panahon ay naghihilom palagi. At hindi pag-ibig na pinag-awayan, trabaho ang pinagkaibahan ng opinyon marahil mas madaling maghilom ‘yon. ‘Yung pag-ibig, matagal talaga maghilom.
NR: Ganoon ba ‘yon?
CHIZ: Ay ewan ko. Ewan ko sa inyo.
NR: With that Sir, maraming salamat po sa inyong oras.
IAU: Thank you so much po. Ingat po palagi.
CHIZ: Maraming salamat sa inyo. Good morning.
NR: Good morning po. Si Senate President Chiz Escudero.
IAU: Good morning po.