NIMFA RAVELO (NR): Good morning po Senate President Chiz Escudero and welcome po sa “Bantay Balita sa Kogreso.”
ISA AVENDANO-UMALI (IAU): Good morning po
SENATE PRESIDENT FRANCIS ‘CHIZ’ ESCUDERO (CHIZ): Nimfa, Isa, at sa ating mga tagasubaybay, magandang umaga sa inyo. Magkikita tayo Nimfa bukas, ‘di ba?
NR: Opo, tama. Balik-sesyon na. Puspusan na ulit ang trabaho, although hindi naman natigil ang trabaho sa Senado
IAU: Tuloy-tuloy, in fairness.
NR: Si SP araw-araw nasa Senate.
IAU: Korek, ang sipag.
NR: Sir, bukas balik-sesyon para lamang po sa kabatiran ng ating mga tagapakinig at nakapanood sa Facebook, napapanood din si Senate President ano? Nasa Zoom. Sir, ano po ang pagtutuunan ng Senado sa inyong pagbabalik sa session?
CHIZ: Ang panukalang budget, Nimfa, ang nasa pangunahing listahan naming. Pangalawa ‘yung mga naantalang panukalang batas na bahagi pa rin ng priority measures. Pangatlo ‘yung mga local bills a hinahabol natin bago matapos ang Kongresong ito. Pero ‘yung una, dalawa hanggang tatlong linggo siguro ng resumption namin hanggang pangatlong linggo ng Nobyembre ay budget ang aming pagtutuunan ng pansin.
NR: So, Sir doon sa dahil ito ay pagtutuunan ninyo ng pansin at ang alam ko po lagi ang sesyon ninyo magiging Monday to Thursday instead of Monday to Wednesday at ano po ito, umaga at hapon, tama po ba?
CHIZ: Tama ka, Nimfa.
NR: So wala ho munang mga imbestigasyon in aid of legislations, Sir?
CHIZ: Sang-ayon sa aming rules, Nimfa, maliban na lamang kung payagan ng plenaryo, o ng presiding officer, bawal mag-conduct ng committee hearing habang may plenary session. Again, pareho ang rules ng House diyan, maliban na lang kung e-exempt sila, at tingin ko may i-exempt kaming isa o dalawa, Nimfa, dahil may hinahabol kami. Isa, partikular, nais kung banggitin, hinahabol ata namin, kung hindi ako nagkakamali, ay ‘yung Bangsamoro Election Postponement. Baka kinakailangang habulin ‘yun.
NR: Ay opo naka-schedule po ito ng Tuesday.
CHIZ: Tama ka, Thursday ata naka-schedule, Nimfa dahil Monday i-pa-file. Ako ang mag-o-author ng bill na ‘yan. Kailangan ko ng three-day notice, so baka mag-hearing ng Huwebes. Importanteng magawa ‘yan para mabigyan ng notipikasyon na ang ating mga kababayan dun sa BARMM kaugnay ng balakin ng Kongresong ipagpaliban ang election at ang pangunahing dahilan, Isa, Nimfa, ay ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng lalawigan ng Sulu.
NR: OK kasi kanina ho nadinig ko ang interview kay Chairman Garcia ng COMELEC, ano sila, tuloy-tuloy po ang paghahanda para sa eleksyon. So apparently ipapa-postpone po pala ito ng Kongreso?
CHIZ: ‘Yun ang intension, Nimfa, dahil halimbawa mayroong pito o walong kinatawan ng Sulu sa BARMM parliament, paano ‘yun, hindi na sila bahagi ng BARMM? Paaano i-a-allocate ‘yun? Hindi naman puwedeng basta-basta na lamang ibawas. Paano ‘yung mga partylist groups na doon lahat nakarehistro at ‘yung mga sectoral groups na doon nakarehistro? Kailangan lahat ‘yun pagpasyahan at kailangan ng kaunting panahon para magawa at maisaayos dahil importante, Nimfa, dahil bahagi ng peace talks ito ay konsultasyon sa mga stakeholders diyan sa BARMM.
NR: So ito po ay pina-prioritize rin ng Malacanang?
CHIZ: Mukhang ‘yun ang direksyon, Nimfa. ‘Yun ang nakarating sa akin na impormasyon bagaman wala akong direktang ugnayan sa kanila.
NR: Parang ano ito, Sir, ano ba ito, surprising o pinag-aralan ito dahil nga doon sa Supreme Court ruling. Ang laki ng issue kasi doon ‘yung sinabi ng Supreme Court.
CHIZ: Well, surprising ito, Nimfa, dahil wala namang umasa na ‘yung desisyon ng Supreme Court sa Sulu ay biglang lalabas. Alalahanin mo, Nimfa, kunwestiyon din ng ilang ulit ng Cotabato ‘yung kanilang pagkakasama sa BARMM na ilang ulit sila tinanong parehong ground pero nagkaroon lamang ng pagpapasya at desisyon kaugnay ng lalawigan ng Sulu.
NR: Kailangan maagap ang aksyon dito dahil anon a eh masasayang ‘yung gastos at effort ng COMELEC kung ibubuhos na ‘yun, only to be postponed.
CHIZ: Pero Nimfa, Isa, nandito na rin naman tayo, alam ko merong, kung hindi ako nagkakamali, 18 o 24 na barangay na bahagi ng North Cotabato na bumoto pabor sa BARMM, naalala mo iyon? Na noon kasi kahit na barangay, puwede namang sumama, itong mga barangay na ito, bukod tangi sa ‘ting bansa, barangay na walang munisipyo, barangay na walang probinsya, barangay na hindi bahagi ng anumang distrito sa ating bansa, pero bahagi ng BARMM. So panahon na rin siguro para sagutin natin iyong tunay na kalagayan at sitwasyon nung mga barangay na ito dahil essentially, nadi-dis-enfranchise sila pagdating sa pagboto sa miyembro ng Kongreso.
NR: Napaka-complicated pala, ano?
IAU: Status: complicated. Senate President, balikan ko lamang po ‘yung sa inaasahang pagdinig po ninyo sa 2025 National Budget, meron na po ba kayong nakikita na parikular na ahensiya na sa palagay niyo ho, bubusisiin ng husto ng mga senador and noong mga nakalipas na araw po kasi ang issue po ‘yung flood control, ‘di ba ho? Dahil binaha sila sa Bicol, grabe ‘yung baha sa Bicol region at sa iba pang mga provinces, isa rin ho ba iyon sa talagang hihimayin ng Senado?
CHIZ: Well, ang flood control budget ng DPWH. Pero, Isa, hindi lamang iyon ang problema. Ang problema ay kamusta naman ang pag-aaral natin kaugnay ng climate change and climate adaptation. Gaano kakapal ba dapat ang ating mga seawall? Gaano ba kataas ang ating mga seawall, nagbabago ba iyan sa kada probinsiya? Kada ilog? Sa kada dagat na ginagawan natin ng seawall or river control? May ganoong uri ba ng pag-aaral man lang? Hindi ko alam kung ano ang sagot doon. So bahagi ng pagbubusisi hindi lamang flood control ng DPWH, pero pati na rin ‘yung programa, kaalaman at research ng DENR. Dagdag na rin siguro roon dahil sa desisyon ng Korte Suprema sa PHILHEALTH, bakit nga ba ang dami-daming sobrang pera ng Philhealth eh ang dami naman nating mga kababayan na hindi nakikinabang sa mga benepisyo ng PHilhealth. ‘Yun ang isang dapat masagot at mabigyan ng linaw din dahil sayang kung dadagdagan na naman natin ang pondo ng PHILHEALTH, hindi naman nila gagamitin. Inflation pa lang, talo na tayo. P500-M, Isa, Nimfa, ang sobrang pondo ng PHILHEALTH sa ngayon. Min-minus mo na ung P60-B na nakuha na at P30-B na hindi pinayagan ng Korte Suprema. Sa 4 percent inflation, ibig sabihin nyan nawawalan ng P20-M ang PHILHEALTH kada taon na hindi nila binibigay na serbisyo sa ating mga kababayan dahil lamang hindi nila ginagastos ang pera. Sayang ‘yun at dapat tignan, pag-aralan at busisiin din ‘yon.
NR: Sir, nabanggit niyo naman ang PHILHEALTH, pero babalikan ko po ang flood control, ha, na tinatanong ni Isa.
CHIZ: Opo.
NR: Sir, kasi nabanggit niyo po ‘yung sa PHILHEALTH, merong Supreme Court ruling di ba pinigil ung pag-ta-transfer ng pondo pero nalipat na ‘yung P60-B, so naiiwan pa ‘yung P29.9-B kasi total nun P89.9-B.
CHIZ: Mga P30-B.
NR: Opo, opo. So, Sir, ang sabi ng PHILHEALTH, nang humarap po sa mga pagdinig ninyo, by the end of the year, may P500-M pa, ‘yung nabanggit niyo po, Sir. Latag po ng 2025 Budget, supposed to be bibigyan pa sila ng P70-B o mahigit pang P70-B para sa subsidy, ‘yung annual subsidy ng national government. So, Sir ang inyo po ba o napag-usapan ba ninyo kung bibigyan o hindi ng ganyang subsidy ang PHILHEALTH, Sir?
CHIZ: Well, isang bagay ‘yan na titignan naming, Nimfa, dahil kung hindi nila gagastusin ‘yon sa benepisyo, gastusin na lamang natin ‘yan sa pagbayad ng premium para ma-expand pa ang coverage ng PHILHEALTH. Again, ulitin ko kung hindi natin gagastusin at gagalawin ‘yan, nawawalan ‘yan ng apat na porsyento na katumbas ng inflation kada taon. So katumbas niyan, P20-B a year. So dahil hindi nila ginastos ‘yan sa taong 2024, pagpasok ng January 1, nawalan na ng humigit kumulang P20-B na puwede sanang mabili, mabayaran, paggastusan ‘yang pondong ‘yan ng PHILHEALTH.
NR: Tsaka ibig sabihin, Sir, kung may P500-M sila, enough ‘youn siguro para magamit nila 1, 2, 5 years siguro.
CHIZ: One or two cycles ng premium. Tama ka, Nimfa.
NR: Tapos madadagdagan pa ‘yun kasi naghuhulog po tayong mga members so kung madadagdagan pa iyan, ‘yung P70-B na isa-subsidize puwedeng ipandadagdag sa libreng college education o kaya flood control.
CHIZ: Sa ibang bagay na kailangan pa nating gawin. At the end of the day Nimfa, Isa, governance is about allocating scarce resources, I often say this. If you are able to allocate scarce resources properly, then we govern properly as well.
NR: So posibleng hindi na po dagdagan? O hindi na bigyan ng subsidy, Sir, next year ang PHILHEALTH?
CHIZ: Posible ‘yon pero tinitiyak ko sa iyo, Nimfa, hindi dadagdagan ‘yang subsidy na ‘yan para sa anumang programa ng PHILHEALTH sa dami ng pera nila. Again, we should maximize the fiscal space na meron para sa darating na taon.
IAU: ‘Yun nga po, Senate President, tanungin ko na rin po meron pa bang ibang mga ahensiya na ganoon ‘yung sitwasyon na nagtatabi di ba tapos kukunin ng national treasury o national government?
CHIZ: Kada budget, tinitignan ‘yan, Isa. ‘Yung absorptive capacity ng kada ahensiya. Kasi nga naman hindi ba medyo makapal ang mukha hihingi ng mas malaking budget next year pero hindi naman nila nagagalaw o nauubos ‘yung budget nila sa kasalukuyang taon. Pangunahin na diyan Nimfa, Isa ay ang BARMM. Napakababa ng absorptive capacity ng BARMM parang 40-50 percent lang yata ng budget na ibinibigay sa kanila. Kailangan naming malaman kung bakit nga ba ‘yan ganyan dahil kung ganyan kababa ang kanilang paggastos sayang ulit ‘yung fiscal space na ibinibigay sa kanila. Hindi natin ibinababa o tinatanggal ‘yung pondo pero puwedeng gamitin muna sa iba dahil na nga rin na ayaw nating patuloy tumaas ang ating utang dahil lamang allocate tayo nang allocate dinedeposito lang pala nila sa bangko at hindi ginagastos.
NR: At ‘yung iba, gawain ng ibang agency na sasabihin magha-hire kami ng ganito ganyang number of positions na inaprubahan ng DBM pero, actually, ‘yung hiring nila mababa din naman din taon-taon. So nagbo-bloat lang ng budget ‘yon, hindi ho ba?
CHIZ: Nimfa, hindi lang ‘yun ang problema. Sasabihin nilang magha-hire sila ng 10,000, halimbawa, pero ang iha-hire lang nila 5,000. Ang tanong ko, ‘yung budget bang in-allocate nila, para sa January 1, 2025 hangang December, 2025? Dahil imposibleng maka-hire sila ng 10,000 na tister na nandyan na kumpleto na ang dokumento entitled na sumuweldo ng January 1, 2025. So ano ba ‘yung makabuluhan, makatotohanang petsa kung kailan nila maha-hire lahat ito. So sabihin natin o sige magsimula na tayo ng June na lang para kasabay ng school year. So meron silang limang buwan para i-processes lahat ng dokumento, may limang buwan ‘yung mga nag-a-apply para kumpletuhin ‘yung mga dokumento para kapag simula ng school year susweldo na talaga yung mga teacher at wala ng kulang o hindi delayed ‘yung suweldo nila.
NR: Sir, ako isa na lang sa PHILHEALTH. Sir, kasi ang ginamit hong basehan sa paglilipat ng pondo ‘yung General Appropriations Act o ‘yung batas para sa budget this year. Doon po nakasaad ‘yung sinasabi na puwedeng kunin ng national government ‘yung idle funds ng mga agencies at isa sa pinagkunan ay PHILHEALTH. Magkakaroon ho ba ng probation para klaro na hindi kasama sa pagkukunan ng excess fund ang PHILHEALTH?
CHIZ: Hindi ko pangungunahan Nimfa dahil ang tanong siguro PhilHealth lang ba natin ipagbabawal o pati sa ibang ahensiya? Pangalawa, ano na ba yung magiging pinal na desisyon ng Korte Suprema dahil TRO lamang ito hindi naman ito pinal na desisyon na bawal talaga ang unconstitutional yang probisyon ng batas na yan. Pangatlo ang nais ko sanang maliwanagan din ay ito ba’y hiniram meaning ginamit lamang ‘yung cash pero may P90-B pa rin na account ang PHILHEALTH dahil hindi naman ginagamit, gamitin muna sa iba. So, technically, hindi kinuha ‘yung pondo pero ‘yung cash ay ginamit sang-ayon sa tinatawag nating one-fund policy ng ating pamahalaan. Ilang paglilinaw marahil ang kailangang gawin bago tayo magpasa kaugnay sa tanong mo, Nimfa.
IAU: Ito Senate President, maraming nagtatanong ano po ang magiging plano ng Senado pagdating po sa budget ng Office of the Vice President? Kasi po ‘yung Kamara nagpasya na sila na tapyasan ‘yung 2025 budget ng OVP. Pero sa Senado po, ano po ‘yung magiging kapalaran ng budget ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte?
CHIZ: Hindi ko pa nakikita, Isa, pero base sa pagdinig at base sa mga pahayag ni Vice President Duterte parang wala naman yata siyang balak ipagtanggol ‘yung budget niya. Parang wala naman yata siyang reklamo doon sa pagtapyas sa budget niya. Parang hindi naman siya humihiling ng mas malaking budget hindi tulad ng ibang ahensiya. Hindi ito issue ng pagpapakumbaba o hindi pagpapakumbaba, issue ito ng pagganap sa trabaho para ipagtanggol ang iyong budget. Dahil kulang naman talaga ang budget palagi kada taon Isa, Nimfa as you know it zero sum game ang budget sang-ayon sa Konstitusyon hindi naming ito puwedeng dagdagan pero puwede naming i-reallocate. So bago kami makadagdag sa isang ahensiya may kailangan kaming bawasan. Wala kaming madadagdag kung wala kaming babawasan. Aantabayanan ko ang committee report ni Senator Grace sa bagay na ‘yan na sabay-sabay nating makikita ‘yan bukas para papirmahan sa mga miyembro.
IAU: Pero kung kayo po ‘yung tatanungin, Senate President Escudero, makatwiran ba bawasan ‘yung budget ng OVP bagama’t sinasabi nga niya na may mga projects din naman siya, nakakatulong din sa ibang mga tao—
NR: Siguro ‘yung context na para lang po masundan lang po ng ating mga listeners at viewers kasi P2-B ‘yung hinihingi ‘yung office of the Vice President at inirekomenda ng Malacanang. Ang tinapyas po ng House, ng Kamara P1.3-B at ipinalilipat na lamang sa DSWD at Department of Health kasi apparently ‘yung mga pondong ‘yun ay gustong gamitin ng Vice President na pang-ayuda. So sa House, ibigay na nga naman doon sa mga agencies-
IAU: Kumbaga nirekta na.
NR: So sa inyo Senate President, ano ang tingin ninyo doon saan ba dapat mapunta ‘yung pondo?
CHIZ: Possible ‘yun, Nimfa. Again, ayoko lang pangunahan ‘yung magiging kapasyahan ni Senator Grace pero posible ‘yun dahil pareho naman ‘yung programa. Nimfa, Isa, lahat ng congressman, lahat ng senador kapag nagbibigay ng ayuda kung makikita mo ang tatak naman nun ay puro DSWD, maski yata ‘yung kay VP Sara ay binalot lamang ‘yung DSWD sa eco-bag na may diyos at bayan pero galing din sa DSWD. So wala akong nakikitang problema kung ‘yun ang magiging direksyon ng komite ni Senator Grace pero ang issue lang siguro totoo ba ‘yung alegasyon at akusasyon ni VP Sara na dineny ni Sec. Gatchalian na hindi siya nire-release-an kaya siya humingi ng pondo. Ang tanong ko kelan siya hindi ni-release-an? Kasi bati-bati pa naman sila noong wala pa siyang ganyang kalaking pondo. So walang dahilan na hindi siya release-an. Kung nag-away-away man sila ito na lang ‘yan ngayon na may pondo na siya. So hindi klaro ‘yun sa pagdinig dahil naputol nga yung pagdinig din nung siya ay nag-attend sa Kamara matapos nilang magsagutan ni Senator Risa.
NR: Actually, ang katwiran nga po ng vice president kaya daw sila nanghihingi ng pondo ng pang-ayuda kasi nilalapitan sila parang kayo rin ho Senate President mga senador, congressman nilalapitan so kailangan din daw niya ng pambigay kaya lang supposedly ire-refer sa DSWD at ibang agencies kaya lang dine-deny nga lang daw ng o nire-refuse ng DSWD kasi daw kalaban sa politika, dineny naman ng DSWD.
CHIZ: Ang tanong nga, Nimfa, kailan? Kailan, Nimfa? Ngayong taon may budget sila para diyan so hindi nila kailangan i-refer sa DSWD kaya nilang magbigay dahil may pondo nga sila, ‘di ba? Ngayon ngayon lang naman nagkasagutan hindi ba, hindi naman dati at sa kasaysayan din ng OVP ito na ang pinakamalaking pondo o budget na inilalaan sa OVP kumpara sa nagdaang taon. Hindi pa natin sinasama Nimfa, Isa, ‘yung personal budget kaugnay sa dami at bilang ng security na meron si VP Sara na naka-lodge diyan sa budget ng Department of National Defense, partikular ng AFP at hind isa ilalim ng OVP.
NR: Sir, nang tinackle sa Senate ‘yung budget ng OVP ang napagtuunan ay bukod po doon sa ayuda budget fund at doon sa P10-M na pang imprenta ng libro meron din, hindi na-tackle ito doon sa Senate ‘yung lumitaw sa pagdinig ng Kamara na ginamit ‘yung portion ng kanyang confidential fund sa pagbabayad ng safe house. Ngayon Sir, kailangan ba ipaliwanag muna ‘yun ng Vice President o ng kanyang mga tauhan bago niyo aprubahan ‘yung hihingin niyang budget.
CHIZ: Ang nagpanukala ng budget na ‘yan DBM. Naghugas kamay na si VP Sara base sa mga napanood kong pahayag niya sa media na bahala na raw ang kongreso kung ano ang gustong gawin nung ayaw na raw niyang pagtanggol. So walang ganoong klaseng paliwanag sa Senado kaugnay ng pag-justify sa anumang pondo pero ‘yung confidential fund na binabanggit mo ni wala na ‘yon sa proposed budget ng OVP na isinumite ng DBM sa NEP.
NR: Pero Sir, ‘di ba kapag po nagta-tackle kayo ng budget binabalikan niyo ‘yung nakaraan kasi although wala siyang confidential fund ngayon hindi ba dapat may explanation kung paano ginamit ‘yon?
CHIZ: Totoo ‘yon, Nimfa, pero hindi rin naman siya nanghingi. So, kung nanghingi siguro siya sa amin malamang natanong ‘yon pero hindi na rin siya nanghingi nang humarap siya sa amin. Dahil alalahanin mo Nimfa may issue pa yang confidential fund dahil nakita ko ‘yung JMC kaugnay niyan. May kopya ang Senate President, may kopya ang Speaker puwedeng tingnan ng sinumang miyembro ng Senado. Pero kung maaalala ko istrikto sila na hindi mo puwedeng i-photocopy. Ito ‘yung bagong nabasa ko sa JMC ‘yan. Hindi mo rin puwedeng ilabas sa kwarto. Alam mo ba ‘yung JMC?
IAU: Hindi rin puwede pala.
NR: ‘Yung JMC, Sir, Joint Memorandum Circular ‘yon. Ng COA—
CHIZ: Oo. So noong naging Senate President ako, kinailangan kong basahin bigla ‘yon. Ano ba ‘yan?
NR: So, sir nakita niyo rin? Edi nakita niyo rin kung paano na-i-report ng Office of the Vice President yung paggamit ng confidential fund niya. Nakita niyo rin ho?
CHIZ: Hindi Nimfa, alam mo sasabihin ko na. Ang nakalagay sa mga utilization ng confidential fund eksakto kung ano ang nakalista lang doon sa JMC na pwedeng pag gastusan. Nakuha ng Kamara ang mga detalyeng tinanong nila kaugnay niyan sa pagkakaalam ko mula sa COA. Hindi mula sa mga isinumiteng dokumento. Dahil nga yung karagdagang dokumento kaugnay ng mga certification kung maalala mo ‘yan ay isinumitet ng OVP bilang sagot sa audit of observation memorandum o AUM. Na in-issue ng COA bilang pagsagot doon sa disallowance na sumunod sa AUM. Pero hindi doon sa submissions na binigay sa Kamara man o sa Senado sa pamamagitan ng Senate President at Speaker.
NR: So ito po. Kapag ka ho kasi ganitong budget deliberations para alam din ng mga listener natin. Si Senator Grace Poe bilang Chairperson ng Finance Committee ang mag de-defende doon sa budget ng lahat ng division of labor in this case sa OVP siya ang mag de-defend. Ngayon sir kung halimbawa maraming tanong ang mga senador sa budget ng OVP pwede ba kayong mag question hour para instead na si Senator Poe ang tanungin, direkta na ang Vice President kasi ginagawa niyo naman yun ‘diba sir. Sa ibang pagkakataon yung head na ng agency ang, ikaw na nga ang maupo diyan ng wala nang patanong-patanong pa sa senador na mag de-defend ng budget. Siya na nga naman ang tanungin pwede po ba ‘yon sir?
CHIZ: Hindi na question hour ang ginagamit Nimfa, dahil strikto ang rules sa question hour kung maaalala mo. Kailangan i-submit ang tanong ng ahead of time. So ang ginagawa na lamang ng Kongreso diyan Senado man o Kamara ay suspension ng rules para sa plenaryo pahintulutan ang isang sibilyan hindi miyembro ng Senado na sumagot ng diretso. Nagawa na namin ng ilang ulit ‘yan sa maka-ilang departamento na medyo teknikal yung kasagutang kinakailangan sa mga tanong na pinupukol ng senador para mas mabilis yung proseso namin.
NR: Pwede ‘yan gawin kay Vice President?
CHIZ: Posible ‘yon Nimfa. Ulitin ko, ayaw kong pangunahan hindi porket taga-pangulo ako ng Senado ay pwede kong pangunahan kung ano ang hihilingin ng mga senador at kung ano ang magiging pasya ng chairman ng Committee on Finance na si Senator Grace Poe. Matatanda na kaming lahat, alam na namin kung ano yung mga dapat at pwedeng gawin. So hayaan natin sila magdesisyon kaugnay sa bagay na ‘yan.
NR: Sir balikan ko lang yung sa flood control. So pwede pa ba na i-recalibrate dahil tatalakayin niyo naman po yug 2025 national budget with all the problems na nakita natin matinding mga pagbaha. Kailangan po bang i-recalibrate yung budget sir para sa flood control?
CHIZ: Oo Nimfa, pero ang mas gagamitin kong salita ay may sapat na ba tayong pag-aaral kung ano yung klase ng flood control na ginagawa natin depende sa klase at uri ng ilog o karagatan na sinusubukan natin kontrolahin yung tubig. Halimbawa Nimfa, gaano kakapal ba? Ano ba yung bakal na gagamitin sa loob? Uno ba, dos, tres, o kwatro. Gaano kalalapit ba yung mga bakal? Gaano ba kalakas yung naranasan natin na baha nitong nagdaan? Mas malakas ba ‘yan kumpara dati? Bigyan kita ng halimbawa Nimfa, Mayroong ginawang flood control noong 2016 sa Sorsogon. Inabutan na niyan siguro tatlong bagyo kada taon sa nagdaang walong taon. So nakakadalampu’t apat na bagyo na ‘yong hindi nasisira. Pero nasira yung isang bahagi niya dahil dito kay Kristine dahil sumabay nga yung high tide sa laki ng buhos ng tubig. So ang tanong, kailangan na ba namin mag re-design? Ang makakasagot marahil niyan ay DENR at DPWH. Palala na nga ba ng palala ang climate change at kailangan na natin ng climate adaptation kung saan mas maatas, mas makapal, mas solid yung mga kailangan na nating gawing river control at flood control. Ano pa ba yung ibang mitigation measures na pwede nating magawa. Kabilang na yung ginagawa namin. Nimfa, kami sa Sorsogon kada summer nililinis namin lahat ng kanal. Kapag may available kaming equipment nag-dredging kami ng mga ilog para lumalim yung tinatawag nating water holding capacity ng aming mga ilog at ng aming mga dinadaluyan ng tubig. Pero sa kasong ito nagkulang pa rin dahil sumabay ang high tide sa buhos ng ulan. Bagaman sa loob ng apat, limang oras bumaba din yung tubig. Mabilis lamang ng nawala yung high tide pero wala kaming impormasyon na nakukuha mula sa OCD, sa DENR, o sa Climate Change Commission na mangyayari ito. Weather forecasting pa rin ng PAG-ASA, hindi naman weather prediction. Sa katunayan, nalalaman lamang natin yung level ng rainfall kapag nabuhos na yung ulan. Sasabihin nila ay 3 millimeters, ay 10 millimeters, ay 12 millimeters pero bago dumating yung bagyo wala pa yatang sapat na basehan para sukatin kung gaano ka-daming tubig nga ba ang ibubuhos ng anumang bagyo o kalamidad.
IAU: Buti nabanggit niyo po ‘yan kasi Senate President ‘yun nga po yung tanong ng iba nating mga kapuso. Hindi ba bubuhusan ng pondo ng Kongreso yung PAG-ASA, yung sa climate change ‘di ba kasi total ito nararamdaman natin ang lalakas ng mga bagyo, super typhoon.
CHIZ: Tama ka Isa. Pero Florida man ang gamitin natin o Japan weather forecasting, weather forecasting pa rin siya. Hindi pa rin niya kayang sabihin ahead of time yung bilang at dami ng ibubuhos na tubig. Yung hangin nasusukat pa siguro pero yung dami at bilang ng aktwal na millimeter hindi siguro kayang sukatin pa ‘yan hanggang ngayon. Dahil literally sa pagkakaalam ko parang may balde silang nilalagay sa ilang monitoring stations at tinitingnan nila yon, parang may gauge sila para makita gaano kadaming tubig nga ba yung naibuhos noong nag landfall siya. At doon pa lamang nila masasabi na ay mabigat ‘to, ay madami ‘to, ay ganito ‘to. Pero siguro ilang araw bago dumating yung bagyo hindi masasabi pa ‘yan ng PAG-ASA at hindi rin masasabi ‘yan ng kahit sino gaano ka-advance man na weather forecasting system sa ngayon. Siguro sa mga darating na dekada magkakaroon na tayo ng sapat na teknolohiya pero sa ngayon tingin ko hindi pa.
NR: And then sir isa na lang sa budget, natanong po ni Mav Gonzales ng GMA News. ‘Yon daw hong love letter ninyo mula sa isang senator para po gawing transparent ang pagtalakay sa budget particularly sa bicameral conference committee. Kapag sa Bicam talagang nag-uusap na lang.
IAU: Mayroon daw pong singitan.
NR: Nagkaka singitan, nag-uusap lang mga chairman na lang ng finance committee.
CHIZ: Una Nimfa, wala pa akong natatanggap sulat. Huli akong pumasok noong Martes, last week. Dahil Miyerkules bakasyon na ‘yon. Pero as of Tuesday wala pa akong natatanggap na sulat na binabanggit mo. Pero nabasa ko naman sa media. Pangalawa, Nimfa, Isa noong ako ay nag-Finance Committee Chairman ginawa naming bukas ‘yan. Pero alam mo ang isang napansin ko wala namang sumubaybay. Kasi siyempre, komplikado siya.
NR: Masalimuot ‘yon.
CHIZ: Makapal, marami, single space at maliit na letra at ang daming numero. Nag bigay din kami ng summary sa media. Ang makikikta niyo essentially ay Mr. Chairman, may I move that we allow the secretariat to reconcile. ‘Yong ganito. And then make a proposal. Tapos mag me-meeting sila ulit kapag na-reconcile nila at may proposal na. May I propose that we adapt this. Tapos sasabihin ng kabilang chairman, yes. Any objections? No. Ganoon naman yung committee hearing. And yung papel na in-agree-han nila ilalabasa sa media ‘yan. Pero ang tanong, ang tanong sana may magbasa sana mahirap hindi madali. Sana may mag-analisa. Pero kung ano man ang itanong sasagutin halimbawa may ACAP ba ‘yan? May pondo ba uli ‘yong COMELEC diyan para sa plebisito. masasagot naman lahat ‘yon individually kung may magtatanong at sinasagot ‘yon. At ‘yong kabuuan ng pinagkasunduang pagbabago sa budget. Nasa papel din ‘yon Nimfa, Isa. Na binibigay sa publiko, binibigay sa media. Nakalagay nga sa website ‘yon. So sa paniniwala tingin ko bukas naman siya. Kaya lang kung gusto mong makita ay ‘yong usapan, sigawan at awayan. Hindi siguro Dahil baha ‘yon ang negosasyon na halimbawa Nimfa, Isa. Noong tinalakay ang ACAP sa Kamara. Hindi naman tinalakay ‘yan sa senado noong nakaraang budget.
NR: Never.
CHIZ: Noong tinalakay ang ACAP sa Kamara. Hindi naman tinalakay ‘yan sa senado noong nakaraang budget. Never. So ‘di ba dapat magulat na lang. Nagugulat na rin ba ‘no? Hoy ba’t may ganiyan? Na nag-propose sila ng budget sa COMELEC, para sa plebisito. Hindi rin pinag-usapan sa senado ‘yan. Pero pinag-usapan ang tinalakay nila. So ‘yong pagkakaiba ng mga paksang tinalakay, pinagbotohan at pinagdebatihan sa kada house kada chamber bagay ‘yon na sa Bicameral Conference of Committee. Pero para maiwasan na ang away, sigawan at akusahan. Hinahayaan niyong stuff tingnan niyo nga. Saan ba nagkaiba to? Tapos doon na nila pag-uusapan can you make corresponding proposal so on how to reconcile it. Hindi ito ordinaryong bill na salitang pinag-uusapan na will baucel may ba o was aware. Ang pinag-uusapan dito amount. Amount ng pera o budget. At ang problema dahil zero some game na ang budget. Kung magdagdag ka dito? Saan mo kinuha? Baka nagdagdag ang kamara at senado sa parehong budget. Parehong item. Pero magkaiba ‘yong pinagkunan. Ang napaka-metikuloso no’ng prosesong ‘yon. Madalas sa staff na lang talaga ina-assign ‘yon. Para makita ‘yong pagkakaiba dahil mas sanay sila. Gagawa sila ng rekomendasyon. Pagbobotohan ngayon ‘yon sa komite. Magiging transparent ‘yon Nimfa, Isa.
NR: Ang hirap kayang subaybayan ng budget. Kahit bigyan ka ng kopya hindi mo kakayaning basahin yun. Ang kapal ng libro hindi ko alam bakit sa pinagkakaliit-liitan na-front ‘yong ginagamit doon. Pero anyway sir aabangan po namin.
CHIZ: Magiging labindalawang libro yun kapag hindi nila niliitan.
IAU: Grabe.
NR: Kapag binasa mo ‘yung libro, wala na bang liliit dito. Anyway Sir, aabangan po namin ‘yung pagtalakay sa budget. Ito po ‘yung tungkol po sa pagharap ng dating pangulo sa Senado. Ano po, bilang kayo Sir, abogado ano ‘yung value at significance ng kanyang mga inamin na nagtayo siya ng death squad. Although sabi niya biro lang eventually.
IAU: Biro lang daw.
NR: Hindi. Hindi niya sinabing biro ‘yung nag-create siya ng death squad na composed of gangsters. Ang sinabing biro lang ay ‘yung death squad daw ‘yung mga police officials na na-assign sa Davao. Sir, ano ‘yung mga value nitong mga sinabi ng pangulo pati ‘yung isa pa. Sabi niya, inutusan niya ang mga pulis noon sa Davao pati noong naging presidente siya na udyukan ‘yung mga arrested suspects na manlaban. Para daw mapatay na.
CHIZ: Ilang bagay ang nais kong sabihin diyan, Nimfa. Una, ayaw kong magbigay ng opinyon kung ano ang halaga niyan. Dahil gusto kong panatalihing bukas ang senado para sinumang nais magsalita. At ayaw ko rin pangunahan ‘yung magiging rekomendasyon ng komite kaugnay sa bagay na ‘yan dahil nagpapatuloy pa ang pagdinig. Bagaman abogado ako, at maraming abogado ang nagbigay ng opinyon. Hayaan na lamang natin sila. Pangalawa, ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang mga bagay na ‘yan bagaman narinig na natin noon sa talumpati, sa interview, sa presscon ni dating pangulong Duterte. Ngayon lamang pinanumpaan at under oath. Pangatlo, kaugnay man kay VP Sara, kaugnay man sa kanyang mga kapatid, kaugnay man kay Pangulong Duterte. Bakit ba ang sagot ng mga tagapagtanggol nila palagi sa mga binibitawang salita ay joke, symbolism, colloquy. Ano ba ‘yon? Hindi ba maaaring kapag tinatanong sila ay sumagot ng diretso dahil ‘yun naman talaga ‘yung interpretasyon ng ating mga kababayan. Pang-apat, hindi naman sila ‘yung nasabi na joke ‘yon, colloquy ‘yon, symbolism ‘yon. Ang nagsasabi ay ‘yung mga tagapagtanggol lamang nila. At nang sinabi nila ‘yon, hindi naman nila sinabing joke ‘yon, o symbolism ‘yon. At pang huli siguro, kaugnay sa bagay na ‘yan, minsan mas magandang basahin. Ewan ko kung nabasa niyo na, Isa, ‘yung transcript, Nimfa. Minsan mas magandang basahin ‘yung transcript kaysa panoorin. Dahil kapag binasa mo, labas na yung emosyon, labas ‘yung tawanan sa gilid, labas ‘yung mga mukha nila. Binabasa mo na lamang ang isang sinumpaang salaysay at may mas mabigat na kahulugan ‘yon kapag binabasa mo na lamang. Maski nga ang Supreme Court kapag nagre-review ng mga death penalty cases, transcript na lamang ang binabas nila. Hindi na nila nakikita ‘yung mga tumetestigo kung umiiyak ba siya, galit ba siya, kapani-paniwala ba siya, transcript na lamang at naka-base doon ‘yung kanilang pag pasya kung habang buhay nga bang ikukulong ang isang tao o hindi.
NR: And speaking of transcript, Sir, magbibigay ba kayo ng official copy sa International Criminal Court kapag nag-request? Although mayroon na daw nakakuha ng transcript, napadala na sa ICC pero, Sir, dapat ‘yon, alam ko communication official ‘yon.
CHIZ: Isinapubliko na namin ‘yan, Nimfa. So may kopya kayo, may kopya lahat ng gustong kumuha ng kopya. At sa pagkakaalam ko, ilalagay yan kung hindi pa nailalagay sa isa sa mga social media accounts ng Senado. Pero kung ako ‘yung tatanungin mo, kung may manghihingi, ICC man o kung sino man o kung kayo man na i-certify ‘yung transcript. Wala akong nakikitang dahilan para hindi ‘yan i-certify ng Blue Ribbon Committee basta ‘yung dahilan o rason ay justifiable o may kapaki-pakinabang. Hindi ‘yung kung sinu-sino lang na wala naman talagang silbi o paggagamitan.
NR: At isang tanong na lang po ako Senate President. ‘Yung mga pagmumura ng dating pangulo, ‘yon ba ay tatanggalin sa record? O mananatili na siya na nandiyan na? Kasi may mga naging puna din bakit daw hinayaan, although pinuna din naman.
CHIZ: Pinaliwanag ni Senator Koko ‘yan. As part of the narration. Pangalawa, pinuna man hindi ipina-strike sa record. So, kung istriktong susundan natin ang rules ng Senado ay hangga’t hindi ‘yan ipinapa-strike at nanalo ‘yung mosyon na ‘yon. Mananatili ‘yan doon. Hindi para sa amin na mamili kung ano ‘yung nandoon sang-ayon man kami o hindi, mabaho man pakinggan o hindi, masakit man sa tenga o hindi. At may nais pa akong sabihin, Isa, Nimfa, sa bagay na ito. Hindi ako nagpaparinig o ano man. Pero nasasanay ata ‘yung ating mga kababayan na sa isang pagdinig kailangan may naco-contempt. Sa isang pagdinig, kailangan may nakukulong. Sa isang pag dinig kailangan may nasisigawan. Hindi naman kailangan ‘yon. Kaya kami nag-iimbestiga, kaya nga inquiry, innate of legislation para makapagbigay kami ng venue o pagkakataon na makapag salita ang mga resource persons. Para mabigyan kami ng impormasyon sa paglikha ng batas o pag-imbestiga ng mga kaganapan sa ating bansa. Hindi objective ng isang pagdinig ang may mabulyawan, masigawan o ma-contempt. Ang objective ng isang pagdinig mula ng ako’y maging congressman noong 1998, magsilbing forum at venue na makakuha, makakalap kami ng impormasyon mula sa aming mga resource persons na buong layang nagsasabi ng nais nilang sabihin o iparating, sa amin man o sa publiko.
NR: Ayan. With that Sir, maraming maraming salamat po sa inyong paliwanag at impormasyon Senate President Escudero, Sir.
IAU: Thank you so much po.