BANTAY BALITA SA KONGRESO

 

NIMFA RAVELO (NR): Mainit nga pong usapin sabi nga po, Isa, ay ‘yun pa ring impeachment ni Vice President Sara Duterte. May mga naiiinip, marami na ‘yung naiinip, kailan daw ba talaga magsasagawa ng trial ang Senado. Pero ‘yung marami is because more than one. Hindi, ang sinasabi kasi naman ganoon kalaki ang clamor. Kahit magkaroon ng clamor, hindi siya agad-agad.  So, kung bakit hindi ‘yan agad-agad ay tanungin na kaagad natin ang nakakaalam. Ang pangulo po ng Senado, si Senate President Chiz Escudero. Magandang umaga po sa inyo Mr. Senate President, Sir.

ISA AVENDANO UMALI (IAU): Good morning po.

SENATE PRESIDENT FRANCIS ‘CHIZ’ G. ESCUDERO (CHIZ): Isa, Nimfa, sa ating mga taga-subaybay, magandang umaga. Hindi pa ba tapos ‘yan? Sa dami ng kakausapin niyo ngayong umaga, sila na lang. Marami naman silang mga ideya.

NR: Opo, ayon na nga nabanggit ninyo madami silang ideya. Maraming nagsusulputang senate president, kasi kahit ilang beses na ninyon ipinaliwanag. Mayroon pa ring nag—

CHIZ: Kaya titigil na ako, Nimfa.

NR: Ganoon ba?

IAU: Huwag.

NR: Ito muna bago kayo tumigil, SP. Una, mayroon pong pinaliwanag niyo hindi kayo puwedeng magpatawag ng impeachment trial because hindi naka-sesyon ng Kongreso. Nakabakasyon kayo. Pero lumutang po ‘yung idea from Senate Minority Koko Pimentel, puwede naman daw po kayong mag-special session on your own para makapag-convene kayo bilang impeachment court. Para maipaliwanag niya ‘yan. Nag-request po siya ng caucus. So, anong tugon niyo doon? Sa kanyang ideya na ‘yon na pwede kayo on your own mag-decide na mag special session para maka-convene kayo as an impeachment court. At mag-caucus daw po kayo.

CHIZ: Bago yata ‘yan, Nimfa. Hindi puwedeng mag-special session ang Senado ng kami lang. May proseso, may procedure, at may mga basehan bago magpatawag ng isang special session. Hindi ganoon-ganoon na lamang. Pangalawa, ‘yung caucus, kapihan, kainan, tanghalian, agahan, hapunan, hindi po special session ‘yan na puwedeng mag likha ng isang impeachment court.

NR: So, sabi niya po kasi kakausapn niya daw po kayo ni Senator Pimentel. Nagkausap na nga ho ba kayo? And at least, ‘yun pong suggestion niya na mag-caucus kayo. Mapagusapan kung anong gagawin doon sa articles of impeachment. Nai-consult na po ba ninyo sa inyong mga kasamahan sa Majority Bloc, Sir?

CHIZ: Well to begin with, hindi pa kami nakakapag-usap ni Senator Pimentel. Parang mas gusto niya atang sumulat kaysa tumawag. So, hindi pa kami nagkakausap. Isang sulat pa lamang, may pangalawa raw na matatanggap ko pa lang. Hindi pa yung pangalawang sulat niya.

IAU: Opo, pero sa ngayon po nakakausap niyo rin po ba ang iba niyong kasama sa Senado? Kasi napapanood lang namin sa news ang kanya-kanyang mga pananaw, opinyon po regarding o dito. Pero kayo po personally mayroon din po bang tumawag sa inyo na nagtatanong, “SP, ano bang dapat gawin dito?

CHIZ: Kaunti mayroon. Dahil nasusubaybayan naman nila sa news media ‘yung mga pahayag ko at nagpapahayag naman sila ng suporta sa aming iba’t-ibang Viber groups.

IAU: Sa side naman po ng mga miyembro ng House prosecution panel, SP. Patuloy din po ‘yung kanilang sinasabi na dapat ay aksyunan na ng Senado bilang impeachment court, itong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Kasi lagi nilang ginigiit ‘yung “forthwith,” nasa Konstitusyon etc. Ano po ba talaga?

CHIZ: Palibhasa ang mga kasama ‘yung nasa Kamara kaya nagtatanong ka ano ba talaga. Sinagot na namin ng ilang ulit ‘yan. At uulitin ko, mamaya kapag kausap mo si Congressman Chua. Ang nakalagay sa konstitusyon “forthwith,” ang nakalagay po sa kanilang sariling rules sa Section 3. Ako kasi ang isa sa mga gumawa niyan noong ako’y kongresista pa lamang. “Immediately, the secretary general shall immediately refer to the speaker any impeachment complaint filed.”

Tatlong impeachment complaint ‘yung pinatulog nila ng mahigit dalawang buwan. Pero ‘yung rules nilang nakalagay immediately, pwes kung ang depinisyon nila ng immediately ay mahigit dalawang buwan. ‘Wag naman nilang gamitan ng ibang standard ang Senado sa ibang salitang ginagamit ang “forthwith.” Sinasabi nila ‘yung “forthwith” ay parang “immediately” daw. Sa rules nila, “immediately” talaga ‘’yung nakasulat, hindi naman “forthwith.” Pero in-interpret pa rin nilang mahigit dalawang buwan ‘yon. Sa katunayan, nag-recess na’t lahat ang Kamara. Hindi pa rin nila ni-refer yung tatlong impeachment complaint sa Office ng Speaker na magkatabi lamang ng opisina ng SecGen. So, bago nila sabihin na magmadali kami, sagutin muna nila yung simpleng tanong. Sila nga hindi nagmadali bilang mga complainant tila hindi naman sila nagmamadali. Ngayong porket na-file ay kung magmadali sila ay wagas. Hindi yata tama ‘yon at wala ata silang moral basis na pumosisyon ng ganyan ngayon in relation sa Senado.

IAU: Tsaka Senate Presidente, sorry po for the question ano, kasi po ngayon parang kayo ang may kasalanan dahil hindi niyo inaaksyunan itong articles of impeachment. Ngayon po, ano po ang nararamdaman ninyo sa totoo lang po?

CHIZ: Wala, naaawa ako sa kanila kasi parang hindi nila nauwaan ‘yung sitwasyon kasi doon sa mga may gustong matuloy ang impeachment kung padalos-dalos naming gawin ito. Mas bibigyan lamang ang nasasakdal si VP Sara na umakyat nang umakyat sa Korte Suprema sa iba’t ibang mga paraan. Baka sa dulo, mas madali pa ito imbes na bumilis tulad ng gusto nila. At pang huli Isa, uulitin ko ulit, sinuman ang magsasalitang partisano. Sinuman ang hihirit at magbibigay ng opinyon na mayroon ng posisyon pabor o kontra pabor sa impeachment, pabor o kontra kay VP Sara hindi namin gaanong bibigyan pansin dahil partisano nga sila. ‘Pag makinig kami sa panig na ‘yun, siyempre ‘yung kabilang panig naman ay magasasabing bakit ‘yan ang pinapakinggan mo at hindi kami.

Ang susundin namin ay ang Konstitusyon, ang batas, at kung ano ang tingin naing tama. Hindi kung ano ang dinidikta higit pa ng mga partisano at mga may sarili ng posisyon, ika nga, kaugnay sa impeachment ni VP Sara. ‘Yung huli atang pumosisyon ay ‘yung mamamayang liberal nina Senator De Lima, dating Senador De Lima. Well, isa siya sa mga complainants. So, uulitin ko bakit naman ako magpapadala sa kanya? Siyempre complainant ‘yan. Gusto niyang tanggalin si VP Sara, gusto niyang madalian agad tanggalin si VP Sara. Bilang korte, bilang husgado na magdedesisyon kaugnay nito, hindi kami magpapadala sa kanila.

NR: Senate President, banggitin ko lang po para doon sa mga followers natin sa Facebook. Naka-zoom po si Senate President Escudero so makikita niyo rin siya. Senate President ito po, sa inyo nga po ulit manggaling, ilang beses niyo na pong naipaliwanag pero sa inyo manggaling ngayon.

CHIZ: Ilang beses ko na bang naipaliwanag Nimfa, ulit-ulitin na naman natin.

NR: Para sa mga bagong nakikinig.

CHIZ: Ayaw mo bang i-replay na lang ‘yon?

NR: Bakit nga ba hindi pa kayo mag-umpisa ng impeachment trial?

CHIZ: Kasi bawal, wala kaming sesyon, Nimfa. Naka-recess kami. Hindi puwedeng simulant ang impeachment, hindi pwedeng i-convene ang impeachment court habang kami ay naka-recess. Ganoon kasimple lamang ‘yun. At sa mga nagdaang panahon ulitin ko uli. Impeachment ni Corona, isang linggong nag sesyon pa ang Senado pero hindi naman na-convene ‘yung impeachment court. Na-convene matapos ang recess ng Pasko at New Year. Mahigit isang buwan ‘yon. Impeachment ni Mercy Gutierrez, tatlong araw bago nag-adjourn ang Senado pero hindi naman nag-convene ‘yung impeachment court at ni-resume nila din matapos ang isa’t kalahating buwan. Dahil ‘yun ‘yung nagkataong recess ng mga panahong ‘yun.

Ito, finile sa amin dalawang oras bago kami mag-recess tapos sasabihin nila dine-delay hindi namin ginawa ‘yung trabaho namin, excuse me naman po ng malaki-laki. Kung pagbabasehan natin ‘yong mga nagdaang impeachment complaint, sinunod lang naman ‘yung recess. Itong recess namin na mag resume kami sa June 2, pinagkasunduan ito noong July pa, noong nagdaang taon. Sinusunod lang din namin ‘yong nakatalagang recess dahil nga may eleksyon ho tayo. Ngayon, ayokong tratuhing espesyal itong impeachment complaint ni Vice President Duterte, porke’t vice president, porke’t unang vice president na mai-impeach, porket si Duterte ‘yan, ang pangalan ay “Duterte” dapat ‘yong pag trato namin pareho din ng pagtrato ng Senado sa mga nauna at iba pang impeachment complaint. Hindi dapat ine-espesyal na pagtrato ito. Ika nga, kaya naka-piring ‘yong babaeng sumisimbolo sa hustisya, dapat walang tinitignan, walang tinititigan, pantay lang dapat ang pagtrato.

NR: Ang isa din po sa pino-point out ng mga kritiko, Senate President, ay ‘yung nag-adjourn kayo ng February 5 kung kailan natanggap niyo ‘yung articles of impeachment, samantalang pupwede naman ho kayong mag-session pa until February 7 dahil ‘yon ang nasa legislative calendar so bakit daw kayo nag-adjourn without acting—

CHIZ: —Nimfa, sa tagal mo ng nagko-cover ng Senado, ‘di ba? Ang session ay Monday to Wednesday, bagaman ang petsang nilalagay ay hanggang Biyernes, wala namang sesyong ng Huwebes, wala namang sesyon ng Biyernes. At ‘yung sinasabi mong February 7, hindi naging realistic ‘yon dahil four-day work week lamang naman ang Senado. Never ginawa ‘yon, ulitin ko, kung hindi naman namin ginagawa noon bakit bigla naming gagawin? Bakit? Espesyal, nagmamadali, gigil na gigil? Hindi kami gigil na gigil, hindi kami nagmamadali at hindi ito espesyal.

IAU: Last two weeks, nakausap namin kayo, at napagusapan din po natin ‘yong special session pero from this time po as Senate President, meron na ho bang communication from Palasyo or Kamara na humihirit po ng special session sa Senado?

NR: Kasi ‘yon po ang sinasabing susi para makapag-convene kayo sa impeachment court at before June 2 is magpatawag ng special session, so, ayon po.

CHIZ: Wala pong komunikasyon sa akin. At sa parte ko naman ang probisyon ng Saligang-Batas ay maliwanag, puwede akong humiling ng special session na may pahintulot ng majority at minority leader at ng speaker kaugnay ng isang urgent legislation. Ngayon, gusto nating magsinungaling tayong lahat sa publiko, simulan natin diyan. Sasabihin namin, “Uy, urgent legislation,” magiimbento ako ng anumang panukalang-batas pero sa totoo lang, pagbibigyan ko lamang ‘yong gusto mag-convene ang impeachment court. Tama ba ‘yon? Tingin ba ninyo na naayon sa Saligang-Batas ‘yon? Gusto ba ninyong gawin ko ‘yon? Hindi, kaya wala akong balak gawin ‘yon.

NR: Pero kung may makita ho ang Presidente na kailangang madiliing panukalang batas, ‘yon talaga nasa prerogative ho niyo na magpatawag ng special session, hindi ho ba?

CHIZ: Hindi ko kayang magsalita para sa Pangulo, Nimfa. Ang kaya ko lamang ay sarili ko, ‘yon ang nakasaad sa Saligang-Batas. Ngayon may mga pagkakataon na awtomatik kaming magse-sesyon kapagka na-incapacitate o namatay o na-impeach ang presidente, ang bise presidente, kapagka kina-canvas ang boto’t kailangan i-proklama ‘yon ng presidente’t bise presidente. Kapag nagdeklara ng martial law ang presidente, ‘yon awtomatik mag-convene ang Kongreso agad agad.

IAU: Kanina po, Senate President, nabanggit niyo bawal magsagawa ng impeachment trial dahil naka-break ang Kongreso, so ang ibig sabihin, in a way, tinatanggihan niyo na ‘yung hirit ng Senate Minority Leader at ng iba pa, walang mangyayaring impeachment trial sa March, sa April, sa May, so July na po talaga tayo?

CHIZ: Sa June meron pag-resume namin, masisimulan ‘yon. Sinabi ko na rin ‘yon, Isa. Pero malabong matapos ‘yung kaya ang tatapos n’yan at malamang ang trial mismo magsisimula sa 20th Congress na. Maaaring masimulan sa pamamagitan ng pagpadala ng summons, pagko-conduct ng pre-trial pero ‘yong trial mismo malamang magsisimula ‘yan, when I say trial pagtaggap ng ebidensya, pag-admit ng ebidensya. Malamang ‘yan ay magsisimula sa pagpasok na ng 20th Congress after July 28. Ngayon makakausap niyo mamaya ang isa sa prosecutor.

Napakinggan ko ang ilan sa kanila, tila nagmamadali at parang sinisindihan din ang kanilang mga upuan, mas polite atang sabihin ‘yon. Siguro ipapayo ko na lang sila, sa kanila, na imbes manggigil sila at magmadaling mag simula, mag aral na lang sila, asikasuhin nila ‘yong pagkalap ng ebidensya para sa gayon ‘pag nagsimula ang trial ay wala ng delay dahil sa tagal nga naman ng hindi nagta-trial ay wala na silang dahilan, palusot, o rason para hindi pa maging handa. At hindi ko inaasahan na sila’y hihingi ng palugit na oras sa anumang kailangan nilang isumite sa impeachment court dahil din naman sa haba ng panahon para sila’y maghanda, kumalap ng ebidensya, kumuha ng testigo. Nakakahiya kung hindi nila magagawa ‘yon sa takdang panahon, sa haba ng panahong dapat sila’y naghanda na.

IAU: Oo nga naman, well said po, Senate President.

NR: Pero Senate President, ito po, ibig sabihin ‘yong actual, ‘yung trial proper sa July na or kasi ‘yon ‘yong pagbabalik sesyon, o pagbubukas ng session ng 20th Congress pero ‘yong pagko-convene po ninyo as impeachment court, ‘yong makikita ho namin kayo nan aka-robe na, manunumpa na as an impeachment court judges, approval ng senate rules sa June po ‘yon?

CHIZ: Posibeng mangyari ‘yon sa June, Nimfa. Tama ka, ‘yon ang opinyon ng ilan sa mga abogado na kinokonsulta ng Senado ngayon. At sang-ayon sa rules, bibigyan ng kapangyarihan ang Senate President na gawin na ‘yong ilang mga dapat gawin kabilang na ang pag-issue ng summons, kabilang na ang pagtanggap ng iba’t ibang pleading mula sa magkabilang panig, kabilang na ang pag-conduct ng pre-trial para hindi nagaaksaya ng oras ang Senado habang hinihintay ang pagpasok ng ika-20 Kongreso.

IAU: Pero alam naman po natin, Senate President, na may mga nakabinbin pong petisyon sa Korte Suprema. Kung saka-sakali lang naman po, ayaw din naman nating i-preempt po ‘no, Senate President Escudero, kung sakaling mag pasya ‘yong Korte Suprema na umpisahan na ng Senado ‘yang impeachment trial. Kayo po masasabi niyong handa po kayo?

NR: At susundin ba ng Senado?

CHIZ: Pagbobotohan ‘yan ng Senado, Nimfa. Kung ako ang tatanungin dapat sundin pero sa kasaysayan ng Senado, sa kasaysayan ng Kongreso, sa pag ganap ng impeachment na trabaho niya may mga pagkakataong sinunod ng Kongreso ang Korte Suprema sa kautusan nito kaugnay ng impeachment. May pagkakataon ding hindi, sa dalawang pagkakataon pinagbotohan ‘yon ng Kamara at ng Senado, particularly nag issue ng TRO ang Korte Suprema sa impeachment ng Kamara laban kay Chief Justice Davide. Hindi ‘yan sinunod ng Kongreso, nag issue ng TRO ang Korte Suprema sa pagbubukas ng foreign currency deposit account ni dating Chief Justice Corona, sinunod ‘yan ng Senado. So, Senado rin ang magpapasya ng bagay na ‘yan kung saka-sakali. Pero kung ako ang tatanungin mo, dapat may mabigat na dahilan para hindi ‘yan sundin ng Senado kung saka-sakali. Pero balikan ko lang, Isa, hindi lang naman mandamus para kami’y mag-trial. Meron din naghain ng petisyon sa Korte Suprema para tigilan itong impeachment dahil palpak daw ‘yong pagsisimula ng impeachment ng Kamara. Hindi ba’t tama’t magandang panahon ito para lahat ng ‘yan ay mapagpasyahan na muna ng Korte? Kaysa naman magsimula kami para pigilan ang Korte pagdating ng panahon.

NR: And then Sir, so, doon sa impeachment trial, ito Sir, kung magi-start na kayo ng, sabi niyo nga po, bale na kayong bigyan ng authority para gawin na ‘yong mga kinakailangan as presideing officer ng impeachment court. So, Sir kailan po mangyayari ‘yung padadalhan ninyo si Vice President Sara Duterte ng, nitong articles of impeachment at hihingan siya ng sagot dito? Sir, ‘di ba mayroon ganoong procedure, hihingan siya ng answer.

CHIZ: As soon as he authorized ako, Nimfa, kung mangyayari ‘yan ng June 2, June 3 agad naming gagawin ‘yan. Kung dalawang araw sabihin mo na para matanggap ni VP Sara ‘yung actual na kopya, June 4, June 5 nasa kanya may sampung araw siya para sumagot, June 15 na ‘yon. ‘Pag matanggap namin makalipas ang dalawang araw yung kabilang panig mayroon din silang sampung araw para magbigay ng reply, July 4 na ‘yon. Baka mag-submit pa ng rejoinders/rejoinder ‘yung magkabilang panig at anumang araw, tila pleading ‘yung mga pleading na gusto nilang isumite, kalagitnaan na ng July na ‘yon. Sang-ayon sa rules of court na mayroong suppletory application dapat i-set ang free trial within 30 calendar days mula ng isumite ang pinakahuling pleading so baka lumampas pa ‘yon ng July 28 ang pagre-resume na ng panibagong Kongreso.

NR: Parang naalala ko ho Senate President, sabi po ni dating Associate Chief Justice Antonio Carpio, pwede niyo ng gawin ‘yon ‘yung hingan ng answer this early si Vice President because gumugulong na po yung impeachment process.

CHIZ: Hindi pa gumugulong ‘yung impeachment process. Nai-file pa lang hindi pa nako-convene ‘yung impeachment court. Hindi ko sinasabing mali siya o tama siya pero ayokong magkamali na gagawin ko ‘yan. Isa pa alalahanin natin ‘yung apelyido ni Justice Carpio ay kaapelyido ng asawa ng nasasakdal at medyo may relasyon sila. Hindi ko sinasabing mayroong kulay ‘yung kanyang sinasabi pero siyempre buong ingat naming gagawin. Lahat ng aming gagawin sa mga susunod na araw o dahil nga hangga’t maaari ayaw kong bigyan ng dahilan ang sinuman na umakyat sa Korte Suprema at pigilan yung proseso namin dahil lamang nagpadala kami sa mga mainit ang puwet at nagmamadali.

IAU: ‘Yon nga po ‘yung next kong question kasi may mga allegations po na ay dini-delay ng Senado itong impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Kayo na po maglinaw, Senate President, mayroon bang delay, mayroon bang pinipigilan?

NR: What’s holding you?

CHIZ: Wala po. Uulitin ko nag-adjourn kami, nag-recess kami sang-ayon sa schedule. Walang delay pero gusto nila madaliin namin. Hindi ako papayag nun. Hindi kami nagde-delay pero hindi ako papayag na madaliin ito. Yung mga nagsasabing dini-delay namin, lahat ‘yan o 90% niyan puro parte sa ano, Isa, Nimfa, ibig sabihin may kulay, may politika. Pabor sila na ma-impeach si VP Duterte. Pabor silang matanggal si VP Duterte. Ayaw nila kay VP Duterte. Gusto nilang matuloy ang impeachment. We will take that with the grain of salt, but we will not follow one side to the detriment of the other side. That is against the very nature of being fair, transparent and providing due process.

NR: So ako isang tanong na lang ako.

CHIZ: Mayroon pa din.

NR: Sir, opo. Sir, among the senators kasi po, ‘di ba, balikan ko lang ‘yung suggestion ni Senator Koko na mag-caucus kayo pero ‘yung suggestion na ‘yon ay nanggaling sa Minority Bloc. Dadalawa lang sila dun ni Senator Risa Hontiveros. From among your peers po sa Majority Bloc, mayroon ho bang ganoong request, may ganoon bang clamor?

CHIZ: Wala, Nimfa.

NR: So ibig sabihin kung ano yung desisyon ng Senate President unless kasi overturned by the Majority Bloc—stance.

CHIZ: Oo, Nimfa, pero walang ganung request pero gayun pa man alam naman at kalat sa media ‘yung sinabi ng Minority Leader natin. Finorward ko rin sa Committee on Rules para ibigay sa mga miyembro. Ni-refer ko pa sa legal team natin. So, I gave the suggestion of Senator Koko proper course para matimbang at masukat ng aming mga kasamahan, ng Committee on Rules at ng legal team ng Senado.

IAU: Isang question na lang din po, Senate President.

CHIZ: Mayroon pa rin?

IAU: Isa na lang. Last na ‘to. Kasi po nagpadala ng retrato ‘yung Office of the Speaker at mukhang nagkita po kayo sa isang event last week ni Speaker Romualdez. Mayroon ba, nagkaroon ba kayo ng kahit small talk or chikahan, mayroon ho bang ganoon?

CHIZ: Nagkita kami sa fair ng Japanese Embassy. Nandoon din ang ilang mambabatas pero nagbatian lamang kami at hindi kami nagkausap ng mahaba-haba. And to be fair to the Speaker, wala siyang binanggit kaugnay sa bagay na ito.

NR: Nagreklamo pala SP ‘yun pong camp ni Vice President. Nag-request daw sila sa Senate nung articles of impeachment ‘yung certified true copy. Hindi raw sila binigyan. Sa House rin daw humihingi sila hindi sila binigyan. Bakit nga ba?

CHIZ: Well, una, Nimfa, sinumite lang sa amin ‘yon hindi kami ang gumawa nun. ‘Yung kopyang ‘yon pinublish na namin sa website ng Senado official copy po ‘yon. Kung manghihingi sila ng certification dapat ‘yung gumawa ng dokumento sa Kamara hindi kami puwede mag-certify kaugnay sa tinanggap namin dahil hindi naman namin alam kung totoo lahat nung nakasulat dun. Pero maging ganumpaman, nakalagay naman po ‘yon sa website. Pangatlo, nakapaghain nan ga sila ng petisyon sa Korte Suprema, ‘di ba? So ano pang dinadakdak nila? ‘Yon na yung ginamit nilang basehan sa paghain ng reklamo sa Korte Suprema. Hindi nga lang sila pati sila Atty. Topacio, sila Atty. Torreon, nakapaghain na rin ng wala namang problema at reklamo kaugnay diyan mga certi-certified true copy, dahil sa totoo lang hindi naman po kailangan ‘yon para maghain sila ng petisyon sa Korte Suprema. At panghuling rason, may sumulat nga po sa amin pero wala pa namang entry of appearance ‘yung mga abogado para sabihin talaga namin na yung sumulat sa amin ay abogado ng ni Vice President Sara. Paano kung pinapasakay lang pala kami, mukha naman kaming mga sandamakmak na ignorante na sumasakay lamang kung sino nagpadala sa amin ng sulat. So nagiging maingat din kami na wala kaming niyayapakang karapatan dahil nga natuloy naman ‘yung kanilang paghain ng kanilang mga petisyon sa korte ng walang problema bagaman wala silang certified true copy dahil nga nasa official website ‘yan ng Senado. ‘Yung kopya ng impeachment na finile sa amin as received by the Senate but we cannot certify as the authenticity of the impeachment complaint itself. ‘Yung pinanggalingan lamang po ng dokumentong ‘yon ang puwedeng mag-isyu nun yung Kamara po.

IAU: Tsaka kasi ‘yung sa procedure ‘yon yung officially ini-enter ‘yung appearance sa open court, tama ho ba?

CHIZ: Wala pa namang ganoon. So may sulat pa lamang kami. Alangan naman tumawag kami sa law firm, ‘di ba? “Hello? Totoo po ba ‘to? Mayroon bang kontrata? Patingin naman po ng kontratang pinirmahan ng Vice President na kayo na talaga ‘yung abogado niya.” Hindi naman ganoon ‘yon. That’s why it’s usually done in open court to avoid all of these awkward and embarrassing questions and situations.

NR: With that, Sir, maraming salamat po.

IAU: Thank you so much po, Senate President. Huwag kayong magsasawa.

NR: Sir, gusto niyo pang tanong?

CHIZ: Iba naman. Hindi ito na huling pagkakataon na pag-uusapan natin ‘to. Iba naman.

NR: Pero salamat po sa pagsagot.

IAU: Thank you so much po palagi.

CHIZ: Salamat, Isa. Salamat, Nimfa. Salamat ating mga tagasubaybay, good morning.