BICAMERAL CONFERENCE COMMITTEE

 

Thank you, Madam Chair. Speaker Martin Romualdez, and members of the House panel; members of the Senate panel led by Senate President Pro Temp Jinggoy Estrada. Sa ating mga minamahal na kababayan, isang maganda at pinagpalang pagbati.

Noong tayo ay nagbukas ay binanggit ng magkabilang sangay ng parliyamento ang pinakamahalagang panukalang batas na ipapasa ng Kongreso kada taon. Iyang trabahong iyan ay nagampanan natin sa araw na ito at magiging ganap mamayang hapon kapagka ni-ratify ang panukalang taunang budget para sa 2025.

Hindi maikakaila na hindi naging madali ang prosesong pinagdaanan, hindi lamang ng mga miyembro ng bicam, pero lalo na at higit pa ng mga chairperson ng Kamara at ng Senado upang mapagtugma ang madalas ay malayong at magkakaibang bersyon ng pinasang panukalang budget sa parte ng Senad at ng Kamara.

Hindi ito perpektong dokumento. Walang budget na perpekto. Nag-aapply dito ang isang simpleng prinsipyo na tinatawag na zero (inaudible) na ang ibig sabihin hindi natin madadagdagan ang gusto nating dagdagan kung wala tayong babawasan o ibabawas. Hindi tayo puwedeng maglagay kung wala tayong pagkukunan. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit napakahirap ng ating trabaho kaugnay ng anumang panukalang budget.

But at the end of the day, our basic job as I said, as members of Congress in government is allocating scarce resources. This is what we attempted to do this morning and in the past weeks, we were engaging in various debates, deliberations, and amendments in so far as the proposed 2025 Budget is concerned.

As best we can, we allocated government’s scarce resources in accordance with the plan of the President. Ano po ang ibig sabihin ng in accordance with the plan of the President? Hindi po dahil sipsip ang Kongreso, hindi po dahil sumusunod o sunud-sunuran lamang ang Senado at Kamara sa kagustuhan ng Pangulo. Ang lohika sa likod nito ay simple: binigyan ng malaking mandato ng ating mga kababayan ang pangulo para ipatupad ang kanyang mga pangako, plano at bisyon para sa ating bansa. Sinuportahan iyo ng mahigit 31 milyon sa ating mga kababayan kaya marapat lamang na bilang mga miyembro ng Kongreso, bigyang-daan natin na magawa niya ang kanyang ipinangako, magawa niya ‘yung kanyang bisyon at plano para sa bansa ayon sa mandatong ibinigay sa kanya ng mas nakararami sa ating mga kababayan.

Siya sa lahat ng opisyal sa pamahalaan na inihalal ang may pinakamaraming boto kaugnay sa pagpapatupad ng mandato sa taunang budget na marapat lamang dinggin at, hangga’t maari, pagbigyan at bigyang-daan ng Kamara at ng Senado na siyang ginawa natin sa araw na ito at mga nagdaang linggo.

Bago ako magwakas, nais kong pasalamatan ang staff sa likod ng Committee on Appropriations, ang staff sa likod ng Committee on Finance ng Senado sa pangunguna ng LDRMO. Sa aming parte, dahil ‘yung bigat, kagaya nga ng sinabi ni Chairman Grace, kagaya ng ng sinabi ni Chairman Zaldy, ‘yung bigat ng trabaho ay sila naman talaga ang pumasan at bumalikat. Maraming salamat sa pawis, sa luha, at sa pagod.

Thank you very much. You make your respective chairpersons look good. You make the members of both the Senate and the House look good. Kayo naman talaga ang nagtrabaho nito sa likod ng ilaw ng kamera at sa likod ng mata ng publiko. Maraming salamat sa inyong lahat.

Maraming salamat sa mga miyembro ng Kamara at ng Senado. I look forward to working with the rest of you led by the Speaker of the House on other important pieces of legislation in the coming days and weeks.