RUTH CABAL (RC): Over the next hour, we will get to know some of our senatorial aspirants. We will be asking them questions on issues that matter most to a number of Filipinos. This is the second in the series of four of CNN Philippines hosting in the run-up to the elections on May 9.
64 Senatorial candidates, only 12 will get elected. Last week, we had three re-electionists. Today we have one re-electionist and two aspirants seeking a comeback. We will introduce them to you in alphabetical order.
RC: Another 52-year-old senatorial aspirant is running another the NPC. He finished his master of international and comparative law in Georgetown law center in USA. He authored the tax exemption for minimum wage earners law and universal access to quality tertiary education act among others. Welcome, Sorsogon Governor Chiz Escudero.
RC: To make sure everyone is safe from COVID-19, they will be joining us via Zoom. And I would like to remind everyone that today is not a debate as well as the next forums we will be hosting every Sunday. This program is getting to know your aspirants better, their platforms, principles, stand on issues to help you decide what name to choose on the ballot.
We have compound questions. Each of you will be given a time for each answer. When you hear the sound, it means you only have 10 seconds left and you need to wrap up your answer. We are live on free-to-air TV and on cable as well as on Facebook at CNN Philippines.
Let’s begin with this top-of-the mind concern among Filipinos.
RC: The government had just carried out the “no vaccination, no ride policy” for public transport in Metro Manila. This bans the unvaccinated from taking the public transport and a number lawmakers and the public rendered the policy as anti-poor, discriminatory, and raises constitutional concerns without an enabling law. A day after the implementation, officials apologies to the public for the confusion and clarified that unvaccinated workers can take public transport.
Our first question, so in your opinion the “no vaccination, no ride policy” helped stop the COVID-19. Do you think it will do more harm than good?
QUESTION (Q): We now go to Governor Chiz, like Senator JV, alam ko naglabas na rin kayo ng press release about this issue. So what’s your take on the “no vaxx, no ride policy”?
GOVRNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Ruth, Senator Dick, Manong Dick, Senator JV at sa ating mga taga-panood, magandang gabi po sa inyong lahat. Pagbati mula sa lalawigan ng Sorsogon.
Tutol ako. Hindi ako sang-ayon dahil unconstitutional, anti-poor at discriminatory ang “no vaccination, no ride policy”. Ibahin natin ang pribadong sektor sa pampublikong sektor. Kung ikaw may bahay, kung ikaw ay may mall, kung ikaw ay may restaurant, puwede kang magsabi bawal pumasok ang hindi bakuna sa aking lugar. Pero kapag ikaw ay gobyerno, pag-ikaw ay public utility hindi ka puwedeng mamili ng taong bibigyan mo at aalukin mo ng serbisyo.
Serbisyo man ng gobyerno ‘yan o serbisyo ng public utility, bus, jeep o tricycle man. Labag ‘yan sa public service law na nagsasabi, that public utilities should offer their services in indiscriminately to the public. It goes against the very nature of a public utility. Besides, ‘yung mga kumakatig at kumakampi dito ang may desisyon na daw ang Korte Suprema ng America tungkol dito kaugnay sa typhoid vaccine. Ibahin natin ang typhoid tsaka polio vaccine. Anti-typhoid at anti-polio vaccine, hindi ka na magkakaroon ‘pag ikaw ay nabakanuhan.
Ang COVID vaccine pwede ka pa rin magkaroon, hindi ka lang magiging severe. So, kahit na pag-isipan natin sa punto de vista ng science-based approach, bakit hindi papayagan pumasok ang hindi pa bakunado, kung lahat naman ng nakasakay ay bakunado na? Hindi naman mapipigilan ng bakuna na mahawa ‘yung nakabakuna na o hindi man nakabakuna. Hindi rin mapipigilan ng bakuna na manghawa ang sino man nakabakuna man, ulitin ko o ang wala. Mahirap na ang buhay sa ngayon, ‘wag na nating dagdagan pa at pahirapin pa.
Para sa akin EUA pa lamang ang isang bakuna o gamot hindi ‘yan puwedeng gawing mandatory. Magkumbinsihan tayo imbes na magpilitan tayo.
RC: Thank you very much to Governor Chiz. Of course, we are still waiting for Senator Richard Gordon to join us. But we will move on to the next question. We will be showing you a question from a netizen.
Q: Magandang araw po. Sa panahon po ngayon na may COVID-19 tayong kinakaharap, paano niyo po aamyendahan ang batas para sa mga health workers na kagaya ko? Salamat po.
RC: So that will be the second question. We start with Governor Chiz. ‘Yung question po ng ating netizen, paano ho kayo sasagot doon?
CHIZ: May batas kaugnay sa health workers na itinataas ang suweldo nila bago pa man magsimula ang pandemyang ito. Sa lalawigan ng Sorsogon, pinatupad naming ‘yan subalit ang batas sumasaklaw lamang sa mga permanenteng health workers at empleyado. Hindi ito sumasaklaw sa job order, contractual o mga temporary employees.
Kung may batas mang gagawin dapat isaklaw o isama ang temporary, job order at contractual workers dahil sa totoo lang sa punto de vista at pananaw ko, pareho lamang ang ginagawang trabaho ng contractual and job order at ng permanente. Dagdag pa rito napag-iiwanan na ang Pilipinas kumpara sa ibang bansa sa mundo pagdating sa suweldo at kompensasyon n gating healthcare workers. ‘Yan ang pangunahing dahilan kung bakit karamihan sa kanila, doctor man o nurse ay nangingibang bansa, nililisan ang ating bansa dahil mas maganda ang suweldo, kita at oportunidad sa mga karatig nating mga bansa at kapuluan.
Nais ko, bigyan ng tamang kompensasyon, pagkilala at gayundin kabayaran ang kanilang binibgay na sakripisyo at pagiging bayani lalo na sa panahong ito ng pandemya. Kung ang sasabihin nila ay kulang at walang pera, hindi ako naniniwala doon. Kung may pera nga para bumili ng ilang kagamitan na hindi kaylangan, may pera din dapat sila para magbigay ng pagkilala at kompensasyon sa tunay na naaasahan sa panahon ng pandemya.
RC: Governor, follow-up ko lang, ‘yung binanggit niyo doon sa hindi kasama sa law ‘yung mga contractual, that would just be an amendment or bagong batas po ‘yan?
CHIZ: Yes. Ma’am, dapat kung may babaguhin man sa batas ‘yun ang baguhin dahil, halimbawa, sa lalawigan ng Sorsogon, Ruth, mahigit kumulang siyam hangang Php10,000 ang tinaas sa suweldo ng mga permanenteng nurse sa aming lalawigan bilang pagtugon sa kautusan ng National Government na siyang pinatupad ng aming lalawigan. Gayundin sana ang ibang lalawigan.
Q: Should the candidate substitution in the election law be abolished? Yes or No?
CHIZ: Yes.
Q: Are you in favor of reopening the Bataan Nuclear Power Plant to have a new power source? Let’s start with you, Governor Chiz.
CHIZ: Anumang teknolohiya ang neutral technology – neutral ako sa teknolohiya – ang importante lamang ligtas ito, kayang bayaran ang sambayanang Pilipino at makakatugon sa problema, sa krisis, enerhiya ng ating bansa. Kailangan ang opinyon ng eksperto kung mas maganda nga bang magtayo ng bago o i-rehabilitate pa yung nakatayong Bataan Nuclear Power Plant. Alin ba ang mas mura, alin ba ang mas ligtas, alin ba ang mas abot-kaya para sa ating mga kababayan?
Hindi natin dapat limitahan sa parikular na opinyon o diskriminasyon ang puwedeng pagkunan natin ng kuryente. Nitong nagdaang limang taon walang dagdag na kapasidad sa generating capacity ng bansa ang Pilipinas. ‘Yan ang rason kung bakit nagkukulang na tayo ng kuryente.
Pasalamat nga tayo kahit mahina pa ang takbo ng ating ekonomiya dahil sa pandemya pero sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya ng Pilipinas at ng mundo, sa unti-unting paggulong ng ekonomiya darating ang panahon na mangangailangan tayo ng higit pa sa kuryenteng mayroon tayo ngayon. Ang problema umaabot ng apat hanggang limang taon mula mag-financial cost bago matapos ang isang planta na magbibigay sa atin ng energy source.
Kaya ngayon pa lamang kung ang tinatayang shortage ay mangyayari sa taong 2027. Tamang-tama lamang ngayon pa lamang ang susunod na bagong pangulo dapat tutukan ang pagkakaroon at pagpasok ng mga bagong planta upang sa gayon bago pa man dumating ang pagkukulang ng kuryente sa ating bansa ay mayroon na tayong ma-o-online na pagkukunan ng panibagong source para may sapat tayong pagkukunan ng kuryente.
Alalahanin din natin ‘pag kulang ang supply, palaging tataas ang presyo ika nga base sa law of supply at demand kaya ngayon pa lang dapat tutukan na ‘yan ng kasalukuyan lalo na ng papasok na bagong administrasyon. Magandang gabi pala Manong Dick. Senator Dick, magandang gabi hindi ko pa kayo nababati.
Q: Should the Philippines demand the 2016 arbitral ruling be incorporated in the South China Sea Code of Conduct between between China and ASEAN?
CHIZ: Buo dapat isulong at ilaban dapat natin iyan. Magtagumpay man tayo o hindi katulad ng sinabi ni Senator Dick Gordon, ibang usapin iyon. Pero ang importante, ipinaglalaban natin. Hindi man natin kayang ipatupad ang arbitral ruling laban sa China dahil malayong mas makapangyarihan ang China kumpara sa atin.
Dapat hindi pa rin natin bitiwan o pakawalan ang interes at karapatan natin sa mga karagatan at islang iyan. Alalahanin natin na ang arbitral ruling ay hindi lamang laban sa interes ng China, ito ay laban din sa interes ng ibang claimant countries. Iyan ang pangunahing rason kung kaya’t nahihirapan tayong kumbinsihin ang ibang ASEAN countries na isama ang arbitral ruling dahil ito ay hindi lamang laban sa China.
Ito ay laban din sa ibang may claim din sa mga lugar na iyon. Siyempre pabor ito sa Pilipinas at nasa interes natin palagi na isulong at ipaglaban at huwag bitiwan ito. Magtagumpay man tayo o hindi sa panahong ito o sa panahong darating. Ibang usapin palagi iyon. Hindi rason na mahirap na bitiwan na natin at huwag nating gawin. Ika nga nila, kapag gusto palaging may paraan. Kapag ayaw palaging may dahilan. Huwag tayong mag-isip o magbigay ng dahilan. Maghanap tayo ng paraan para magtagumpay ang Pilipinas kaugnay sa ipinaglalaban nating interes sa West Philippine Sea.
Q: Do you approve of President Duterte’s war on drugs? Yes or No?
CHIZ: No.
Q: So, we have three YES answers. Senator JV and Senator Gordon approved on the President’s war on drugs and Senator Chiz says no.
RC: They will respond to questions on issues that matters most to Filipinos. And on that note, we have selected questions posted by netizens on our social media platforms. Here’s one of them:
Q: What are your plans or platforms for Filipinos living in the remote areas specially the indigenous people?
RC: Governor Chiz, d’yan po sa probinsiya n’yo sa Sorsogon paano nakakarating ‘yung inyong serbisyo sa mga malalayong lugar sa inyong constituents and do you think how this can be replicated nationwide?
CHIZ: Pinagagawa namin ang mga kalye para mas mapadali mapuntahan ang bawat barangay ng aming lalawigan, all 541 except for 7 island barangays na binigyan namin ng transportation sa pamamgitan ng sea ambulance baka sakaling may emergency po sila.
But to answer your question earlier, meron nang pinasang batas ang Kongreso IPRA Law o ang Indigenous People’s Right Act na nagbibigay pagkilala at nag gagarantiya sa Karapatan ng ating Indigenous People, dagdag pa d’yan gingarantiya ng serbisyo at tulong ang marapat na nakakarating sa kanila mula sa pamahalaan.
Ang problema kulang at mali ang implementasyon ng kasalukuyan o ang mga nagdaan pang administrayon. Kaugnay sa mga malalyong lugar na kulang ang serbisyo ngayong ako ay gobernadora at nakitang kalakaran at pagtakbo ng mga lokal na pamahalaan sisikapin ko baguhin ang alokasyon ng Internal Revenue Allotment para sa gayon ‘yung mga mas mahihirap na munisipyo at lugar mabigyan ng mas malaking alokasyon dahil wala naman silang locally-generated income dahil nga mahirap ‘yung kanilang lugar.
Ironically, even the national government’s budget, ang pinakamalaking capital outlay, infrastructure o health man na ina-allocate ng pamahalaan para sa taong 2022 ang pinakamalaki pa rin ang NCR pangalawa at CALABARZON, pangatlo ay Region 3, ‘yan ang mas mayayamang rehiyon at lugar sa ating bansa, hindi ‘yan ang mas mahihirap ng rehiyon na mas kailangan ng tulong, atensiyon at pagtutok ng pamahalaann.
Sa totoo lang, napakalaki na ng income ng mga lokal na pamahalaan na iyan. At hindi na nila kinakailangang dagdag pang IRA o tulong mula sa national government. Kaya na nilang tumayo sa sarili nilang paa, dapat mas bigyang pansin at pagtutok ang maliliit na lokal government unit, mahihirap na local government unit na hindi pa kayang tumayo sa sariling paa at kailangan pang akayin ng national government gamit ang budget ng pamahalaan.
Ika nga ni Manong Dick kanina “those who have less in life should have more in law” ang GAA ay isang batas.
Q: What is your biggest contribution to reduce Climate Change?
CHIZ: Pangunahin sa aming lalawigan ang pag tugon sa pangangailangan pagbabago sa ating klima, ‘yan ang rason kung bakit marami kaming ginawang pagbabago sa aming lalawigan para matugunan ito. Lalong-lalo na apat hanggang 16 na bagyo ang dumadaan sa aming lalawigan. Tingin ko sa nagdaang taon ay nagtagumpay kami dahil kinaya namin ang mga unos, mga bagyo at mga kalamidad na tumama sa aming lugar matapos noong ako ay maging gobernador. Sa katanuyan nakakapagbigay pa kami sa karapit naming probinsya na binagyo dahil agad kaming nakakabangon at nakakatayo.
But having said this, dapat tignan at pag aralan din natin at hikayatin natin ang ibang bansa ana sumunod at hindi lang tayo. Ang kontribusyon sa carbon emission ng mga bansa sa mundo, napakaliit ng kontribusyon ng Pilipinas nasa .03% lamang tayo ng worldwide car emissions between China and the United States. ‘Yung una at pangalawang pinakamalaking ekonomiya sa mundo, 50% ng carbon emission ay nanggagaling sa kanilang mga bansa pero sila ang nagtutulak sa atin na gumamit ng mas mahal na pagkukunan ng kuryente, samantalang sila ay patuloy na dinudumihan ang ating mundo at ang ating atmosphere. Marapat sa ating bansa habang tayo ay naglilini, isulong at itulak din natin ang paglilinis ng mas malalaking bansa na may malaking pagbabagong maidudulot para sa mundo at para sa ating lahat.
QUESTION FROM SENATOR RICHARD GORDON: Hello again, Chiz, good to see you. As a local chief executive maganda ang ginawa mo sa Sorsogon. Natutuwa ako na nakatikim ka ng local government because doon talaga nagsisimula ang lessons natin. Ano ang nakita mo na lessons, lalo na sa pandemic, lalo na doon sa development natin? Halimbawa, ang tourism- natatandaan mo “Wow, Sorsogon! Watch our Whales” ang ginawa natin doon. Marami tayong magagawa diyan. Ngayon, madadala mo ngayon sa Senado. Ano ang madadala mo ngayon at natutunan mo sa local government?
CHIZ: Malalim ang inyong karanasan bilang isang local executive. Tama ka, Manong Dick, alam ko matagal kang nanilbihan bilang Mayor ng Olongapo. Marami akong natutunan na kahit itinuro ko pa ang Local Government Codes sa UP College of Law ay hindi ko nabasa sa batas pero tila ay ipinatutupad sa ngayon.
Halimbawa, kailangan pala na aprubahan ng DBM ang budget ng isang probinsiya o siyudad kahit na pera namin iyon, IRA namin iyon, local resources iyon. Bakit kailangang aprubahan pa ng DBM? Ngayon kung ang pera ay galing sa national government, ‘di sige magbigay sila ng menu. Pero kung pera namin iyon, dapat magpasya ang local na pamahalaan kung paano gagastusin iyon.
Malayong mas alam ng lokal na pamahalaan kung ano ang kailangan at kung ano ang dapat gawin sa kani-kanilang lokalidad kumpara sa kung sino mang kalihim na nakaupo lamang sa airconditioned niyang kuwarto sa Maynila at ni hindi man lang tumatayo para dungawin ang kalagayan namin sa malalayong lugar sa Maynila.
Dagdag pa po dito, kaugnay ng pandemya, marami akong nakita na best practices ng iba’t-ibang gobernador, iba’t-ibang mayor sa ating bansa na sa totoo lang ay puwedeng kopyahin at gayahin ng DOH at IATF. Na kung mamarapatin lamang, karamihan ng kanilang mga polisiya ay aplikable lamang sa Metro Manila at CALABARZON at walang kinalaman sa aming mga lugar.
So, sana kung hindi rin lamang naman angkop at bagay o pang-NCR at Metro Manila lamang iyon, sana bigyang laya na at tanggalin at putulin na ang mga tanikalang tumatali sa local chief executives dahil marami sa kanila- marami sa amin ang maganda at malinis ang intensyon at alam ang kailangang gawin sa aming mga lugar kaysa sinuman na hindi umiikot, bumababad o nakikita ang tunay na kalagayan sa bawat sulok ng bansa. Salamat po sa katanungan, Manong Dick.
Q: What is your priority legislation?
CHIZ: Salamat, Ruth. Bilang ama at gobernador ng lalawigan, ginampanan ko ang aking tungkulin at sinikap kong gawin ang lahat ng pwedeng magawa para maiangat ang kalidad ng buhay ng aming kababayan na Sorsoganon. Subalit sa pagpasok at pagtama ng pandemya malaki at mabigat na suliranin ang binigay nito sa ating lahat. Nalaman at nakita, nadiskubre at kinilala namin na anumang galing at talento naibuhos namin sa aming lalawigan may hangganan pa rin ito kung hindi iaangat ang bawat lalawigan at buong Pilipinas.
‘Yan ang rason at pangunahing dahilan kung bakit muli akong tumatakbo sa pagkamiyembro ng Senado para ialok anumang talento, galing, karanasan at pwede kong maiambag para matugnan ang mga problema ng ating bansa hindi lamang para sa aming kababayan, hindi lamang para sa mga Bicolano, pero para sa bawat Pilipino. Dahil aangat lamang ang aming lalawigan at rehiyon kung aangat din ang bawat rehiyon at lalawigan sa ating bansa. Pangunahing tututukan ko ang pagtugon sa pandemya, pagbibigay-laya at mas malaking kakayahan para sa lokal na pamahalaan kagaya ng sabi ko kanina ay mas alam ang dapat at kailangan gawin sa kani-kanilang lugar at pangatlo, pagtuon sa taunang budget na siyang magiging tulay at susi para sa muling pagbangon ng ating ekonomiya at muling pag-ikot ng ating ekonomiya para bumalik ang mga negosyong nagsara at bumalik ang trabahong nagkawala dahil sa pandemya. Magsisilbi po ako na boses at tagahatid ng mensahe ninyo sa Senado.