DOS POR DOS

 

GERRY BAJA (GB): Nasa linya natin sa kauna-unahang pagkakataon, ho, si Senate President Chiz Escudero. Senate President Chiz, magandang morning.

SENATE PRESIDENT FRANCIS ‘CHIZ’ G. ESCUDERO (CHIZ): Gerry, Jecelle, sa ating mga taga-subaybay sa DZRH magandang umaga po sa inyong lahat. Tulad ng pagbati mo Gerry, magandang morning.

GB: Hindi mo na alam ang bati naming, Senator Chiz, dahil kailan ka ba naming huling nakausap, decades ago ata.

CHIZ: Taon lang naman. Ikaw naman, taon lang.

GB: Kumusta ka na, Senate President Chiz, first few days of being a Senate President?

CHIZ: OK naman, Gerry, gumigising sa napakaraming trabaho at kailangang gawin bilang ama ng Senado hindi lamang ng mga senador, pero pati ang institusyon at ng mga empleyado at opisyal nito.

GB: Naikamada na ho ba ayos na ba ang iba’t ibang position sa Senate? Plantsado na?

CHIZ: Tapos na, Gerry, natapos naming ng dalawang araw dahil kaunti lang din naman ang ginalaw karamihan ng mga committee chairmanship ay pinanatili at nanatili pa rin na ganoon.

GB: Kumusta si Senator Migz? Kayo ba ay nagkausap na ulit?

CHIZ: Ilang beses na kami nagkausap matapos ang pagpapalit nung Lunes nag-usap kami pagkatapos nun nag-usap kami nung Martes nag-usap kami nung Miyerkules. Gayon din ‘yung iba naming mga kasamahan sa Senado nagkausap na rin kami, Gerry.

GB: Hindi ka ba niya sinisita, Senator Chiz, “bakit mo nagawa sa akin ‘yun?”

CHIZ: Hindi naman ganoon ‘yun, Gerry. Batikang senador na si Senate President Zubiri, nakita na niyang nangyari ‘to ng ilang ulit sa nagdaan at sa nakaraan. Ganoon din ako.

GB: Tama naman at alam niyo ‘yan bilang mga dating kongresista at ngayon ay naging senador. Pero ‘yung binabanggit daw po ni Senator Migz na may outside forces sa nangyaring pagpapalit na ‘yan at kayo ‘yung parang nagiging tema ng kanyang salita ay bata ka ng Malacanang kaya ka nalagay diyan.

CHIZ: That is an unfair accusation to say the least dahil nung siya ay nagwagi at nanalo nung 2022 wala namang nag-akusa sa kanya dun tinayo namin ang bandera ng Kamara at sinabing ito’y pasya at desisyon ng Senado. Sana bilang dating Senate President itayo at ‘wag naman niyang ibaba ‘yung bandila, ika nga, ng Senado sa pamamagitan ng pagsabi ng ganyan. Walang boto, Gerry, ang Malacanang sa 24 na botong meron sa Senado para maging Senate President, sinuman.

GB: OK. Hindi magpapalit ng leadership ang isang institusyon o ang Senado ng walang valid reason, walang malaking dahilan. May malaking dahilan ba, unang tanong ko may malaking dahilan ba o series ng maliliit na dahilan ang nagtulak para sa change of leadership?

CHIZ: Ang nag-iisa at bukod tanging malaking dahilan, Gerry, hindi lamang ngayon pero sa anumang pagpapalit ng liderato sa Senado ay kawalan o kakulangan ng kumpiyansa. Kung anuman ang bumubuo dito maliliit man, sabay-sabay o sunod-sunod ay nasa indibidwal ng miyembro para pagpasyahan yun at sabihin kung ano ‘yun. Pero sa dulo, ang tawag pa rin diyan ay kakulangan o kawalan ng kumpiyansa.

GB: Kasama ba doon ‘yung issue ng Charter Change? Iisa-isahin ko, Senator Chiz, Charter Change?

CHIZ: Bahagi ‘yun marahil sa ilan dahil sa pagpapatuloy pa ng pagdinig sa RBH 6 at gusto nilang pagbotohan pero hindi rin naman bahagi ‘yun ng kabuuan. Dahil alalahanin mo, Gerry, si Senator Joel Villanueva ay “anti na anti” sa Charter Change tulad ko, tulad ni Senator Marcos na pinakamaingay yata noong mga panahong ‘yun bakit magkaiba kami ng boto kaugnay ng liderato. So hindi mo puwedeng sabihin ‘yun lang at ‘yun ang dahilan.

GB: “PDEA Leaks” investigation?

CHIZ: Well, ang sagot ko palagi, Gerry, ay magiging kung sino ang bahagi ng pagpapasyang pagpalit ng liderato. Kung ‘yan ang dahilan bakit sumama si Senator Bato at kung talagang ‘yan ang dahilan, Gerry, bakit ‘yung Senate President ang pinalitan naming dapat si Senator Bato na lang ‘yung pinalitan naming bilang chairman ng kumiteng ‘yun. Lumaki pa ‘yung gulo. So hindi, Gerry. Kumpletuhin mo na, Gerry, ikaw naman ‘di mo pa kinumpleto.

GB: OK. Nitong huli, hindi ito muna ‘yung biglang nung huli na lang kasi biglang lumitaw itong mga video ng pangyayari diyan sa Senado na naka-cast ‘yung paa ni Senator Bong Revilla na pinipilit na kailangan personal siyang dumalo sa sesyon. Kasama ba ‘yun sa mga dahilan, Senator Chiz?

CHIZ: Gerry, ang sagot ulit ang bumoto at hindi bumoto. Si Senator Villanueva pabor na payagan si Senator Revilla, ako ang nag-motion para payagan si Senator Revilla. Bakit magkaiba kami ng boto pagdating sa liderato kung ‘yan nga ang dahilan?

GB: Hindi isa lang hindi ko sinabing ‘yun ang dahilan kundi, isa, puwedeng isa sa mga dahilan. Pwede bang isa ‘yun sa mga dahilan?

CHIZ: Marahil para sa ilan, Gerry, pero hindi para sa akin—

GB: OK. Kumusta na po si Senator Bong, makakadalo na ba siya ng personal sa session?

CHIZ: —Tulad ng binanggit ko nung inihain ko ang mosyon na ‘yun hindi na kami mga batang nagka-cutting classes sa mga magandang araw na kaya niyang mag-attend ‘di bakit natin siya pipigilan na mag-attend. Sa mga hindi magandang araw na hindi niya kaya dahil kakaibang injury ito ‘di bakit hindi natin siya papayagan mag-attend virtually? Hindi na para sa amin na, Gerry, na pagdudahan yung motibo ng pag-cutting class o pag-attend ng klase, mga Senador na ang pinag-uusapan natin at hindi estudyante.

GB: Kaya nga. Parang mga bata kayo noong mapanood ko ‘yun parang, ano ba ‘tong mga ‘to. Si Cumbachero nga ho wala ngayon pero hindi ko kinukwestiyon bakit wala siya ngayon dito.

CHIZ: At puwede rin siguro siya mag-participate virtually sa programa mo, Gerry, nakita ko na nangyari ‘yon.

GB: Puwede rin pero wala siya ngayon. OK. Nabanggit mo na kanina na ikaw ay anti-Cha-Cha. Gaano ka ba ka-anti-Cha-Cha at bakit anti-Cha-Cha ka, Senator Chiz?

CHIZ: Hindi ko nakikita ‘yung rason para doon hindi pa napapaliwanag sa akin ng lubusan, Gerry, kung ba kailangan  gawin ‘yung mga economic provisions na ‘yan at kaugnay naman ng PI, maliwanag na pinapalabnaw nito ang kapangyarihan ng Senado at sinong senador naman ang papayag dun?

GB: Sa ngayon ay economic provisions na lang ang puntirya sa Charter Change kung nung panahon ni Senate President Migz ay medyo nade-delay lang pero gumugulong ano ang chances nito sa ilalim ng Senate Presidency mo Senator Chiz?

CHIZ: Nais kong maunawaan, Gerry, dahil hindi naipaliwanag sa amin ang rason sa likod nito kung bakit nga ba sinusulong ito bakit kailangan ito. Sa simpleng mga kasagutan, Gerry, ‘yung sinasabi nilang educational institutions na bubuksan may batas na tayo dyan tungkol sa mga college, foreign colleges sa pagpasok dito. Kung sasabihin nilang bawal sa basic education meron kang ISM, may BSM may Faith-Hill ka na puro foreign schools na nandito na rin na pinahintulutan ng DEPED sa pamamagitan ng regulasyon. Kapag sinabi mong media at advertising, Gerry, ang CNN at ang BBC ay nasa loob na ng telebisyon natin sa loob ng kuwarto natin sa bahay at karamihan ng advertising content ay ginagawa naman talaga sa abroad ng wala namang pagpipigil at hindi ko makitang dadagsa bigla ang negosyante at lalaki ang ekonomiya natin kapag binuksan natin ito. ‘Yung makakapagpalaki ay ‘yung public utilities na binuksan na rin natin, Gerry. Nagpasa na tayo ng batas kaugnay niyan kaya lang pending pa sa Korte Suprema. So marahil baka puwedeng ikonsidera ng Pangulo na i-convene ang JELAC, Judiciary Executive Legislative Advisory Council, para mapag-usapan kung ano ang mga desisyon na sana pagpasyahanng Korte Suprema na hindi natin iniimpluwensiyahan kung ano ‘yung magiging desisyon nila. Desisyunan lang para maka-abante na tayo.

GB: Sa madaling salita ba ay malabo ang economic Cha-Cha under Senate President Chiz?

CHIZ: Well, hindi ako primus inter pares, Gerry, na ako ang masusunod dahil lamang nagkataon na ako ang Senate President pag-uusapan pa rin ito ng Mayorya kung ano ang magiging takbo. Pero sa ngayon, nagbitiw si Senator Angara bilang chairman ng subcommittee na nagdidinig nito, sa ngayon wala pa kaming nae-elect na subcommittee chair kaugnay sa pagdinig na ‘yan. So hindi tatakbo ‘yan ngayong recess dahil sa kawalan ng chairman.

GB: Okay. Ilang punto na lang. ‘Yung “PDEA Leaks,” anong mangyayari? “PDEA Leaks” investigation ng Senado?

CHIZ: Desisyon at pasya ni Senator Bato ‘yan. Pinayuhan ko lang siya, tulad ng naging issue ng nagdaang sesyon naming na maghain siya ikonsidera niya na maghain ng resolusyon kaugnay nito para unli na ‘yung hearing niya at wala nang magkukwestiyon dahil motu proprio lamang ito, Gerry, na by practice, by tradition ay ginagawa lamang kapag recess at kapag nag-resume sesyon na naghahain na ng resolusyon ‘yung author ng motu proprio investigation para klaro ‘yung direksyon ng imbestigasyon, hindi lamang sa mga Senador pati na rin sa mga testigo.

GB: Nabanggit niyo ‘yung para klaro ang direksyon ng imbestigasyon. ‘Yan po ang pinupuna ngayon ni Ms. Tessie Ang Sy sa nangyayaring imbestigasyon naman kay Mayor Alice Guo na nagkakaroon na ng anti-China narrative. Ano po bang posisyon niyo doon, Senate President?

CHIZ: Well may resolusyon na inihain si Senator Risa at desisyon ng chairman kung itutuloy ‘yan o hindi at hanggang saan at ang nagsisilbing giya para sa hearing na ‘yan ay ‘yung resolusyon inihain mismo ni Senator Risa. Pinapayuhan ko rin si Ms. Sy na suriin ‘yung resolusyon dahil ‘yan ang magiging giya at tema dapat ng pagdinig.

GB: OK. Senate President Chiz, maraming salamat. Sa uulitin.

CHIZ: Gerry, maraming salamat at magandang umaga muli sa iyo at sa absent mong kasamang si Ka Tunying at sa ating mga tagasubaybay. Good morning. Thank you.