DOS POR DOS

 

ANTHONY TABERNA (AT): Salamat naman at makakausap natin ang mismong pinuno ng Senado, Senate President Chiz Escudero. Senator Chiz, magandang morning!

GERRY BAJA (GB): Magandang morning!

SENATE PRESIDENT FRANCIS ‘CHIZ’ ESCUDERO (CHIZ): Gerry, Tunying, magandang umaga sa inyo. Nakikinig pala si RPT at yung kababayan kong si Manoy Wilbert. Good morning sa inyo, na-miss ko kayo.

AT: We missed you too, SP. Teka muna po, alam naming puyat na puyat po ang maraming senador hindi lang po dahil sa mga party-party nitong mga nakaraang araw at mga imbitasyon, ngunit kundi lalo na po dito sa budget. Tama po ba ‘yung narinig naming na na-ratify na po ang bicam report?

CHIZ: Tama ka, Tunying. Na-ratify kagabi natapos kami mag-10:30 na dahil inihabol din naming ‘yung ilang mga local bill kulang-kulang isandaan yata yon para ma-third reading namin next week bago mag-adjourn.

AT: Okay. Ang pinakamalaki, pinaka-kontrobersyal siguro ay ‘yung pag-scrap po ninyo sa subsidy para po sa PHILHEALTH na P74.4-B. Ano po ang rational nun?

CHIZ: Two months ago, Anthony, Gerry, sa isang presscon, sinabi ko na ‘yan. Wala namang nagreklamo, wala namang nagtanong, wala namang nagkuwestiyon dahil simple ang rason: binawasan ng Department of Finance ‘yung sobrang pondo ng PHILHEALTH na hindi naman nila ginagastos na nagkakahalaga ng P500-B na noong panahong ‘yon. Binawasan ng P90-B, pinigilan ng Supreme Court ang P39-B kung hindi ako nagkakamali. So bumaba lamang ng P440-B ang pondo ng PHILHEALTH. Pero sa ngayon, Anthony and Gerry, nang tinalakay ang budget ay P600-B na ulit ang pondo ng PHILHEALTH.

Layunin sana ng panukalang budget na dagdagan pa ‘yon ng P74-B, mahigit P50-B para sa pagbabayad ng premium doon sa mga walang trabaho at P20-B para sa dagdag benepisyo. Bakit namin bibigyan pa ulit ng dagdag, Anthony, Gerry? Sa aking pananaw, kung sobra-sobra naman ‘yung pondo nila at hindi nila ginagastos para sa miyebro, sang-ayon sa charter ng PHILHEALTH, puwede nilang gamitin ‘yung kanilang pondo para sa Universal Health Coverage ng PHILHEALT. Ang maganda pa nga doon, mula isang bulsa, pabalik lamang sa kabilang bulsa nila yon.

AT: Pero Senator Chiz, hindi ba ang Sin Tax measures natin ay parang may automatic appropriations nung (inaudible) papunta sa PHILHEALTH, papaano po ‘yun?

CHIZ: Tama ka Gerry, narinig ko rin ‘yan. Walang puwedeng batas na ipasa ang nagdaang Kongreso para itali ang kamay ng susunod na Kongreso, lalo na kung hindi naman angkop at bagay sa panahon tulad ng ng sitwasyon na meron tayo ngayon. Sobra-sobra ang pondo ng PHILHEALTH pero popondohan mo pa ulit at hindi naman nila ginagawa ‘yung trabaho nila sa dagdag-benepisyo’t dagdag-coverage. Pangalawa, kung ‘yan ang pagbabatayan natin, puwes meron tayong mahigit P1.6-T batas(?) na hindi pinopondohan pero ipinasa. So hindi naman puwedeng basehan ‘yon.

Kaya ang sabi ko, hindi porke’t ipinasa ng dating Kongreso ay hindi na pwedeng baguhin ng mga susunod na Kongreso. Gerry, Tunying hindi kami puwedeng magpasa ng batas at sasabihin namin ‘yung Kongreso pagdating ng 2050, “Ay, ito lang ang puwedeng gawin lahat ng kita ng Customs ibuhos ‘yan sa Bicol dahil kailangan yan ng Bicol.” May kapangyarihan naman ang susunod na Kongresong baguhin ‘yon depende sa pangangailangan ng panahon.

GB: So ang malinaw lang dito, at siguro ito ang gustong marinig ng mga kababayan natin, kahit hindi nilagyan ng budget ang PHILHEALTH dito sa 2025 National Budget, wala dapat na maging epekto sa anumang sinasagot ng PHILHEALTH sa health services para sa mga kababayan natin?

CHIZ: Wala talaga dapat, Gerry, dahil P600-B ang hawak nila ngayon. Bigyan kita ng halimbawa ng P600 bilyon, Gerry kapag hindi nila ginastos ‘yan ngayong taong ito. Kapag 4% ang inflation natin para madaling i-compute na lang 4% ng P600-B ay P24-B.

AT: Walang gagawin.

CHIZ: Nawawalan ng halaga ng P24-B ‘yung hawak nilang pera dahil inuupuaan nila.

GB: Kinain lang ng inflation.

CHIZ: Ito ay kumbaga, pagpapaalala, paggising sa kanila na, “Hoy! Gawin niyo naman ‘yung trabaho niyo dahil malaking pera ang nasasayang sa hindi niyo paggalaw, sa hindi niyo pagbigay ng benepisyo, sa hindi niyo pagbayad sa mga ospital na niningil sa inyo.”

Ang alam ko lang halimbawa, Tunying, Gerry, sa Sorsogon ang utang nila sa Sorsogon Provincial Hospital sa ngayon P450-M dahil sa return-to-hospital, ang mga (inaudible) ay mali ‘yung letra ng pangalan, mali ‘yung birthdate, mali ‘yung isang araw. Dapat naman sana pagaanin nila ‘yon. Ang laki, Gerry, Tunying, ng utang ng PHILHEALTH sa mga ospital pribado man o pampubliko.

AT: Tsaka ito pa po, Senator Chiz, kung ganoon kalaki ang pera ng PHILHEALTH, puwede ho bang na ang isang Pilipino na siya ay aktuwal na nagbabayad o indigent o senior citizen kapag na-ospital po siya ay puwede bang wala na halos babayaran ‘yung Pilipino na ‘yon?

CHIZ: Ang tawag diyan Gerry, Tunying ay no-balance billing o zero balance billing. ‘Yan ang layunin ng Universal Health Care at trabaho ng PHILHEALTH ‘yan. Ang problema, dahil nga sa kapalpakan ng PHILHEALTH dun, ipinanganak ‘yung MAIP (Medical Assistance for Indigent Program) para punuan ‘yung hindi napupunuan ng PHILHEALTH. Pero ang tingin ko dito sa MAIP ay pansamantala lang dapat ito habang boljak pa ang PHILHEALTH. Dapat dumating ‘yung panahon ‘yang MAIP mawala na at PHILHEALTH na talaga ang sasagot sa lahat ng gastusin ng ating mga kababayan sa ilalim ng Universal Health Care at ‘yung konsepto nyan ay tinatawag na zero or no balance billing.

AT: Tsaka dapat walang dagdag na premium na binabayaran ang tulad ko at iba pang empleyado na nakikinig sa atin.

CHIZ: May panukalang batas na kami para diyan, Gerry, Tunying, dahil sobra-sobra na nga ang pondo ng PHILHEALTH binabawasan naming ‘yung premium ng formal sector. Kayo, ako, tayo na may trabaho binabawasn ng 1% ‘yung ating premium imbes na tumaas. ‘Di ba dapat pagtaas ng benepisyo tataas din ‘yung premium. Ito po hinihiling namin sa PHILHEALTH: ibaba ‘yung premium sa batas pero dapat itaas pa din nila ‘yung benepisyo. Hindi naming kayang isabatas ‘yan, Gerry, Tunying, dahil sa pagkakaalam ko mahigit 5,000 case rates ang dapat i-adjust at gamitan ng actuarial study at actual cost upang sa gayon ay mabayaran ‘yung kailangan ng ating mga pasyente na hindi po kayang gawin ng Kongreso na ganoon ka detalye.

AT: Senator Chiz, na-miss namin kayo sana mas madalas pansinin niyo kami lagi.

GB: Oo. Tatawag ulit kami.

CHIZ: Grabe naman. Kayo nga ang hindi tumatawag.

GB: Hinay-hinay sa mga party-party, Senator Chiz.

CHIZ: Bawal ang party, Gerry, Tunying kinansela ko ang lahat ng pag-party sa Senado pero kayo balita ko may kaunting pagtitipon kayo doon sa kaibigan natin.

AT: Sana ikaw din.

GB: Sana sa iyo rin.

CHIZ: Iniwan kami kagabi.

AT: Bye Senator, Chiz. Thank you po. Maraming salamat.

GB: Thank you.

CHIZ: Salamat, Tunying. Salamat, Gerry. Magandang umaga sa inyo.