DZRH 85TH ANNIVERSARY SPECIAL EDITION

 

DEO MACALMA (DM): Ang suwerte naman natin ngayong umaga dahil mga big time, big shot ang ating mga bisita ngayon at diretsuhin na natin. Ipakilala na natin nandito po ang Senate President mga kaibigan Senate President Chiz ‘The Butler’ Escudero.

SENATE PRESIDENT FRANCIS ‘CHIZ’ G. ESCUDERO (CHIZ): Saan naman galing ‘yang ‘The Butler’? Gets ko na. Sorry, medyo delayed.

DM: Mr. Senate President, Sir, good morning.

CHIZ: Lakay, magandang umaga sa iyo at sa ating mga taga-subaybay magandang umaga at happy 85th anniversary sa DZRH and advance happy birthday na rin.

DM: Thank you, Senator, Sir. Malou, bigyan mo ng kupita ng white wine si Senator Chiz.

CHIZ: Ang aga-aga. Hindi ko na-gets kaagad ‘yon.

DM: At of course sa kanyang kanan, ang MECO chairman, dating SolGen, dating Labor Secretary, ngayon MECO Chairman Silvestre ‘Bebot’ Bello III. Naimbag a bigat, Apo Chairman, Sir.

SILVESTRE BELLO III (SBIII): Naimbag a bigat, Apo Deo at kay Senate President Chiz, Senator Bam, Senator Kiko at si Director, batang-batang director—

DM: —Director Jimmy Santiago.

SBIII: Hindi ko akalain, Deo, na magkasing edad pala kami ng DZRH.

DM: 85 ka na ba ngayon?

CHIZ: Hindi pa.

DM: Hindi pa.

CHIZ: Below the waist, 85 na daw siya.

DM: Nagpupunta kasi ng Germany itong si chairman kaya bumabata. Senator Bam Aquino, Sir, magandang umaga po sa inyo at kumusta ang Rekta?

BAM AQUINO (BA): Yes. OK po dito rin ho kami nag-recording, nag-live noong isang araw. Happy birthday po, Lakay.

DM: Ayan thank you, Senator Bam.

BA: And happy birthday po sa DZRH. Happy 85th birthday.

DM: Ayan. Thank you, Sir. Senator Kiko Pangilinan, long time no see, Senator Kiko.

KIKO PANGILINAN (KP): Yes, and happy anniversary sa ating DZRH karangalan natin makasama bilang kapamilya o ka-RH and happy birthday rin Lakay Deo dahil ang tindi ng pahanda ninyo rito for your birthday.

DM: Alam mo naman kaming mga Ilokano, parang si Chairman Bebot, pinagsabay ko na ngayon para isang gastusan na lang.

KP: Happy birthday and happy anniversary.

DM: Thank you, Senator Kiko, at syempre ang sharpshooter ang dating dating magaling na pulis ng Maynila one of the Manila’s finest kung tawagin nila retired judge ngayon ay NBI Director Jimmy Santiago. Magandang umaga Director, Sir.

JAIME SANTIAGO (JS): Magandang umaga po Sir at sa mga nakikinig. Happy 85th anniversary sa DZRH at sa inyo po advance happy birthday, Sir.

DM: Thank you very much, Sir. Nasaan si Alice Guo, nakita na ba?

KP: Where did she Guo?

BA: Si Director po magaling sa fingerprint.

KP: Saka ‘yong birth certificate na fake. Galing!

JS: No, Sir. ‘Yung birth certificate na natagpuan namin na puro peke.

KP: Pabrika ng birth certificate na peke.

SBIII: Davao Del Sur.

DM: Nalipat na pala ang Claro M. Recto ngayon nalipat na sa Davao.

JS: Ang masakit po nito, ang may kagagawan ‘yong former local registrar.

DM: ‘Yan ang malungkot diyan. Anyway, Director, Sir, relax ka lang diyan. Unahin natin ang ating magandang lalaki na matikas, magaling na Senate President Senator Chiz. Senator Chiz, ayan. Ano na nangyari sa Senate building tuloy pa ba ang construction ng Senate Building sa BGC o hindi na?

CHIZ: Tuloy pa, Lakay. Delayed ‘yung construction ng 852 days pero tuloy pa rin ‘yon sisikapin naming matapos bago mag-2026 at ng mas baba ang gastusin kumpara sa kasalukuyang estimate bago matapos.

DM: Baka umabot pa raw ng P29-B sabi ng DPWH.

CHIZ: ‘Yon ang estimate nila ngayon na sisikapin naming pababain ng mababa sa P20-B.

DM: Wow. Kakayanin daw ba? Mataas pa rin from P9-B bakit ho umakyat ng, nadoble ang—

CHIZ: ‘Yon ang inaalam ni Senator Cayetano ngayon sa review, Deo, kaya kausap niya palagi ang DPWH. At kaya lang naman kami nag-hearing, Deo, dahil hindi nagko-cooperate ang DPWH kay Senator Cayetano kaya nag-hearing kami para available ang subpoena sa kanya kung kinakailangan at kung kakailanganin.

DM: Aba, bakit ayaw makipag-cooperate ng DPWH?

CHIZ: Aba ewan ko sa kanila. Hindi ko naman ugali makipag-away, Deo, gagamitin ko lang ang kapangyarihan ng Senado kung kinakailangan para mapwersa silang ilabas ‘yong impormasyong hinihingi ni Senator Cayetano.

DM: Kung naglabas ng subpoena kay Alice Guo, ang DPWH hindi ba puwedeng i-subpoena?

CHIZ: Well, matapos nung unang hearing medyo bumait-bait na. Nag-cooperate na kaya lumabas ang figure na ‘yon na P27-B.

BA: Basta ako, Lakay, bumoto ako sa Antipolo noong time naming may botohan ‘yan BGC o Antipolo, pagkakaalam ko dalawa lang kaming bumoto ng Antipolo ‘yong iba lahat BGC.

CHIZ: Ako ‘yong orihinal kong boto diyan para gawin ‘yung Post Office. ‘Yung nasunog na ngayon na maging tanggapan ng Senado. May katapat pang Liwasang Bonifacio ‘yon para kung sino man ang gustong mag-rally doon sila sa Liwasang Bonifacio, malaya silang makakapagpahayag ng saloobin.

BA: Hindi kaya SP ‘yung National Museom ‘di ba doon noon ‘yong Senado at noong time na ‘yon talagang ‘yong mga tao kapitapitagan, ang ganda ng talumpati.

CHIZ: Maliit na ‘yon para sa atin ngayon kaya tayo lumipat noong panahong ‘yon. Pero post Office kasya tayo doon.

KP: Ako very quickly lang, bumoto ako pero hindi doon sa P27-B na budget. Nalaman ko nalang na ganoon na pala ang halaga ngayon. Mas mababa ‘yung mga napag-usapan budget noon, ‘di ba? Kaya bumoto ako pabor.

CHIZ: Nagsimula ‘yan, Senator Kiko P2.3-B, nang na-award after four years noong matapos na mag-design. Kasi syempre bago ka mag-contest kailangang may halaga.

BA: Tama, may contest, may contest noon.

CHIZ: ‘Yung halaga kong naaalala ay P2.3-B para magbigay ng mga design at disenyong aaprubahan, pagbobotohan. Natalo rin ‘yung pinili kong disensyo. Pero noong binid na 4 years after na may drawing na ‘yong bid amount ‘yong ABC is ‘yong budget estimate was P8.9-B. ‘Yung award was P8.1-B. ‘Yon ‘yung bid ng contractor na nanalo pero nag-change order na rin siya ng P800-M kaya P8.9-B pa rin ‘yon.

DM: Ayan. Sino ba ang contractor niyan? Hilmarc nga pala, Hilmarc. Nabanggit na naman ang Hilmarc, Senate President Chiz, Sir, ‘di ba blacklisted na dapat ‘yan bakit nabibigyan pa ng ganito kalaki—

CHIZ: Apparently, hindi siya blacklisted, Deo. Apparently, hindi sila na-blacklist sa kabila ng mga imbestigasyon at siya nga ang nanalo sa public bidding ng DPWH.

DM: Ayan. Ngayon ko lang narinig na dalawa pala ang pinagpilian Antipolo or BGC.

DM: Ngayong si Senator Chiz na ang Senate President, baka puwedeng um-attend ng Senado si Pastor Apollo Quiboloy kung ipapatawag?

CHIZ: Well, ang problema Deo may warrant of arrest siya sa Senado, may warrant of arrest na in-issue ng husgado mauuna priority palagi ‘yong warrant na in-issue ng husgado. So, kung siya ay matatagpuan man, ide-deliver muna ‘yan sa husgado at kapag may schedule ng hearing ang Senado hihilingin ng Senado sa husgado na i-deliver, ipahiram muna si Pastor para makapagtestigo sa Senado.

DM: Anu-ano ang mga kasong ipa-file ninyo against Mayor Alice Guo?

JS: ‘Yon po ay bahala na po ang ating OSG tsaka ang COMELEC, Senate, of course, dahil sila ang nag-iimbestiga kami ay susuporta lamang po.

CHIZ: Lakay, dapat pakikinabangan ko ang presensya ni Director Santiago. Nais kong tingnan sana nila ‘yung PSA. Hindi naman ho magkakaroon ng pekeng birth certificate itong si Guo o kung sino pa man kung walang kakutsaba sa loob. Hindi naman ‘yon magkaka-passport kung walang kakuntsaba sa loob tulad nga po ng sabi ninyo may factory ng pekeng birth certificate sa Davao Del Sur pero hindi ako naniniwala director Sir na doon lang ‘yan. ‘Yung sindikato nandiyan mismo sa puso mismo ng PSA sa central office hindi po uubra kapag hindi.

JS: Yes, Sir we will work on it. Talagang ipinapa-ano ko na po ‘yan.

BA: Saka director conspiracy na po ‘yan kasi malalim po ‘yan local government, ahensiya kahit mga Negosyo. ‘Yung ibang malalaking negosyo sila ‘yong landlord ‘no nung ibang POGO na may illegal. So ano po ‘yan marami talagang mahahalungkat pa.

KP: Alam mo, Lakay, nabanggit nga na malalim naalala ko noong dinedebate natin ‘yung pag-tax ng POGO noong nandoon pa tayo sa Senado. Sabi ko, pabiro, pero may halong katotohanan. Sabi ko, kung iimbestigahan natin ‘yong mga iligal na ginagawa ng POGO. Sabi ko, lahat ng kumite natin mag-iimbestiga dahil Labor Law, Immigration Law, Local Government Code, Investment Law, Anti-Carnapping, Anti-Kidnapping, Anti-Prostitution, Money Laundering, Anti-Graft. Sabi ko, lahat ng kumite dapat mag-imbestiga diyan dahil sa dami ng laganap na iligal na ginagawa kaya sa atin sa Senate ngayon sana talagang i-ban na ang POGO na ‘yan. Binan na ‘yan sa Cambodia so—

DM: Sa China bawal, ‘di ba?

KP: Sa China bawal.

BA: Bawal talaga kaya siya nasa ibang bansa.

CHIZ: Pero, Senator Kiko, hindi pa nga naba-ban ang POGO may PIGO na—

DM: “PIGO”?

CHIZ: May PIGO na.

DM: Ano ‘yung “PIGO”, Sir?

CHIZ: Panibagong laro na naman na ine-endorso ng PAGCOR so, kayo naman mag-iimbeto lang ng bagong pangalan ‘yan. Hindi pa nga banned ang POGO, may PIGO na.

BA: ‘Wag lang ma-ban ang mga pogi.

DM: Panahon ng Hapon, ang mga mambobote raw, manggagarapa, garapa n’ong nagkagiyera biglang naglabasan.

CHIZ: Alam mo, Deo, sa sistema natin na magulo. Aminin ko ang nag-i-issue ng visa sa sinumang nais magpunta sa Pilipinas ay DFA sa pamamagitan ng mga konsulado natin. So ang tanging paraan kung bakit nakapasok ‘yung mga Chinese POGO workers sa Pilipinas ay dahil in-issue-han ‘yan ng visa ng konsulado natin sa China na may pahintulot mula sa DFA. Ngayon turista lamang ‘yan kapag dating niyan dito na gusto nilang i-extend ang stay nila kailangan na aprubahan ‘yan ng Bureau of Immigration natin. Ang problema dahil inaprubahang turista ‘yan kabilang ‘yan doon sa bilang ni Sec. Frasco na bilang ng turista natin pero sa totoo lang hindi naman turista ‘yan magta-trabaho nga ‘yan dito at lumalabag na sila at labag na sila doon sa maximum na bilang ng araw o lingo na puwede silang manatili sa Pilipinas. Ang problema, Lakay, hindi nag-uusap hangang sa ngayon ang immigration at ang DFA kung ilan nga ba ang in-issue-han nila ng visa. Malalaman lang nilang expired ‘yan kapag nahuli na at kapag hinanapan na ng papel expired na pala ang visa wala pang sharing of information sa pagitan ng iba’t ibang konsulado sa buong Pilipinas at DFA kaugnay sa mga aliens na nandito para malaman illegal nga ba sila o hindi para malaman ng immigration department, lumampas na ba ito? Ilan na ba ang lumalampas?

BA: SP, ano ‘yung estimate niyo na pumasok na turista, naging iligal na worker dito na nagtatrabaho sa ganitong klase, anong numbers niyo?

CHIZ: Well, bilangin mo muna ilan ang turistang nagpunta rito ayon sa DOT. Nasa dalawang milyon yata.

KP: Pero may hearing noong nandoon pa kami sa Women din ‘yung pastillas. Ang sinabi doon ng Immigration ang estima nila from 2017 to 2022, mga 4 million ang Chinese, kaya nga 10,000 per kaya P40-B daw ‘yung nalikom sa pastillas scam noong panahon ni Duterte dahil nga 4 million na mga Chinese ang pumasok. Kung maalala niyo, nagkaproblema pa doon sa issue pa doon sa Philippine Retirement Authority dahil retire-able na raw ‘yong 35-years-old at ‘yong mga nag-a-apply daw na mga Chinese para mag-permanent resident dito ay 35-years-old. Sabi nila mga sundalo, puwedeng maging sundalo pero retired.

CHIZ: Naaalala niyo noong gumanda ang ekonomiya ng Japan, ang number one na turista dito sa Pilipinas ay Hapon. Noong gumanda ang ekonomiya ng Korea, numero unong turista ‘yung mga Koreano. Ngayon number one naman ang ekonomiya ng China, o papunta na roon, ang numero unong turista rin sa buong mundo ay mga Chinese. Ang problema nga lang, tulad ng sinasabi ko dapat maging mas istrikto ang DFA pagdating sa pag-i-issue ng visa at dapat mayroong koordinasyonang DFA at BID, Bureau of Immigration kaugnay ng mga in-issue-han nila ng visa dahil uulitin ko Lakay hangang ngayon hindi nag-uusap ‘yang dalawang ahensiyang ‘yan sa dami at bilang ng in-issue na visa ng DFA sa kabilang banda at gaano ba katalagal ba silang legal na pwedeng manatili sa ating bansa na dapat naman ay binabantayan ng Bureau of Immigration.

DM: Sa Senado, so anong plano ng Senator Risa Hontiveros at Senator Sherwin Gatchalian sila ang nag—

CHIZ: Pinagbigay alam ko na sa kanila ‘yang bagay na ‘yan, Lakay, at inaasahan ko na sa mga susunod na pagdinig nila ‘yan na ‘yong tututukan nila habang hinihintay ‘yong pagkakadakip kay Mayor Guo.

DM: Pero Senate President, Sir, ang isipan dito alam mo kausap ko ang isang opisyal ng AGFO kahapon. Nag-uusap-usap ang mga AGFO, Association of Generals sabi nila ‘wag natin masyadong sisihin ang mga Chinese dapat daw ang sisihin ang gobyerno dahil sa corruption ayan lahat ng mga Chinese ang tingin sa atin dito ay pera pera lang nababayaran na. Kung mahigpit tayo sa mga ganyan hindi sila makakapasok dito. So siguro paano natin patitindihin pa ang campaign against corruption para hindi na nabebenta ‘yung mga passport, driver’s license na P300,000.

CHIZ: Lakay, para sa akin simple ang formula ko sa corruption, discretion always equals corruption, minimize discretion you minimize corruption, you eliminate discretion you eliminate corruption. Hangga’t hindi malinaw at latag ang rules kung ano ang dapat gawin ng mga opisyal at meron siyang malawak na puwedeng pagpasyahan palaging papasok ‘yung personal na interes at kagustuhang tumanggap kapalit ng serbisyong ibinibigay niya dapat sa sambayanan. Subalit kung maliwanag ‘yung puwede at hindi niya pwedeng gawin at ikahon ‘yan mababawasan natin ang corruption sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. Tama ka, Lakay, unahin natin ‘yung pinaka-obvious na corrupt, Customs, BIR, BID at DFA sabihin mo na pagdating man sa issuance ng passport. Apat na ahensiya muna ‘yan muna ang unahin at ng mapatunayan nating kaya naman palang pigilan ang pagnanakaw, kurapsyon at pagbebenta ng interes ng bansa kapalit ng ilang pirasong salapi.

DM: Narito sa executive session kahapon sina Sec. Boying Remulla kapag gustong ilaglag ang kaso ‘wag lang a-attend ang pulis sa hearing wala na.

CHIZ: Krimen na ngayon ‘yan, Lakay. Nagpasa na ng batas ang Kongreso na ginagawang krimen sa parte ng sinumang opisyal ng pamahalaan ang hindi dadalo sa pagdinig kung saan may inuusig na indibidwal na tao ang pamahalaan. So puwede siyang sampahan ng kaso.

DM: Mr. Senate President, Sir, kailangan pa ba natin ng batas, kulang ba yung batas natin para labanan ang kurapsyon?

CHIZ: Ikaw naman, Lakay, Diyos na nga ang nagpasa ng batas sa Sampung Utos. Bawal magnakaw, hindi sinusunod ng tao. Galing sa Diyos, nakaukit sa bato hindi sinusunod. Kung galing sa tao ang sinulat sa papel ba’t naman susundan pa. Para sa akin, Lakay, ‘yung sinabi ni Senator Bam kanina, tayong lahat ngumiti, kahit ‘yung audience mo rito, napangiti doon sa dalawang pilang binibigyan ng 10,000 isasauli ‘yung 7,500 siguro panahon na para tumigil tayong matawa, ngumiti sa mga ganyang pagkakataon at magsimula ng magpakita ng galit. Tigilan na natin. Kunin ‘yung mga mayor, congressman, senador o governor na kurap dahil alam naman nating maganda magregalo. Tigilan na nating mamangha doon sa mga may magaganda’t magagarang sasakyan, damit o maraming alalay at kamuhian pa nga dapat sila kung alam naman nating walang pinagkunan ‘yon kundi kaban ng bayan. Nasa pag-uugali at pananaw rin ng sambayan para magbago mismo ang mga opisyal.

DM: Mr. Senate President, Sir. Kayo po ay alam na malapit sa First Couple.

CHIZ: Nag-e-enjoy ako makinig. Ikaw naman inaabala mo ako.

DM: Napansin ko nga. Kayo ay alam na malapit sa Presidente at First Lady. Marami ang tumitingin sa leadership ng Senado ngayon. Ano kaya ang Senado ngayon? Ito kaya ay subservient baka maging rubberstamp din ng Malacanang. So ano ang inyong stand? Ano ang ipapatupad mo? Ano ang policy mo sa Senado ngayon, Mr. Senate President?

CHIZ: Lakay, unfair na akusasyon ‘yan dahil sa tinagal-tagal ng Senado, tinagal-tagal ko rin sa Senado ni minsan hindi naman naging subservient, rubberstamp o nagpapailalim ang Senado kaninuman, sinuman ang naging tagapangulo ng Senado malapit man sa president o sa administrasyon o hindi. Bilang halimbawa, noong si Senate President Drilon ang Senate President na malapit na malapit kay Pangulong Aquino noong panahong ‘yon itinayo pa rin niya ang bandera ng Senado kapag kinakailangan itayo ang bandera ng Senado. Patuloy nating gagawin ‘yon, Lakay. Hindi lamang nakapasan ‘yan sa balikat ko. Nakapasan ‘yan sa balikat ng dalawampu’t apat na senador na itayo ang bandera ng Senado at panatilihing independent, malaya at kailanman hindi magpapasupil ang Senado basta’t ang tama ay tama, basta’t ang mali ay mali palagi sa punto de vista at mata namin.

DM: ‘Yung mga nag-aaway na senador, paano mo aayusin ‘yan si Senator Nancy at Senator Alan?

CHIZ: Puro batikang senador na ‘yan, Lakay, ikaw naman. Si Senator Nancy 12 years na sa Senado. Si Senator Alan 15 years na yata sa Senado ‘yan. Hindi rin kakaiba ‘yung pagwo-walkout, even to the best of them kahit yung mga beterano, Lakay. Kung naaalala mo nag-walkout si Senator Miriam minsan, nag-walkout si Senator Leila kay Senator Gordon minsan pero naaayos naman din naman nila ‘yan.

BA: May isang beses nga, Lakay, may inawat ako sa suntukan.

CHIZ: O kita mo. O ‘di ba.

BA: Sabi sa akin, awatin mo ako, awatin mo ako.

CHIZ: Nangyayari ‘yan, Lakay, dahil tao lamang naman ang mga senador. Hindi naman po mga makina at robot ‘yan. Minsan nadadala rin ng damdamin.

DM: Senator Bam, sino ‘yan?

BA: Alam niyo ‘yan. Nagpaawat naman. Pare, awatin mo ako.

DM: Nagpaawat ba.

DM: Mr. Senate President, Sir, ayan. Ano naman po ang role ng First Lady Heart Evangelista?

CHIZ: Pabatiin mo na lang ako, ikaw naman happy birthday lang. Siya ang taga-pangulo ng Senate Spouses, Lakay, bagong papel ‘tong ginagampanan niya. Hindi siya sanay dito pero mabuti rin naman ‘yon kaysa ako ‘yung palaging nahihila sa mundo niya, magandang minsan-minsan naman ay mahila siya sa mundo ko kahit papaano.

DM: Ma-expose sa politics or—

CHIZ: Hindi naman sa pulitika sa larangan lang na ito para lang maintindihan din niya kung bakit ako ginagabi sa trabaho. At Lakay, sa muli pagbati sa DZRH happy 85th anniversary at sa muli advance happy birthday sa iyo. Binisto lang ni Bebot ang iyong edad, sa tagal mo na raw dito sa DZRH. Para sa akin ano man ang edad ang importante bata pa rin ang isip at puso at nandoon pa rin ang iyong pagmamahal at paninilbihan sa ating mga kababayan. Kaya happy birthday, Lakay.

DM: Maraming salamat Mr. Senate President Chiz, Sir. Karangalan po namin na kayo ay maging bisita dito sa selebrasyon 85th anniversary ng DZRH.