CES DRILON (CD): Mayroon tayo na espesyal na panauhin ngayon. Makakasama natin ang incumbent Sorsogon Governor Francis ‘Chiz’ Escudero. Magandang hapon po sa inyo, Gov.
GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Ces, magandang hapon. Long time, no see. Jude, magandang hapon din.
CD: Oo nga.
JUDE BACALSO (JB): Magandang hapon po.
CHIZ: Magandang hapon sa inyong programang ‘Basta Promdi, Lodi.’
CD: Kayo po ay nasa Sorsogon. Saan po iyan? Sa inyong-
CHIZ: Bahay.
CD: Unahin na po natin ang sitwasyon ng COVID-19 diyan sa inyong probinsya. Kamusta naman po ang ating mga ka-promdi diyan?
CHIZ: Pinakamataas naming naranasan na pinakamataas na kaso ng nagdaang dalawang linggo-umabot kami ng 873. Ngayon bumaba na ng 589 at nitong nakaraang apat na araw, mas mataas na ang bilang ng recovery kumpara sa nagpopositibo sa aming lalawigan. Hudyat at signal iyon para sa akin na nagsisimula nang humupa, bumaba itong surge na nararanasan natin sa buong bansa at ilang bansa rin sa mundo.
CD: Kumusta naman po ang kampanya ninyo para sa vaccination? May herd immunity na ba diyan sa probinsiya ninyo, Gov?
CHIZ: 69.8%. So, ang tinataya nilang herd immunity ay 70%
CD: 70. Malapit na.
CHIZ: 69.8% po kami na double dose na ng vaccine kabilang iyong single dose ng Janssen. Pero, kung bibilangin mo lahat ng nabakunahan na kabilang iyong first dose at magse-second dose pa lamang, nasa 80% na po kami.
CD: Ay, very good pala kayo diyan. Mayroon pa kayo – tama ba – na oxygen facility na itinayo diyan sa Sorsogon?
CHIZ: Tama ka, Ces. Umutang kami sa DBP sa halagang Php84-M, kung hindi ako nagkakamali sa eksaktong figure, para magpatayo kami ng oxygen generation plant. Dalawa ang panguhing rason kung bakit namin ginawa ito. Una, iyong cost. Masyadong malaki ang ginagastos namin sa oxygen na nanggagaling pa ng Legaspi at Albay. Dito walang source kung kaya’t noong nag-compute kami at pinag-aaralan namin. Hindi lamang kami makakatipid sa siyam na ospital na gumagamit ng oxygen na pag-aari ng probinsiya, kikita pa kami at ang ROI namin ay 2.31 years. So, kikita pa kami. Ang utang namin ay limang taon. So, maganda iyong libro kung saka-sakali para sa oxygen generation plant namin.
CD: Ayon naman pala. Bakit pa kayo aalis diyan sa Sorsogon? Alam mo isang termino pa lang. Sige, Jude, bago ko ipasa s a iyo si Gov kailangan mabilis tayo magsalita para makahabol tayo sa kaniya. Ang bilis magsalita.
JB: Bakit ninyo iiwanan, naka-isang termino ka pa lang?
CHIZ: Hindi ko iiwan. Parati naman akong nandito at tahanan kong itinuturing ito, Ces, Jude. Kaya lang may mga kadahilanan, una, kongresista ang Nanay ko dito. Sa totoo lang sinikmura ko lamang na tumakbong gobernador. Sinabi sa lahat dito na isang termino lamang ako dahil ayaw kong Nanay ko iyong congressman at ako ‘yung governor at apelyido na lang namin ang magaling at marunong dito sa lalawigan. Talagang isang termino lang ito at ayaw kong hawakan ng apelyido namin ang matataas na puwesto ng probinsiya dahil hindi lamang naman ang apelyido namin ang magaling dito. Marapat na bigyang pagkakataon rin ang iba.
Pangalawa, kahit gaano kagaling ang gawin ko rito, Ces, Jude kahit magta-tumbling ako, magsisirko ako rito dahil sa pandemya, kung hindi aangat ang buong bansa at ibang probinsiya balewala at may hangganan ang puwede naming marating na pag-angat dito sa aming lalawigan ng Sorsogon.
JB: OK, good answer naman. Ang bilis, ‘no?
CD: Ang sabi ko sa iyo.
JB: Ma, natutulala ako sa kanyang mga sinasabi.
CD: Bilisan mo na ang tanong.
JB: Gov, ang tanong ko naman kasi naging governor kayo ng 2019, ibig sabihin nito wala kayong alam bilang isang governor kundi COVID-19? ‘Di ba iyon lang ang alam mong sitwasyon in Sorsogon na COVID-19. So, i am assuming na kaya alam na alam mo ang sitwasyon ng COVID diyan dahil sa buong termino mo, nasabi mo nga isang term ka lang, was marked by COVID-19. Dalawa kasi ang problema na nakikita ng mga ka-promdi natin sa vaccinations po. Number one, availability of vaccines kaya mababa ang ilang mga probinsiya. Number two is vaccine hesistancy. Iyong hindi naniniwala sa bisa ng vaccine, etc. Paano po ninyo hinaharap itong dalawang challenges na ito na puwede ring gayahin ng ibang mga probinsya, Gov?
CHIZ: Hindi lang vaccine ang problema namin, Jude. Nagkaproblema din kami sa heringgilya. Nagdeliver nga sila ng vaccine, wala namang mga heringgilya.
JB: Ganoon ba?
CHIZ: So, kung nagsabi lang sila, bumili sana kami. Mura lang naman iyon. Kaso, naghahabol kami kasi iyong mga ibinigay na bakuna rin, malapit nang mag-expire at deadline din ang pagbabakuna.
JB: May expiration.
CHIZ: Biruin mo, binigyan ang Metro Manila ng walong buwan para marating ang 70% herd immunity. Binigyan lamang ang mga lalawigan ng apat na buwan. Dahil by the time na ibinigay sa amin ang bakuna at malapit nang mag-expire at kapag hindi namin magamit ay balewala na po iyon. Nagbigay kami ng mga incentives sa mga barangay. Halimbawa, sinuman ang maka-100% sa barangay ay magbibigay kami ng isang milyon mula sa pondo ng probinsya. Nag-unahan iyong mga barangay. Hindi man nila narating iyong unang 20, iyon lamang ang nabigyan naming.
Ikinukonsidera ngayon ng Sangguniang Panglalawigan kung magbibigay pa muli ng insentiba. Nagpa-raffle kami, nag-show kami. Nagbara-barangay ang mga Mayor pati ako para makumbinsi sila. Mahirap man, iyon lamang ang tanging paraan. Ididikit ko na sa ‘No Ride, No Vaccine’ policy, wala akong balak ipatupad iyon dito at hindi ako sang-ayon doon. Para sa akin unconstitutional, arbitrary at anti-poot iyon sa ilang kadahilanan. Ibahin natin ang private sector; may restaurant ka, may mall ka, may grocery ka, puwede ka magtalaga ng rules sa bahay mo. Bawal pumasok sa bahay ko ang hindi bakunado. Puwede iyon.
Pero, pagdating sa gobyerno, walang pili at diskriminasyon dapat ang pinagsisilbihan ng gobyerno ang bawat tao, ang bawat mamamayan. Maski nga dayuhan pa, basta mangailangan ng tulong. Ang public utility ganoon din. Pero pagdating sa gobyerno walang pili at diskriminasyon dapat ang pinagsisilbihan ng gobyerno ang bawat tao, bawat mamamayan maski nga dayuhan pa, basta’t mangailangan ng tulong. Ang public utility ganundin. Sang-ayon sa Public Service Law, public utility is must offer their services indiscriminately to the public. Ibig sabihin walang pili. ‘Pag pinapili mo na sila iba nang usapan ‘yon at hindi na public utility ‘yan. Sana i-review ng DOTr ‘yan.
CD: OK. Na gawin na nating macro. Babalik ka sa Senado, number 3, number 2 sigurado na ‘yon siguro dahil lamang na lamang ang mga alam mo na balik Senado. Anyway, ang tanong ano ba ang pinaka-kritikal na urgent na kailangang gawin ‘pag kayo ay nahalal ng mga policy makers katulad niyo sa Senado?
CHIZ: Ang pinaka-importanteng batas na pinapasa ng Kongreso, Kamara man o Senado ay ang taunang budget o ang General Appropriations Act. Sa totoo lang, Php3-T ‘yan sa taong ito. Sa darating na taon malamang Php3.5-T, kulang-kulang Php4-T na ‘yon. ‘Yan ang pinakaimportante na magsisilbeng tulay at paraan para sa pagbangon ng ating bansa. Dahil kung tama ang paggastos niyan, mararamdaman ‘yan sa bawat sulok ng Pilipinas at kung totoo ang tinataya ng World Bank ng pagtaas ng ekonomiya natin sa taong 2022 na 5.9%, pinakamataas sa ating rehiyon magagawa lang natin. ‘Yan kung magagastos natin ng tama, maa-allocate natin ng tama ‘yong mga pondo.
(technical difficulties) Bakit din mahalaga Ces? Masaya at maraming nagbunying mga local government unit dahil sa Mandanas Ruling kung saan tumaas ang kanilang IRA (internal revenue allotment) ng mahigit 20 percent. Ang problema ‘pag dating ng 2023 nakabase ‘yan sa income ng national government ng taong 2020 o 3 years before. Alam naman nating bagsak ang ekonomiya ng 2020 mula +6 percent ng 2019, naging -9 percent ng 2022. 15 porsyento ang binagsak ng GDP natin. Kapag i-compute mo ‘yan ayon sa ilang eksperto aabot sa 27 porsyento bababa ang IRA ng mga local government units, barangay, munisipyo, siudad o probinsya man.
CD: So balewala.
CHIZ: So mula sa mandanas ng 2022, inakyat ka sa 20th floor, ibabagsak ka lang pala 22nd floor. Ngayon importanteng mahanapan ng solusyon ng Kongreso ‘yan dahil kung hindi ‘yung paggulong ng ekonomiya at pag-angat ng ekonomiya ng bansa sa CALABARZON, NCR, Davao, Cebu, Iloilo, Bacolod lang mararamdaman ‘yan. Hindi ‘yan mararamdaman sa mga sulok-sulok na mas kailangan ng ayuda, tulong at pondo ng gobyerno.
CD: So ‘yon ang prioridad ‘yong paggastos ng maliit na halaga, pag-allocate ng budget ng gobyerno para sa inyo.
CHIZ: Governance is about only one thing. Governance is about allocating star resources. If you were able to allocate star resources then you governed properly.
CD: What was the worst or ano ‘yong pinaka-kakulangan ng national government na nakita niyo dito sa pandemya. May mga nabanggit na kayong walang contact tracing at inabanduna na rin ‘yong mass testing. Ano kaya ‘yong- bukod sa dalawang ‘yon meron pa kayong nakikitang kapalpakan.
CHIZ: Kulang siguro ‘yong programa natin Ces, Jude para isa-isahin ko pero magbabanggit ako ng ilang programa.
CD: Sige sige. Mabilis ka naman magsalita. Gov. seryoso tayo pero may rumarampa sa likod mo.
JB: Ang cute. Isa ba ‘yan sa mga aso ni Heart?
CHIZ: Puwesto niya talaga ‘yan. Kahit noong interview ko kahapon. Nandiyan pa rin siya.
JB: Kayo ang nakikialam sa puwesto pala niya.
CHIZ: Tayo ang nakikisingit sa kanya.
CD: Ganoon ba. O sige buti naman at pinayagan kayo diyan. Sige patuloy lang ho natin.
CHIZ: Ilang bagay lamang, polisiya at consistency lamang. Halimbawa, kadarating ko lang galing Amerika dalawang linggo na ang lumilipas ayon sa requirement ng IATF magpa-test ka within 72 hours dapat negative RT-PCR ka pwede kang sumakay ng eroplano. Pag-landing mo facility, quarantine ka for 5 days kung saan mag-RT-PCR ka ulit at kapag negative ka, tatapusin mo ‘yong 14 days mula noong dumating ka sa home quarantine. Tanong, bakit ‘yong health care worker, 5 araw pa lang recovered na. Bakit ‘yong ordinaryong tao, matapos mag-positive, 7 araw ay recovered na. ‘Yong galing Amerika nakadalawang RT-PCR na negative na bakit ‘yong nag-positive mas maikling panahon ang kailangang gugulin bago siya madeklarang recovered.
Kung ang DOH, sinasabi 7 days recovered ka na ang problema ang PhilHealth hindi babayaran ‘yong hospitalization mo kung hindi ka 14 araw na nasa ospital. So magdedesisyon ngayon ‘yong kada chief of hospital, kahit magaling na hindi ko pa paalisin ‘yung pasyente dahil kung hindi siya umabot ng 14 na araw hindi kami mababayaran.
CD: Hindi bayad ng PhilHealth.
CHIZ: Ang chairman naman ng PhilHealth ay DOH Secretary. Kabilang na ang DOH Secretary din at chairman din ng IATF, so ba’t hindi nila mapagtugma-tugma ‘yong mga bagay na ‘yan.
Pangalawa, imbes na puro lockdown na ginagawa nga ng administrasyon mula simula na sa tingin ko ay mali. Noong nagsimula ang mga lockdown, may pera pa naman ang mga tao, may grocery pa sila, may laman pa ‘yong mga bahay nila dapat nagbigay ng ayuda makalipas ng isang buwan ng hindi sila masyadong nagulpi ng puro ayuda.
At sa aming lalawigan never kaming nag-lockdown dahil hindi kami puwedeng mag-lockdown. Ang daanan ng mga truck at bus at sasakyan mula Luzon papuntang Visayas at Mindanao at Visayas, Mindanao papuntang Luzon ang Sorsogon dahil sa Matnog port. So noong dumami ang bilang ng kaso namin, ang pinaka ginawa namin nag-lockdown lamang kami ng Sabado at Linggo. Binawasan naming ng 28% ang paggalaw ng tao sa loob ng 7 araw sa isang linggo para bumaba ‘yong bilang ng kaso ng hindi naapektuhan ung hanapbuhay at ‘pag kabuhay nila makakapagtrabaho kasi sila ng Lunes hangang Biyernes kaya hindi kinailangan ng lalawigan na magbigay ng dagdag na ayuda maliban sa ibinigay ng mga LGU at ng national government. So ilang bagay lamang kasi baka maubos ‘yung oras.
JB: So never, never kayo nag – that’s interesting ano na never nag-lockdown ang Sorsogon pala.
CD: Pero paano ang tama sa ekonomiya ninyo? Ilang porsiyento ang bawas sa growth?
CHIZ: Ayon sa NEDA ang ibinaba ng lalawigan ng Sorsogon ay tatlong porsiyento lamang kumpara sa nagdaang taon noong 2020. Ang rason, Ces, ay tinuluy-tuloy namin ‘yung ‘Build, Build, Build’ Program ng administrasyon pati ng pamahalaang panlalawigan. Kinonsidera kong essential yung mga infrastructure project para hindi mawalan ng trabaho ‘yung aming mga kababayan. Tuluy-tuloy lang yung trabaho nila at kita nila para sa gayon may dignidad naman yung perang binibigay sa kanila hindi tipong namamalimos at binibigay na lamang.
CD: Alam niyo Gov, hindi ba mas maganda ang pakiramdam na – hindi sa sinasabi kong huwag niyong iwan ang Sorsogon pero yung talagang diretso na gagawa ng mga programa, kayo ang mayroong kasagutan ay dito sa sa Senado bente-kwatro kayo.
JB: As they say those are twenty-four presidents with different, ‘di ba?
CD: Iba ang kalakaran, tsaka ‘yung polisya hindi ‘yung talagang on the ground implementation.
CHIZ: Hindi naman president, Ces, republika lang Ma’am. Twenty-four republic presidents.
JB: Ganoon na rin.
CD: Tama, tama. Twenty-four republics.
CHIZ: Oo at hindi tama ka mabilis na maaaksyunan ito anuman ang kailangan galawan pero, Ces, unang beses ko rin ito pumirma ng gagabundok na papel na kada pirma mo ay posibleng kaso na agad ‘yon na puwedeng isampa laban sa ‘yo dahil procuring entity ang lalawigan. Ces, bata pa ‘yung mga anak ko. Bata pa rin ‘yung asawa ko at medyo malaki ‘yung agwat ng edad namin mahirap naman makulong hanggang umedad baka paglaya ko hindi na ako makilala ng mga anak ko o ‘yung asawa ko may iba ng ka-holding hands.
CD: Sobra naman. So parang red-tape. Maraming red-tape masyado?
CHIZ: Oo pero Ces, sa gitna ng pandemya ito nag-ISO ang lalawigan ng Sorsogon all twenty-six departments and all nine hospitals, nagpa-ISO certify kami ng 9001-2015.
CD: Systems. Systems 9001.
CHIZ: Systems ng 9001-2015. Ma’am nagawa namin sa gitna ng pandemya sa loob ng isa’t kalahating taon. Sinimplify ko na nga pero sa dami ng requirement ng COA, ng DBM, ng DILG sa totoo lang na hindi ko naman alam kung bakit pinapagawa pa sa amin dahil mas alam namin kung ano ang dapat gawin kumpara sa kanila. Ganoon pa rin ang kinabagsakan.
CD: Sa tingin ko, itong experience mo na direct as a governor kumpara sa Kongreso madadala mo ‘yan sa lehislatura. Sa tingin ko, para mas responsive ‘yung batas or ewan ko kung ano bang bagong, anong maaaring gawin Gov na sana mahikayat din ang mga ibang probinsya na gawin ang ginawa ninyo diyan sa Sorsogon sa maikling panahon na tatlong taon.
CHIZ: Kung independent republic, Ces, ang dalawampu’t apat na senador, ang walumpu’t apat na governor may sariling republika ‘yon.
CD: Lamang, yes.
CHIZ: ‘Yon may kaharian talaga sila. So marami akong mga kaibigang gobernador nagpupunta dito tinitignan ‘yung nagawa at ginawa namin dito para hindi na nila kailangan, ika nga, imbentuhin ‘yung hugis ng gulong, kopyahin copy paste at i-adopt na lang sa kanilang lugar.
JB: Best practice.
CHIZ: Tama ka, Jude. Isa sa ipaglalaban ko sa totoo lang. Tinuro ko ang Local Government Code sa UP College of Law bago ako naging congressman. Naging chairman ako ng Local Government committee ng Senado ni hindi ko nalaman ang budget pala ng probinsya at mga siyudad kailangan aprubahan ng DBM. At ‘pag may item sa budget namin na ayaw nila hindi naming puwedeng gastusan ‘yon.
Ang ipinupunto ko ay wala sa batas ‘yon memorandum circular lamang ng DBM ‘yon. Bilang gobernador wala naman akong boses para pagsabihan sila, pasunurin sila pero IRA naman ‘yon, locally generated revenue namin ‘yon kami dapat ang may buong kalayaan para gastusin ‘yon. Ngayon kung galing sa national government, local subsidy ‘yon, grant ‘yon sige diktahan niyo kami bigyan niyo kami ng menu. Pero ‘yung pera na amin talaga na wala namang kinalaman ang national government, dapat hayaan nila ‘yung mga mayor at governor magpasya. Kung ninakaw naman nila ‘yung pera at pinagsamantalahan ay baka hindi na sila manalo, baka makulong sila. Pero paano kung hindi at maganda ang intensyon, mas malayo at malaki ang magagawa sa isang lalawigan o sa isang siyudad o munisipyo kapag ginawa ‘yon.
CD: ‘Di posibleng batas ‘yan na gagawin mo?
JB: Yes, parang sinasabi niyo–
CHIZ: Posibleng batas para iklaro na hindi puwedeng gawin ‘yon.
JB: Oo, Gov. Na ‘yon ang isa sa mga batas siguro na uunahin niyong itutulak sakaling kayo po ay mahalal muli?
CHIZ: Sinabi ko na ‘yan sa League of Governors gayundin sa League of Municipalities na lahat sila ay agree dahil gaya ng sabi ko, mas alam namin kung anong kailangan sa aming mga lugar kaysa sinumang kalihim na nasa airconditioned niyang kwarto sa Maynila na nakaupo lang sa upuan at ni hindi tumatayo para dungawin man lang tayo sa mga probinsya.
CD: So bakit kayo, kinailangan ba kayong tumakbong governor noong 2019 hindi kayo puwedeng dumiretso ng Senado na? Bakit naging ganyan?
CHIZ: Nag-graduate ako ng 2019 Ces dalawang term sa Senado. Una akong nahalal sa Senado noong 2007 hanggang 2013. Pangalawang terminong consecutive 2013 hanggang 2019 so the constitution bars me from running again. Sa totoo lang gusto ko na magretiro noon pero doon ako napakiusapan at kinausap na tumakbo dahil ‘yung dating namumuno aming lalawigan, nanay, tatay, anak sila na ‘yung gobernador noong nagdaang mga kulang-kulang o mahigit tatlumpu’t taon. Kaya ninais ng marami dito na baliin ‘yun at iayos ‘yung takbo ng probinsiya and, hopefully, maipagpatuloy ito ng papalit sa akin kaalyado namin o magiging susunod na gobernador.
CD: Iyon pala ‘yung dahilan. Tama, tama. OK. Nalito na ako sa, diyan ka na tumanda sa politics. Hindi ba matanda si Gov?
CHIZ: Hindi pa. Pumasok ako ng politika 2008, 24 years pa lang ako sa serbisyo publiko, so matanda pa ako sa mundo kaysa pulitika. Bigyan mo ako ng tatlong taon pati matanda na ako sa politika kaysa–
JB: Pero Gov, ‘di ba iniisip talaga natin diyan is the continuity ng mga projects mo ngayon na maganda ang nagawa mo sa Sorsogon in the three years, just one term. Paano ito? Are you sure that the foundation na you laid out na nagawa mo na diyan ay mapapapagpatuloy? Sino po magpapapatuloy nito?
CHIZ: Isa sa mga mayor napagkasunduan na tatakbo na kapalit ko na kapartido sa grupo namin. Sa ngayon Jude, tapos lahat ng mayor na nakaupo ay kapartido namin, 97% ng barangay captains ay kagrupo, hindi puwede sabihing kapartido namin. So buo ang tiwala ko na oo mapagpapatuloy iyon. At kung bibigyan ng pagkakataon na manilbihan sa Senado wala naman sigurong dahilan para hindi pa rin ako dinggin o pakinggan kung may bulong at paalala kaugnay sa paglihis ng landas na mangyayari kung meron man.
JB: ‘Yung mga ka-promdi natin diyan sa Sorsogon.
CD: Panghuli na lang kasi nawiwili tayo dito kay Gov. Paano ka nangangampanya? Hirap ngayon, ‘di ba? Ano ba lahat ng politiko nahihirapan wala na mga rallies, so ang gagawin mo?
CHIZ: Mula’t mula Ces, ewan ko kung napansin mo nag-cover ka ng kampanya noon hindi naman talaga ako mapa-rally, hindi naman talaga ako mapa-motorcade. Kasi sa rally kung hindi ka kakanta, magsasayaw, o magpapatawa, tingin mo may makikinig sa iyo doon? Sa rally, maghihintayan pa kayo, magbubunutan kung pang ilan ka, ang laki ng oras na mauubos. Sa motorcade, tingin mo ba kapag kinawayan mo kapalit ng boto ‘yun. Ganun ba ka-simple iyon?
CD: Blessing na wala na ‘yung mga ganyan.
CHIZ: At least wala ng aaway sa akin na dapat nandoon ako. Mula’t mula, malaki ang papel na ginagampanan ng media, traditional man na kampanya bago mag-COVID o ngayon higit pa. TV man o radyo at social media para mapalaganap ‘yung kandidatura gayundin ang plataporma, mga kasagutan sa isyu, paniniwala at mga gagawin sinumang tumatakbo lalo na sa national na posisyon. Sa lokal nawala lamang rally. Pero uso na ngayon ‘yung mga virtual rallies kung saan may video wall na lang iyun ang ginagawa sa mga probinsiya. Pero sa national, media pa rin social media man gaya ng sabi ko o traditional.
CD: Gastos sa ads.
CHIZ: Oo at hindi dahil minsan kung bahagi ka naman ng balita walang bayad ‘yun. At mutually beneficial ‘yun dahil napakinggan ka na, nakita ka na at in time nakapasok sa kanilang istasyon o programa kung nasa balita ngayon.
CD: Gov, your dog has my vote.
JB: Alam mo Ces–
CHIZ: Ang gusto mo bang kandidata ‘yung tutulog-tulog lang at chi-chilax lang?
CD: Ano pangalan ng aso mo? Ang cute, cute naman.
JB: Tayo na nga nakakaistorbo sa kanya. Kasi puwesto niya ‘yan at oras niya ng pagpapahinga. Pero maganda ‘yan sa pangangampanya, Gov.
CHIZ: Babae ito. Babae siya.
JB: OK kaya pala dikit na dikit sa inyo. ‘Yan ba, ang alam ko kayong mag-asawa ay maraming alagang aspin.
CHIZ: Si Heart maraming alagang aso. Ako walang choice lang, Ces, kailangan tanggapin ko na iyon. Gusto namin matulog sa kama namin ‘yung aso ‘pag hindi ako pumayag baka si Heart na ‘yung hindi tumabi sa akin. Kaya sige tabi na ‘yan para at least–
JB: Choices, choices.
CD: Maraming kasiping sa kama. Sorry.
CHIZ: Minsan nga kung umuuwi ako ng late nakapwesto na sa puwesto ko si Panda, ‘yung aspin niyang aso. Mag-growl pa sa akin at hindi ako papahigain dahil parang komportableng-komportable na ay nareraklamuhan ko si Heart nun. Utang na loob namin matutulog na nga lang ako kama ko ito patabihin mo ‘yan. Sorry kung ginising kita pero utang na loob gusto ko na rin matulog.
JB: Hay naku, fur parents rin kami ni Ces. Naiintindihan namin ‘yan. Maraming salamat po and good luck.
CD: Good luck, Governor.
CHIZ: Salamat, Jude. Salamat, Ces sa muli. Salamat sa pagkakataon. Sana magpatuloy ang inyong programa para sa mga promding lodi dahil promding—sana lodi din ako. Tiyak yung promding parte, ‘yung “loding” parte pinagtatrabuhan ko pa.
JB: Kailangan mo muna magsayaw sa TikTok siguro. Meron ka yata, Gov.
CHIZ: May TikTok ako pero hindi ako. Alam mo, Ces paniniwala ko sa pulitika, sorry, ‘pag kailangan ko kumanta at magsayaw bago ako manalo, puwede awatin mo na ako kasi hindi ako marunong kumanta’t sumayaw. Kung marunong ako, matagal ko ng ginawa ‘yan, sa totoo. Matagal ko na pinakita dance moves ko tsaka ‘yung boses ko pinarinig ko kung meron lang kaya lang wala.
CD: OK. Maraming salamat muli at sa ating mga ka-promdi diyan sa Sorsogon. ana ay ipagpatuloy ninyo ang magandan ninyong ginagawa.
CHIZ: Salamat din, Ces, Jude at sa ating televiewers tagasubaybay, magandang hapon po sa inyong lahat at pagbati muli mula sa Sorsogon.