GISING PILIPINAS!

 

ALVIN ELCHICO (AE): Kausapin na agad natin dahil ayaw nating ma-late dahil ang pangako natin sa kanya ay 6:30a.m., 6:31a.m. na. Senator Francis ‘Chiz’ Escudero is in the house. Senator Chiz, good morning po, Sir.

DORIS BIGORNIA (DB): Good morning, Senator.

SENATOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Doris, Alvin, sa lahat ng ating mga tagasubaybay at kababayan magandang umaga po sa inyong lahat.

DB: Wow, freshness!

AE: Ganda naman ng bintilador. Bintilador ang maganda ‘yung nasa likod partner. Ang ganda, vintage. Kita mo ‘yong bintilador?

DB: Patingin nga.

CHIZ: Regalo pa ‘yan sa kasal, Alvin.

AE: Ganda. Vintage.

DB: Ganda.

AE: Napakinggan mo ba, napanood mo ‘yung speech ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, Senator Chiz?

CHIZ: Actually, hindi. Ngayong umaga ko pa lamang nakita sa social media at maaga ako nakatulog kagabi, Alvin.

AE: Grabe. Anong reaksyon mo?

DB: Anong reaksyon mo?

CHIZ: Well, he said a mouthful. Marami siyang nasabi siguro dapat i-digest muna nating lahat dahil marami at masalimuot ang mga paksang binanggit niya. Pero isa ang maliwanag sa akin Alvin, Doris, nasa punto tayo, nasa yugto tayo ng ating kasaysayan na maliwanag na walang pagkakaisa. Kabaliktaran ng unity ay disunity. Kabaliktaran ng pagkakaisa ay kawalan ng pagkakaisa. At ang nagdudulot ng kawalan ng pagkakaisang ito ay ang debate at pagsulong nitong pagbabago na naman ng ating Saligang-Batas sa isang paraan na, ika nga, ni Pangulong Duterte ay tinatratong parang ignorante ang ating mga kababayan at minamaliit.

AE: So, in this case, may punto ang dating Pangulong Duterte as far as you are concerned?

CHIZ: Sa puntong ‘yon, Alvin, sigurado ako doon dahil maliwanag wala namang diskusyon na nangyari sa iba’t ibang parte ng bansa. Parang blitzkrieg, pinapirma na lamang at ni hindi inaamin nung mga nagpapapirma na sila ang nasa likod nito. Importante at halaga sa anumang galaw, gawain sa pamahalaan importante ang accountability tsaka ang transparency mapapera man ‘yan ng sambayanan o mapaplano, direksyon at pakay naming sa pamahalaan. Importanteng malaman at ipagbigay alam ‘yan sa ating mga kababayan at nang walang dengguyan, walang isahan, walang, ika nga, lokohan.

AE: Pero naniniwala ka si House Speaker Martin Romualdez ang nasa likod ng people’s initiative? May statement kang ganoon, ‘di ba, parang binasa sa TV Patrol ‘yon kahapon.

CHIZ: Alvin, ikaw ba, Doris, ikaw ba, hindi ka ba naniniwala? Una sa lahat, inamin na mismo ni House Speaker Martin sa kanyang talumpati pa lang ‘yon nilabas ko ngang video na nakita ko rin sa social media na isusulong daw nila sa lalong madaling panahon ang people’s initiative para iwasto, ayusin ‘yong paraan ng pag-aamyenda ng Saligang-Batas ito na nga ‘yong voting as one sa pamamagitan ng people’s initiative. Noong nagkausap, unang nagkausap noong unang lumabas ito, Alvin, Doris, at kinausap ni Senate President Zubiri si Speaker Romualdez ang sagot niya ay wala na akong magagawa d’yan the ship has sailed from the port, ika nga, sa tagalog nakalabas na ‘yong toothpaste sa tubo mahirap na raw ibalik ‘yon.

DB: Hindi na puwedeng ibalik.

CHIZ: Hindi niya itinanggi, hindi niya sinabing wala kaming kinalaman diyan at alam naman ng mga kababayan natin on the ground kung sino ang nasa likod nito. Ngayon, kung pinuwersa, pinilit, pinressure ‘yong mga mambabatas na gawin ito, tinakot hindi na ako makakapagsalita doon dahil wala akong personal knowledge doon, Alvin at Doris. Pero nagugulat nga ako nang parang biglang itinatanggi nila pero sila naman ang nagbibigay ng update palagi mula sa mga mababatas, 3 percent na, 12 percent na, ganito na.

Sa totoo lang hindi ko alam kung mayroong maniniwala na hindi siya ang nasa likod nito, hindi sila ang nasa likod nito. Hindi ko lalahatin Alvin, Doris, pero tiyak ko na sa malawak na parte ng ating bansa ang nagsimula nito ay kamay niya hindi lang siguro niya inaamin ngayon, Alvin, Doris dahil maliwanag ang desisyon ng Korte Suprema kapag ito ay politician-initiated ito ay hindi people’s initiative. Ika nga sa Lambino case, ang sumulat nung desisyon na ‘yon ay si Justice Carpio, wala dapat papel ang sinumang pulitiko o pamahalaan o grupo sa gobyerno sa likod nito. Dahil oras na mayroong nasa likod nito na pamahalaan o sinumang opisyal binababoy na nito, winawaldas na nito yung konsepto ng mga nagsulat ng ating Saligang-Batas kaugnay sa pangunguna talaga ng taumbayan sa pagbabago sa saligang batas kaugnay sa amendments lamang.

DB: So anong nakikita mo Senator, na magiging kahihinatnan nitong sabong na ito?

CHIZ:  Nasa kamay ng Pangulo ‘yon, Doris, bilang pangulo ng bansa at dahil kamag-anak, kaalyado niya si Speaker Romualdez nasa kamay niya ang bola, ika nga. Pagsasabihan ba niya ang kanyang pinsan at kaalyadong si Speaker Romualdez na tigilan, tantanan na ito o hahayaan na lang ba niya at magkikibit-balikat at titingin sa ibang lugar at ibang banda na parang wala lang nangyayari? Sa anumang administrasyon, Doris, Alvin, hindi magandang may ganitong uri ng ingay sa pulitika. Kaya nga kada tatlong taon lang ang eleksyon, kada  anim na taon lang ang eleksyon sa national dahil ‘yung ingay pulitika hindi maganda para sa istabilidad ng isang bansa, lalong-lalo na para sa ating ekonomiya.

AE: So anong advice mo, ‘no, should the president step-in? Or sapantaha mo, the President is also in that vote? Alam niya, kasama siya, suportado niya?

DB: May kumpas din siya.

AE: Correct.

CHIZ: Well, whether nasa likod siya o hindi Alvin, Doris, wala pa akong kaalaman doon. Subalit ang maliwanag sa akin, he should reign the Speaker, he should rein his cousin in kung hindi anumang gawin ng kanyang pinsan na kaalyado ay palaging at sooner or later mababaling at mababaling din sa kanya ‘yan dahil hindi naman makakaila na sila’y malapit at halos araw-araw nagkikita at nag-uusap.

DB: Oo. Hindi ka ba nagulat, Senator, na ito, kagabi lang, kahapon lang ay parang talagang full-force ang mga Duterte laban naman doon sa administrasyon?

AE: Nandoon si Senator Imee, partner, nasa audience si Imee.

DB: Nandoon si Imee, si VP Sara nagpunta din doon sa “Bagong”—ano na nga ‘yon?

AE: Bagong Pilipinas.

DB: Bagong Pilipinas and yet pumunta rin sa Davao. Binabatikos naman din ang administrasyon.

CHIZ: Well, maliwanag Doris, na siguro ‘yon ang tumuldok sa tinatawag nating “Uniteam.” ‘Yan na ‘yong tumuldok sa ika nga pagkakaroon ng pagkakaisa sa pagitan ng Pangulo at Ikalawang Pangulo, bagaman hindi ko pa nakitang nagsalita si Vice President Sara Duterte sa rally kagabi, na nandoon siya na nakikiisa siya sa mga salitang binitiwan doon at  maanghang pa ngang salita na binitiwan kagabi.

AE: Gaano ka-delikado sa palagay mo, inuubo ka na ba? Inuubo ka ba?

CHIZ: Hindi naman.

DB: Ano kasi uso ‘yan, Senator, kaya kailangan mag-ingat ka.

AE: Gaano kadelikado para kay Pangulong Marcos ang pagsuporta sa people’s initiative kasi ang babala sa kanya ng dating pangulo mangyayari sa’yo ang nangyari sa tatay mo kapag hindi mo ‘yan tinigilan. Ano sa palagay mo, Senator Chiz?

CHIZ: Siguro kasaysayan lamang ang makakapagsabi, Alvin, na makalipas ang ilang buwan kung ano ba talaga ang mangyayari? Pero uulitin ko hindi kailangan ng sinumang pangulo, hindi kailangan ng sinumang administrasyon ang ganitong uri ng bangayan, kawalan ng pagkakaisa, divisiveness sa isang bagay na klaro naman ang kahihinatnat ay pang personal lamang na benepisyo at ayuda. Maliwanag naman, Alvin, nais nilang baguhin ‘yong paraan ng pag-aamyenda ng saligang batas para mas madali. Alam mo, sisimplehan ko siguro, sa isang demokrasya dapat nagkukumbensihan tayo, dapat nagbobotohan tayo at kung sino ang mananalo, sino ang mas marami ‘di ‘yon ang susundin. Hindi naman pupwedeng isang-ayon ‘yong iba sa ‘yo sa pananaw ang gusto mo ay buburahin mo sa equation at tatanggalin mo sa equation ‘yan basically sinasabi ng Kamara. Dahil ang Senado raw hindi inaaksyunan ‘yong mga tangkang pagbabago sa Saligang-Batas, tatanggalin na lang naming kayo. Imbes na magkumbesihan, imbes na magbotohan pinili nilang tanggalin na lamang sa equation para sila na lamang ang masunod. Hindi naman yata tama at makatarungan ‘yon.

AE: Pero hindi rin naman totoo na hindi inaaksyunan ng Senado ang mga pet projects o pet legislation ng administrasyon. As a matter of fact, marami din naman kayong ipinasa hindi nga lang ganoon kabilis na isang kumpas pasa.

CHIZ: Well, Alvin, hindi ganoon kabilis kasi mas masusi ang debate, mas sabog, ika nga, pagdating sa mga alyansa, paniniwala at prinsipyo ang mga nasa Senado kumpara sa Kamara. Nakita mo naman, Alvin, ang Kamara dumaan din ako diyan palaging may super majority ang administrasyon kaya mabilis naipapasa ang problema lang minsan medyo sa sobrang bilis ay may nakakaligtaan din naman at ‘yon ang papel na ginagampanan ng Senado sa ngayon. Tinitiyak na kung anuman ang nalampasan ay mababalikan kung ano man ang hindi nakita ay makikita at kung ano ang pagkukulang ay mapupunuan sa panukalang batas na inihahain ng administrasyon o ng sinumang mambabatas ‘yan ang papel ng Senado sa ngayon at ‘yan naman ang na-envision ng mga gumawa ng konstitusyon na magiging papel ng Senado. Hindi ito kuwestiyon, Alvin, ng pabilisan, kuwestiyon ito ng paayusan. Kapag minadali mo ang pagkain o paglalakad o pagtakbo baka madapa ka, maempatso hindi ka makapaglinis ng husto ng katawan mo. Dapat nasa tamang oras lamang at tamang phase lahat.

DB: So sino dito sa lahat ng alingasngas na ito, sino ang pinakatalo? ‘Di ba, kundi tayo, ang taumbayan, tama?

CHIZ: Ang ekonomiya, ang bansa ang talo dito sa bangayan na ito. Pero, Doris, sasabihin nila, sabi nga nila magtrabaho na lang kayo, ‘wag niyo ng pansinin ‘to kung ano man ito ang problema sa simula pa lang hindi nga tao. Pangalawa, kung hahayaan namin mangyari ito, parang isinuko namin ang Bataan na, ika nga, hinayaan na lang naming masagasaan ang institusyon ng Senado na kinabilangan ko sa nakaraang 14 na taon. At bahagi din naman si Pangulong Marcos sa Senado na ‘yan ng anim na taon at alam niya ang papel na ginagampanan ng Senado. Nauunawaan niya ang papel at importanteng papel nito kaya inaantay ko at inaantabayanan ko ang maliwanag at  mas klaro na posisyon galing sa Pangulo tungkol dito isa ang tinitiyak ko sa ‘yo, Alvin, Doris, hindi puwedeng manahimik si Pangulong Marcos kaugnay nito at hayaan na lamang malampasan siya ng pagkakataon kaugnay sa issue na ito kung hindi sad ulo sa kanya din ang baling ng sisi nito.

DB: Tama.

AE: OK. On the legal front, Senator Chiz may gagawin ba ‘yong Senado, like going to the Supreme Court, kasi may mga grupong ganyan, punta tayo kuwestiyunin natin ito sa Korte, gagawin niyo ba ‘yan?

CHIZ: Well, lahat ng legal ng paraan Alvin i-e-exhaust ng Senado at ang iba’t ibang sektor. Halimbawa na lamang, Alvin, klaro sa rules and regulations ng COMELEC na bawal at hindi puwede ang revision ng Constitution kaugnay ng initiative and referendum. Puwede lamang ‘yan sa mga amendment—bullet amendment lang nga—paisa-isa nga at once every 5 years pa nga. Pangalawa, revision ba ito o amendment lamang. Ang revision kasi, Doris, Alvin nakareserba lamang ‘yan sa Con-Con at Con-Ass. Bakit? Kapag revision kasi malalim ang kahulugan at ang ugat nito ay malalim din so kailangan may usapan, may debate, mayroong on-the-record kung anong ibig sabihin ba nito, anong ibig sabihin n’yan, anong epekto nito, upang sa gayun kapag ipinatutupad na natin ay klaro ang intension ng mga nagpatupad nang revision. Ngayon ang tanong, simple lang, itong amendment na ito gagawin nilang joint ‘yong dating separate ang problema. Hindi simple ‘yan dahil nakasaad sa desisyon ng korte sa Lambino, dinefine niya kung ano ang ibig sabihin ng revision at kung ano ang isang amendment lamang. Sabi ng korte, sa Lambino case, revision ay kapag may binabago ka sa sistema ng gobyerno natin at sa system of checks and balances natin. Klaro na ito ay umaapekto sa system of checks and balances natin kaya nga bicameral ang ating legislature revision ito dahil mula sa pagiging bicameral sa pagpasa ng ordinaryong bill local man o national o sa pag-amyenda ng Saligang-Batas, bicameral dapat ‘yan at hiwalay na nagbobotohan ang Kamara at Senado. At kung babaguhin mo ang aspetong ‘yan, pinapalitan mo na ‘yong system of checks and balances at nililimitahan mo na rin ‘yong, ika nga, pagiging bicameral natin kung saan parang illogical naman at unreasonable, Doris, Alvin. Isipin mo na lang kailangan ng Senado at hiwalay na magbobotohan ang Senado at Kamara kapag magpapasa kami ng local bill, magpapalit ng pangalan ng kalye o eskuwelahan, pero kung ang pag-uusapan pagpapalit ng Saligang-Batas na pinakamataas na batas sa ating bansa, aba’y hindi na ganoon, sila na lang.

AE: It doesn’t make sense, actually.

CHIZ: Hindi naman yata tama at ‘yan. Ang rason bakit bumabagsak ‘yan sa revision at base sa desisyon ng Korte Suprema sa Lambino case, base sa rules and regulations ng COMELEC hindi uubra, hindu pupwede ang revision sa isang initiative o referendum, people’s initiative na hakbangin.

AE: Thank youm Senator. As promised 15 minutes tapos kasi may iba pa siyang lakad partner. Mag-e-exercise pa ‘yan. Thank you.

DB: Senator, thank you. Kasama si Heart.

AE: Maraming, maraming salamat.

CHIZ: Tulog pa, Doris.

AE: Siya ‘yung mas maagang gumising. Thank you, Senator Chiz.

CHIZ: Kapag tumatanda, ‘di ba Alvin, Doris, maaga gumising?