GISING PILIPINAS

 

ALVIN ELCHICO (AE): Senator Chiz! Good morning po.

DORIS BIGORNIA (DB): Good morning.

SENATE PRESIDENT FRANCIS ‘CHIZ’ ESCUDERO (CHIZ): Alvin, Doris, magandang umaga. Sa ating mga taga-subaybay, magandang umaga. Doris, tanghali pa lang hindi na.

AE: Patay ka, lagot ka ngayon. Akala ko hindi mo narinig ‘yun, na pang-umaga na daw yung kapogian mo.

CHIZ: Tanghali pa lang nga, wala na.

DB: Lanta na. Lanta na pagdating ng tanghali.

AE: Iniisa-isa namin ‘yung schedule na ginawa mo at pinadala mo sa lahat ng involve sa Vice President, sa prosecutors ano po. Kailan lang na-interview naming si Bongalon. Si Congressman po, kababayan mo pala yun ‘no, Bicolano din. Sabi niya parang may—

CHIZ: —Taga-Albay siya.

AE: Ka-region mo na lang. Sabi niya, objection of the (inaudible) sa kanila dahil medyo late na. They want it earlier. Fo-formalize naman daw nila ‘yung kanilang sulat sa inyo. Anong say mo na dapat early?

CHIZ: Paulit-ulit na lang ‘yan, Alvin, Doris. Lahat nang sinasabi ko nitong nagdaang mga linggo, sinulat ko lamang naman. Sinulat ko para klaro, maliwanag, hindi lamang sa presscon nila naririnig. Kung may mga pag tutol sila, malaya sila na maaga pa lang puwede na silang magkuwestiyon sa husgado kung ninanais po nila. Pero wala akong sinabing bago no’n. At doon sa sinasabi ni Cong. Bongalon na gusto nilang mas maaga. Gawa nila ng paraan para amyendahan nila ‘yung Saligang-Batas dahil nakalagay doon na makakapagsimula lang kami kapag ka may sesyon ang Senado. Wala pong sesyon ang Senado. Bakit ba naman kasi finile nila, dalawang oras bago kami mag adjourn.

At sasagutin ko na rin, narinig ko sinabi ni Cong. Bongalon na “forthwith” daw ibig sabihin “immediately.” Ibabalik ko sa kanya, Section 3 ng Rules ng House sa Impeachment. Nakalagay anumang impeachment complaint dapat ihain sa SecGen ng House and “should be immediately referred to the speaker.” Hindi sinabing forthwith sa rules nila. Sabi ng rules nila, immediate talaga. Dalawa’t kalahating buwan hindi nila ni-refer. Magkatabi lang naman ‘yung opisina ng Speaker at ng SecGen. Pangalawa, hanggang ngayon, may tatlong buwan na hindi pa din nila nire-refer. Sa katunayan in-archive na nila. ‘Yun ba ang depenisyon nila ng “immediately” sa Kamara nila? Tapos sa amin iba ang gusto nilang depenisyon ng “forthwith.” Medyo hindi ata consistent ‘yun. A t tila wala silang moral basis na hingiin sa amin ‘yun ngayon.

DB: Ibig sabihin, SP, kapag sumulat sila at magsabi na medyo mag-o-object kami dito sa timeline mo, SP. Sasabihin niyo, outright, hindi puwede.

CHIZ: Karapatan po nilang tumutol, pero sa dulo, copy furnish lang naman sila, Doris. Ang sulat naman talaga ay para sa mga miyembro ng Senado. At ito’y hindi schedule na nakaukit sa bato. Ito ‘yung suggested schedule mula sa legal team ng Senado, na binigyang advance notice namin yung mga senador para pag-isipan at apag-aralan na nila. Para pag-resume namin sa June 2, mapagpasyahan na agad naming ‘yon.

AE: So, itong schedule, Senate President Chiz, na ginawa mo, hindi na kaya itong paagahin? There is no other way na puwedeng mapaaga pa ang paglilitis or puwede pa, halimbawa the President concedes, sabi niya magpatawag ng special session. Mababago ba ito o hindi.

CHIZ: What was the earliest? Posible, Alvin, pero hindi naman ako puwedeng mag-hypothetical na baka magpatawag, siguro magpapatawag. Ang aming schedule nga ay inaprubahan ng July 8, 2024. ‘Yang adjournment namin ng Ferbraury 5 at resumption ng June 2 dahil nga may eleksyon. Inaprubahan ‘yan ng wala pa iniisip na impeachment. So, bakit namin babaguhin dahil lang nagkaroon ng impeachment. Doon naman sa mga nagmamadali, sa totoo lang sa pagmamadali nila baka mas lalong tumagal ito. Dahil kung hindi magiging patas, parehas, at parang masyado nating iniiba yung schedulet at rules dahil lamang kay VP Sara. Baka may mas rason siyang umakyat at kuwestiyunin ang proseso.

AE: So, kung saka-sakali, we’re just talking about the possibilities. Ibig sabihin, pupuwedeng mapaaga ‘yan. May mga sirkumstansiya na puwedeng mapaaga. Kung ang president, halimbawa, sabihin niya sige mag-request ako ng special session. Pwedeng mapaaga? How soon can it be done? Kapag nag-request ang president, Senate President.

CHIZ: Kapag nag-resume ang presidente ng special session. Depende kung kailan niya i-seset at ayaw kong i-assume, Alvin, dahil nga baka ang lalabas niyan sa media ako naman ang nananawagan ng special session. Problema nila ‘yun. Bahala sila diyan, problema nila ‘yan. Ako, walang balak humingi.

AE: Kasi sabi ng spokesperson doon ng Malacanang, si Atty. Claire Castro. Sabi niya kung may mayorya ng mga senador na magre-request sa presidente ay baka puwedeng pagbigyan which implies na hindi ikaw ang may mayorya. Parang ang dating sa akin, may implication na hindi na ikaw ngayon ang may-ari ng mayorya which means baka palitan ka Senate President. Parang ganoon, ‘di ba.

CHIZ: Patawarin na lamang siya bago lang siya at baka excited pa, Alvin, Dorris. At tila excited nga siya sa mga napapanood ko masyado. Hayaan na lamang natin, hindi ko na kokomentaryohan ‘yun.

AE: Nagsabay tayo, ano ka ba. Partner, nag-usapang Kapamilya kami with Chiz.

DB: Talaga?

AE: Nagkasabay natin si—

CHIZ: —For a time.

AE: Halos kasabayan kami sa DZMM.

DB: Talaga ba?

AE: So, ayaw mo ng magkomento doon. Kasi ang implication ko noon, noong iniisip ko ng malalim, ibig ba niyang sabihin parang puwedeng hindi na si Chiz Escudero ‘yung Senate President. Kung may mayorya na magre-request kay Presidente?

CHIZ: Hindi naman siguro, Alvin. Nakakaligtaan lang siguro niya na siya ang tagapagsalita ng pangulo. Na anumang sinasabi niya sa mikroponong ‘yon ay galing sa Pangulo na duda ako na ‘yung mga sinabi niyang ilan, kabilang na ‘yon ay galing mismo sa Pangulo.

AE: So, dapat mag-ingat ibig mong sabihin?

DB: Pero oo, tama.

CHIZ: Baka lang medyo excited dahil bago lang.

DB: Okay, pero pakisagot naman Senate President. Mayroong mga sinasabi lalo na yung mga nasa constituents ko ba, Partner, mga masa. Bakit ba ‘yang si Chiz Escudero ay nag-delaying tactics.

AE: Parang ganoon ang impression. Tama ‘yan.

DB: Kasi hindi nila maintindihan. Yung mga masa, ibaba natin Senate President, bakit ganyan ang posisyon mo?

CHIZ: Doris, masa ‘yan na galit kay VP Sara. Masa ‘yan na ayaw kay VP Sara. Sinabi ko na dati pa ang mga biased pabor o hindi pabor kay VP Sara, pabor o kontra sa impeachment. Hindi namin bibigyang bigat ang mga sinasabi dahil mayroon din masa, Doris, na ayaw matuloy ang impeachment. May masa na ayaw na mag-away tayo dahil lamang dito. Mas maraming masa ang naniniwala ako na gusto sanang magkasundo-sundo at magkaisa tayo at hindi mag-away at magbangayan.

Pero bilang katagunang diresto sa katanungan mo, hindi ko dine-delay. Hindi ko lang minamadali. At para i-delay ito, ibig sabihin nakalagay talaga sa batas at hindi naming sinsusunod dahil tamad kami. Hindi kami tamad. Ibabalik ko, dalawang oras bago kami nag-adjourn noong finile ng Kamara. Disyembre pa nandoom ‘yung mga reklamo, inupuan nila. Nagpa-banjing-banjing sila. Pagktapos nilang mag pa banjing-banjing ng dalawa’t kalahating buwan, tingin mo may karapatan silang madaliin kami ngayon.

Kung pagbabasehan natin ang precedent, ang Corona Impeachment, inihain may one week pang sesyon ang Senado. Hindi nag-convene para mag-trial. Ang Gutierrez Impeachment, may isang araw pang buo ang Senado. Hindi rin nag-convene ang impeachment. Sinet ang trial mahigit ang isang buwan dahil ‘yun yung tumugmang recess o resumption muli nila. Sa sesyon na pinagkasunduan sa kalendaryo sa Kamara, hindi nag-adjust, hindi nagpatawag ng special session. Ngayon, kung ‘yan ang mga precedent natin sa impeachment, bakit natin babaguhin ‘yung nakagawian, ika nga. Dahil lamang sa kaso ni VP Sara. ‘Di lalabas na sini-single out siya. Lalabas na hindi nagiging parehas ang Senado. Lalabas na ito’y pinapaburan na agad ni hindi pa nagsisimula ang paglilitis.

AE: So, Senate President, ‘yung pindala niyong sulat sa mga partido, ‘di ba sinabihan niyo na rin si Vice President Sara Duterte ng schedule, ano po?

CHIZ: Nag-proposed schedule para sa transparency pero hindi pa pinal ‘yan Alvin, Doris.

AE: Nothing is final so, kailan magiigng pinal ‘yan?

CHIZ: Kapag ka nag-convene ang Senado sa June 2 at kinonfirm ‘yan schedule na ‘yan o binago ng kaunti o malaki ‘yang schedule na ‘yan. ‘Yung impeachment court ang magde-determine ng schedule. Pero pinag-aaralan lamang naming para walang magulat, walang mabigla. At isa pa, sa mga nagmamadali, Alvin, ang payo ko na lang siguro ay mag-aral na lang muna sila at galingan dahil kapag nagsimula ito baka mamaya doon sila hihingi ng oras at kung anu-anong arte. Sa haba ng panahon wala na silang dahilan na hindi maging handa kapag nagsimula ang paglilitis.

AE: The prosecution team left the group.

DB: Sabi ng prosecutor, but it is my time to shine.

AE: Sabi ni Cong. Jill, sabi niya, we are, parang imagining that the trial will be tomorrow. Sabi niyang ganoon, ‘di ba. Kaya handang-handa na daw sila.

DB: Boy Scout ang dating nila.

CHIZ: Well, ang sinasabi nila ‘yan bukas marahil hindi pa sila handa kaugnay sa pagpeprepara sa trial mismo. Bakit? Alvin, Doris, sang-ayon sa rules namin ngayon, ten days, kapag nag-convene ang impeachment court at dapat may sesyon. Magpapadala ng summons kay VP Sara, mayroon siyang sampung araw mula sa pagkakatanggap niya para sumagot. Mayroon ang prosekusyon limang araw mula sa pagkakatanggap ng sagot ng VP para sumagot. ‘Yun pa lamang labing limang araw na. Ano bang bukas ang pinagsasasabi nila. Walang bukas kahit magsimula ito ngayon, hindi ito magsisimula agad.

AE: Kumbaga, reality speaking, talagang it takes time dahil may due process. Pero hindi siya parang sa pelikula na minute lang nandiyan na agad. Hindi ganoon. Talagang it takes time. May isang panggising pa.

CHIZ: Hindi naman sa pelikula, Alvin, Doris nagbago lang ‘yung araw, Nakita mo na ‘yung araw at buwan. Lumipas na ilang buwan.

DB: Oo nga, totoo. Pero tama ba ‘yun, Sir? Sinabi rin ni Cong. Bongalon na sapat na po ang three months na paggugugol natin sa trial.

CHIZ: Tingin ko oo. Ako din nagsabi nun, Doris, Alvin. Tingin ko sapat na ‘yun lalo na kung masusunod ‘yung pinapanukala naming update sa rules base sa Rules of Court na in-issue ng Korte Suprema noong 2019. At ilang updates pagkatapos no’n. Magiging mas suwabe ‘yung trial. Tinitimbang lang naming Doris, Alvin na sa interes na pabilisin ang trial. Hindi dapat masakripisyo yung ebidensyang dapat marinig ng tao mismo. Dahil ito ay public trial at hindi lamang mga senator judges ang kinukumbinsi. Ang publiko din ay kinukumbinsi din ng magkabilang panig.

AE: Boss, pasagot na din, may mga nag-iisip kasi na kaya daw nag-aalangan ang mga senador dahil naninimbang sila. Dahil oras na makaligtas si Vice President sa pagtatanggal na ito sa impeachment process na ito. Humanda kayong lahat dahil reresbakan kayo kapag nanalong presidente ‘yan sa 2028.

CHIZ: Alvin, may naninimbang man siguro ibang tao ‘yun, hindi kami. Kung may naninimbang man siguro ‘yun ‘yung pumili na ng panig at kumbaga subong-subo na at wala ng atrasan. Sila siguro ‘yung naninimbang na sinasabi mong ‘yan. Pero sa parte ng Senado at mga senador, hindi ko nararamdaman ‘yun. At hindi ko din naalala na napag-usapan o nabanggit man lang ‘yun ng sinumang senador.

DB: Kung sakali ba, Senate President, open to the public ‘yan hearing na ‘yan?

AE: Ang liit ng lugar nila. Maliit yung lugar hindi magkakasya ‘yung publiko diyan.

CHIZ: Humigit kumulang mga tatlong daan at limangpu ang kasya sa plenaryo ng Senado. So ang gagawin namin kasama sa paghahanda naming, Doris, Alvin. Kada senador mayroong—sorry lalabas ang edad natin, May passes, ang prosekusyon may passes, ang depensa may passes. Mag rereserba kami para sa publiko na pwedeng makuha sa internet maliban sa televised po ang buong proceedings sa telebisyon man o sa social media platforms.

AE: Pero may paraan ba para makapanood kami i-livesteam naman ‘yan ‘no?

CHIZ: I-live stream definitely pero may passes ding ipapamigay para live, Alvin, puwede ding mapanood ng publiko.

AE: Papaano? Papaano may passes kung gusto mong manood ng live?

DB: Oo nga.

CHIZ: Alvin, mag-assign nga kami ng passess sa kada senador, passes sa kada sa depensa, sa prosekusyon, at siguro passes din sa internet para kung sino man ang nagnanais ay puwede.

AE: Bakit po passes sa internet? ‘Di ba ‘pag may internet ako mapapanood ko na dapat ‘yon?

CHIZ: Alvin, passes na puwedeng makuha sa pamamagitan ng internet.

AE: Okay, okay. Tama, tama para—

CHIZ: —Siyempre you can avail it. Siyempre libre ‘yon. Pero you can avail of it through the internet. Pero limited din ‘yun, bilang yun dahil humigit kumulang 350 seats lamang naman ‘yun.

DB: Bakit hindi tayo magkaroon—oo.

AE: Parang MMFF entry pala ito, pelikula.

DB: Bakit hindi tayo magkaroon ng watch party doon sa parking area ng Senado para malaki-laki. Kasi marami Talaga ang interesado.

CHIZ: Actually, hindi na kailangan magkaroon ng malaking screen doon. Isa ‘yan sa napag-usapan din namin. Dahil mapapanood naman ito kahit sa telepono nila.

AE: Tama, as long as may internet kaya mong panoorin. You don’t need to be there sa Senado mismo.

CHIZ: Kasi ‘di ba parang concert lang ‘yan, Alvin, Doris na puwede mong panoorin sa TV pero minsan gusto mo rin live. So, malayang puwedeng mangyari yun at gawin kung saka-sakali.

AE: Kasi sa 350 pa lang, uubusin na ng media ‘yun. ‘Yung mga media, ‘yung mga kabaro naming, Diyos ko po isang katerba ‘yan partner.

DB: Cameraman, reporter.

AE: Sa TV pa lang tatlo na kaagad, times three.

CHIZ: Actually, hindi naman. Ang mangyayari niyan sa media syndicated. Lalabas ‘yan, Alvin, Doris.

DB: Pool na lang.

AE: Parang pool

CHIZ: Pool. May kinatawan ng TV sa araw na ito, bukas iba naman ang kinatawan ng TV, radio. ‘Di ba para lahat maka-rotation sila?

DB: Oo naman.

AE: Magkakatampuhan diyan, Partner, kapag sa pool ano. Gusto nila pumunta. Pero may monitor naman sila sa Senate Press Office.

DB: Mayroon.

AE: Mamo-monitor din nila yun.

CHIZ: Walang favoritism diyan, Alvin, Doris, magiging pantay ‘yan. In-assure ko ‘yan.

DB: So, kailan ako, Senate President?

AE: Nagsabi na agad kay Chiz. Siyempre partner priority ang nag-co-cover sa Senado talaga. Anyway, pahingi lang ng kaunti lang. baka may soundbite doon sa isyu mo sa POGO/PIGO partner. Maganda ‘yung punto mo. Actually, pabor ako sa punto ni Escudero sa POGO at PIGO, Partner. Kung hindi tayo uubra sa POGO, dapat hindi din tayo pupuwede diyan sa PIGO. Papaano bang gusto mong sabihin sa Malacanang tungkol sa PIGO?

CHIZ: Natanog lamang naman ako, Alvin, Doris, na ano raw ang balak dahil dito para sa incident ng kidnapping at kung ano daw ba ang posisyon ko sa PIGO. Sabi ko, kung ipinagbawal natin ang POGO kung saan ang nagsusugal ay mga dayuhan, bakit natin pinapayagan ang PIGO kung saan kapwa natin Pilipino ang nagsusugal? Kung masama ‘yan para sa dayuhan, hindi ba mas masama ‘yan para sa kapwa natin Pilipino?

Kinikilala ko na pinagkukunan ‘yan ng pondo ng Pamahalaan pero pati ‘yung POGO pinagkukunan ng pondo pero piniling talikuran ‘yan ng gobyerno. Marahil panahon na para tingnan, bisitahin, i-review ng pamahlaan itong PIGO. Magkano nga ba ang nakukuha natin mula diyan? Magkano ba ‘yung GGR o Gross Gaming Revenue mula diyan? Ano nga ba ang napapala natin kung mayroon man? Pero ano rin yung social cost o kabayaran nito kung mayroon man din?

Kaugnay ng hindi lamang sa mga sindikato, taguan ng POGO ‘yan ngayon, pero doon sa epekto niyan sa pamilya at sa pamumuhay ng ordinaryong Pilipino. Ang GGR Doris, Alvin Gross Gaming Revenue ‘yan yung kinikita ng mga PIGO mula sa mga Pilipino. Magkano ba ‘yon? Kasi kung sabihin nilang P100-B, sabihin nilang P200-B, ‘di ganyan kalaki ang nawawala sa Pilipino kada taon, kada buwan, hindi ko alam. Magandang malaman at makita ‘yan dahil ang sugal, alam naman nating lahat na hindi maganda ang naidudulot sa pamilya o sinumang indibidwal lalo na kung regular itong ginagawa.

DB: Okay.

AE: Okay, sige. Maraming salamat sa inyo naubos yung time namin. Thank you, thank you. Maraming salamat po, sa uulitin.

CHIZ: Salamat, Alvin. Salamat, Doris. Muli, magandang umaga po sa inyo.