QUESTION (Q): Bakit kayo nagpapa-report sa sergeant-at-arms?
SENATE PRESIDENT FRANCIS ‘CHIZ’ G. ESCUDERO (CHIZ): Hindi. Pulis na ‘yun. hindi naman kami ‘yun. May warrant of arrest na, priority ‘yun.
Q: Pero continuous pa rin?
CHIZ: Pero pulis na nga ‘yun pero priority ang warrant, I guess, hindi kami. Mas priority syempre ‘yung kaso.
Q: Pero Senator, ‘yung mga authority—
CHIZ: Again, sandali lang. Simula na tayo.
Q: Sir, doon sa speech mo, na binanggit mo na parang kuwestyonable ‘yung pondong magagamit sa pagtayo ng—
CHIZ: Hindi kuwestiyonable na-OA-han lang ako. Nakakagulat at masama sa panlasa na gagastos ng ganito kalaki ang Senado para sa aming magiging bagong tahanan at opisina. Sa dami ng pinapapirmahan sa akin na bayarin, nais kong tignan muna at suriin ito ng husto kung talaga bang nararapat, angkop at kung paano ito mapapababa dahil tiyak ko hindi rin maganda sa panlasa ito ng marami sa ating mga kababayan kung malalaman nila kung gaano kalaki ang gastusin para sa magiging bagong opisina.
Q: So magkakaroon ng (inaudible)
CHIZ: Review at inquiry at imbestigasyon ng Committee on Accounts.
Q: Pero pagpapaliwanagin diyan, hindi lang si dating Committee on Accounts chairman Nancy Binay—
CHIZ: —Walang pagpapaliwanag na gagawin, walang akusasyon kaming ibinabato. Review lang at inquiry. Minabuti kong sabihan ang aming mga kasamahan dito sa Senado dahil baka umaasa sila na ngayon taon o next year ay magagawa na yan dahil dito maaring maantala pa ng ilang buwan ang, supposedly, paglilipat natin.
Q: SP, ano po ba ‘yung mga nakitang kailangan (inaudible)
CHIZ: Wala akong nakitang irregularity. Nagulantang lamang ako sa halaga. Hindi ba kagula-gulantang ang P13-B? ‘Di mas nakakagulantang ang P23-B para sa isang opisina lamang? Ulitin ko, wala akong binibitiwang akusasyon kanino man, subalit nagulat lang ako at hindi naging magaang na tanggapin ko bilang taga-pangulo ng Senado na gumastos ang pamahalaan mula sa kaban ng bayan ng ganito kalaki. Kaya ang magiging layunin naming, tiyakin kung ito nga ba ang kailangan at kung papaano ito mapababa.
Q: Sir, siyempre ang mga building may plano ‘yan man protection plan, structural plan bago pa lang gawin yan mayroon ng projected—
CHIZ: Well, ‘yun ang inaalam namin ngayon dahil gaya nga ng sabi ko, ‘yung naunang inaprubahang budget ay P8.9-B na hindi namin alam kung bakit ito lumobo. Noong una, P13-B, tapos ngayon nga ay P23-B. Inaalam pa lamang namin, pero nais kong sabihin na ito upang hindi umasa, ikan ga, ‘yung aming mga opisyal at empleyado na makakalipat na sa lalong madaling panahon at saka ito ay magiging sapat ba o hind isa pangangailangan ng Senado.
Q: ‘Yung P13-B, ano pong mangyayari (inaudible)
CHIZ: Ang naaalala kong inaprubahan ay P8.9-B. Hindi naman ‘yan inaaprubahan ng Senado. Naalala niyo ba nagko-cover kayo, dumaan ba ‘yan sa plenaryo? Hindi naman ‘yan dumadaan sa plenaryo. Ang karamihan diyan ay budget ng DPWH at may parte na budget ng Senado, isa rin ‘yun sa mga inaalam namin. Pero ‘yung naaalala ko, ‘yung naunang budget at competition kaugnay diyan ang halaga binid out nila ay P8.9-B lamang.
Q: (inaudible) tumaas ang presyo?
CHIZ: Uulitin ko, wala akong sinasabing, binibitawang akusasyon. Nais lamang namin malaman at alamin dahil hindi ba medyo marangya sa panlasa din ninyo ang ganito kalaking halaga para sa isang government building. Baka ang katumbas nito ay ‘yung mga mamamahaling building na at luxurious na building na makikita natin sa Makati at sa BGC.
Q: Sir, can you clarify, ‘yung P10-B inihihingi pa lang or naaprubahan na (inaudible)
CHIZ: Bahagi ‘yun ng inaalam naming. Sa pagkakaalam namin, ang nababayaran pa lamang ay P10-B at ang iba ay hindi pa. Pero gaya nang sabi ko, inaalam namin ‘yung buong detalye pa lamang. Nakita ko lang at nagulat ako sa mga pinapapirmahan sa akin at ang mga inabutan kong mga tseke kaya’t pinagpaaralan ko ng maikli at ang nagiging rekomendasyon nga, initially ni Senator Cayetano, bilang Chairman ng Accounts committee ay ipa-review ito at mag-inquiry muna ang kumite at ipagpaliban muna ‘yung ibang mga bayarin. Sa kasalukuyan ayon sa DPWH, ayon din kay Senator Cayetano, merong slowdown order na ang DPWH. Slowdown order dahil marami raw na hindi nasunod ika-nga doon sa programa at maraming nire-rectify at kino-correct pa kung kaya’t ang budget ay hindi pa nababayad lahat.
Q: What certain part ng budget ang manggagaling sa Senate? ‘Di ba dadaan ‘yun sa committee of the whole, just the same senators—
CHIZ: Hindi dumadaan sa committee approval. Nakalagay ‘yun sa budget. Nagko-cover kayo ng Senate, may nakita na ba kayo na inaprubahan ng budget ng Senado mismo sa plenaryo ng pinagbotohan? Wala naman.
Q: Pero Sir, sa Senate budget, wala ba ‘yun doon sa last year? I mean (inaudible)
CHIZ: Nakalagay last year. Nasa Senate budget pero kadalasan lumpsum item ito sa Senate budget at kapag Senado, siyempre, binibitawan ito na gagamitin sa tama, sa wasto, sa maayos, at wala naman talagang nagto-total hangang siguro ngayon.
Q: Sino po ‘yung nagde-decide na mag-allot ng ganoon kalaki?
CHIZ: Ang Senado marahil pero wala akong papel na ginampanan doon at marahil ang pagpapasyang ‘yan ay galing sa mga nagdaang liderato.
Q: Sir, walang magiging problema ‘yung Senate doon sa mga supplier na kung saan na-award ‘yung—
CHIZ: —Hindi ko alam. kung wala naman problema, wala namn dahilan na mag-alala sila, pero kung may problema anong gusto niyong gawin naman namin? Susuriin namin at titiyakin na tama at maayos at hindi naman medyo sobra at OA ‘yung gastos. ‘Yun lang naman.
Q: (inaudible) hindi maiwasan pagpaliwanagin si Senator Nancy Binay?
CHIZ: Hindi ko alam, depende kay Senator Cayetano ‘yan. Pero para sa akin, mas importante makausap niya ‘yung mga involved talaga dito sa loob ng Senado mismo at sa labas.
Q: ‘Yun po ba ay diniscuss niyo rin kay former SP Sotto and the Committee on Accounts?
CHIZ: Well, bahagi ‘yun sa napagusapan namin. Oo, pero nabanggit lamang ‘yun, ika nga, in passing.
Q: Pero Senator, if overpriced, may mananagot po ba?
CHIZ: Palaging meron. Madalas kong sinasabi, hindi naman puwedeng may krimen pero walang criminal. Pero wala akong sinasabing ganoon. Wala ako sa lugar at posisyon na sabihin ‘yun dahil ang pinagbabasehan ko lamang, nagulat lang ako sa laki at sa taas ng halaga.
Q: Senator, other issues po. Senator, earlier this morning, law authorities and armed (inaudible) tried to press their way to different compounds of Kingdom of Jesus Christ (KOJC) para mag-serve ng arrest warrant kay Pastor Quiboloy but nagkasiraan po ng gate may mga naposasan. Wala daw silang search warrant.
CHIZ: Ang nakita kong in-interview ay isang abogada na kumakatawan diumano sa KOJC at, sabi niya, naging maayos naman daw. Noong simula, medyo may kaunting kaguluhan, pero naging maayos naman daw ang implementasyon kung saan, kung tama ang pagkakarinig ko, nagkasundo nga sila na 16 na tao lang ang papasok sa kada parte ng compound at naging maayos naman daw ika-nga yung pag-serve ng warrant. Wala akong napakinggang balita na wala silang warrant na dala.
Q: Sir, ‘yung hearing naman (inaudible)
CHIZ: Nagpapatuloy ‘yun sa aking pagkakaalam. Naantala lang naman, dahil nga hindi pa ma-locate si Pastor Apollo Quiboloy na sinubpeona na ng kumite. Subalit kung titimbangin ang arrest warrant na in-issue ng korte at subpoena na in-issue ng Senado, malayong mas matimbang ang arrest warrant na in-issue ng husgado at korte. So marahil unang mai-implement ‘yun kung saka-sakali at matapos niyan dun na lang magre-request kung ma-implement na ‘yung warrant of arrest galing sa korte, dun na lang siguro magre-request si Senator Risa o ang Senado na dalhin dito si Pastor Quiboloy para mag-attend ng pagdinig. Priority pa rin ‘yung criminal case palagi.
Q: Sir, dahil may panibagong POGO hub na (inaudible) panel na (inaudible), lumilitaw ‘yung mga workers doon sa Bamban ay nilipat doon sa Porac. So ang sabi ni Senate Minority Leader Pimentel, it’s about time daw na ang mga mababatas, mga politico maging ang mga mamamayan ay magkaroon na ng sentiments paalisin na ang POGO.
CHIZ: Well, desisyon at pasya ‘yan ng Executive branch, partikular na rin ng PACGOR. Pero sa pagkakaalam ko rin, karamihan hindi man lahat ng hinuhuli nila sa Bamban man o sa Porac ay puro illegal na POGO at hindi nabigyan o binigyan di umano ng lisensya ng PAGCOR. Para sa akin, wala akong problema kaugnay ng mga illegal na POGO pagdating sa legal na POGO ‘yan. Ang dapat pagpasyahan ng Executive branch at ng PAGCOR kung patuloy pa ba nilang pahihintulutan ‘yan o hindi. Wala sa kamay namin sa ngayon, maliban na lang kung magpapasa ng batas ang Senado at Kongreso na pinagbabawal na ito.
Q: Sir, may schedule na ba ‘yung meeting kay Speaker Romualdez this week?
CHIZ: Tentative pa lamang itong darating na Huwebes pero hindi pa napa-finalize kung available ba lahat dahil marami-rami ‘yung makikipagpulong sa panig nila at sa panig namin.
Q: Ano ‘yung agenda?
CHIZ: Legislative agenda at saka ‘yung napipintong LEDAC sa June 25. ‘Yun ang priority nang pag-uusapan namin sa pagpupulong na ‘yun.
Q: Sir, sino ba ‘yung mga kasama na ine-expect?
CHIZ: Counterpart ko syempre, counterpart ng deputy speakers. Hindi naman siguro lahat dahil marami ‘yon. Si Senator Jinggoy, si Senator Tolentino bilang majority leader at secretariat ng Senado at Kamara.
Q: So may naisip na kayong mga bills na ilalatag niyo sa—
CHIZ: Inaayos pa lamang ‘yun. Mas mamabutihin kong pag-usapan ‘yun doon at bukas din naman kami sa anumang suwestiyon na dapat at pwedeng matalakay doon sa LEDAC.
Q: Sir, wala ka kaninang good news sa mga bonuses.
CHIZ: Wala. OK naman kami sa ngayon. Kabisado niyo na ba ‘yung kanta?
Q: Sir, bakit hindi niyo ano kanina?
CHIZ: Wala pa namang may alam. Kalalabas lang mainit-init pa, ano ba naman. Klaruhin ko lang, ang memorandum na ‘yun ay aplikable sa Executive branch ng pamahalaan kabilang ang mga GOCC. Bilang rule, hindi ‘yan automatic na applicable sa Senado o sa Kamara, gayundin sa Korte Suprema at mga constitutional commissions. Independent na desisyon nila kung gagamitin nila ‘yan dahil ang sinusunod namin ay ‘yung Flag and Heraldic Code na nagsasabi kung ano ang kakantahin kada flag-raising ceremony. Pero gaya sa akin, kung ako ang tatanungin, wala naman masamang awitin o sambitin ang mga katagang dapat meron tayong pag-asa, dapat magtulungan tayo, dapat ambisyunin nating umangat ang ating bansa dapat magtulungan tayo. Wala naman akong nakikitang masama doon at hindi lamang ito, ika nga, pagpapaaala sa ating mga sarili pagpapaalala din ito sa mga opisyal ng gobyerno na ito ang mga bagay-bagay na puwedeng singilin sa amin ng ating mga kababayan na kakanta o aawit nito, lalong-lalo na sa mga paaralan.
Q: So gagamitin niyo ‘yun sa—
CHIZ: Kung ako, hindi ako tutol doon. Pero ibabato ko pa rin sa secretariat para pag-aralan dahil ayon sa kanila, tinanong ko kanina ito yata ang kauna-unahang pagkakataon na ito’y mangyayari dahil nung ni-require ‘yung “Bagong Lipunan” noon ay wala yatang Senado noon ‘di ba. So ngayon pa lang kung saka-sakali. So ni-refer ko sa kanila, pag-aaralan nila. Pero kung ako ang tatanungin, hindi ako tutol doon dahil wala namang personalidad o pangalang binabanggit na pinapaburan at tulad ng sabi ko magandang paalala ito sa amin at paalala din ito sa ating mga kababayan na ito yung listahan na pwede niyong singilin sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan.
Q: Pero Sir, ‘yung inclusion ng educational institutions kasi, mandatory sa kanila?
CHIZ: May kapangyarihan ang Executive branch gawin ‘yan sa pamamagitan ng DepEd, gayundin sa pamamagitan ng CHED at karamihan din naman ng tertiary institutions natin ay state universities and colleges saklaw ‘yun ng memorandum ng Pangulo.
Q: Sir, ‘yung argument ni Senator Pimentel na ‘yung students daw, hindi naman daw sila considered as government employees, bakit kailangang required sila?
Q: Sufficient, Sir, ‘yung memorandum circular, hindi na kailangan magbatas kung sino—
CHIZ: —Well, tiyak ko merong maghahain siguro ng panukalang batas kaugnay niyan dahil, gaya nga ng sabi ko, hindi ‘yan nakapaloob sa Flag and Heraldic Code. Kung talagang nais nilang gawing pormal na ‘yan at ipatupad sa lahat din ng mga okasyon ng pribadong sektor, ang tamang hakbang ay i-amend ‘yung Flag and Heraldic Code at isama ‘yan.
Q: Hindi kailangan ng bagong batas, just amend?
CHIZ: Para amyendahan.
Q: Puwede nilang i-include ‘yon, hindi lang sa government?
CHIZ: Kapag isinabatas ‘yan, oo. Dahil nakalagay sa Flag and Heraldic Code, dapat anumang panimula ng anumang event gaganapin dito sa Pilipinas o ng mga Pilipino sa ibang bansa, magsimula sa panalangin at sundan ito ng pag-awit ng pambansang awit.
Q: Thank you, Sir!
CHIZ: Alam mo kung sino ang author nun? Tatay ko.