INTERVIEW

 

QUESTION (Q): Sila’y maaresto o sumuko. Ano ‘yung assurance sa kanilang security?

SENATE PRESIDENT FRANCIS ‘CHIZ’ G. ESCUDERO (CHIZ): May detention facility ang Philippine National Police office dito sa loob ng Senado mismo. Banda roon sa basketball court. At least, PNP mismo ang bantay doon at K-9 unit lamang nila ang nag-iistambay doon sa ngayon.  Ininspeksyon ko na kanina at, kung saka-sakali, para matiyak ang seguridad ni Mayor Guo ay doon naming siya i-de-detina kasama yung kanyang mga kama-anak. Hangga’t hindi nag i-schedule ng hearing ang kumite.

Q: How would you describe that the same way, Sir?

CHIZ: It’s a detention facility. It’s a room, airconditioned with its own restroom or with bunkbeds inayos ko lang kanina. At gaya nang sabi ko, katabi mismo ng PNP.

Q: Sir, puwede bang magdala ng cellphone, ng any gadget?

CHIZ: Ayon sa rules at guidelines ngayon, ‘yung inabutan ko na, na ang OSAA ay hindi daw pupwede. Pero kung kailangan gumamit, gagamit sila ng telepono ng OSAA pero pinapa-review ko ngayon ‘yung rules dahil matagal na pala ‘yon. At sa totoo lang, hindi ko nakikita ‘yung rason kung bakit kailangan ipagbawal ‘yon. Pero hayaan nating huwag ako ‘yung mag-review, pa-review natin sa mga nakakaalam at pinapagawan ko sila ng rekomendasyon sa loob ng dalawang linggo ito kung paano maa-update ‘yon.

Q: So, Sir, you think dapat may gadgets?

CHIZ: Wala akong nakikitang dahilan kung bakit hindi. Hindi naman mga drug lord ito na puwede nilang ipagpatuloy ‘yung kanilang operasyon sa loob ng detention. Pangalawa, wala naman akong nakikitang delikadong kaganapan na magte-text sila na mapuga sila sa detention facility. So pinapa-review ko. Titingnan natin.

Q: And then Sir, sa July 29 pa ‘yung hearing paano pa—

CHIZ: —28.

Q: Twenty-nine daw, Sir.

CHIZ: Sabi nang GAB?

Q: Opo. Paano, Sir, kapag naaresto sila ng mas maaga or sumuko, kailangan ba mas maaga?

CHIZ: Sinabi ko na sa staff ni Senator Risa kanina na kung makukumpleto this week baka gusto niyang i-konsidera na mag schedule ng mas maagang hearing. Kaya naman niya kasi nilagay yung hearing ng ganoong petsa, para mabigyan ng sapat na panahon ang Office of the Sergeant-at-Arms na maipatupad ‘yung arrest warrant sa tulog ng law enforcement agencies ng ating pamahalaan.

Q: So, Sir, safety-wise walang dapat ikatakot si Mayor Guo?

CHIZ: Wala akong nakikitang rason sa totoo lang. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ‘yung sinasabi niyang banta ‘di umano laban sa kanyang buhay.

Q: Do we have any special accommodation para sa isang mayor like mas magandang room?

CHIZ: This is not a penalty. This is not a punishment for the commission of any crime. Itong pag-detain sa kanya ay para tiyakin lamang na siya ay mag-aattend ng pagdinig ng Senado. At matapos siyang mag-attend ng pagdinig ay walang rason para patuloy pa siyang i-detain. So, para sa akin, kung ano ang detention facility natin para sa isang ordinaryong akusado dapat aplikable ‘yan sa mayor, governor o kung sinumang opisyal. Kung aayusin namin, maayos ‘yan para sa lahat. Hindi lamang mayor siya.

Q: So puwede sir na July 29 na siya dumating? So long as darating siya.

CHIZ: Dumating o mahuhuli?

Q: Um-attend.

CHIZ: Kasi kung boluntaryo naman siyang pupunta at subpoena ng kumite, wala namang rason para mag-issue pa ako ng warrant. Kaya naman ako nag-issue ng warrant ay dahil ayaw niyang sundin ang subpoena na inisyu ng kumite. Ngayon, mayroon namang mga paraan at proseso na kung makukumbinsi niya ‘yung kumite, si Senator Risa, na “nagkataon lang na ganito pero mag-aattend na ako. Nangangako ako. Mayor ako, you can release me on my own recognizant. Kilala ako sa komunidad.” Kung papahintulutan ng kumite, walang dahilan para hindi ko din pahintulutan ‘yon.

Q: Sir, ‘di naman daw kayang-kaya ni General Ancan ‘yung igive-up ‘yung serving ng subpoena, arrest order. Pero kailangan ba, at this point, magpatulong sa PNP or NBI?

CHIZ: Nakausap ko na siya kanina. Lahat naman ng galaw ni General, ng ating Seargent-at-Arms si retired General Ancan ay nakikipag coordinate siya sa PNP. Kaya kung makikita niyo ‘yung mga litrato nang pag-serve niya ng warrant, may kasama siyang PNP palagi. So nakikipag-coordinate ang Seargent-at-Arms sa PNP at kung makalipas ang ilang araw pa ay hindi pa matunton ang kinaroroonan sa mga kilalang address ng mga inisyuhan natin ng warrant of arrest. Pinagbigay alam ko na sa kanya na kung kinakailangan na makipag-ugnayan na rin siya sa NBI at iba pang mga law enforcement agencies para ma-implement ‘yung warrant na inisyu ng Senado sa ilang mga testigo para matiyak ang kanilang pag-attend sa hearing.

Q: Sir, paisa lang. Bakit puspusan ang pagpapaganda ng Senate ngayon?

CHIZ: Hindi pagpapaganda. Pag-aayos lamang ng sa mahabang panahon ay hindi nagawa. Rason na para gawin naman siguro ‘yan sa panahong ito. Hindi naman puspusan, mahigit isang buwan na rin nating ginagawa ito at pinagdudusahan ang amoy ng barnis. Pero sana matapos bago ito magbukas. Para ‘pag nagbukas ng sesyon ang Senado, tuloy.

Q: Ito na ‘yung dagat, Sir, ‘no?

CHIZ: Dito lang.

Q: Sa parking na din.

CHIZ: Dati siyang parking.

Q: OK.

CHIZ: So nanghiram ako ng lima, in case. Pero in the case of Mayor Guo kung mayroon talaga siyang security threat, doon na muna siya sa may PNP. Pero later on, ayon sa OSAA ito ang unang pagkakataon na ganyan karami ang inisyuhan ng warrant nang sabay-sabay. Tama ba, Bert? Walo, apat na babae, apat na lalaki. So dati kasi paisa-isa. Padala-dalawa. Ngayon walo so kailangan nating magdagdag.

Q: Paano ‘yon, Sir, solo si Mayor Guo? Tapos may ibang magkakasama?

CHIZ: Hindi, kamag-anak naman niya ‘yung iba.

Q: So puwedeng isama na sila?

CHIZ: Ang importante para sa akin sama-sama ang lalaki, sama-sama ang babae. Tinanong ko nga ‘yung OSAA doon sa bagong Senate building. Huwag niyo na itong idagdag sa research niyo. Sa bagong Senate Building pangdalawahan na naman ‘yung detention natin. Hindi naman pupwede ‘yon. ‘Di ba mas malaking building, damihan na natin. Dapat bang bente?

Q: (inaudible)

CHIZ: May sakit daw siya kaya hindi siya nakadalo. Sabi ko, so regular ba kayong chine-check up? Oo daw, twice a day. Kumusta naman? Sabi niya valedictorian daw siya sa lahat ng blood test niya. Ano ibig sabihin non, Ma’am? Meaning sobra-sobra sa marka, ‘yon daw ang ibig sabihin ng sobra-sobra so mataas lahat. So sinusubukan naming, siyempre, na pinapa-check-up twice a day. So doon ko hiningi ang rules and regulations doon sa mga naka-detain sa Senado. Nakita ko nga luma na, yellow na ang papel so pinareview ko na rin.

Q: Kamusta siya, Sir? Bored na bored na siya.

CHIZ: Bored lang siya kaya nagtatanong siya yung cellphone daw. Sabi ko, oo nga naman bakit bawal? Hindi ko makita ang rason kung bakit bawal. Sabi kasi ng OSAA ito na naabutan nilang rules so pinapa-review ko para baka naman puwede hindi ba? Hindi naman, ulitin ko, hindi ito detained para parusahan ha. Dine-detine sila para tiyakin ang presensya sa hearing, hindi ba? Hindi ito detention para kaparusahan o punishment so pinarereview ko. Kasi hindi naman siguro magiging ganoon kahirap ‘yung pag-detain, pag-antay ng hearing kung may, nakakapaglaro ka, nakakapagtiktok ka, hindi ba? Wala naman sigurong security threat ‘yon.

Q: (inaudible)

CHIZ: Wala, hindi ko tinanong. Unfair naman ‘yon, she was not accompanied by counsel I cannot ask her any questions. It would be unfair to her.

Q: (inaudible)

CHIZ: Yes, tinanong ko rin siya kanina. Sabi ko, “OK naman kayo? Hindi naman kayo magkagalit?” Hindi naman. “Close naman kayo?” “OK lang po. OK.” ‘Yung iba naman kamag-anak niya. Okay lang. I don’t see any reason why. Ang importante lang sa akin, ‘yung gender. So, in the future, si General dapat may male, female at gender neutral.

Q: So walang ganoon ngayon, Sir?

CHIZ: Wala.

Q: ‘Di ba po sometimes sa BJMP (inaudible)?

CHIZ: Hindi, ‘pag galit ‘yung mga senador, hindi talaga.

Q: Kaya napupunta sa jail. Kasi naman nahuli naman ‘yon sa Davao airport ‘yung—

CHIZ: —Tagilid ‘yung mga senador. ‘Yon ang pinapagawa nila, usually.

Q: Talagang tatakas?

CHIZ: (inaudible)

Q: Bilibid.

CHIZ: Bilibid ba o city jail?

Q: Bilibid yata.

CHIZ: Basta pina-detain siya sa kulungan talaga. Kailan darating yung upuan nila?

Q: Inaudible.

CHIZ: Sa media.  Nakita ko roon kanina may K-9

Q: Sige, Sir.

CHIZ: Detention room but since walang nade-detain nilagay nila ‘yung K-9 doon.

Q: Pero wala naman basta kuwarto ‘yon.

CHIZ: Kuwarto lang.

Q: Hindi naman ‘yung tipong may rehas.

CHIZ: Kuwarto lang. OK lang.

Q: Pero anong ginagawa niya? Nakahiga lang?

CHIZ: Mas dapat nga nasa labas kasi ang problema doon kapag nasa loob ng Senate, sa weekend wala siyang aircon.

Q: Tama.

CHIZ: Alangan namang mag-aircon kami ng weekend dito, ‘di ba?

Q: Kawawa naman ‘yon.

CHIZ: So ang pinipili kong facility talaga sa labas. Sa PNP, para may aircon sila.

Q: So nasaan si Damo, Sir? Dito o doon na?

CHIZ: Nandito sa baba. May sariling aircon ‘yon. Hiwalay, hindi siya centralized.

Q: ‘Yung maliit na room, Sir?

CHIZ: Sa may post office.

Q: May post office pa pala kayo.

CHIZ: May post office pa kami.