LYNDON CATULONG (LC): Senator Chiz Escudero, welcome po sa Mindanao. Isang buwang mahigit na po ang kampanya, kumusta po ang lakad po ninyo? But before that, you’re opening statement, Sir. Senator Chiz Escudero.
GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Maraming salamat muli, Lyndon. Una sa lahat, pagbati sa lahat ng taga-subaybay at listeners natin sa Radyo Rapido dito sa Siyudad ng Davao. Karangalan ko na muling makabisita at makabalik dito sa inyong himpilan makalipas din ang ilang taon.
CHIZ: Tama po.
LC: Hindi ba?
CHIZ: Dahil nang mula noong naging gobernador ako, tutok ako siyempre sa trabaho namin doon at makalipas ang isang buwan ng pangangampanya dapat. Ilang araw pa lamang ako na nangangampanya dahil may trabaho pa rin akong dapat gawin sa aming lalawigan. Hindi tulad ng ibang kandidato, 24 oras yatang nakakapangampanya. Ako po ay hindi dahil hindi ko puwedeng talikuran ang trabaho.
LC: Sabagay naman, oo. Pero, kilalang-kilala ho kayo ng bayan.
CHIZ: Sana po hindi makalimutan.
LC: Hindi. Kapagka nasa isip ng tao nandiyan na talaga iyan. You were a senator for 6 years.
CHIZ: Actually, 12 years.
LC: 12 years?
CHIZ: From 2007 hanggang 2019.
LC: Alright. Medyo talagang mahaba, ano? Kaya sabi ko po, mukhang hindi yata kayo makalimutan.
CHIZ: Pero, mas maraming buhok ko ang pumuti noong naging gobernadora ako kaysa noong senador.
LC: Grabe talagang problema, ano? Ganoon talaga iyan kapagka nag-serbisyo sa bayan.
CHIZ: Bahagi na iyon bilang local chief executive. Iba naman talaga ang problemang kinakaharap lalo na na tumayming pa ang pandemya.
LC: Alright, hindi na tayo magtatagal. Siguro Senador, kasi kanina ko pa sinabi sa ating mga tagapakinig na bisita ko ngayong umaga ang butihing senador ng ating bansa, may mga katanungan natin Senador. Kumusta na po ang umpisa ng kampanya?
CHIZ: Maayos naman. Kahapon, nanggaling kami sa Cotabato City, General Santos City. Noong araw bago noon, ako naman ay galing din sa Calapan City, Oriental Mindoro at San Jose, Occidental Mindoro. Gayundin ang Lucena, Quezon. May oras din naman na nabibigay din sa kampanya pero tatlong araw lang siguro sa kada isang linggo ang panahon ko na puwedeng maibigay. Dahil, uulitin ko, sa trabaho ko nga bilang isang gobernador.
LC: Ayon. Kahit naman ngayon, may tumatawag sa inyong opisina.
CHIZ: Palagi. Dalawang araw lang akong mawala sa opisina sa Sorsogon, ga-bundok ng papel ang kailangan kong pirmahan ang naghihintay sa akin.
LC: Grabe talaga! Ito’y serbisyong totoong talaga. Pangalawang katanungan Senator, isa kayo sa personal choice ni Mayor Inday Sara sa listahan ng kanyang senatorial candidates at talaga naman lagi kang binabanggit, anong masasabi niyo dito?
CHIZ: Taos-puso po akong nagpapasalamat kay Mayor Inday Sara sa kanyang endorsement gayon din sa pagbanggit sa aking pangalan saan man siya magpunta. Nakatrabaho ko si Mayor Sara at wala akong masasabi sa kanyang work ethics, sa kanyang pagmamahal sa bayan higit pa sa lahat, Lyndon sa hindi malayong hinaharap makakabawi ako sa utang na loob kong ‘yan kay Mayor Inday Sara. At muli nais kong iparating ang aking pasasalamat, hindi lamang para doon, sa pagtanggap din sa akin sa muli kong pagbalik at pagbisita dito sa Davao City.
LC: ‘Yan! At mainit naman ang pagtanggap.
CHIZ: Opo naman dahil may pinagsamahan naman kami ni Mayor Inday Sara sa mga nagdaang panahon noong ako’y nasa Senado pa.
LC: Ayon! Madalas po ang mga power outages natin dito sa rehiyon, ‘di pa matagal pinirmahan ni PRRD ang Executive Order 164 nagsusulong sa nuclear power po, kasama rin dito ang EO, ang posibleng pag-revive ng Bataan Nuclear Power Plant. Pabor ho ba kayo dito?
CHIZ: Pabor ako sa EO ni Pangulong Duterte. Dapat bukas ang isip natin sa anumang uri ng teknolohiyang maaaring makapagbigay sa atin ng kuryente. Basta’t ito’y ligtas at sumunod sa proseso. Anong ibig sabihin ko? Dapat masunod lahat ng batas kaugnay sa pagtatatag o pagtatayo o pag-revive ng isang nuclear power plant kabilang na po ang mga regulasyon ng International Atomic Commission sa United Nations.
Maraming bansa ang may nuclear power plant, wala namang nangyayari at ligtas naman at nabibigyan sila ng stable at malaking suplay ng kuryente. Tayo din dapat maging bukas sa kahit anong teknolohiya. ‘Wag natin isara ang ating isipan dahil lamang na may nasabi o nabasa tayong masama ito dapat ang mas importante sa atin sa muling pagbangon lalo na ng ating ekonomiya, na magkaroon tayo ng sapat na suplay ng kuryente.
LC: Iyon! Ang importante ang kuryente natin. Tama naman, hindi natin, tayo naman siyempre may mga taong minsan natatakot sa mga storyang ganito.
CHIZ: Bahagi na ‘yun pero magpaliwanagan tayo at para sa akin nga basta’t sumunod sa proseso. Basta’t aprubahan ng mga kinakailangang ahensya, wala tayong rason para mangamba dahil ito’y magiging ligtas kung mangyayari man.
LC: Itong pangsunod kong katanungan mukhang ito ang medyo, ika nga, maselan siguro dahil sa nangyayari sa Ukraine, Europe sa kasalukuyan. Naglabas ng UN ng isang resolusyon na nagkondena sa pag-atake ng Russia sa Ukraine. Isa po ang Pilipinas, Mr. Senator Sir, sa mga signatory. Ano ang implikasyon nito sa bansa at sa ating OFWs nagdesisyon na manatili sila doon?
CHIZ: Tingin ko’y walang epekto ito sa bansa natin o sa OFWs natin dahil hindi naman tayo nagbigay ng pera at armas sa Ukraine para makipaglaban sa Russia. Importante, humanay, sumabay tayo, Lyndon, sa mga bansang ayaw ng giyera na ang gusto at hinahanap sa mundo ay kapayapaan.
Hindi natin alam kung baka dumating ‘yung panahon tayo naman ang mangailangan ng suporta ng ibang bansa kung darating ‘yung panahon sana hindi na tayo naman ang sugurin o lusubin ng mas malaki at makapangyarihang bansa. Tama lamang ang ginawa ng Department of Foreign Affairs. Tama lamang ang ginawa ni Pangulong Duterte sa bagay na ito.
LC: Merong pumasok ang Duterte administration na nasa sinabi niya ‘yung independent foreign policy.
CHIZ: Tama ka diyan, Lyndon, at alam mo foreign policy sa ilalim ng Saligang-Batas diktato ‘yan ng pangulo walang pakialam ang Kongreso o Senado diyan. Maliban na lang sa pagratipika ng tratadong pipirmahan ng pangulo pero ‘yung date today ng posisyon ng bansa sa iba’t ibang isyu sa mundo ay pangulo lamang ang nagpapasya po talaga niyan.
LC: Ang daming gusto kong matanong sana ho may maano pa natin ang oras. Sa ngayong panahon nasa pandemya pa po tayo ang ating bansa at gaya na rin ng nasabi ho ninyo importante ang economic recovery po dito. Ano ba sa tingin ninyo ang dapat bigyan ng prayoridad ng sunod ng pangulo upang matiyak ang ating pagbangon sa ating bansa, Senador Chiz.
CHIZ: Una, 98% ng mga negosyo sa Pilipinas ay binubuo ng MSMEs. Kung nais nating bumangon muli ang ekonomiya tulungan natin makabangon at makatayo at magbukas muli ang mga MSMEs dahil 98% ng ekonomiya natin ‘yan. Ibig sabihin, 98% din nawalan ng trabaho ay makakabalik. Pangalawa, gastusan natin ang agrikultura dahil 30% ng ating mga kababayan nakaasa sa agrikultura at ‘yung pinakamahihirap nating kababayan nandiyan sa sektor na ‘yan.
Ang budget, halimbawa, ng Department of Agriculture Lyndon ay Php80-B lamang, bakit ko sinasabing lamang bagaman bilyon ‘yon dahil ikukumpara natin ‘yan sa budget ng DPWH, ang budget po ng DPWH ay mahigit Php800-B. Aba’y wala pang 10% nung budget ng DPWH ang budget ng Department of Agriculture ay paano po magkakaroon ng sapat na kita ang magsasaka? Paano tayo magmo-modernize ng agrikultura natin sa ganyan kaliit na halaga? Paano natin mapipigilan ang importasyon ng iba’t ibang agriculture products kung hindi natin papalakasin at papatatagin ang agrikultura dito mismo sa Pilipinas.
Hinihintay ko may kandidato sa pagka-pangulong magsabi na lalagyan ko ng Php400-B ang agrikultura sa unang taon ng kanyang panguluhan at papaakyatin hanggang Php800-B sa loob ng anim na taon. Hinihintay ko sana may isang presidentiable, Lyndon, ang magsabi po niyan. Sana may presidentiable na magsabi para umikot ang ekonomiya natin. Tututukan tulad ng ginawa ng ibang bansa. Bibigyan natin ng ayuda ang MSMEs ‘yung pinakamaliliit na negosyo na 98% ng ekonomiya ng bansa. Hinihintay ko rin na marinig ‘yan sa maski na sinong presidentiable.
LC: Sa tingin ko ay kayo ang kailangan diyan para isulong sa Senado.
CHIZ: Gagawin ko palagi. Makakaasa kayo, Lyndon, pero iba pa rin kung pangulo ang magtutulak mismo. Malayong mas madali, malayong mas mabilis. Mahaba pa ang kampanyahan sana magkaroon ng pagkakataon ang sinumang tumatakbo. ‘Yung kakulay ng t-shirt mo na sabihin po ‘yan at banggitin ang mga katagang ‘yan para may pang hawakan tayo sa kinabukasan ng ating bansa at muling pagbangon ng Pilipinas.
LC: Sabagay live na live tayo ngayon sa Fcebook live ng Kalayaan Broadcasting.
CHIZ: Kita ‘yung kulay ng t-shirt mo.
LC: Opo at siguradong-sigurado nakikita nila ito.
LC: At ito medyo malakas sa kampanya, at siyempre abala tayo sa kampanya kung minsan naiiwan yung mga mahal sa buhay natin. Papaano na ang buhay ng may asawa na nasa showbiz tsaka ang asawa ng nandito sa serbisyo publiko?
CHIZ: May trabaho ang asawa kong si Heart, may trabaho din ako hindi ko puwedeng sabihin na mas importante ‘yung sa akin kaysa sa kanya. Siya din naman hindi niya puwedeng sabihin na mas importante ‘yung sa kanya kaysa sa akin magkaiba lang talaga. Halimbawa, sa mga oras na ito nasa Paris si Heart, ako’y nasa Davao City at galing sa Cotabato City at Gen San. Sa ngayon si Heart ay nasa Europa, ako ay nasa Mindanao.
Magkaiba man ang mundo namin nagtatagpo pa rin naman, Lyndon, at maganda na rin siguro ‘yun sa buhay mag-asawa namin, bakit? At least pag-uwi namin sa bahay, ‘pag nagkita kami iba ang dala naming kuwento. Natututo kami mula sa isa’t isa at ‘yung kagalit niya hindi ko kagalit, ‘yung kagalit ko hindi niya kagalit at puwede naming pangitiin ang isa’t isa dahil masama man ang araw nung isa, baka naman hindi masama ‘yung araw ng isa. At dahil magkalayo kami minsan tulad ngayon LDR kami o long-distance relationship, kapag hindi kami magkasam at least mamimiss naming ang isa’t isa at kapag nagkita naman kami, makalipas ang LDR at least may gigil kayo sa isa’t isa.
LC: Pero may showbiz na katanungan, kailangan kayo mag-aanak?
CHIZ: Nagpa-practice kami, Lyndon, ‘wag ka mag-alala. Sinisikap namin at nagpa-practice pa kami may trabaho lang siyang tinatapos ng ilang linggo o buwan pa. Nakabuo na sana kami noon, Lyndon, kaya lang nakunan si Heart kambal pa naman din kaya kailangang magpahinga siya ng ilang taon pero, itong taong ito, nagtatangka at nagpa-practice practice na naman kami.
LC: Mga kaibigan, ang ating darating na Senador Chiz Escudero. Alam ko busy pa sila may pupuntahan pa. Panghuling mensahe na lang po ninyo but sisiguraduhin kong hindi ito panghuli at talagang huli na.
CHIZ: Sigurado ko rin ‘yun, Lyndon. Sa muli maraming salamat sa pagkakataong makausap at mapakinggan ng ating mga kababayan sa Davao City at gayundin ang mga karatig probinsya sa Davao region. Karangalan ko po maging bahagi ng inyong programa. Ang hiling ko po sana sa darating na halalan na ito, sana ‘wag nating sayangin ang kapangyarihan at karapatang pumili at piliin ang leader na kayang magbigay at may kakayahan magbigay ng siguradong direksyon at siguradong solusyon sa mabibigat na problema na kinakaharap po natin ngayon bilang isang bansa, bilang isang lahi at ito po ang nais kong ialay at ialok sa muli kong pagharap sa dambana ng balota para mag-apply bilang inyong kinatawan at bilang miyembro ng Senado. Sa muli, Lyndon, maraming salamat at pagbati sa ating mga taga-subaybay. Daghang salamat at maayong buntag. Thank you and good morning. Ingat kayong lahat keep safe everyone.
LC: Thank you po, Senator Chiz Escudero. Thank you.