CELY BUENO (CB): Ihabol lang natin ng kahit kaunti. Ating makakapanayam si Senate President Chiz Escudero. Hi, Sir. Magandang hapon po.
SENATE PRESIDENT FRANCIS ‘CHIZ’ G. ESCUDERO (CHIZ): Magandang hapon, Cely. Pasensya na nagpagupit kasi.
CB: Naku ihahabol lang natin kahit ilang minute. Unang-una, dalawang tulog na lang po opening na ng Third Regular Session, all systems go na po ba sa Senate o may mga last minute pa na inihahabol kayo bilang bahagi ng preparation?
CHIZ: Wala na, Cely. Nakahanda na kami mag-iinspeksyon na lamang ako ng huling pagkakataon bukas siguro kung anong oras man ako malibre. Pero ang mas malaking preparasyon ay sa panig naman ng Kamara dahil doon naman talaga magde-deliver ng SONA ang Pangulo.
CB: Galing po kayo ng Malacanang kanina, ano ho ba ‘yung mga inihabol na pirmahan ni Pangulo bago ang kanyang SONA?
CHIZ: Dalawa ang pinirmahan niya kanina: ang Procurement Act tsaka ‘yung AFASA. Ito ‘yong batas na naglalayong labanan ang mga scam na nagaganap ngayon sa internet at cellphone.
CB: So ‘yung AFASA may maitutulong po ba ‘yan dito sa naranasan natin na medyo ikinabahala ng ating mga kababayan na epekto ng Microsoft outage na nakaapekto po sa banking at maging sa operasyon ng airlines at ilan pang establishments?
CHIZ: Well, mas cyber security ‘yan siguro, Cely, at hindi naman purely financial ‘yung epektong tinamaan, pati airline tinamaan diyan. So, mas cybersecurity ‘yan na nasa ilalim naman ng tanggapan ng DICT.
CB: So, Sir meron na tayong batas na ni-require ‘yong registration ng SIM para nga maiwasan nga itong mga text scam. Ito po bang AFASA na kahit mayroon na ng batas na ‘yon ang dami pa ring scam online, ang dami pa ring text scam. Makatutulong po ba itong AFASA para maiwasan na ito at matigil na itong mga scam?
CHIZ: Oo, Cely, dahil hindi naman nagtatapos sa registration ng SIM card ‘yung trabaho natin. ‘Yan ang nadiskubre ng mga law enforcement agencies importante at kinakailangang may kapangyarihan din sila mag-monitor. Gayundin, i-trace kung sino nga ba ang gumawa at saan nga ba nagsimula ito, upang sa gayon maging kumpleto na, ika nga, ang armas ng ating law enforcement agencies as soon as mailabas ng Bangko Sentral ‘yung kanilang IRR kaugnay ng AFASA.
CB: So, Sir ito pong dalawang bagong pinirmahan ni Presidente, ang New Government Procurement Act at ang Anti-Financial and Scamming Act, kasama po ito sa babanggitin at ipagmamalaki ng Pangulo doon sa kanyang SONA sa Monday?
CHIZ: Well, malamang, Cely, dahil sa Procurement naman, dalawa ang importanteng aspeto niyan: una, preference para sa local manufacturer dahil tayo na nga ang bibili. Gobyerno na nga ang bibili dayuhan pa ba ang makikinabang? Dapat naman sana lokal na mga manufacturers ang makinabang. At pangalawa, hindi na obligado o bound, ika nga, ang pamahalaan sa lowest bidder na pangit naman at mura. Itinatalaga nito na dapat na piliin ng gobyerno ‘yong sapat, angkop at kailangan talaga niya bagaman hindi pinakamura.
CB: Nakausap po ba kayo ni President after the signing? Nagkaroon ba ng preview kung ano lalamanin ng kanyang SONA, Sir?
CHIZ: Wala, Cely. Noong nagkatabi kami bago magsimula ang programa sinabi lamang niya na pagkatapos ng programa ay babalikan na rin niya ang kanyang talumpati na kanyang fina-finalize na raw ayon sa kanya at ayon na rin sa ating Executive Secretary na si Secretary Bersamin.
RAOUL ESPERAS (RE): Senator, this is Raoul Esperas, ‘no, good afternoon.
CHIZ: Yes, Raoul?
RE: Ang tanong ngayon is handa na ba ‘yong isusuot ninyo sa State of the Nation Address?
CB: Nakita ko na.
RE: ‘Wag muna ‘yon, Raoul. Mamayang hapon pa lang naming aasikasuhin at ipa-finalize ng team ko. ‘Yung talumpati kong maikli sa opening naman ng Senado.
RE: Ang inaabangan din ng taumbayan ‘yong isusuot ng inyong first lady, siyempre.
CHIZ: Sa totoo lang, hindi ko alam. Kilala ko lang ‘yung gumawa, si Michael Leyva pero hindi ko alam kung ano ang particular at specific na hitsura ng kanyang isusuot.
CB: Ay nakita ko na, Sir. Na-feature na sa isang newscast ang kanyang barong at gown ni Heart.
RE: Talaga? Rampahan talaga.
CHIZ: Ako nga hindi ko pa nakikita, buti ka pa.
CB: Pero importante daw ba sa ganitong opening ng session at SONA ‘yung parang napo-focus sa fashion, sa mga isinusuot? ‘Yon ba ang mas importante, Sir, o ang mas importante ano ang maririnig ng taumbayan mula sa inyo as Senate President at mula sa Pangulo bilang Pangulo ng bansa?
CHIZ: Well, ibabalik ko ang tanong sa inyo, Cely. Kahit si Raoul, hindi nakapagpigil magtanong tungkol sa damit kaysa pag-usapan natin ay ‘yong sasabihin ko. Lahat naman tayo ay may kasalanan sa bagay na ‘yan. Hindi lamang siguro ‘yung nagsusuot ng mga mambabatas o mga esposo o esposa nila.
CB: Sir, wala bang nabanggit si PBBM kung mayroon siyang ime-mention about POGO sa SONA?
CHIZ: Hindi naman napag-usapan ‘yon, Cely, at hindi ko rin brining-up sa kanya. Gaya nga ng sinabi ko sa inyo kahapon noong meneet ko ang ilang kasamahan sa media. Makalipas ang 23 taong pakikinig ko sa SONA, natuto na akong ‘wag pangunahan at hintayin na lamang ang sasabihin ng Pangulo. ‘Wag huhulaan at hintayin na lamang kung babanggitin nga ba niya ‘yung inaasahan ko o hindi at pagkatapos na lamang ng kanyang talumpati ako magkokomentaryo o magre-react.
CB: Pero crucial ‘yung third SONA niya. Dito ba masusukat ano ‘yong aasahan natin sa remaining years ni PBBM?
CHIZ: Hindi naman years,Cely, sa remaining year bago siyang mag-SONA muli sa 2025. Merong rason kung bakit kada taon ang SONA. May rason kung bakit hinahati ang term ng Kongreso. Ang regular session ng Kongreso sa kada taon para sa gayon mamapa kung ano na ba ang natapos ano ang mga naiwang gawin. Minsan kasi nagbabago yung mga prayoridad na ‘yon.
CB: Sir, nag-resign na si Sec. Angara bilang Senador. So, sa opening ng session dalawampu’t tatlong Senador na lang po kayo at si Sec. Angara po ba ay iimbitahan bilang cabinet member?
CHIZ: Inimbitahan na siya, Cely, bilang Cabinet member hindi ko lang na-check kung siya ay makakadalo o dadalo.
CB: So ano pong mangyayari sa budget allocation doon sa kanyang office dahil hindi niya natapos ‘yong term?
CHIZ: Magre-revert lang ‘yon sa general fund dahil sa ilalim ng Konstitusyon may kapangyarihan naman ang Senado na mag-realign sa loob ng budget na ipinagkaloob sa Senado.
CB: Two last question na lang, Sir. Nakababahala po na ‘yong disruption na naidulot sa ating ng Microsoft outage lalo na sa banking at sa airlines. Ano ho ‘yong puwedeng gawin ng government para maprotektahan tayo sa ganitong klase ng outage sa teknolohiya?
CHIZ: Well, hindi lang sa atin, Cely. Apparently, may mga ibang bansa din na naapektuhan nito hanggang sa Amerika hanggang sa Australia at isang bagay ito na dapat tinututukan, inaalam ng ating DICT. Isa sa mga pangunahing rason kung bakit nilikha natin ang bagong departamentong ‘yan ay dahil sa teknolohiya na dulot ng internet, mga applications, pati AI para nakakasabay ang gobyerno sa pagbabago sa teknolohiya tulad niyan. Inaasahan ko na nasa ibabaw ng issue na ito ang DICT at kung may kulang pa na dapat tayong gawin ay magbibigay sila ng karampatang rekomendasyon kabilang na kung kailangan ng panibagong batas para matugunan ang mga outages at mga cyber-attacks, ika nga, kaugnay nito.
CB: So iba hindi sila nag-worry kasi marami ho ngayon online banking, ‘di ba?
CHIZ: Well, hindi kasi ako masyadong techie, Cely at Raoul. Mas dinosaur pa ako, sumusulat pa rin ako ng tseke at sanay pa rin ako doon.
CB: At Sir, panghuli, marami pong kumukwestiyon doon sa P90-B unused fund ng PhilHealth na ibinalik sa National Treasury. Maraming nagsasabing ang dami nating kababayan na may sakit at nangangailangan ng tulong mula sa PhilHealth, so bakit daw po ito ibinalik? Ito po ba ay something na kwestiyonable o may basis ho ‘yong ginawa na ‘yon na pagbalik ng naturang halaga sa National Treasury?
CHIZ: Para sa akin, alam mo, Cely, kung ano ang mas malaking katanungan? Paano at bakit nakalikom ang PhilHealth ng mahigit P700-B hindi kasama ‘yang P90-B na ‘yan na ginalaw ng Department of Finance. P700-B at bakit ang daming reklamo ng mga ospital na hindi sila binabayaran pribado man o pampubliko? Bakit ba nagtatambakan ang tinatawag nating RTH o return to hospital na mga billing ng pribado at pampublikong ospital na dapat sana ay binabayaran ng PhilHealth? Cely, hindi binabayaran ng diretso ng PhilHealth ‘yung may sakit, binabayaran nila ‘yung ospital na nag-treat sa may sakit, pribado man o pampubliko at kokolektahin ‘yan ng mga ospital. Dumudugo na, Cely, ang mga government at private hospitals kaugnay sa collectibles nila sa Philhealth at ‘yan ang isang bagay na nais kong pagtuunan ng pansin kung paano nga ba umabot at lumobo ng ganoong kalaki ‘yung pondo nila. Pangalawa lang siguro itong ginawa ng Department of Finance na tiyak ko ay matatalakay pagdating sa Budget.
CB: So pagpapaliwanagin diyaan ang PhilHealth, Sir?
CHIZ: Oo, Cely, dahil mahabang panahon na ‘yan na hindi sila nagbabayad o ang daming rason kung kaya’t lumobo na ng ganyang kalaki ang pondo nila. Noon, Cely, hindi lumalampas ng P100-B ang naiipon o nalilikom ng PhilHealth, ngayon lumobo na ng hangang ganyang kalaki.
CB: At ang panghuli, Sir, magdadagdag ba ng security on Monday, considering na mayroon kayong kasamahan na may death threat, o regular lang na security measure ang ipatutupad sa opening ng session on Monday?
CHIZ: Well, istrikto ang security measure naman palagi ng Senado, Cely, ‘yung dagdag seguridad siguro, papasok ‘yan sa mga indibidwal na Senador na may indibidwal na threat. Subalit wala akong nakikitang magiging problema sa opening ng Kongreso sa parte ng Senado dahil tinutukan naman ‘yan ng dati pa nating Sergeant-at-Arms na si General Bert Ancan.
CB: On that note, Sir, maraming salamat at siguro magre-relax muna kayo ngayon dahil sasabak na kayo sa trabaho pagbalik niyo ng session.
RE: Dapat sana nakita naming ang bagong gupit mo, Senator. Bagong gupit—
CHIZ: —Kaya nga audio lang kasi, ano, basa pa.
CB: Naku, bakit kaya hindi sumasagot si SP? Anyway, thank you so much sa oras na ibinigay niyo, Senate President Chiz Escudero.
RE: Thank you, Senator Chiz.
CHIZ: Salamat, Cely. Salamat, Raoul. Sa ating mga tagasubaybay, magandang hapon po.