IZ BALITA

 

CELY BUENO (CB): Siguro ipasok na muna natin dahil may lakad mamaya itong si Senate President Chiz Escudero.  So bigyang-daan na ho natin dahil alam mo naman, Partner, sabi ng iba, ang limelight daw ngayon ay nasa Senado makaraang mai-submit na ‘yong verified impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. At dahil po diyan, ang ating makakapanayam, si Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero.  Hi Sir. makakapanayam natin siya via Zoom. Magandang tanghali po, Senate President.

SENATE PRESIDENT FRANCIS ‘CHIZ’ G. ESCUDERO (CHIZ): Magandang hapon din at tanghali sa inyo. Sa ating mga tagasubaybay, magandang tanghali po. Good afternoon.

CB: Okay. Nasaan si SP? ‘Di natin pa makita. Via Zoom makakapanayam natin, anyway habang ating inaantabayanan, Sir, unang-una ang sabi po ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. bukas siya sa pagpapatawag ng special session kung hihilingin po ‘yan ng Senado o hihilingin n’yo bilang Senate President.

CHIZ: Anong tanong, Cely?

CB: So, Sir, meron bang ganoong plano ang Senate para po mag-request sa Pangulo? Kanino po ba nagsisimula ang initiative para sa pagpapatawag ng special session?

CHIZ: Sa ilalim ng Saligang-Batas, Cely, puwedeng magpatawag ang pangulo sa anumang oras. Sa ilalim ng Saligang-Batas, puwede magpatawag ang speaker at senate president ng special session para magpasa ng mahahalagang panukalang batas. Automatic na mag-co-convene ang Senate at ang House kapagka nagdeklara ng martial law ang pangulo, kapagka bumoto ang mayorya ng gabinete na hindi na po kayang gampanan ng pangulo ang kanyang tungkulin, kapagka natanggal ang vice president o ang pangulo at naging pangulo ang vice president kung saan kailangan pumili ng ikalawang pangulo. ‘Yun lamang ang mga pagkakataong automatic na mag-co-convene ang Senado at ang Kamara. Pero ang tanong ko, ang sabi ko ano ang tanong, ba’t namin kailangang mag-convene sa special session?

CB: Pero ang sabi ho ni Senator Koko Pimentel, makatutulong daw ‘yung pagdaraos ng special session para ma-address ‘yung mga unfinished legislative matters. May mga minention ho siya.

CHIZ: Well, tama ‘yon, Cely. Gaya nga sabi ko, upon agreement of the speaker and the senate president para magpasa ng mahahalagang panukalang batas hindi binanggit ng Saligang-Batas ang pagkakaroon ng impeachment trial.

CB: Pero Sir, kung magkaroon nga ng ganoon, magkasundo kayo ng House na mag-convene—

CHIZ: —Cely, babalikan ko pa rin, ano bang rason? Ang puwede nga lang magpatawag ng special session sa mahalagang panukalang batas, pero maliwanag naman na nagtatanong ka at ‘yung ibang tao, dahil gusto nilang mag-impeachment trial. Hindi po nakalagay ‘yon sa Constitution.

CB: Pero kung magkaroon ng special session, Sir, puwede daw bang isingit ‘yung pagtalakay dito nga sa natanggap ninyo na verified impeachment complaint laban kay VP Sara?

CHIZ: Ma-re-refer ‘yon sa plenaryo pero hindi nangangahulugang magsisimula ang trial.

CB: So malabo pa rin talaga, Sir, kahit matalakay ‘yon sa plenary hindi pa rin kayo puwedeng mag-convene bilang impeachment court para maisagawa na ‘yung impeachment trial?

CHIZ: Marami pa nga kasing kailangang gawin tulad ng naipaliwanag ko sa ‘yo sa isa’t kalahating oras nating presscon marami pang kailangang gawin rules and regulations ng impeachment pagre-require sa mga partidong sumagot magsasagutan pa ‘yan dadaan sa pre-trial lahat ‘yan, Cely, kaya nga pre-trial and hindi pa trial. ‘Yung actual na trial bago kami dumating doon mahaba pa ang proseso.

CB: So ganoon pa rin po ang scenario, ‘no, malabo na magkaroon talaga ng proper impeachment trial ngayong naka-break for the campaign period, before elections.

CHIZ: Sino ba kasi ang nagmamadali, Cely? Ang saan ba—pakituro nga kamo sa kanila ‘yung batas na nagsasabing kailangan madaliin namin ito. Ang sina-cite nila ‘yung salitang “immediately” na wala naman sa Konstitusyon. Nakalagay sa Konstitusyon, ‘yung salitang “forthwith” na sinasabi na nga, ibig sabihin daw, ay “immediately.” Samantala ‘yung mga nagdaang impeachment natin, isang buwan, isang kalahating buwan, dalawang buwan bago sinimulan ang trial. Nagreklamo ba sila? May narinig ba tayong pagpuna? Wala naman. So bahagi na ‘yan sa tradisyon at practice ng Senado kaugnay ng impeachment trial na bahagi din ng aming rules sa ngayon. Ulitin ko ‘yung sinabi ko, Cely, sa ating pagtitipon. Balewala sa ‘kin at hindi ko papakinggan o susundin sino mang pro-impeachment o pro-Sara. Sinumang anti-impeachment o anti-Sara, wala akong pakialam sa mga ‘yon. Ang susundin ko at susundan ko ang batas, ang Konstitusyon, ang rules ng Senado at ng impeachment court at titiyakin ko na parehas, kapanipaniwala at gagawad ng hustisya ang proseso ng walang pinapanigan pabor man o kontra dito.

RAOUL ESPERAS (RE): Senator Chiz? This is Raoul Esperas.

CHIZ: Yes, Raoul, I can see you.

RE: So meaning to say, susundin ninyo kung anuman ‘yung proseso, kung anuman ‘yung batas at when we say na “susundin ninyo,” hindi immediate na talagang kung anuman ‘yung proseso na dapat sundin  i-ve-verify, i-do-double check and  everything kung anuman ‘yung dapat  i-double check. So, meaning to say, walang immediate na magkakaroon ng session in the next coming months?

CHIZ: Ordinaryo lang kasi ito. Anong gusto mo, Raoul, tratuhin naming espesyal ito? Espesyal ba si VP Sara para tratuhin naming espesyal ito? Tulad ng ibang impeachable officers lamang siya sa mata namin at walang dahilan para dahil sa kaniya’y madaliin ito o dahil sa kaniya ipagpaliban ito. Gagawin namin ‘yong tamang dapat naming gawin ng hindi ito minamadali pero hindi rin labis na pinagpapaliban. Ulitin ko, hindi ko papakinggan ‘yung mga nagmamadali na gusto mong magsimula ang trial dahil galit sila kay VP Sara, dahil gusto siyang ma-impeach. Hindi ko rin papakinggan ‘yung ayaw mag-trial dahil pabor sila kay VP Sara at ayaw nilang ma-impeach siya. Partisanong mga grupo at tao ‘yan na hindi dapat pinapansin kaugnay sa paggawad namin ng hustisya sa trabaho namin bilang impeachment court.

CB: Sir, ano pong status ngayon na-verify na po ba ‘yong mga signature na-inform na kayo ni Senate Sec. Bantug na verified na ito at nabigyan na ng copy lahat ho ng mga senador?

CHIZ: Nabigyan na ng kopya lahat ng senador inaasahan ko na sa Lunes kung hindi pa nga nagagawa ay na-publish na ‘yan sa website ng Senado dahil public document ‘yan. Pero ‘yung verification ng signatures kung may e-signature ba diyan o lahat web signature dapat web signature lahat ‘yan malalaman ko lamang sa Lunes. Sa Lunes pa lang siya magbibigay ng report. But surprising to say, Cely, Raoul, dahil inihain na ‘yan ministerial ang duty ng Senado sa pagtanggap ng impeachment complaint na pinirmahan ng hindi bababa sa one-third na mga mambabatas may jurisdiction na ang senado sa impeachment case. Wala pang jurisdiction sa impeachable officer na si VP Sara dahil hindi po siya sumasagot o na-a-arraign pero mayroon ng jurisdiction ang Senado sa impeachment case.

CB: Sir, mayroon pang additional na kongresistang lumagda doon sa articles of impeachment. Tatanggapin pa po ba ‘yon ng senado? I-sa-submit pa ba ‘yon ng Kamara?

CHIZ: Pag-aaralan namin kapag pinadala na ‘yan ng Kamara sa ‘min siyempre i-re-receive din ‘yan pero kung paano ‘yan tatratuhin ng Senado, impeachment court na po ang mag-de-decide niyan. For the record na lang naman ‘yan dahil ang pinaka-requirement lamang naman ay magkaroon ng 102 katumbas ng one-third na pirma so kung 215 plus 25 magiging 240, parehas lang ang 240 sa 102. Ang tanong na lang ay ‘yung billing nila baka gusto nilang mabilad ‘yong pangalan nila, masigaw ‘yong pangalan nila bilang pumirma bagaman huli man daw at magaling. Ay huli pa rin. Nasa sa kanila ‘yon pero pagpapasyahan ‘yan ng impeachment court.

CB: Pero Sir, tama po ba na hindi pumirma ‘yung mga kongresista na may kamag-anak na senador? Tama lang po ba ‘yon?

CHIZ: Tama lang ba? Desisyon nila ‘yon, Cely. Kabilang ‘yung kapatid ko doon pero ang sa pagkakaalam ko, ‘yung kapatid ko kasi ay may nauna ng schedule na biyahe sa ibang bansa. Ngayon kung talagang ‘yon lang ang rason na may iba pang rason mas marapat na siya siguro ‘yung tanungin niyo.

CB: Pero siguro dahil iniiwasan nila na makuwestiyon dahil magiging impeachment judge ‘yung kanilang kamag-anak na senador kaya siguro hindi sila—

CHIZ: —Mahirap sabihin naman ‘yan, Cely, dahil mayroon ding mga senador na may kamag-anak na pumirma.

CB: Pero Sir, bagama’t sabi niyo nga wala pang katiyakan ‘di pa mangyayari ‘yung impeachment trial dahil mahaba pang proseso at susundin niyo kung ano ‘yung nasa rules o kung ano ‘yong na nasa batas pero this early sinabi na  ni VP Sara na hindi siya kin  to the impeachment trial dahil baka  daw ho ma-intimidate ‘yung mga  senator-judge kapag siya ay  nag-attend.

CHIZ: Ganoon? ‘Dii naman siguro. Tinitiyak ko sa kanya hindi kami ma-intimidate, Cely, pero karapatan niyang ‘wag mag-attend sa arraignment dahil nga, sang-ayon sa aming rules, ang arraignment ay puwedeng gawin in person or through counsel. Subalit isa lamang naman, ‘di ba noong nag-usap-usa tayo dalawa lamang naman ang exception sa pag-attend ng isang defendent akusado o respondent sa arraignment kung criminal case ‘yan pero hindi kailangan sa impeachment o kung kailangan siyang i-identify ng isang testigo para maturo in open court na siya nga ‘yung nandoon. ‘Yon kinakailangan niyang mag-attend pa for identification purposes mula sa magkabilang panig, Cely.

CB: Pero sabi niyo nga, Sir, puwede rin umabot sa punto na mag-decide ang impeachment court kung ipapa-subpoena siya sakaling kailangan nga siyang padaluhin sa impeachment trial?

CHIZ: Tama ka, Cely, pero ang naiiwan na nga lang na posibilidad na siya’y ipa-subpoena at patawag ay kung kailangan siyang i-identify ng testigo.

RE: Sir, nabanggit ni VP Sara, ‘no, that she does not plan to attend the impeachment trial, if ever na matuloy ito ‘no. Will this mean na she will waive her right sa proceedings na ito sakaling hindi siya umattend? Is just the same sa regular court?

CHIZ: Yes, by analogy tama ka, Raoul. She has the right to waive her right to personally appear and confront the witnesses against her. But of course, she must be represented by counsel during the entirety of the proceedings. Hindi ko masyadong importansya o pagpapahalaga, Raoul, kung ano man ang gustong gawin ni VP Sara mag-attend man o hindi. Basta’t sumusunod siya sa proseso ng impeachment court kapag nagsimula na ito.

CB: Sir, would you like to comment, kasi noong sinabi kay VP Sara, anong masasabi in-impeach ka ng Kamara, ang sabi niya mas masakit pa daw ‘yung iniwan ka ng jowa mo kaysa sa ma-impeach. And at the same time, ang sabi niya, ang initial reaction din niya, “God save the Philippines.”

CHIZ: Hindi na para sa ‘kin na komentaryohan pa anong mga pahayag ng Ikalawang Pangulo gayon din sanang hihiling ko hihilingin ko sa mga miyembro ng Senado dahil nga naisampa na ang impeachment complaint at tiyak na makakarating na kami sa trial hanggang matapos ito. Ito’y constitutional duty na ng Senado para tapusin at hangga’t maaari hindi ko ipagkokomentaryohan ang aking personal na pananaw ‘yung mga lumalabas na namumutawi sa bibig ni VP Sara na may kinalaman sa impeachment proceedings.

CB: Kasi some are saying na hindi daw siniseryoso ng Bise Presidente. Beyond comparison daw para ikumpara sa pakiramdam nang iniwan ng jowa ‘yung issue ng impeachment.

CHIZ: Alam niyo, masaya man sa malungkot, gusto man niya ‘to o ayaw niya ‘to, wala naman na siyang magagawa wala na rin kaming magagawa Cely. Pare-pareho at sabay-sabay bilang isang bansa wala na rin tayong magagawa. Ito’y legal na prosesong dapat susugan na natin hanggang matapos. Kung ano man ang pakiramdam niyo—pagod, ayaw, balewala, masaya, malungkot, naluluha-luha—walang kinalaman ‘yon sa realidad ng proseso ay dapat ng susugan at sundan hanggang matapos ito.

CB: At obviously Sir, hindi na maiiwasan na hindi maging election issue itong impeachment kay VP Sara dahil ‘yung PDP-Laban headed by former president Rodrigo Duterte nanawagan na sa mga botante na sa May elections iboto daw po ‘yung kanilang mga kaalyado  dahil, kumbaga ,dito nakasalalay  ‘yung kapag daw na-convict,  mapipigilan na si VP Sara na  makatakbo sa 2028. Kumbaga, dito daw nakasalalay ang kapalaran ni VP Sara para sa 2028 Elections.

CHIZ: Well, sinabi ko na ‘yan noong huli tayong nagkita, Cely, ayaw niyo nun, magiging isa sa mga election issue ito. At least, sa maikling bahagi o parte man lamang ay magiging issue-based ang halalang ito sa mga tatakbo bilang senador o bilang kongresista—anuman ang iyong posisyon sa political spectrum, pabor o kontra ka man sa impeachment. Pero patuloy ang aking magiging panawagan bilang taga-pangulo ng Senado sa aming mga kasamahan ngayon, sa senador na tumatakbo hindi tatakbo, tatakbo, tumatakbo na maaaring manalo o kahit hindi maaaring manalo tumatakbo,  sana maghunos-dili sila dahil kung sila’y  mapipili bilang isa sa magiging  parte ng 20th Congress uupo  sila bilang impeachment judge. Ang hirap namang sabihing i-a-acquit ko, boboto ako para i-convict hindi pa naman nila nakikita ‘yung ebidensya. Ang hirap naman magpasya base sa paninindigan mo ng wala ka pang nakikitang ebidensya ni isang piraso pabor o kontra sa ini-impeach na opisyal. Pangalawa, bakit ‘yung ba ang trabaho ng senador? Umupo bilang impeachment judge. Mahirap naman na ‘yon lang ang plataporma sa pagtakbo. ‘Yon na lamang ba ang gagawin nila kung saka-sakali? Hindi naman siguro.  Ang impeachment trial ay tatagal ng dalawa pinakamatagal na siguro tatlong buwan. Hanggang tatlong buwan, pagkatapos nun, mayroon pang naiiwang limang taon at siyam na buwan. ‘Di mag-re-resign na rin ba ‘yung may plataporma na ganyan lang? Hindi siguro. So dapat sabayan niya ng iba pang plataporma maliban sa iboboto niya o botong ibibigay niya sa impeachment trial.

RE: With all the technology right now, ‘no, na kaliwa’t kanan. How do you remain balance in your decision making na hindi kayo maapektuhan if ever na matuloy na maging impeachment judge po kayo?

CHIZ: Raoul, ang timeline ko sa social media ang pinapanood ko hindi pulitika.  Showbiz, mga fun facts, mga bagong scientific discovery sa kalusugan. ‘Yan ang algorithm na timeline ko. Kaya hindi ako gaanong naapektuhan ng mga banat, batikos, puna o paalala, pabor o kontra sa anumang isyung kinakaharap ko kahit na hindi tungkol sa impeachment para magawa ko pa rin kung anong tingin kong tama sa aking pananaw, karanasan at kaalaman.

CB: Sir, naalala ko kasi parang si Atty. Macalintal may sinabi na parang hindi siya kumporme sa sinasabi na puwedeng ipagpatuloy itong impeachment trial kahit sa 20th Congress, hindi puwedeng carry-over dahil may hiwalay daw na rules na sinusunod ‘yung impeachment court at hindi applicable dito kung ano ‘yung   rules mayroon ng mga regular court.

CHIZ: Well, ginagalang ko ang opinyon ni Atty. Macalintal, pero hindi ako sang-ayon kung tingin niya mali ang ginagawa naming. Malaya siyang puwedeng maghain ng kaso sa Korte Suprema pero tulad ng sinabi ko, Cely, gagalangin namin anumang pasya ng Korte kaugnay niyan pero hangga’t walang ini-issue ang TRO na tila sumasang-ayon pansamantala sa sinumang nagsasabing hindi puwedeng gawin ‘yan, magpapatuloy kami sa aming trabaho.

CB: Sir, may itatanong si Marlon Ramas muna, kailan po sisimulan pag-usapan ng Senate ang impeachment rules also have you communicated with the Supreme Court since the chief justice ay dito po, Sir, ‘di ba hindi naman presiding, hindi chief justice ang magiging presiding officer?

CHIZ: Parang mali ang tanong, Cely.

RE: Anyway.

CB: Pero sagutin muna niya kung kailan pag-uusapan.

CHIZ: Uupo lamang bilang presiding officer ang chief justice kapag presidente po ang ini-impeach. Kapagka iba ang impeachable officer, vice president pababa, mahistrado ng Korte Suprema, constitutional commissioners, senate president lang po ang uupo bilang presiding officer. Wala pong kinalaman o pakialam ang chief justice o Korte Suprema diyan.

CB: Pero Sir, ‘yung tanong niya na kailan sisimulang pag-usapan ng Senate ‘yung impeachment rules?

CHIZ: As soon as ma-draft ‘yung rules ng legal ng Senado at ng consultant na kukunin pa lang naming, papadala namin sa mga miyembro para mapag-aralan. I-refer din nila sa kanilang mga consultant at mga legal experts, upang sa gayon, pagbalik namin sa June 2, papag-usapan na namin ‘yung rules at ng mas mabilis-bilis ng kaunti ‘yung aming debate at pag-approve ng rules.

CB: Sino ‘yung mga kukuhanin niyong mga legal consultant na magda-draft ng rules?

CHIZ: Wala pa ehKukuha pa lang kami ng rekomendasyon kasi, Cely, ang problema kung pormal na kukunin namin ‘yan may bidding pa ‘yan, pero kung consultant, pipiliin namin ang persona. Pero ang problema, ang dami ng kumukuha ng abogado mula sa magkabilang panig, tila may conflict of interest ‘yan kapag ka kinuha namin at abogado din ng law firm ng prosecution o ng depensa so buong ingat naming gagawin ‘yong pagpili ng legal consultants sa bagay na ito.

RE: Senator, can you be frank with us, ‘no, mayro’n ba kayong natatanggap na pressure from any side from pro-Duterte o anti-Duterte side na madaliin or patatagalin ninyo itong impeachment trial na ito?

CHIZ: I’ll be frank and have been very candid frank about this, Raoul, ironically—I say ironically, kasi hindi ako sanay na walang ganoon—wala o baka mas matanda na lang ako na wala, balewala na sa ‘kin ‘yung mga ganyan.  Dahil pag sinabi mong pressure, puwede naman ‘yan sa pamamagitan ng bashing. Kapag sinabi mong pressure, puwede naman ‘yan sa pamamagitan ng pagbanat sa ‘yo sa column. Pero sa ngayon, sa puntong ito ng aking karera, makalipas ang dalawa’t kalahating dekada, wala na sa ‘kin ‘yon. Basta’t dedesisyunan ko ang mga bagay-bagay base sa kung ano ang tingin kong tama.  Sino man ang mapaboran nito dahil trabaho namin ‘yon. But to be fair, kapag ang tinatanong mo may nag-text ba sa akin na ganito-ganito, may tumawag ba sa ‘kin na gusto makipag-usap na gan’to gan’to, wala. Hindi ko alam kung magandang bagay ‘yon o pangit na bagay pero wala.

CB: Wala, Sir, directly pero indirectly marami, ‘di ba? Ang daming nananawagan, ‘no, dapat simulan na.

CHIZ: Sa social media. May ilang mga kaibigang pabor ng impeachment, na gustong makipagkape pero malamang magtatanong lang naman sila ng procedure base sa pagkakakilala ko sa kanila. At kung talagang kilala nila ako, kaya nga kaibigan walang magagawa anumang pressure na gawin nila matapos kong magpasya magdesisyon at sabihin na sa publiko ‘yung aking desisyon.

CB: Pero Sir, sabi n’yo nga, kukuha kayo ng consultant, magda-draft ng rules.  It means ang pagsasagawa ng impeachment trial ay magkakaroon ng additional gastos sa bahagi ng Senado?

CHIZ: Kaunti lang dahil kung makikita mo ‘yung plenary, ginagamit naman namin pang-committee hearing minsan. lalo na ‘yong malalaking hearing. So ang pagkakaiba lamang naman sa gastos ay ‘yung plenary. Hindi naman namin pinapatay ‘yung aircon at ilaw doon, ‘di ba, maski na wala pa ang plenary session. So ‘yung gastos sa kuryente ganoon pa rin naman. Inaabot kami ng alas-onse ng gabi. So normal pa rin ‘yon. Ang nakikita ko lang dagdag-gastos, siguro, ay ‘yung accommodation na ibibigay namin sa publiko at sa media para ma-cover ito, para sa ating mga kababayan. ‘Yung legal consultants na karagdagang gagastusin namin pero maliit na gagastusin lamang ‘yon.

CB: So wala kayong—

CHIZ: In fact, bagaman walang item sa budget ng Senado ang impeachment process kaya na ‘yan ng regular na budget ng Senado. Hindi namin kailangan humingi pa ng dagdag na budget para diyan.

CB: So walang initial estimate, Sir, ng magiging additional expenses na kaya niyo naman palang tustusan?

CHIZ: Wala pa. Nagpabuo pa lang ako ng komite na magdedesisyon ‘yan.  Kabilang na, Cely, ‘yung paggawa noong, alam mo, ‘yung parang witness stand ‘yung uupo doon ‘yung testigo para malapitan ng abogado ‘yung ganoon ba kamukha ng dati pero kahoy lang ‘yon maliit na gastusin lang din ‘yon kayang-kaya na ng Senado ‘yon.

CB: So, Sir, kung may mga unfinished legislative matters pa kayo puwede kayong mag-usap ni Speaker Martin Romualdez para mag-decide kung kinakailangan niyong mag-request ng special session?

CHIZ: Oo pero sa ngayon, Cely, may 6 na session days pa kami mula June 2 pagbalik namin. Sa palagay ko ‘yong apat o limang panukalang-batas na nabanggit natin noong nakaraan ay sapat na para maipasa at maihabol ‘yung mga panukalang-batas na ‘yan. Sasabihin ko ulit ang Konektadong Pinoy, e-Globo, Mining Fiscal Regime, Rightsizing o Optimization bill at siguro ilang mga local bills pa na kailangan naming habulin.

CB: So personally, sa tingin niyo kakayanin ‘yon kapag nag-resume na lang ‘yung session at wala kayong nakikita for now na mag-request ng special session?

CHIZ: Wala. Ulitin ko Cely, wala at ang nababanggit lang naman ng special session na ‘yan kaugnay ng impeachment. So ulitin ko, wala kaming gagawing espesyal na kakaiba dahil lamang dito. Dahil kapag may ginawa kaming espesyal at kakaiba para na rin kaming may pinaboran na panig o side. Tatratuhin namin ito tulad lamang ng iba at ordinaryong impeachment process. Hindi namin ito panggigigilan. Hindi kami magpa-panic kaugnay nito. Hindi ka rin magmamadali kaugnay nito. At hindi rin namin ipagpapaliban ito ng hindi kailangan.

CB: So, Sir, mag-start na ‘yung campaign period next week.  Bilang Senate President, maraming re-electionist, ano po ba? Mayroon ba kayong tutulungan at bilang Senate President? O may obligasyon ka ba na tulungan ‘yong mga re-electionist senator, Sir?

CHIZ: Well, kapag hiniling nila kasi baka mamaya, Cely, isipin nila o sa isip nila hindi ako makakatulong sa kanila ba’t naman ako mag-vo-volunteer. Kapag hiniling ang tulong mo siyempre doon ka pa lamang mag-iisip at sasagot kung tutulungan mo pero mahirap naman mag-volunteer tumulong na ayaw naman at hindi naman hinihingi ‘yung tulong mo.

CB: Pero mayroon po bang mga nag-re-request na ng tulong niyo sa mga re-electionist?

CHIZ: Well, nagpa-endorse sa ‘kin no’ng last day sa video si Senator ‘Tol’ Tolentino siya pa lang. Hindi ko alam kung saan niya papalabas ‘yung video ko ilalabas niya ‘yung video, pero hiniling niya ‘yon noong huling araw namin.

CB: So, may nag-commit ka na, Sir, kay Tol, Senator Tol?

CHIZ: Paano mo naman tatanggihan majority leader ko siya kasamahan ko siya at ang kailangan siya sa Senado?

CB: Oo nga, Sir. Are you hoping na maraming ma-elect sa May 2025 Election na mga lawyers kasi napaka-importante, ‘di ba, Sir, abogado ang mga lawmakers?

CHIZ: Hindi ganoon kahalaga, Cely, kasi para ko naman tinatawaran ‘yong kakayanan nung mga hindi abogado.  Gaya nang sabi ko sa ‘yo, abogado man o hindi, kailangan mag-aral pa rin mag-review at magpakadalubhasa.  Tasahan ‘yung kanilang kaalaman sa rules and evidence and procedure, abogado man o hindi. So, on equal footing kami. Pantay-pantay lang kami. Abogado man o hindi lahat kami kailangan mag-review at mag-aral.

CB: Sir, may mga nagpapatanong, bagama’t ito’y approve na sa Senate, pero ano daw ‘yung chance na ma-approve sa Kongreso bago matapos ang 19th Congress itong panukalang legislated daily minimum wage hike for the private sector?

CHIZ: Malayo agwat ng Senado at Kamara. Pag-uusapan ‘yan sa bicameral conference committee. One hundred ang Senado, two hundred ang Kamara. Titingnan namin kung magkakasundo ang magkabilang panel niyan. Ang chairman ng Labor sa Senado ay si Senator Joel Villanueva. Hindi ko kilala o kabisado kung sinong chairman o counterpart niya sa kamara.

CB: Pero puwede ba ito na maihabol pa? Baka maging election issue din ito, tingnan ng mga tao sino ‘yung mga hindi ginawa, ‘yung trabaho para ito’y maihabol.

CHIZ: Well, approved na ‘yan on third reading ng magkabilang Kamara. Bicam na lang naman ‘yan, Cely, ‘di na kailangan ng plenaryo diyan. So, third reading na ‘yang dalawang ‘yan mag-ba-bicam na lamang ‘yan.

CB: So may tiyansa, Sir, ‘no, bago—

CHIZ: —Na third reading ba sa House? Na third reading namin ‘yon sa Senado?

CB: Sa House po yata—

CHIZ: Parang hindi yata na third reading sa House, Cely.

CB: Second reading lang, Sir, yata sa House.

CHIZ: Kasi in-approve, ni-report out ‘yan Lunes. So imposibleng ma-third reading nila ‘yan. So malamang ma-ta-third nila ‘yan sa June 2 pa.  So wala pang bicam sa recess.

CB: So last message niyo na lang, Sir, bilang sabi nga, ‘di ba, ang limelight daw ngayon nasa Senate. Parang malaki ‘yung burden na nasa kamay mo bilang Senate President at bilang tatayong impeachment presiding officer sa impeachment court.

CHIZ: Ang isang bagay lamang siguro nais kong iparating sa ating mga kababayan, ang impeachment ay isang legal, constitutional na proseso na nakasaad sa ating Saligang-Batas kung paano mapanagot ang pinakamatataas nating opisyal hindi po natin ito dapat ikabahala hindi ito dapat katakutan hindi ito dapat takbuhan palayo at maging rason para magpaapekto tayo sa ordinaryo at pang-araw-araw nating buhay. Bahagi po ito ng puwedeng maging trabaho ng Senado na siyang gagampanan po namin ng may buong tapang at ng walang kinikilingan at sumusunod sa itinatalaga ng batas. Ang trabaho naming, Cely, bilang impeachment court, Raoul, ay hindi mag-convict o mag-acquit, pero tiyakin nagagawad kami sa ng hustisya sa nagrereklamo at sa inirereklamo anuman ang kalabasan ng trial na ‘yan.

CB: On that note, maraming salamat at advance happy birthday kay Heart—February 14.

CHIZ: Akala ko makakatipid ako ng bulaklak kapag ganoon. ‘Yon pala, hiwalay pa rin ‘yung bulaklak sa birthday tsaka sa Valentine’s.

CB: So dalawang bulaklak?

CHIZ: Akala ko, package na, hindi pala. Kapag walang card—

CB: So, Sir, hindi ka makakapagbakasyon, marami kang trabahong haharapin kahit na break ang session?

CHIZ: May kaunti naman siguro uuwi ng probinsiya. Uuwi ng probinsiya sa Sorsogon.

RE: Probinsiya, ‘no.

CB: Thank you, Sir, for the opportunity.

RE: Thank you, Senator.

CHIZ: Raoul, Cely, maraming salamat. Sa ating mga tagasubaybay, good afternoon.

CB: ‘Yan po, mga kaibigan, Senate President Chiz Escudero.