KAPIHAN SA SENADO

 

CELY BUENO (CB): Good morning, everyone. Welcome to our weekly Kapihan sa Senado. And this forum is brought to you by PROs, headed by Ms. Glenda Olid. And our guest for today is the newly-elected Senate President. So let us all welcome, Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero. Hi, Sir. Good morning.

SENATE PRESIDENT FRANCIS ‘CHIZ’ G. ESCUDERO (CHIZ): Good morning. Nakatingin sa akin.

CB: Sir, this is your fourth day as Senate President, kumusta po? Marami po bang pagbabago at adjustment na nangyari sa buhay niyo?

CHIZ: Hindi naman pareho pa rin. Mas maraming responsibilidad lang bigla at biglang mas maraming pinipirmahan dahil bilang ordinaryong miyembro ng Senado hindi naman ako procuring authority, hindi naman ako considered administrative head ng Senado opisina ko lang ang pinapatakbo ko ngayon parang noong governor ako halos pareho ‘yong bilang at dami ng voucher at PR na pinipirmahan ko. ‘Yon lang naman ang pinagbago at pinagkaiba.

CB: And what will be your leadership style? Magiging ano ka ba, istrikto, flexible, transactional?

CHIZ: Hindi ko alam kung ano ang tawag sa klase, uri ng liderato ko dahil hindi ko naman kinokonsidera ‘yong sarili ko bilang lider talaga. Ang tingin ko sa sarili ko, imbes na lider ay tulay para mapag-abot ang mga magkaiba na tila ay hindi nagtutugma na mga pananaw, opinion o pangangailangan. Ang trabaho para sa akin ng bawat lider, maitulay at maitawid ‘yon.

CB: And what is your plan for the Senate as institution, Sir, under your leadership?

CHIZ: Pag-uusapan pa namin, inaalam ko pa lang. Sorry, kaya nga kung naalala niyo doon sa plenary dapat daw mag-organize na. No’ng sila nga unang umupo, inabot sila ng dalawa, tatlong linggo. Kami natapos naming, awa ng Diyos, ng dalawang araw. So nagsisimula pa lang, inaalam pa lang namin kung ano ang mga dapat gawin, kung ano ang sitwasyon muna. Pero definitely, isasaayos namin ang ilang mga bagay.Una, pagbigay galang at respeto sa tahanan ng institusyong ito. Naniniwala kasi ako sa simpleng paniniwala at pananaw, ‘pag maayos at malinis ang tanggapan para sa mga pinagsisilbihan naming mga kababayan natin magiging maayos at malinis din ang serbisyo na ibinibigay ng mga empleyado. Naniniwala ako na ‘pag malinis at maayos ang isang lugar papanatalihing malinis at maayos ‘yan hindi lang ng empleyado pero ng kung sino mang bibisita rito. Pero kung dati ng magulo ‘di ba magulo na nga ano ba naman. Madumi na, ano ba naman na itapon ko ulit ito. Sisimula muna kami doon.

CB: Some Senate employees, Sir, are asking, what can we expect from the leadership of Senate President Escudero.

CHIZ: Well, nag-uusap pa lang kami ng mga empleyado, ng union kanina. Nagkasundo kami na magkakausap kami kada buwan dahil nagbabago ang pangangailangan, nagbabago ang problema nila. So magandang magkaroon ng palitan na pananaw kaugnay ng relasyon ko sa union. Ang sinabi ko sa kanila, minsan sa isang buwan tayo mag-usap pero ‘wag kayong magdalawang isip magparating ng problema at humingi. Hindi rin ako magdadalawang-isip na tumanggi at sabihing hindi puwede kapag hindi kaya.

CB: Laging sinasabi, Sir, na ang Senate is the last bastion of democracy. Mananatili ba ‘yon under your leadership, Sir?

CHIZ: Wala akong nakikitang dahilan bakit hindi. Marami akong naririnig na mga salita kaugnay sa bagay na ‘yan nitong nagdaang araw. Pilit kong pinalalampas dahil sa palagay at tingin ko, bugso lamang ng damdamin ‘yon dala ng biglang pagbabago, kaganapan at pangyayari nitong mga nagdaang araw. Pero naniniwala ako na sa dulo, makalipas ang panahon, maghihilom ‘yan at ang bawat isang Senador tatayong malaya pa rin hindi laban sa administrasyon, hindi laban sa kung sino mang grupo o partido pero tatayo sa paningin niya at paniniwala niya na tama para sa ating bansa.

CB: So gaya ng sinabi ni Senator Tolentino, hindi magiging rubber stamp ng Malacanang ang Senate?

CHIZ: Kanino ba nanggagaling ‘yong mga akusasyon na ‘yan at kada bagong Senate President ba standard na question ‘yan? Kung standard na question ‘yan sa kada Senate President, sasagutin ko. Hindi at wala kaming planong gawin at mangyari ‘yon.

CB: Sir, sinasabi na very stressful ang maging Senate President dahil twenty-four independent Senate ang pakikisamahan mo. Hindi ba nag-aalala si Heart sa health niyo dahil alam naman natin na nagkaroon ka ng—

CHIZ: Ma-stress ka lang naman kung takot kang mawala sa puwesto pero kung hindi ka takot mawala sa puwesto dahil tama ang ginagawa mo at matanggal ka man sa puwesto dahil sa tamang ginawa mo wala kang dapat katakutan. Kung hindi ka takot mangyari ‘yon menos at bawas ang stress.

CB: So, hindi nag-alala si Heart sa health mo?

CHIZ: Nagpapaalala lang na uminom ng gamot pero—na i-check ang BP.

CB: Pero Sir, si former Senate President Zubiri and Senator Joel Villanueva sinabi nila na kino-consider nila kung lilipat sila sa Minority. So magkakaroon ba kayo ng effort para pigilan sila na mag-Minority at sumama sa Majority bloc?

CHIZ: Pasya nila ‘yon. Pero sa ngayon, base sa tradisyon at rules ng Senado, itinuturing namin silang bahagi ng Mayorya dahil, kung maaalala niyo, after ng eleksyon by acclamation, dalawa lamang ang nag-manifest na sila ay nag-a-abstain at hindi sumali sa boto kaya nanatili sila sa Minority: si Senator Pimentel tsaka si Senator Hontiveros. Malayang makakapag-manifest kahit anong oras basta may plenary session kami ang sinumang miyembro na umanib sa Minority. Pero sa ngayon bahagi sila ng mayorya. Pero bahagi man sila ng Mayorya o Minorya gaya ng sinabi ko sa talumpati ko mula matapos akong manumpa tinuturing ko silang pare-parehong miyembro ng Senado.

CB: Kahapon may changes na sa committee chairmanship, marami pa po bang madadagdag doon sa mababago?

CHIZ: Lahat na ng komite napunuan na naming sa ngayon. All of the standing committees were already filled up yesterday.

CB: Committee on Youth raw?

CHIZ: Kasi ‘yong Youth, pinag-aaralan naming isama sa Sports dahil Youth and Sports naman talaga ‘yon. So, kaya nabinbin lang ‘yon pero malamang papunta roon ang direksyon na aming tinatahak. Pinagpapaaralan ko lang kay Senator Tolentino sa Rules committee.

CB: Sir, ‘yong Blue Ribbon retain kay Senator Pia?

CHIZ: Lahat ng hindi binasa at ginalaw, retain po ‘yon. Kaya naman nagbago ‘yong kina Senator Joel ay dahil nagbitiw sila sa kanilang mga puwesto at position of leadership na kanilang hinahawakan.

CB: Sir ‘yong binuong subcommittee on Constitutional Amendments headed by Senator Sonny Angara, ano ‘yon abolished na po ‘yon?

CHIZ: Kasalukuyan ay walang chairman ‘yon at, sa totoo lang, tutol ako noon na bumuo ng ganyang subcommittee dahil may committee namang tumatayo ngayon na komite ni Senator Robin Padilla. Hindi ko alam kung bakit hiniwalay ‘yan, kung bakit hindi ibinigay kay Senator Padilla ‘yan dahil may standing committee naman tayo tungkol diyan. ‘Yong matatagal sa Senado, matagal walang ginagawa ang Committee on Constitutional Amendments, hindi ba? Wala halos hearing ‘yan. Ngayon lamang nagkakaron ng, ika nga, buhay ang Committee on Constitutional Amendments. So pag-uusapan pa ‘yan during the recess, siguro, kung ano ang gagawin dahil nagbitiw si Senator Angara at para sa akin nga dapat bahagi ‘yan ng Committee on Constitutional Amendments at hindi dapat ihiwalay para naman makita nating gumalaw at tumakbo ang komiteng ‘yan na matagal nang natulog.

CB: So, kung sakali, si Senator Robin na ang magpapatuloy ng sa RBH 6?

CHIZ: Kung sakali. Kung gusto niya, dahil sa Senado naman, hindi ba depende sa chairman? Kayo naman, may mga ayaw tumigil nga at gustong magpatuloy, ‘di ba. Kanya-kanyang desisyon ‘yan. Kanya-kanyang pasya ‘yan. So, kung ibalik namin sa kanya, desisyon niya kung siya ay magdidinig.

CB: And then si House Speaker Romualdez mayroon siyang panawagan na sana raw under your leadership ma-consider ang approval ng, nitong proposed “economic cha-cha.”

CHIZ: Mag-uusap kami ni Speaker Romualdez nitong darating na mga araw. Nagpadala na siya ng congratulatory message at nagpapasalamat ako. Sabi ko sa kanya, mag-usap at magkita kami sa darating na linggo marahil para mapag-usapan una sa lahat ang relasyon ng Kamara at ng Senado. Na sana maayos, wala ng palitan ng maanghang na salita dahil kahit na hindi kami nagkakasundo sa isa o tatlo o maraming bagay hindi rason ‘yon para maghugas kami ng maduming damit, ika nga, sa publiko at magsabihan ng kung anu-anong salita na hindi parliamentary sa loob o sa labas man ng plenaryo. Hindi bagay sa mambabatas magsalita ng unparliamentary remarks. Doon muna siguro kami magsisimula bago naming pag-usapan ‘yong ibang mga bagay pa.

CB: So, Sir, may schedule na ba o wala pa?

CHIZ: Wala pa. Dapat sana mamaya pero nandito ako. Wala joke lang, ikaw naman

CB: OK, question from RG Cruz.

CHIZ: Hi, RG.

QUESTION (Q): Sir, ano po ‘yung priority bills ninyo when the 3rd regular session opens?

CHIZ: Pinatanong ko na dahil kung maalala niyo nagpasumite si Senate President Zubiri ng 5 priority bills ng kada senador at pinapabalik-tanawan ko ‘yon para makita kung anu-ano ‘yon, ano na ang napasa tapos itatabi naming ‘yan sa LEDAC doon sa mga in-approve ng LEDAC na priority ng Palasyo. Itatabi naming ‘yan doon sa priority naman sa punto de vista ng mga mambabatas, mga local pet bills nila para makita naming kung ano at gagawa at huhubog ng sariling agenda ang Senado.

Q: Offhand Sir, ano ‘yung nakikita niyong mga malamang kasama doon?

CHIZ: Sa totoo lang, hindi ko pa, hindi ako naging bahagi ng LEDAC kailanman. Hindi ako bahagi ng pulong na ‘yon. Ni hindi ko kabisado at alam kung anu-ano ba ‘yong mga administration-endorsed measures. So ilang panahon malalaman ko, makikita ko ‘yong chart na ‘yon na pinagtagpi-tagpi lahat ‘yon at mula doon pipili ang Senado. Bigyan kita ng halimbawa, RG, kung may priority measure na hindi naman papasa sa Senado, hindi na naming pag-aaksayahan ng panahon at sasabihin namin sa Malacañang. Sayang ang igugugol na oras din. O kung may panukala sila na tatanggapin ang ilang pagbabagong gusto ng Senado, tatanggapin ng Kamara ‘yon posibleng mabuo ‘di ‘yon ang isusulong namin. Ganoon ang mangyayari. 14 taon na akong nasa Kongreso alam at kabisado ko na halos kung paano magpasa at hindi magpasa at kung ano ang mahihirapang mapasa at madaling ipasa na panukalang batas.

Q: Sir, I’m just zeroing in kasi kagabi pumasa sa House ‘yung divorce. Ano sa tingin mo ‘yong prospects niyo dito?

CHIZ: Actually, pag-aralan ninyo dahil may nabasa akong komentaryo, hindi ako ‘to: 129 against 109 with 20 abstentions. ‘Pag ina-add mo ‘yon, divided by 2 + 1, 127.5. 126 lang ang boto—majority of quorum ang kailangan para mapasa.

Q: Sir, this morning binago nila ‘yong—

CB: Puwede ba ‘yon, Sir?

CHIZ: Hindi ko alam—

Q: Sir, as a former congressman, ano ang ibig sabihin nang binago ang boto?

CHIZ: Posibleng nagkamali. But you have to understand, always presume na regularly-performed ang function ng empleyado, unless there is proof to the contrary. Pangalawa, parliamentary practice dictates—natawa ako dahil binago dahil hindi ko alam ‘yon. Parliamentary practice dictates—

Q: —This morning lang, in-announce. This morning lang.

CHIZ: Hindi ko pa alam ‘yon. Na galangin kung ano ang proseso at ginagawa ng magkabilang Kamara. Pero maliwanag na ‘yong mga anti-divorce may puwedeng mapulutan at magamit na basehan para kuwestiyunin ito.

Q: But on a policy-level, ano sa tingin mo ‘yung bugso ng mga senador d’yan?

CHIZ: Chance ng divorce dito? Ang posisyon ko kaugnay ng divorce ay conscience at personal vote ito. Walang party, walang Majority or Minority stand dito, personal na desisyon base sa kani-kanilang paniniwala at relihiyon ang mangyayari d’yan sa kada senador. At bilang taga-pangulo ng Senado, wala akong balak dumiin pabor o kontra dito.

CB: So hindi mo sinabi ang personal stand mo?

CHIZ: Puwede naman. Ang personal stand ko ay ito, mas nais kong palawakin at gawing affordable at accessible ‘yung annulment na nasa Family Code natin ngayon. Sa papaanong paraan? payagang ang PAO tanggapin ang mga kasong tulad nito. Nagsabi na ang Supreme Court na hindi na kailangan ng psychologist para mapatunayan ang psychological incapacity at pangatlo, para mas maliwanag, i-define ng Kongreso kung anu-ano nga ba ang psychological incapacity. Menos away, menos gulo, menos debate dahil matagal naman na ‘yang nand’yan at tandaan niyo ang nagpasa ng Family Code ay si dating Pangulong Corazon Aquino na hindi mo naman masasabi na hindi kaalyado ng simbahan ng mga panahong ‘yon hanggang ngayon marahil.

Q: Sir—

CHIZ: So may paraan na ganoon. ‘Yon ang posisyon ko. Kung ang mapapasa, hindi ko pa nababasa ang bersyon ng House ay bersyon na talagang divorce na, makurot, mag-away, mag-sigawan hindi ko pa nababasa, so depende malawak ang spectrum ng depinisyon ng divorce.

Q: Sir, last question ko naman po, kasi, theoretically, dahil nga mag-e-eleksyon na next year, you have one year left as Senate President, do you think that’s enough time to accomplish ‘yung goals mo as Senate President?

CHIZ: Ano ba ang goal ko as Senate President? Exactly. Ang trabaho ng sinumang pangulo ng Senado, tiyakin na maayos at tumatakbo ang kapulungan na pinamumunuan niya. Tiyakin na magagawa ang trabaho base sa paniniwala, prinsipyo at konsensya ng kada miyembro. Alagaan ang institusyon at ang mga empleyado nito. Maliban sa personal kong adbokasiya bilang ordinaryong miyembro ng Senado at kumakatawan din sa constituents na naglagay at bumoto sa akin dito, ala akong ibang pangarap o ambisyon bilang Senate President maliban sa gampanan ang tungkulin ko.

CB: Sir, balikan ko lang ‘yung Cha-Cha. Noong last ChaCha hearing sa Baguio, inamin na rin ni dating Senate President Zubiri na kulang pa ‘yung numero dito sa Senate para nga makalusot ‘yong Cha-Cha. Under your leadership, do you think mas lalo pang kakaunti ang bilang dahil, in fact, hindi ka supportive doon sa Cha-Cha?

CHIZ: Hindi ko alam. Ang hindi ko maintindihan nga bakit naghe-hearing pa sila ni hindi na pinag-uusapan ito. So, ayaw ko munang magkomentaryo tungkol diyan at ang usapan naming noong una ay malayong agwat dapat ng kada hearing. Biglang napapadalas yata ‘yung hearing. Pero sa ngayon, gaya nang sabi ko pansamantalang pagpapaliban naming ‘yan para isaayos kung sakali kung sino man ang mamumuno niyan. This is a pending measure, so we have to decide one-way or the other on how to go about it. But my trust right now, without consulting yet my colleagues in the Senate, would be to assign it to where it should be assigned.

CB: So hanggang kailan ‘yung pagde-decide niyo tungkol dito, Sir?

CHIZ: Hindi namin magagalaw ‘yan hanga’t wala kaming plenary session. We cannot do it during recess.

CB: So, sa resumption na.

CHIZ: Yes.

CB: OK, Nimfa.

Q: (inaudible) chairman ng subcommittee on constitutional amendments? So—

CHIZ: Nag-resign si Senator Angara at subcommittee. Hindi pinagpapasyahan kasi sa floor ang subcommittee, ‘di ba ina-assign lang ‘yan usually ng chairman sa pamamagitan ng sulat? Kagabi lang dahil nagkaroon ng kaunting problema sa referral kaya sa Floor binanggit ‘yung pagiging subcommittee ni Senator Padilla sa mga bill na finile niya na gusto niyang i-hearing kasi ngayong recess. Pero usually, hindi naman inaano sa Floor, pinagpapasyahan sa floor ‘yung subcommittee.

Q: So hindi deliberate na walang chairman because you are against—

CHIZ: Hindi ko rin kasalanan na nagbitiw sila.

Q: And then may binanggit kayo kanina na kung wala namang chance na pumasa bakit niyo pa pagkakaabalahan. Isa ba sa tinutukoy niyo itong Cha-Cha?

CHIZ: Posible, dahil ‘yung huli kong tingin ay tila kulang at hindi makakarating. Hindi ito ordinaryong botohan ng majority of quorum. Hindi ito ordinaryong botohan ng majority of all members. Hindi ito parang pagpasa ng treaty na two-thirds mas mataas pa ‘to, three-fourths ‘to.

CB: So, kung kakausapin ka ni Speaker Romualdez about it, you will be honest enough para sabihing—

CHIZ: Gaya nang sinabi ko kanina, libre magsabi basta libreng tumanggi kapag hindi kaya. Mas mahirap mangako ng hindi naman kayang ibigay. Raising false hope, I believe is by far a bigger sin or crime than just simply saying no if you really can.

CB: Sir, ‘yung proposed amendments sa rice tariffication isa rin sa gusto ng House na sana i-consider ng Senate.

CHIZ: Gaya nang binanggit ko, naging transparent ako sa inyo. Isa sa narinig kong pinag-usapan ‘yan ni Pangulong Marcos at ni Senator Villar at ang nag-bring up si Senator Villar at mukhang nagkasundo sila ayon na mismo kay Senator Villar dahil hindi naman ako talaga bahagi. Naki-tsismis lang ako doon sa usapan nila sandal tapos iniwan ko na sila mag-usap. Pero pagkatapos no’n tinanong ko si Senator Villar, sabi niya naintindihan naman ni President Marcos ‘yung kanyang mga pagbabago at suwestiyon at sabi niya ay nagkasundo sila. Ayon kay Senator Villar.

CB: OK. From BusinessWorld.

Q: Good morning, Sir. John from BusinessWorld. What measures do you plan to push for as Senate President to boost revenues and to fight the county’s energy mix amid depleting Malampaya reserves?

CHIZ: I will be speaking with Sec. Recto, hopefully next week.But I believe Sec. Recto and I are on the same page, namely, number one, improve collection first before imposing new taxes and he has said that; number two, prevent and plug leakages in government and make sure every peso is spent wisely. That’s why I question the MUP on the Floor, if you remember last week, because it will be a huge leakage if you approve it in its current shape, size and form. And number three, on the energy mix, kaya nga inaway ko rin ang DOE at saka ERC sa hearing ni Senator Tulfo last week, dahil maliwanag na hindi nila ginagawa ‘yung kanilang trabaho, hindi sa energy mix, energy supply.

I’ll give you some examples: one, wala sa energy plan ng administrasyong ito maski kahit sinong administrasyon na pababain ang presyo ng kuryente. Hindi ko nakita ‘yun sa librong ginawa nila. Nakalagay doon, “supply will be stable, supply will be enough,” pero wala akong nakitang pababain. Sabi nila magiging clean, wala akong nakikitang pababain din, bakit? Mahal ang clean. To cite you an example, wind and solar would cost about P8 to P12 per kwh. Hydro and coal would cost about P2 to P4 per kwh, tapos itutulak mo energy mix na patataasin mo ang renewable. What do they call renewable? Renewable energy is called VRE, variable renewable energy. By its very description variable, it means it’s not reliable. Hindi siya puwedeng maging baseload. In fact, technology-wise, kailangan mo ng roughly 20 percent of baseload to be able to, parang mina-magnet ‘yung energy, sina-suck to be able to suck renewable into the grid. So, for every 100mw, you need an additional 20mw plus or minus of baseload. Ano lang ba ang baseload mo? Ang baseload mo lang would be coal, hydro, geothermal, LNG, nuclear kung papayagan na. Lima ang baseload mo. So, kung increase tayo ng increase ng VRE, renewable, hindi tayo nag-i-increase ng baseload hindi natin magagamit lahat ng ginagawa natin and you have to remember wind and solar are only good for only 4 to 6 hours a day unless i-battery mo. Kapag nag-battery ka naman mas magastos pa.

Tanungin nga natin ‘yong mga Pilipino ano ba ang gusto niyo? Renewable tayo na maraming wind puwede nating ipagsigawan, 60 percent tayo o mura ang kuryente? The carbon footprint is approximately .03 percent, between the US and China 50 percent sila, tapos ‘yung maliliit at mahihirap na bansa ang gusto nilang magbawas? Magbawas kaya sila mas malaki ang epekto nun sa mundo.

These are some considerations. Now the DOE has a policy, we will maintain and the ERC kaya pinipigilan nila ang pag-approve ng mga applications ang target nila is 25 percent reserve. Saan nanggaling ‘yon? Who cares if our reserve is 100 percent or 200 percent, ‘di ba law of supply and demand ‘yan? The more supply, the lower the cost. The less supply, the higher the cost. So why don’t we encourage everyone to build power plants and make it 100 percent reserves, 200 percent reserves. I don’t understand that point of view and that policy. Sorry for the lengthy answer.

CB: Sir, supportive kayo sa—

CHIZ: Wala na tuloy na tinanong na sunod.

CB: May follow-up ka?

CHIZ: Wala na nga. Napahaba ang sagot.

CB: So, you are against renewable energy dahil mahal?

CHIZ: I’m not. But we should prioritize all but we should also factor in lower cost. Why is it not in the policy? Hindi ba tayo puwedeng mangarap ng kuryente na mura at malinis? Puwede naman, ‘di ba? Hindi ba tayo puwede mangarap ng kuryente na marami pero malinis pa rin? Posible naman ‘yon.

Ang problema, the richer countries started that technology sold this idea and opened credit lines to the poorer countries only in these avenues that they are supplying, but they are not cleaning up. Again, the carbon footprint, and carbon emission of the United States and China, between the two of them is about 50 percent. The remaining 50 percent lahat na ng bansa sa mundo ‘yon. ‘Di ba parang, kayo nga hindi niyo ginagawa, ‘di ba leadership by example tayo dapat. Let me clarify, I’m not against renewables, I just want a sound policy concerning power na hindi lang ang trust ay clean, clean, clean dapat clean, reliable, and affordable.

CB: Sir, may pending bill, ‘yung Senate Bill No. 2247 filed by Senator Raffy Tulfo seeking na ma-promote and development of a comprehensive and integrated legislative policy para raw sa rapid development ng Philippine natural gas sector. Are you in favor of this, Sir?

CHIZ: In principle, yes. But we have to look at certain provisions. That’s one example. LNG is considered renewable again that’s one of the few renewables na—

CB: Bababa daw ang ano yata dito, ‘di ba energy—

CHIZ: ‘Yan din ang ipinangako nila sa EPIRA hindi naman nangyari.

CB: OK.

CHIZ: Hindi ba? My only concern about that bill is, number one, the provision that says first dispatch, unang gagamitin. P8 roughly per kilowatt/hour ‘yon. Ulitin ko, P2 to P4 ang hydro at coal for first dispatch natin. Again, ang policy kasi is clean not affordable. So imbes na P2 per kilowatt/hour babayaran natin P8. Gusto ba natin ‘yon? Bakit first dispatch?

At paano mangyayari ngayon ‘yung CSP? CSP is collective selection process, parang bidding ‘yon ng mga electric cooperatives sa kuryenteng bibilhin nila. Kung ang first dispatch mo, ‘di hindi na lowest bidder na naman baka nga highest bidder pa dahil ang nasa batas na first dispatch. These are the things that we should be looking at. Again, we look at, I’m not against LNG but we are looking at making energy clean, reliable and affordable. Hindi lang clean period.

CB: Baka akala lang, Sir, kulang ang nag-i-invest pagdating sa renewable kaya mahal pa rin.

CHIZ: Hindi kulang ‘yung technology wala pa talaga doon. Wala pa talaga doon ‘yung technology. It will get there probable but right now it’s not yet there. It’s still costly to produce it.

CB: Sir, on the continuous illegal activities, criminalities pagdating sa operation ng POGO, naaalala ko noon parang ang stand mo bakit mo idadamay ang iba na legal ang operation pero ngayon kahit legal POGO involve na rin sa human trafficking. So, is it about time ba na umaksyon ang Executive?

CHIZ: At the same, ‘di ‘yung legal POGO na nahuling gumagawa ng ilegal, ipasara din hanggang maubos. My point is, ang krimen ay krimen maski sino pa ang gumawa, nagsimula man sa legal o sa simula pa lang illegal na. Kung ilegal na ang ginagawa dapat ipatigil, pero bilang polisiya naging pasya ng Pamahalaan na malaki itong puwedeng pagkunan ng revenue nila at hindi naman Pilipino ang pinapayagang magsugal dito, balik ko ang tanong sa inyo pikit-mata tayo tutok sa POGO at ipagbawal ang POGO na iba ang nagsusugal tapos pikit-mata tayo sa mga casino at lahat ng sugal na nangyayari sa Pilipinas? Na ‘yung mga nangyayari naman sa mga pasugalan at sugalang ito ay hindi ba halos pareho. Ang naapektuhan pa, Pilipino mismo at mga pamilyang Pilipino mismo.

So, kung talagang gusto nating maglinis, ‘yon lang naman ang sinasabi ko gaya ng posisyon, ito ang posisyon ni Senator Villanueva din noong nag-usap kami noon. Pareho yata kami dito, na kung tatanggalin niyo, ako ang posisyon ko kung tatanggalin ninyo, tanggalin niyo na lahat. Maglinis na talaga tayo. Mahirap ang may tinitignan. Mahirap ‘yung tila may pinag-iinitan lang at may pinapabayaan naman. Kung magkakaroon tayo ng polisiya laban sa iba’t ibang masasamang gawain na konektado sa sugal, ‘di review-hin na natin lahat.

CB: So supportive kayo kasi may tatlo ng proposed bill—

CHIZ: Supportive ako saan?

CB: May tatlong proposed bill na nai-file dito sa Senate para ho sa total ban ng POGO.

CHIZ: Hindi ko pa nababasa ‘yung panukalang batas. Babasahin ko, pero personally, ang mas gusto ko nga kung gusto natin mag-ban ng pasugalan—ito nga, hindi pa nga Pilipino ang nagsusugal—‘di i-ban na lang natin lahat. Di ba para wala ng sugal-sugal sa Pilipinas kung ‘yan talaga ang gusto natin at ‘yong mga kasamaang associated, nakadikit sa pagsuusgal.

Tulad nga, ano ba ‘yong binabanggit, trafficking, money laundering, cyber fraud. Ano ba ‘yung nangyari sa Bangladesh kung titignan ninyo yung datos at ipinakita ‘yan ng PNP mismo. Ang kidnapping, ang drugs, ang prostitusyon, lahat natagpuan sa mga casino rin. May cases naman sila, POGO, casino, kunin ninyo yung data interesting ‘yung data na ‘yun. So, it’s present in all forms of gambling, ewan ko kung bakit. Hanggang tong-its lang ako so hindi ko alam iyon. So, if it is present in all form of gambling, then let’s ban all of the forms of gambling that has it too. Bakit tayo mamimili lang.

Q: Ang nakakabahala lumilitaw na pati ‘yung mga authorities, may SAF na sinsabing protektor na ng mga POGO operators—

CHIZ: Kung meron talaga, iyon ang dapat imbistigahan para sa akin, ‘di ba? Pero ‘yung panukalang batas, regardless of my position on any issue, I’m only one of 24 when it comes to a vote. So, malaya koong bibigyang daan anumang panukalang batas at isusubject ko iyan sa botohan.

Q: So pati ‘yung committe report ni Senator Win na nagsusulong ng total ban, under your leadership, mapapag-usapan na ito sa plenary, ma-approve?

CHIZ: Again, ang pag-schedule ng mga committee report depended sa Majority Leader at titignan kung may handa na bang mag-interpellate. Ganoon naman iyon . May handa na bang mag-amend? Nasa kanya na nga ba? So, kung nasa kanya na, ‘di depende na lang sa schedule. Ang nakabinbin yata ngayon na mga bills sa dapat i-schedule ay kulang-kulang 300 o 400. So, si Senator Tolentino, sana unawain din ninyo, pangatlong araw pa lang din niya, kailangan niyang reviewhin iyun at basahin lahat, para maayos ‘yung  agenda.

Q: Cha-Cha, sabi ni Speaker Romualdez, sa akin naman basta kung ano ang makakabuti sa taumbayan, we feel that economic reforms and amendments can do that. I’m sure the Senate will consider it.

CHIZ: I thank Speaker Romualdez for being gentle with his words in so far as respecting the Senate’s prerogatives is concerned. He is my counterpart in the House, and as I’ve said earlier, I expect to meet with him soon during the break. To discuss the relationship. Mending what needs to be mended and establishing rules and protocols on how to coordinate concerning what they are pushing for and concerning what the Senate is pushing for and to be able to coordinate and avoid misunderstandings or any miscommunication.

Q: Even before magpalit ng Senate leadership sinabi na ni Senator Zubiri na 15 or 16 lang ang susuporta, so kulang talaga ng dalawa. With your leadership ang ‘yung mag-uusap kayo ni Speaker would that change anything?

CHIZ: I don’t know. Anong sabi niya 15 ang pabor? So kasama ako doon sa eight, tama ba? Kasama ako doon sa 8, hahanapin pa niya doon sa pitong iba ‘yung dagdag doon kung saka-sakali. Para sa akin, kung may sapat na boto para gawin iyon, hindi ko din hahadlangan. Pero hindi rason iyon para mabago ang posisyon kong personal. Kung isa ako sa walo na hindi binilang ni Senate President Zubiri, para mabuo niya on. Siya kase nagbibilang hindi naman ako, ay hanapin pa niya doonsa pito ng iba pa at hindi sa akin. Wala akong planning baguhin ang aking posisyon.

Q: Kaya against kayo doon dahil hindi kayo kumbinsido na ‘yung tatlong economic provision na gustong i-amend ay hindi naman ‘yun ang sagot para mag-improve ‘yung economy?

CHIZ: Oo, at para sa akin ang pangunahin grason kung bakit hindi natutulyo at nauudlot palagi ang Cha-Cha—mula noong PIRMA noong 1996, kung maalala ninyo nila G. at Gng. Pedrosa—ay duda ng sambayanan. Duda kaugnay sa ano ba talaga ng balak at motibo sa likod nito. Kung paprangkahin natin agn sambayanan at bibigyang laya ang sambayanang pumili at magsabi ng gusto niya, pabor o kontra dito, naniniwala akong mas makakrating sa dulo ito.

Q: So better kung after 2025 Elections tsaka na lang pag-usapan ang Cha-Cha?

CHIZ: Depende ‘yan kung magkakaboto. Depende kung isusulong muli nila.  Pero manantili ipagtatanggol ko at hindi ko papayagang lumabnaw anumang kapangyarihan, anumang prerogative meron ang Senado sa ngayon. Ang pagkakakilala ko kay Speaker Martin, hindi kami gaanong close pero nagkasabay kami sa College of Law, one batch higher siya sa akin, hindi kami gaanong malapit pero nagkasabay kami at sa pagkakakilala ko sa kanya ay maginoo at walang masamang tinapay si Speaker Romualdez. Hindi ko sasabihing magaling na pulitiko pero, walang masamang tinapay. Meaning hindi siya palaaway.

Q: Ang naging criticism ng ilang congressman in the past kay former SP Migz is that bakit hindi niya raw diktahan ang mga senador kung ano ‘yung dapat nila maging boto. My question for you is how will you make understand na hindi kayo ganon dito?

CHIZ: Pareho kami ni Migz nanggaling sa Kamara atang pagkakaiba lang siguro namin mas marami akong kaibigan at nakilala sa kamara, noon man o ngayon. Ang sabi ko nga kanina ang nakikita kong trabaho ko at kung anong klaseng leader ako, nais kong magsilbi bilang tulay para mapagtagpo ang hindi magkasundo, hindi para bumaliktad at magbago ng prinsipyo at pananaw, para magbigay ng daan na magkausap at magkaroon ng solusyon ang mga problema. Pagkasunduan ang puwedeng pagkasunduan, isantabi ang hindi puwedeng pagkasunduan, at pagtulunagn kung ano ang puwede nating magawa.

Q: Para kasing may mismatch kasi doon sa understanding nila. Kung baga pinapareho nila kayo sa kanila. As a former congressman, you know how It works there. So, how do you make them understand? Sabi niyo nga, gusto niyo maging tulay, na what works for them is not what works here?

CHIZ: Tingin ko, alam naman nila iyon. Pero ‘pag tumataas na ang emosyon, ‘di ba, may mga nasasabi tayo na dala na lamang ng damdamin dahil nga may ninanais at gusto sana silang makita at mangyari dito tulad ng nakikita ilang nangyayari sa kamara. Pero klaro at maliwanag naman sa kanila. Nalalaman ko ‘yun, na magkaiba at magkahiwalay ang Kamara at ang Senado

CB: Sir, kahit na two days ka pa lang namumuno as Senate President, do you think na naka-deliver ‘yung Senate doon sa gusto ng Executive na maipasa bago ‘yung SONA ulit ni Presidente?

CHIZ: Ni hindi ko alam kung ano pa ‘yung dapat i-deliver nitong nakaraang dalawang araw. So ginampanan lang naming ‘yung aming tungkulin na i-ratify ‘yung mga na-approve na sa bicam kaya nga binigay ko kay Senate President Zubiri ‘yong oportunidad at karangalan na mag-preside sa pag-approve on second and third reading ng Procurement Act. Dahil sa totoo lang, sila naman ‘yung nagbuno noon na makarating hangang sa puntong ‘yon na nagpapasalamat naman ako na tinggap ni Senator Migz ‘yung pagkakataon na ‘yon.

CB: So, Sir before the resumption ng Senate session magkakaron ba ng LEDAC meeting para sabihin ng executive kung ano ang gusto nila?

CHIZ: I don’t know LEDAC is convened by the executive not by me. So, if there will be such a meeting I will attend that meeting and if at all that would be the first LEDAC I will be attending in my life because I haven’t attended a single LEDAC. Hindi naman ako naimbita doon so hindi ko pa alam kung ano ang nandoon so malalaman ko. Pero pinatanong ko na, gaya ng sabi ko kanina, ‘di ba, ano ang priority measures ng mga senador top five. Tinanong na ‘yan ni Senate President Zubiri at Majority Leader Villanueva. Ano ‘yung mga priority ng Kamara? Ano ‘yung nasa LEDAC? Titingnan namin at pipili kami mula doon para magkaroon kami ng tinatawag nating sariling Senate agenda.

CB: Sir, bilang lawyer, dubious ba talaga ‘yong dating nitong si Bamban Mayor Alice Guo. Kahapon kasi sa hearing lumitaw na kuwestiyunable ‘yung kanyang birth certificate, late na-register tapos ‘yong parents niya ‘di alam kung nag-e-exist ba talaga ‘yong—

CHIZ: Oo, may rason para mag-alanganin tayo pero ‘yung presumption ay nananatili pa rin. Siya ay nakatakbo, siya ay registered voter, may passport siya na Pilipino siya, nasa nagsasabing hindi na patunayan ‘yon. Para klaro ang puwedeng magkuwestiyon ng kanyang citizenship at qualification bilang mayor sa pamamagitan ng quo warranto case ay ang Solicitor General lamang. Walang kapangyarihan ang COMELEC na i-disqualify siya sa puntong ito. Kung isususpende man siya ng DILG, hindi ko alam kung anong rason baka sabihin nila tingin nila hindi siya citizen so dapat may basehan doon, may basehan din ‘yon.

Kung babalik-tanaan ninyo, ‘di ba, sabi hindi daw kilala ‘yung nanay, Chinese ‘yung tatay. But if you remember the case of Senator Grace Poe, it was a decision of the Supreme Court about being a foundling. Sa kaso ni Senator Poe, hindi niya kilala ang nanay at tatay, ‘di ba? That’s why foundling and she was adopted by her adoptive parents, Fernando Poe Jr. and Susan Roces. But the Supreme Court declared presumptively that she is a citizen kasi hindi mo puwedeng i-deprive ng citizenship ang bata ‘di ba ‘yon ang sabi nila.

So, my analogy, ito may passport pa nga, si Senator Grace ginamit naming rason ‘yon sa kaso na may passport, may ID, may license may ganoon. So patunayan niyong hindi, hindi puwedeng hindi namin alam kung sino kaya siguro Amerikano ‘yan. Hindi naming alam kung sino ‘yung nanay, ‘yung tatay Chinese, Chinese siguro ‘yan. There is basic principle in law he who alleges must prove the saying. ‘Yung nag-allege na hindi dapat patunayan kung mapatunayan ‘di dapat tanggalin.

Q: Kasi yesterday si Senator Legarda was telling Mayor Guo na convince everybody that she is a Filipino. So, you are saying it should be the other way around, everybody should, the people who are accusing her should convince everybody that she is not a Filipino.

CHIZ: Let me say it this way:  the burden of proof is on those saying she is not.  Kaya nga, gaya ng sabi ng COMELEC, ministerial ang pagtanggap ng Certificate of Candidacy.  In fact, hindi sila puwedeng mag-disqualify.  Kasi ‘pag pinayagan mo ang COMELEC mag-disqualify, ‘di ‘pag may hindi gusto ang administrasyon idi-disqualify nila. So, tama lang naman ‘yon.

Sa puntong ito na nanalo na, proklamado na, ang bola ay nasa kamay na ng Solicitor-General.  Maghain ng quo warranto petition sa  korte questioning her citizenship, questioning her qualifications, and prove it in court that she’s not qualified. That’s all I’m saying. But the DILG can suspend her dahil ang requirement ng administrative case laban sa isang mayor ay preponderance of evidence lang, mas mababang uri ng ebidensya kumpara sa dapat ibigay kaugnay sa pagbabaligtad ng pagiging Filipino nino man.

Q: Pero Sir, ang main issue pa rin kay Mayor Guo ay involvement sa POGO operations at ilang kwestiyonableng business—

CHIZ: Gaya ng sabi ni Pangulong Marcos, ‘di ba, ni-raid nga nila.  Ang palagi ko lang tanong, ha, sa dami ng niri-raid bakit ba wala akong nakikitang hinuhuli? Bakit wala akong nakikitang kinakasuhan at nakukulong? Kung may mga krimen talagang ginawa ang mga ‘yan bakit deportation lang ang solusyon? Bakit walang kaso?Nasaan ‘yung criminal case?

Q: May nagpapatakas daw, Sir—

CHIZ: Ang punto ko nga, iligal kamo, ‘di ba? Bakit puro deportation ang dulo, walang kasong sinasampa dito para makulong?  So, kung meron man, sampahan ng kaso.  Kung Ilegal na POGO ‘yan at may kinalaman siya dapat ‘yan sampahan ng kaso. Marahil ‘yon ang mas malakas na kaso para suspindihin siya, preventive suspension man lang, kaysa ‘yung citizenship na dapat ihain ng Solicitor-General’s office.

Q: Sir, on that point, ‘yun nga, walang nahuhuling malalaking tao kasi sinasabi nakakatakas and all, using a helicopter, sa tingin niyo bakit ganon? Saan nagkukulang?

CHIZ: Aba, ewan ko, sila tanungin niyo. Halimbawa, maraming ni-raid ang pulis at Bureau of Customs na nagho-hoarding daw ng bigas, may nakita ba kayong sinampahan ng kaso malilban sa paghuli sa pahinante? Sa bodegero? Na maliwanag na hindi naman sila ang may-ari non.

Q: Even sa drugs, Sir.

CHIZ: Sa drugs din. ‘Yung drayber lang, ‘yung naghatid lang ng kotse, nag-drive ng kotse, nasaan? Palagi kong sinasabi, hindi naman puwedeng may crime, pero walang criminal.  Dapat sabay ‘yon.

Q: Sir, dahil kayo ay legislators, ano bang puwedeng gawing batas diyan para maisguro na mayroong mahuhuli o policy na ito, Sir?

CHIZ: Hindi yata kami puwedeng magpasa ng batas na, “Gawin niyo ‘yung trabaho niyo.”  Ang naipasa na naming batas ay, “’Pag hindi niyo ginawa, mayroong kapalit na kaso o parusa, either under the Administrative Code, Code of Ethical Standards or under the Anti-Graft Law.” Ang puwede lang maisabatas ay pagka lumabag kayo sa tungkulin niyo.  Pero kahit anong batas siguro ang ipasa namin na, “Gawin niyo ‘yung tungkulin niyo,” hindi uubra maliban na lang kung may penalty o mahuhuli.

Q: So, sa POGO, SP, ay sino ang dapat tumutok doon para masiguro na may kakasuhan, parang sa Bamban, Tarlac and all the others?

CHIZ: Lahat sila dapat magkasundo at imbes nagdedebate sila sa hearing, magkasundo dapat sila. Ang PAGCOR na nangangasiwa dito, ‘di ba? Ang DILG, ang DOJ, at ang law enforcement agencies natin? Minsan nga, nagdedebate at nagtatalo pa ang NBI at PNP at AFP tungkol sa bagay na ‘yan.  Hindi ko alam, pero, sana, I hope they will get their acts together.

CB: Sir, ang sabi hindi billion pesos kundi billion dollars ang involve sa POGO operations. So, factor kaya ‘yon kaya kahit nag-re-raid walang nahuhuli at walang nakakasuhan.

CHIZ: Bilyon naman talaga kasi kung pagbabasehan mo ang income ng PAGCOR mula sa POGO, bilyong piso naman talaga na umaabot sa bilyong dolyar kapag isinuma mo. Share pa lang ng PAGCOR ‘yan, hindi pa ‘yung kita sa POGO. So malaking pera naman talaga at puwede mo ng isipin na lahat ng Milagro at mirakulong puwedeng mangyari kapag ganyan kalaking pera ang involve.

Pero sa dulo, until and unless Congress passes a law prohibiting it, it’s the Executive discretion whether or not to allow it under PAGCOR. Ang mas gusto ko nga, at ang dapat na maging direksyon ng PAGCOR, nasabi ko na ito noon—dapat ang PAGCOR ay regulator lamang hindi operator. Saan ka ba naman nakakitaa na nire-regulate at sinu-supervise niya ang sarili niya? ‘Di ba siya ‘yung gumagawa ng rules, siya nagpapasugal? Dapat hindi siya gaming corporation, gaming commission. Nagsu-supervise lang ‘di ba, hindi nagpapatakbo ng pasugalan, hindi partner sa pasugalan. Walang porsyento sa pasugalan. ‘Di ba may percentage na income na napupunta sa kanila dapat regulator lang sila, nagsu-supervise lang sila para wala sa interes nila na manatili ‘yan kung mali na talaga.

CB: Is there a need for a legislation para i-correct ‘yon, Sir?

CHIZ: Yes, and if at all that’s one of the things we will be looking at. Not because I became the Senate President, it’s always been my position but I heard from the current president or chairman I heard from the current president or Chairman Al Tengco that is indeed the direction they are trying to take. Right now, as a policy of the board, they are already selling the casinos they own. But I think legislation is needed to convert it really as a commission. Para ‘yung taxes diretso sa National Treasury. Hindi considered income ng PAGCOR na GOCC na may share lang ang National Treasury.

Q: Ano reason behind na pagpalit ni Senator Tulfo from chairman of Committee on Energy to Committee on Public Service?

CHIZ: Kasi bahagi ang transport ng public services committee at ang advocacy naman talaga niya, kahit sino nanonood ng program niya, ay yon. Kaya nga Migrant Workers, kasama rin ang transport sector. Lumped sa Public Services ang transport sector under the Committee on Rules.  Ayaw mo nun, may ginive-up kaysa nagdagdag pa? ‘Di ba ang hirap nun?

Q: Pero kay Senator Imee, ilan na?

CHIZ: Isa o dalawa. Naiwan sa kanya apat.

Q: Apat talaga, Sir, ‘di ba?

CHIZ: Apat nga.

Q: So walang nabawas, Sir?

CHIZ: Alam ko may nabawas na isa. Basta idinagdag ang Urban. ‘Di ko na maalala kung may binawas. At malamang ngayon lamang ‘yan. Mag-aadjust yan. It will still adjust because tingin ko may mabibilaukan naman. ‘Di ba parang kapag buffet ba. May mabibilaukan naman. So, let’s give it time.

Q: Bakit nawala ang Economic Affairs kay Senator Mark Villar?

CHIZ: Bahagi ng naging usapan at kasunduan para mas maging normal ang pagtakbo ng Senado dahil hindi naman kami nagkakausap talaga dahil sa bugso ng damdamin. So nagkausap lang kami kahapon para malaman kung ano ang mga gustong committee. Bilang mga miyembro, marami silang—para sa lahat kung ano ‘yung angkop dahil kailangan naming ang tulong ng bawat isa at kailangan tumakbo ng mga komite na iyon. Hindi naman namin kayang hawakan ang lahat.

Q: ‘Yung case ni Sec. Cacdac, dahil natapos na ang sesyon, deemed as bypass na ba siya?

CHIZ: Bypassed na siya at kailangan siya i-reappoint ng presidente tama ka at ang naging dahilan nung kung maalala mo, tumutol ang kamara, tumutol si Cong. Marcoleta. Inannounce naman yan ng kamara sa Commission on Appointments na voting as one sila. Binigyan namin ng daan ang kanyang objection at hindi na naming pinahaba ang kwento para matapos ‘yung confirmation ng tatlong heneral at senior officers ng AFP.

Q: Bakit si Senator Legarda na most senior, four-time senator, nilagay sa Sustainable Development Goals?

CHIZ: Wala naman ‘yun dun. Si Senator Cayetano nga isa sa mga pinaka-senior din Science and Technology sa kanya. Depende naman ‘yan.

Q: May iba pa bang ibibigay na committee?

CHIZ: Gaya nga ng sinabi ko, mag-aadjust kami as we go along.

Q: May hiningi po ba siyang ibang committee?

CHIZ: Hindi pa kasi masyado nagkakausap dahil may mga tulak pa ng dibdib at damdamin ngayon. Sana humupa na sa pagdaloy ng panahon. Yesterday was better than the other day. The other day was better than Monday. As we go along, it will all fall into place.

Q: What will change your hardline stance on Cha-cha?

CHIZ: Call spade a spade. Ano ba talaga ang gusto? ‘Yun na lang ang tanungin natin. Pangalawa, dapat hindi maapektuhan sa kung ano mang hugis kulay itsura ang mga kasalukuyang mga kapangyarihan at prerogative ng senado. Dalawa lang, para sa akin ha.

Q: Are you saying that this is not clear?

CHIZ: Hindi maliwanag sa bersyon nila na voting separately. Maliwanag ba ‘yun? Nakita mo na ba probisyon nila? Hindi maliwanag ‘yun, ha. Kino-quote nila ang Saligang-Batas. Tama naman na kino-quote nila ang Saligang-Batas, pero hindi maliwanag ang Saligang-Batas. Narinig niyo magsalita ang mga justices na hindi ‘yon ang intensyon. Ang sinulat na bersyon sa RBH na inauthor ni Senators Zubiri, Angara at Legarda ay voting separately. Hindi ako nag-author nun kasi nga hindi maliwanag sa akin.

Q: How can this be resolved?

CHIZ: Kailangan maliwanag at magkaroon ng garantiya na hindi ‘yan maging voting jointly.

Q:  So, who should give the guarantee?

CHIZ: ‘Yun ang kailangan pa hanapin. Ako ba na may tanong at may duda ang kailangan maghanap o ‘yung may gusto na nagtutulak nito ang kailangan maghanap ng solusyon?

Q: What will happen to the Rules Committee?

CHIZ: Pareho pa din. Ang problema kasi dun halimbawa ha—

Q: —Pero ano status, Sir, nun? May committee report na ba?

CHIZ: ‘Di ko alam, ‘di ko alam.

Q: Aaprubahan ‘yun under your leadership?

CHIZ: Titingnan natin. Wala akong—isa ako sa mga nagsulong nun.

Q: Ikaw ‘yung nag-call ng attention nun, ‘di ba?

CHIZ: Nakalagay sa bersyon ng Kamara voting—kinopya ‘yun sa Konstitusyon. Three-fourths of Congress kapag pinagbotohan ‘yan. Kaya nga, bakit tinutuloy kasi. ‘Yan ang tanong ko mula’t mula. Bakit ba tinutuloy ang hearing ng Cha-Cha? Pinaliwanag ko na ‘yan, kung maalala ko nag-caucus kami at nagtaasan kami ng boses diyan. Bakit pa ba naghi-hearing? Ang takot at pangamba ng marami ay kung pagbotohan yan dito, kahit matalo, kapag in-add niyo ang boto dito at sa kamara, kapag pinagsama mo sobra sa three-fourths. Sino pumipigil umakyat sa Supreme Court para sabihin na, “Uy, complied ‘yung three-fourths.” ‘Di ba so manalo matalo dumating ang punto na iniinsist ng liderato na pagbotohan kahit talo tinutulan naming ‘yon. Alam mo palang talo bakit pagbobotohan pa? ‘Di ba? ‘Yon na nga lang ang pumipigil.

Q: Bakit kino-condone ng Palace?

CHIZ: Ano?

Q: Bakit kino-condone ng Palasyo?

CHIZ: Anong kinalaman ng Palasyo sa, ano ang kino-condone muna?

Q: It is being tolerated by the palace kasi, the mere fact, na it is pushing for Cha-Cha. Dahil ba si Romualdez ‘yung nakaupo?

CHIZ: The President favors economic provisions, but I don’t think this aspect may have been sufficiently explained to the President. I think his focus on trying some economic amendments and these things may not have reached him as of yet. Wala naman kaming pagkakataon magkausap din tungkol dito. These are the concerns ng mga senador, hindi lang ako. In fact, on this issue, majority of senators, even those who resigned their positions. Some of them at least iyon ang position and majority if not all of those who signed to have a change of leadership. Concern ito noon pa. kaya lang syempre call pa rin ng chairman. Gustong mag hearing ng chairman ng subcommittee, paano ko naman mapipigilan iyon?

Q: Since SP ka na kakausapin niyo ba ng Presidente about this? ‘Yung Cha-Cha?

CHIZ: SP man o ordinaryong tao hindi para sa akin na kausapin o payuhan ang Presidente na klarong mas mataas sa amin lahat. Pero umaasa ako na magtatanong siya. Sasagot ako palagi kapag ito’y mapag usapan. Pero hindi para sa akin na iboluntaryo iyon. Dahil malayong mas malawak ang kaalaman niya. Layong masmalawak ang pwedeng mga paying makuha niya kumpara sa akin. Baka naman ako yung mali. Baka naman ako yugn sobrang dudoso lang. So magandang makinig din.

Q: May pending resolution para imbistigahan ‘yung, allegedly, “gentleman’s agreement” between former president Duterte and Chinese president.

CHIZ: Ewan ko kung na-refer na yan sa komite. Well, na kay Senator Imee kung mag he-hearing siya diyan. Pero para sa akin, sino ang iimbitahan mo? Secret nga ‘yung agreement.

Q: Si former president Duterte sir?

CHIZ: Kaya nga, sabihin niya wala, sino ang puwede mong imbitahin pagkatapos nun? ‘Pag inimbita mo si Sec. Teodoro, ang sabi niya wiretapping ito at dapat kasuhan yung nag wiretap. Kapag inimbita mo si Gen. Brawner ang ating Chief-of-Staff, ang sabi niya hindi totoo ito, Peke ito, deep fake ito. Paano magiging wiretap ang peke at deep fake? So hindi wiretap ito peke ito, ano ba talaga ito? Are we investigating a secret agreement? Are we investigating wiretapping or are we investigating dep fake video? I do not know, but to answer your question, desisyon ni Senator Imee ‘yan.

Q: Pero bakit hindi pa nga nag-start? Meron bang mga concern ‘yung mga senators?

CHIZ: Wala. Ako wala. Schedule siguro dahil alalahanin ninyo re-electionist din si Senator Imee.

Q: Do you think waste of time iyon, Sir? Sabi nyo nga sino tatanungin kung secret agreement pala iyon?

CHIZ: Hindi ko alam. Dahil ano man ang pinagkasunduang ito nagsabi na ang Pangulo simula pa lang. I don’t know about it and whatever it is I hereby abrogate it. Those were the exact words of the President. So, kung ano man iyan, hindi pa raw niya nakikita, pero kung ano man ‘yan, ipinapawalang bisa niya ‘yon.

Q: Sa hearing sa HOR tungkol doon sa secret agreement nandoon si former Executive Secretary Medialdea at sabi niya ‘yung agreement na ‘yun during PNOY administration. Siyempre wala na siya at walang tumatayo para sa PNOY admin. Anong tingin ninyo doon?

CHIZ: Hangga’t maaari, ayaw kong magkomentaryo kaugnay sa pagdinig ng Kamara at higit na ayaw kong mag komentaryo tungkol sa isang malapit na kaibigan na pumanaw na.  Hindi bahagi ng kaugaliang Pilipino ang komentaryo ng mga kaibigang pumanaw maski na dating pangulo pa siya. Pero kung tatanungin mo ako, kung may alam ako doon, hindi ako ganoon kalapit para magkanroon ng kaalaman o malaman ‘yung mga ganoong bagay kung totoo man.

Q: Pero ‘di ba, dapat mayroon man lang tumayo para kay former President?

CHIZ: ‘Yung nakakaalam. Pero kung wala ka naming personal knowledge, paano? Uulitin ko iyon ang alegasyon and, again, I will apply the same principle of law: he who alleges must prove the same. Iyon ang alegasyon ng mga opisyal ni dating Pangulong Duterte, dapat patunayan nila at sa parte naman ni Pangulong Aquino. Mahirap kasing mag-akusa sa isang taong pumanaw na na hindi kayang ipagtanggol ang sarili niya.

Q: Should we evevn bother na bungkalin pa ‘yun, samantalang sinabi na ni Presidente na kung meron man kung ano man ‘yan, ni re-rescind na niya?

CHIZ: Well, that is my point of view. But again, it is the chairman’s call. Anong ibig sabihin na iyon ang point-of-view ko? Ibig sabihin, hindi ako mag-aattend at hindi ko kailangan mag-attend sa hearing na iyon dahil wala akong nakikitang rason para mag-attend ako. Kaugnay naman ng Kamara, desisyon at may kapangyarihan sila at may buong laya sila na mag hearing sa anumang bagay na nais nilang i-hearing at gagalangin at tatanggapin at rerespetuhin ko palagi iyon. That is well within the powers and prerogatives of the House of Representatives, which I will always respect and accept having been a former member myself.

Q: Would you encourage his former cabinet members na tumayo man lang at magsalita kung meron nga ba o wala?

CHIZ: Sa kanya lang kasi ako close, alam ni RG ‘yan. Hindi naman ako ganoon ka-close sa karamihang cabinet niya. Galit pa nga sa akin ‘yung karamihan.

Q: Kaibigan ninyo si ES Ochoa.

CHIZ: But this is more of foreign affairs, if at all, and the special envoys he appointed at that time.

CB: OK, last two questions. Sir, in-approve na ni President ‘yung pagbabalik sa old school calendar. Parang naalala ko sinabi mo na parang mahirap na papalit-palit ba?

CHIZ: Ang sabi ko, basta ito na talaga ‘yung final answer. Hindi ‘yung ‘pag nag-La Nina, nagbabaha babalik na naman natin. At sana sa pasyang ito na nirekomenda ng DEPED mismo, kinonsidera nila ‘yung sinasabing pag-asa na paparating na La Nina, dahil isa sa mga rason kung maaalala ninyo kung bakit natin binago ‘yung calendar ay dahil sa walang humpay na ulan at baha na maraming beses na nasu-suspinde ang klase. Kaya natin binago. Noong nag-El Nino, grabe naman talaga ‘yung init at parang hindi naman bago ‘yon kasi hindi naman umuulan.

Ngayon paparating ‘yung La Nina, baka ‘yung rason kung bakit natin binago ‘yan noong una ay nandito na naman at babalik na naman tayo. So sana, noong una, pinag-isipan na ng nakaraang administrasyon kung talagang ito na nga ba final answer o hindi. Sana rin, kung saka-sakali, itong pasyang ‘to ay kinonsidera na ‘yon para hindi mahirapan yung ating mga estudyante.

Pero para sa akin natuto na tayo, puwede naman natin panindigan itong desisyong ‘to. Natuto naman na tayo. Sa pandemya, hindi naman na kailangan no classes. Bumagyo man o sobrang init hindi kailangang isuspinde ang klase dahil nung panahon nga ng pandemya walang klase pero may klase sa pamamagitan ng virtual at modular. So gamit ang teknolohiya i-project nila ‘yung mga araw marahil na hindi magkakapasok, ‘di ba, mag-modular at mag-virtual sa mga panahong ‘yon para hindi maantala, hindi mahuli at kailangang maghabol ng mga bata sa kanilang edukasyon. Pangalawa, hindi ko maintindihan din sa parte ng DEPED bakit hindi nila pakinabangan yung karanasang ‘yon, modular at virtual. Hanggang ngayon ang anak ko nag-aaral sa pribadong eskwelahan, once a week virtual sila. Hindi nagbago. Anong ibig sabihin nun? Limang araw ang klase sa isang linggo, kung once a week ang bawat klase siyempre nagro-rotate ‘yon ay nagvi-virtual madadagdagan nila ang classroom capacity ng 20 percent. So, kung kulang ang classroom agad-agad para kang may nalikhang 20 percent ng classroom. So, if a central school for example has 100 classrooms, by simply allowing the kids to do virtual o modular once a week, that 100 classroom school will immediately have 120 classrooms kaysa nagsi-shifting ka. Overnight hindi mo kailangan mag-construct.

May mga paraan naman so puwedeng panindigan na natin ‘to balik tayo sa lumang calendar, gamitin lang natin ‘yong mga natutunan natin para hindi mangyari ‘yong babalik na naman tayo dahil sa baha. Kung hindi makapasok ang mga bata o tingin nila may paparating na bagyo next week ‘di ba ‘di mag-virtual na o mag-modular na ‘di ba. Posible naman ‘yon maplano lang ng maaga.

CB: So puwede palang hindi na magtayo ng mga additional classroom, ‘yon na lang, Sir?

CHIZ: Kung hindi, puwedeng hindi magtayo pero o habang hindi pa nakakapagtayo ito na muna. Panawid gutom, ika nga.

CB: And last na lang, meron ka pa RG? And then last na lang, Sir, ang papalit sa inyo as chair ng Higher, Technical and Vocational Education Committee si Senator Alan Peter Cayetano. So ano ‘yung mga, meron ka bang request sa kanya?

CHIZ: Mga hinabilin ko? Wala. Good luck.

CB: Wala ka man lang iti-turn over sa kaniya na ito ang mga pending sa committee mo.

CHIZ: Alam naman ni Senator Cayetano ‘yon. Halimbawa, ‘yung bayarin ng pamahalaan na humigit kumulang P7-B, hindi pa kasama ang taong ito sa mga i-enroll ng SUCs na sumobra sa budget sa free tertiary education, una. Pangalawa, ‘yong nakabinbing pag-increase ng mga tuition ng mga SUCs na hindi na-factor ‘yon sa ginawang budget this year at next year at pangatlo ‘yong mga mismatch sa mga kursong kinukuha ng mga estudyante sa pangangailangan ng mga kompanyang pagtatrabahuan nila. Pero kabisado na rin ni Senator Cayetano ‘yon.

CB: Although naitanong ko na ito kanina pero may follow-up si Nimfa, ‘di ba doon sa—

CHIZ: Nakita ko nga, tinext ka.

CB: ‘Yung doon sa proposed amendment sa Rice Tariffication gustong ibalik ang kapangyarihan ng NFA na bumili at magbenta ng bigas. So okay ka ba doon kasi sina Senator Villar and Imee kailangan daw DA na lang hindi na NFA.

CHIZ: Pabor ako na sa DA dahil may rason kung bakit tinanggal ‘yan nung panahon ni dating Pangulong Arroyo: corruption at nabaon sa utang ang pamahalaan na sa paniniwala ko ay katatapos pa lang nating bayaran, may balance pang binabayarang utang sa NFA.

Pero sa paniniwala ko, ang nais ng administrasyon ay ito na hindi ako tutol. Ang trabaho kasi ng NFA noon, noong panahon ni dating Pangulong Marcos bumili ng mahal sa magsasaka para kumita ang magsasaka at ibenta ng mura sa consumer. So itong government corporation na ito inimbento talaga ‘to para malugi. Hindi ito inimbento para kumita ng pera tulad ng ibang kumpanya na for profit. Ito ay para talaga malugi, para makapagbigay ng serbisyo hanga’t hindi natin nabibigyan ng tamang kita ang mga magsasaka para makapagtanim na siya ng sarili at tama at sapat.

Kaya lang noong nagkapresidente tayo tulad ni GMA na ekonomista, nakita ‘yung balance sheet, mali ito na babaon masyado sa utang ang gobyerno kaya binuksan ito sa private sector kung maalala niyo. So naging regulator, imbes na operator, ang NFA parang sa PAGCOR. Kaso ang daming anomalyang nangyari dahil doon.

Natuto na tayo doon, so baguhin naman natin. Para sa akin whether NFA o DA ang kurapsyon ay possible pa rin ang dapat ay yung sistema para maiwasan ang kurapsyon. Ngayon nga hindi pa pinapayagan ang dami na naglalako. Ano pa kaya kung payagan. Naglalako ng kota ng ganoon dapat maayos ‘yung sistema na madaling makita, madaling mahuli kung mayroon mang anomalya o kurapsyon dahil anumang kurapsyon, alalahanin niyo dagdag ‘yan sa presyo ng babayarin natin sa presyo ng bigas.

CB: Last question na lang, curious lang ako. Ano ‘yung pinaplano ni Heart na maging project? The mere fact na siya na magiging head ng Senate Spouses Foundation, Inc?

CHIZ: Pinag-usapan nga namin kagabi parang naiyak siya ng kaunti. Nag-panic kasi parang hindi raw niya kaya. So inaano ko na huwag kang magpa-pressure. Sabi ko, ‘yung kaya lang kung ano lang ang kaya. Pero nakausap niya dun sa Malacanang, nakita niya si Kath Pimentel, ‘yung dalawang Lani, nakita rin niya yung asawa ni Mark at ni Raffy Tulfo. So kahit papano nagkausap-usap sila. Magmi-meeting yata sila next week.

CB: So anong advice mo kay Heart?

CHIZ: Kung ano lang ‘yung kaya. Tapos nagtatanong siya, hindi raw niya alam, hindi raw niya kabisado. Sabi ko, ako rin naman hindi ko alam, hindi ko kabisado. Sabi niya, ikaw ang tagal-tagal mo na diyan, mundo mo ‘yan. Sabi ko, senador oo pero Senate President hindi. Kaya panay ang pa-briefing ko kaya na-late ako sorry, na ano ba ‘yan, ano bang ginagawa niyo, anong trabaho ng bawat opisina dito. Sabi ko, ganoon din ‘yon kailangan mo ng briefing muna tapos atras ka kausapin mo yung team mo kung anong puwede niyong gawin. Sabi ko lang, simulan mo muna sa baba, paakyat, imbes na magsimula ka sa taas na pababa. Ibig sabihin, huwag ‘yung ang dami-dami agad simulan mo muna sa konti na parami kaysa sinimulan mo ng marami tapos kumonti.

CB: So, Sir, willing ba siyang i-sacrifice ‘yung modelling niya para gampanan yung tungkulin?

CHIZ: Hindi naman ganoon karami ang functions ng Senate Spouses. In fact, noong tinanong ko si Kath Pimentel parang once a quarter, usually Christmas season, ang function nila.

CB: OK. Maila and then Nimfa.

Q: Sa initial discussion, mayroon na ba siyang specific na project na na-mention?

CHIZ: Wala pa kasi sabi ko nga, sabi nga niya papakingan muna niya kung ano ‘yung ginagawa na madalas at ibabato niya sa grupo, sa mga miyembro, sa Senate Spouses. ‘Yung idea niya, kukuha siya ng idea sa kanila kung ano pa ang pwedeng magawa una kung itutuloy ba ‘yong dati at kung kayang ipagpatuloy at ano ang madadagdag.

CB: May sariling budget ‘yong Senate spouses?

CHIZ: Hindi ko pa din alam. Sorry. I think may budget ‘yung staff pero ‘yung gastos mismo are from donations. But don’t take my word for it I don’t know yet.

Q: Pero ready naman siya, Sir, to take the challenge?

CHIZ: Sa ngayon, willing pa lang. Magiging ready pa lang. Willing pa lang.

Q: Pero may mga initial na siyang binanggit na gusto niyang projects, Sir?

CHIZ: Wala pa. Mga ide-ideya pero hindi para sa akin na sabihin ‘yon dahil pag-uusap lang naman naming ‘yon. Hayaan mong i-vet muna lalo pa, i-vet niya sa team niya, i-vet niya sa mga miyembro. Automatic ‘yon. Pero kapag walang asawa ang Senate President usually ‘yong kapatid, nanay ‘yong ganoon in the past. Parang si Koko noon I think ang tumayong Presidente ay si Ma’am Bing dahil single si Senator Koko noon.

Q: So, Sir, ano magkakaroon ng turnover between Aubrey and Heart?

CHIZ: Hindi ko alam. Pinag-uusapan pa nila ‘yon. Hindi ko din alam kung tradisyon ‘yon. Parang ano naman ng note na ‘yon.