ON BONIFACIO DAY

 

Kaisa ako ng sambayanang Pilipino sa paggunita ng ika-161 taon ng kapanganakan ng ating bayani na si Andres Bonifacio ngayong araw.

Sa ating pagdiriwang ng Bonifacio Day, alalahanin natin ang kabayanihan ni Gat Andres na nagmahal sa Inang Bayan ng buong puso at walang pag-aalinlangan.

Sa kanyang panahon, ipinaglaban ni Bonifacio ang kalayaan at karapatan ng bawat Pilipino. Ngayon higit kailanman, nawa’y magsilbing inspirasyon ang kanyang tapang at dedikasyon sa ating lahat upang ipagpatuloy ang laban para sa isang tapat na pamamahala at magandang bukas para sa mga Pilipino.

Mabuhay si Andres Bonifacio!