ON CHINESE NEW YEAR

Happy Chinese New Year sa ating mga kaibigang Tsino at mga kababayang Tsinoy!

Ako’y nakikiisa sa inyong pagdiriwang ng mahalagang okasyong ito. Sa pagpasok ng Lunar New Year, umaasa ako na lalo pang titibay ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina na hinubog na ng ilang daang taong samahan at pagkakaibigan.

Sa ating mga kababayang Tsinoy, sama-sama nating harapin ang mga hamon at pagkakataon upang makamit ang mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga bansa. Nawa’y magdala ang bagong taon ng kasaganaan, kaligayahan, at magandang kalusugan para sa ating lahat.

Gong Xi Fa Cai!