Assalamu alaikum!
Ako po ay nakikiisa sa ating mga kapatid ng Muslim sa kanilang paggunita ng Eidul Adha o ang Feast of Sacrifice.
Harinawa na ang matibay na pananampalataya at sakripisyong ipinakita ni Ibrahim bilang pagsunod sa kalooban ni Allah ay magsilbing inspirasyon sa ating lahat upang maging isang mabuting mamamayan.
Nawa’y magdulot ang banal na araw na ito ng kapayapaan, biyaya, at masaganang pagpapala para sa lahat.
Eid Mubarak!