Ang Semana Santa ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon na magnilay at manalangin, upang suriin ang ating mga sarili bilang isang mabuting Kristiyano at responsableng mamamayan.
Ito ang panahon upang isantabi muna ang anumang hidwaan, panggagamit, panlalamang, pagkakaiba ng pananaw, at ang politika na madalas naghahati sa atin.
Ito ang panahon para magpatawad at magkasundo tayong lahat bilang magkakapatid at bilang isang sambayanan. Hindi naaayon sa kuaresma ang makipag-away at magkipagbangayan para isulong ang pansariling mga hangarin at layunin. Kapwa muna bago ang sarili.
Sa gitna ng mga pagsubok at anumang hamon, nawa’y ang Semana Santa ay maging panahon ng pagbabago at pagkabuklod-buklod. Huwag tayo magpadala sa mga propeta ng kadiliman na nagsasabing itim at hindi makulay at maliwanag ang bukas.
Ang liwanag at pag-asa ang mensahe ng muling pagkabuhay at huwag nating payagan at hayaan ang sino man na nakawin at bawiin ito sa atin.