ON THE LATEST PULSE ASIA SURVEY

Sa ngalan ng Senado, taos-puso ang aming pasasalamat sa tiwalang pinagkakaloob sa amin ng ating mga kababayan at patuloy kaming magsusumikap na panatilihin ang tiwala nila.

Ang mga survey ay pabago-bago at ang mataas na numero sa anumang survey ay inspirasyon sa amin at ang mababang numero ay aral at gabay para sa amin.

Subalit mataas man o mababa, patuloy lang kaming magta-trabaho at gagampanan ang aming tungkulin alang-alang sa mas nakatataas na interes ng bansa at sambayanan.