On behalf of the province of Sorsogon, I join the entire Filipino nation in paying tribute to our thousands of teachers as we celebrate today the United Nations’ World Teachers’ Day.
Ngayong araw din po ay ating ipinagdiriwang ang National Teachers’ Day alinsunod sa Republic Act No. 10743 na nagdedeklarang espesyal ang araw na ito para sa ating mga guro at bilang pagtatapos na rin sa paggunita ng National Teachers’ Month na nagsimula noong September 5.
Tayo po ay nagpupugay at sumasaludo sa ating mga guro sa kanilang mga sakripisyo at pagmamahal na patuloy na ibinibigay sa ating mga estudyante. Next to our parents and our family, they were among the first to influence and mold us into what we are today.
My parents spent many years of their lives as teachers. Si Tatay ay nagsilbing dean ng University of the Philippines College of Veterinary Medicine samantalang ang aking ina ay nagturo sa OB Montessori at naging bahagi UP Board of Regent. Sa kanila ko namana ang bokasyon sa pagtuturo.
I was once a teacher in UP College of Law before I entered politics and having experienced partly what our teachers had to go through, I can only give them my highest respect and utmost admiration. Indeed, to be a teacher is more than a profession. It is a calling.
Today, we give our thanks and offer our prayers for our teachers, who continue to give their best in ensuring that their students still get the best education during this time of the COVID-19 pandemic.
Kaya naman sa abot ng ating makakaya as a public servant, patuloy tayong gagawa ng paraan upang matulungan ang ating minamahal na mga guro.
Ako ay nananawagan sa ating mga mambabatas na kasalukuyang pinag-aaralan ang proposed 2022 National Budget na kanila sanang pag-isipang mabuti ang panukalang magbibigay ng Php10,000 karagdagang bayad sa ating mga guro na magkakaroon ng election duties sa susunod na halalan.
At sa lahat ng ating mga guro, kaisa ninyo ako sa mithiing pagpapalawak pa ng inyong mga benepisyo katulad ng overtime pay, bigger salaries, at pagbibigay ng iba pang suporta para makatulong sa ating online classes katulad ng laptop at internet load allowance.
Happy World/ National Teachers’ Day!