ON UNDAS 2024

 

Ngayong Undas, kaisa ako ng ating mga kababayan sa pag-alala sa ating mga pumanaw na mahal sa buhay. Nawa’y magbigay sa ating lahat ng pagkakataon ang Todos los Santos at Todos los Muertos na gunitain ang kanilang mga alaala at mag-alay ng panalangin bilang tanda ng ating pagmamahal at paggalang. Sa kabila ng lungkot na dulot ng kanilang pagpanaw, nawa’y magbigay ng kapanatagan sa ating mga puso ang kanilang iniwang mga alaala.