PADAYON PILIPINO

 

OSCAR PASAPORTE (OP): (local language) ang ating paboritong senador, Senador Chiz Escudero. Senator Chiz, good morning. Maayong buntag, kumusta?

GOVERNOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Oscar, good morning. Sa lahat ng listeners natin sa DYKC RPN, magandang umaga sa inyong lahat. Maayong buntag. Kamusta ka na Oscar. Pasensya na kung hindi ako personal na makakapunta diyan bagaman nandito kami sa Cebu City at Cebu province ngayon.

OP:   Sir, warm welcome here in Cebu.

CHIZ: Maraming salamat.

OP:   Bago ang lahat ng mga katanungan ko sa iyo, congrats dahil kayo po ay nangunguna pa rin sa survey. Hindi dahil sa kapogian mo kung hindi dahil sa mga nagawa mong mga batas na very useful sa mga mahihirap na Pilipino. But, Senator Chiz, gusto po naming malaman sa ilang beses na po tayong nag-usap sa ere hindi ko natanong sa iyo pagbalik mo sa June 30 sa hapon sa Senado, in the19th Congress. Hindi pa namin alam ang mga panukalang batas mo o mga priorities mo for the good of our country. Go ahead, Sir.

CHIZ: Pangunahin, ang budget ang pinakamahalaga batas na dapat ipasa ng Kongreso. Ang tingin ko diyan sa budget, tulay iyan para makabangon tayo hindi lamang mula sa pandemya na COVID-19 lalo ng lalo na sa kalamidad na dulot ng Bagyong Odette. Dito sa Cebu sa pag-ikot -ikot ko, Oscar, nakikita ko may bakas pa rin ng Bagyong Odette na marapat na tustusan ng budget ng pamahalang nasyonal dahil hindi naman talaga kakayanin ng mga local government units na sagutin lahat ng problema na dala ng Bayong Odette o ng COVID-19.

OP:  Naku, Sir sana nga. Buti Nakita mo lahat ang pinsalang ginawa ni Odette noong December 16 at sir, kung sakali po na mauuna, ang alam naming sa 19th Congress na mag-start. May July ang SONA ng presidente. Kung magpasa po kayo ng priority bill doon po sa Senado, ito po ba ang pinakauna, Sir? Ang budget?

CHIZ: Isa sa pinakauna palagi, Oscar. Dahil alam mo nakita naman natin nung nangyari ang Yolanda, bakit nagpasa ng Yolanda Rehabilitation Bill agad-agad ang Kongreso. Ang Odette mas maraming probinsiya ang tinamaan. Hindi ko maunawaan kung bakit wala pang nanguna o gumawa na maghain ng Odette Rehabilitation na batas kung saan naglagak ng napalaking pondo para makabangon muli ang mga tinamaan ng bagyong Yolanda dapat pati si Odette ganoon din ang ginawa ng Kongreso.

OP: Sir, kasi po ang ginawa ng gobyerno ngayon parang badn aid solution lang muna at posibleng kayo po ang hinihintay dito sa 19th Congress pagbalik mo sa Senado, Senador Chiz?

CHIZ: Makakaasa kayo, Oscar dahil pangunahin ko talagang gagawin iyan sa paglilibot kong muli sa iba’t-ibang parte ng bansa nakita na ang bakas ng Odette ay kitang kita pa rin.

OP:  Itong kausap mo Senador Chiz, biktima rin. Pati iyong mga hanapbuhay namin pati ang mga kasamahan ko sa Farmer’s Association at mga fishermen naming wala na pong gamit. Although, humingi po kami ng mga tulong doon po sa BFAR para mabigyan ulit kami ng mga pump boats at iyong mga farm inputs at saka mga panggamit din, Senador Chiz. Anyway, kami po ay umaasa sa inyo. Sir ito pa, ngayon po parang maraming kababayan natin dito kayo po ay taga-Southern Luzon at alam mo po ang lahat ang mga problema ng mga tao mo doon sa Sorsogon dahil ‘yung mga sari-sari store batay po sa batas, I don’t kung may balak po kayong baguhin ang provision na ito, yung batas na nagbabawal ng mga sari-sari store sa mga pagbebenta ng gamot  dahil po hindi lahat ng tao ay nakatira sa malapit sa botika at mga pharmacy, ano po ba ang tingin ninyo dito, Senator Chiz?

CHIZ: Actually, hindi kailangan ng batas n’yan, Oscar kung gugustuhin lamang ng pamahalaan. Bigyan ng lisensya o pa-applayin para mabigyan ng lisensya ang mga sari-sari store mula sa Food and Drug Administration o FDA, puwede na po sila agad magbenta po ng gamot, lalong-lalo na ‘yung mga gamot na over-the-counter lang naman at hindi prescription drugs. Ang problema kasi sa prescription drugs, Oscar, kailangan pharmacist na lisensyado ang nagbibigay n’yan yung kailangan ng reseta. Pero kung Biogesic, mga bitamina, mga ganyan hindi na kailangan ng reseta n’yan.

OP: ‘Yun ang basic na bibilhin ng tao, ‘yun ang parang nasa isip na kung medyo may lagnat, kung mga ganung gamot at ngayon pinagbawal na ng DILG, sabi pa nila.

CHIZ: Ang DILG ay dapat imbes na pinagbawal, hinikayat na lamang ang mga lokal na pamahalaan, i-download, i-decentralized para madaling mag apply sa mga lokal na pamahalaan para magkaroon ng lisensya mag benta ng gamut. Pero ulitin ko, Oscar ‘yung mga para sa ubo, lagnat, bitamina, puwede ‘yun pero yung prescription drug medyo magastos na ‘yun para sa ordinaryong sari-sari store dahil mangangailangan sila ng lisensyadong pharmacist kung ang mga munisipyo nga minsan wala pang mahanap na Pharmacist, ano pa kaya ‘yung mga sari-sari store na maliit lang naman.

OP: Tsaka ‘yung mga tao, Sir, na nakatira sa doon sa bundok at may mga 10-20 kilometers away from the town proper malayo ‘yun at ng pinagbawalan na ng DILG ‘yung sabi mong bigyan na lang natin ng ano. Ano pa bang ibang puwedeng gawin ng, halimbawa po Senator Chiz, doon po sa barangay mismo?

CHIZ: Ang ginagawa po namin sa aming lalawigan, dinownload po naming yung mga ordinaryong gamot na pwedeng ibigay lamang ng BHW, so kompleto po ang gamot namin sa kada Barangay Health Center, hawak ng BHW kung walang Barangay Health Center dahil sa buong Pilipinas, Oscar, alam mo ba kulang tayo sa mahigit apatnapung dalawang libong barangay kulang-kulang kalahati o 42% ay wala pong barangay health center kasi ganoon din naman, kaya ibinigay namin sa BHW ‘yung supply ng gamot at regular naming binibigay ‘yun.  Pero ito ring yung mga ordinaryong gamot na kinakailangan ubo, sipon, lagnat, bitamina, iyan ang binibigay namin at regular sinu-supply.  Lalung-lalo na sa malalayong mga barangay.  Tama ka Oscar.

OP:  Senator Chiz buti nga naging gobernadora kayo nakikita mo lahat ng problema na kailangan ng taumbayan.  Sa pagbalik mo sa Senado, alam naming marami kang gagawin kang batas para mag-jive sa mga nakikita mo doon sa kayanunan, Senador Chiz.

CHIZ:  Marami din akong aawayin, Oscar, dahil madaming ginagawang mali ang national government agencies na hindi tugma sa pangangailangan ng mga local government units at mga kababayan natin, lalo na sa malalayong lugar.

OP:  Senador Chiz, isa pa ngayon nagbanta mga grupo ng mga tsuper na posibleng magtigil-pasada dahil walang tigil ang pagtaas ng presyo ng ating fuel.  Ngayon, kagabi sa Palawan balitaan naming na Php80 per liter na po.  Dito po sa Cebu Php70-72 ranging from that prices, Senador Chiz.  Sir, under the TRAIN Law puwede bang ngayon po hindi mo pa magawa iyon dahil hindi ka pa po kayo senador. Pero, Sir, maasahan kaya namin baguhin lang itong—kasi nandiyan na—‘pag umabot na ng $80 per barrel ay alisin naman ‘yung buwis.  But ngayon mukhang walang ginawa ang gobyerno dahil lugi daw po tayo dahil sa mga problema inuutang natin dahil sa COVID.

CHIZ:  Actually, nasa batas na ýan.  Isa ako sa naglagay niyan sa batas nung pinasa noon íyang excise tax sa langis.  Kapag ka tumataas ang presyo dapat ibaba ng BIR ang rate.  Sa simpleng dahilan sa Php50 na presyo halimbawa na lamang, Oscar, kung 10% ‘yung excise tax, ang kikitain ng gobyerno ay Php5.  Pag tumaas ng Php80 ‘yan aba’y biglang mas yayaman pa ang gobyerno ang kikitain nila Php8.  Hindi tama na pagkakitaan ng gobyerno ang paghihirap na pinapasan ng ating mga kababayan.  So in-authorize namin ang BIR na ibaba ang rate na ‘yan para limang piso pa din yung target lamang nila ang makolekta nila.  Para hindi makadagdag pa sa pagtaas ng presyo ng langis ang tax na pinapataw ng gobyerno pero imbes na binaba ýan dahil kulang ang tax sa ibang mga pinapatawan ng buwis hindi po nila binababa yan.  Bahagi ‘ýan Oscar ng sinasabi ko sa iyong away na dapat pasukan ng Kongreso’t Senado para paalalahanan ng mga nakaupo nang dapat nilang gawin trabaho at sinumpaang tungkulin.

OP:  Aawayin mo, Sir, para po sa kayo sa ating mga mamamayang mahihirap, Senador Chiz.

CHIZ:  Dahil walang boses nung nadiskubre ko rin ‘yan at nakita ko ‘yan, Oscar, ngayong gobernador ako kahit anong tumbling at talon gawin ko sa maling polisiya pinapatupad sa aming lalawigan ay hindi ka na lang papansinin ni hindi sasagutin ‘yong tawag mo, kahit anong text mo pa. Kaya minarapat ko din na muling mabigyan ng pagkakataon makapanilbihan bilang miyembro ng Senado para may boses, may nakikipaglaban. Sayang naman ‘yong pagiging abogado ko rin, Oscar

OP: Yes, Sir.

CHIZ: Kung hindi ko gagamitin pag-abogado para sa kapakanan ng ating mga kababayan.

OP: Sir, parang blessings in disguise Senator Chiz na naging local chief executive po kayo kasi ‘yung mali sa national government agencies ay nakikita mo na ngayon. In three years’ time, marami kang natutunan sa mga implementation, sa ginawang mga batas niyo noon during the 12 years doon po sa Kongreso, sa Senado.

CHIZ: Tama ka, Oscar, marami talaga akong natutunan na hindi matututunan sa loob ng eskuwelahan, hindi matututunan sa loob ng Kongreso man o Senado. Pero hindi naman OJT ang ginawa ko sa aming lalawigan dahil marami din kaming nagawa at ginawa at marami pang dapat gawin hindi lamang sa aming lalawigan pero sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa buong Pilipinas. Kung mararapatin nga, Oscar, ako na tatayong kampiyon o champion ng mga local government unit sa karanasan at butas ng karayom na pinagdaanan ko ngayo’y ako’y gobernadora

OP: Sir, isa pa, itong Mandanas-Garcia Ruling Senator Chiz. Ngayon po hindi na IRA, NTA na national tax allocation kaya kasama po kayo d’yan sa Sorsogon pero meron akong mga confusion lang po, Sir, sa mga taga-pakinig natin sa online, sa livestream natin sa social media ngayon na parang paanon ‘yong parang ‘yong local government unit na walang agricultural area kagaya ng Makati at ‘yung ibang LGU doon sa Metro Manila na walang pagtataniman pero malaki din ang makukuha nilang allocation sa tax natin? Ano po ang gagawin natin d’yan?

CHIZ: Alam mo Oscar, mali naman talaga ‘yong ginawa nilang ‘yan pati ‘yung devolution order ni Pangulong Duterte. Hindi ako sang-ayon doon. Ang dinagdag lang ng Mandanas sa IRA ng mga LGU, barangay, munisipyo, siyudad at probinsya humigit kumulang Php855 bilyon lamang. Pero ang denevolved na function ng executive order ni Pangulong Duterte ang halaga ay doble o Php1.4 trillion.

Hindi kakayanin ng pondo ng LGU, IRA man, NTA man o may Mandanas man na gastusan lahat ‘yon. Pinasa lang nila para ma-absuwelto sila. Pangalawa, Oscar, pagdating ng 2023 biglang babagsak ang IRA ng mga lokal na pamahalaan dahil bagsak ang ekonomiya natin ng taong 2020 kung saan nakabase ang IRA ng mga local government unit. Tandaan mo ang ekonomiya mula +6 percent ng 2019, bumagsak ng -9 percent ng 2022. Tinatayang 27 percent ang ibababa ng IRA ng mga local government units pagdating ng taong 2023 o next year. Dapat paghandaan din ‘yan ng susunod na magiging pangulo at Kongreso dahil kung hindi, maraming programa, maraming proyekto, maraming empleyado ang hindi masuswelduhan at matutustusan na mga munisipyo, barangays, siyudad at probinsya.

OP: Senador Chiz, kahapon po sabi ni Finance Secretary Sonny Dominguez na sa 19th Congress, bahala na po raw ang susunod na presidente na magtaas ng buwis para po pambayad sa malalaking utang natin dahil sa COVID. Kayo po ba sir, ano po bang balak niyo bilang US trained lawyer? Sir, paano po ba? Kailangan po bang magtaas ng buwis at ngayon po ay nahihirapan na ang taumbayan?

CHIZ: Habang nasa Kongreso ako at kung makakabalik sa Kongreso ay hindi ko papayagang magtaas ng anumang buwis. Hindi ‘yan ang tamang istratehiya lalong-lalo na kung bumabangon tayo sa pandemya. Pero ang tanong, saan ngayon manggagaling ang kailangan na pera ng gobyerno?

Una, Oscar ang puwede nilang pagkunan ay pagbenta ng mga asset ng pamahalaan. Pangalawa, imbes na gastusan ng gobyerno yung ordinaryong infrastructure project buksan nila ng maluwag at magbigay ng incentive para po sa PPP at BOT para private sector na muna ang gumawa nung mga kalye at tulay na kinakailangan natin tulad na lamang ng tulay na bagong ginagawa sa Cebu province ngayon. PPP po ‘yan kahit yung elevated highways sa EDSA, private din po ‘yon. So, doon na muna kumuha ng pondo para sa imprastraktura para sa social services maiwan ang ponding mayroon ang pamahalaan na makatulong sa mga kababayan natin. At pangatlo, alam mo ba na ayon sa pinakahuling pag-aaral mahigit kumulang Php1-T ang nawawala sa corruption sa gobyerno para may mga lagay para sa permit at license. Kalahati lamang ang mabawi natin. Malinis lamang natin ang gobyerno ng kalahati. Php500-B ‘yon, sobra-sobra sa pambayad ng utang kada taon. May sobra pa rin para sa dagdag serbisyong puwedeng ibigay sa ating mga kababayan.

OP: Naku, ang laki naman niyan, Sir. Parang nanginginig ako sa kaba dito. Ang laki pala ng utang. Anyway, Senator Chiz kita po tayo mamaya after presscon after my program. Kita po tayo. Kukumustahin kita, sir. Alam niyo na matagal na po tayo, alam ng mga tagapakinig natin matagal na po kaming nagsubaybay sa ginawa niyo diyan sa Kongreso. At aasahan din namin ang kapabilidad mo diyan pagbalik mo sa June 30 ng hapon, Senador Chiz Escudero. Sir, alam naming. Marami pa sana akong katanungan sa’yo pero alam naming maraming schedules kayo ngayon. By nine o’clock sa–

CHIZ: Opo, magkita tayo mamaya.

OP: Sige po, sige po Sir. Maraming salamat, Senador Chiz Escudero. Ingat po kayo at welcome to Cebu.

CHIZ: Salamat, Oscar. Pagbati muli sa ating mga kababayan. (speaking local language). Thank you and good morning. Ingat kayong lahat.