QUESTION 1
SENATE PRESIDENT FRANCIS ‘CHIZ’ G. ESCUDERO (CHIZ): Outside the Senate? Outside the country? Anong “outside”? At the end of the day, ang pagpapalit o pagkakaroon ng pananatili ng liderato sa Senado ay dumidepende sa kumpiyansa ng mas nakararaming miyembro ng Senado. Ang bawat miyembro ay may kanya-kanyang rason kung bakit at bakit hindi at ginagalang at tinatanggap ko iyon. Gaya nang sabi ko kanina walang “team ko”, “team mo”, “team niya”. Team dapat naming lahat ay ang bansang Pilipinas. And I look forward to working to each and every member of Congress, whether Majority or Minority.
Q2
CHIZ: From whom? Ang naghalal ay ang sambayanang Pilipino, tulad ng lahat ng miyembro ng Senado. At hindi ata tama o makaturangan na mag-akusa sinuman, imbento man o haka-haka o social media na susunod kung kanino man. Ang sinusunod naming pangunahin ang mas nakatataas na interes ng sambayanang Pilipino. Mas nakatataas na interes ng ating bansa. At pangalawa, ang aming mga konsensiya kaugnay sa mga sasabihin naming pananalita o mga boto na ibibigay naming sa anumang isyu.
Q3
CHIZ: We will discuss it on the part of the Majority. But you know my position and I have no plans of changing my position. Mayroon ba ngayon? Again, we will discuss it on the part of the Majority and I think I was one of the more vocal ones during that time. So, I don’t see any reason why there should be concerns about that.
Q4
CHIZ: It’s not for me to say. It’s not for me to say because, again, I have my own position. We will discuss it and have no reason to change my position.
Q5
CHIZ: Pansamantalang hindi matutuloy ‘yon. Nag-resign ba siya as subcommittee chair or only Finance chair? OK. We will not hold any such hearings outside of Metro Manila. We’re doing it inside the Senate. And we will formally make known our decision as a group and as a Senate with respect to this.
Q6
CHIZ: I’m sorry. I think today I voted against the tax measure that was proposed by DOF, so even before I was elected. I don’t see any reason why that should change. So, it’s unfair even to say that at this point.
Q7
CHIZ: Malapit ako kay Pangulong Noynoy Aquino. Hindi kami nagkasundo sa maraming bagay dahil alam niyang may trabaho ako bilang senador noong panahong iyon. Nagtatrabaho din siya bilang Pangulo. Ganoon din kay Pangulong Duterte mula noong mayor siya hanggang presidente. At sa totoo lang, ang pinakamalapit kong kaibigan na Presidente ay si Pangulong Aquino. Malayo kumpara sa sinumang naging pangulo pagkatapos niya, bago niya, o ngayon. At sa tingin ko ay may pruweba at, ika nga, may puwede na akong ipakita at patunayan na kahit siya na ang pinakamalapit kong kaibigan, hindi niya ako naimpluwensyahan sa mga pasya ko noong panahong iyon at nandito kayo bilang saksi. Ang seseryoso naman ng mga tanong niyo. Wala bang medyo masayang tanong? Nakakatawa man lang? Kasi mahaba naman ‘yung panahon natin para mag-usap ng mga seryosong bagay.
Q8
CHIZ: Wala namang rule na nagsasabing bawal at hindi puwede. Trip-trip lang ‘yon.
Q9
CHIZ: I honestly don’t know, but my priority will be my job now as the Senate President not only for the country, not only for the institution but also for my colleagues.
Q10
CHIZ: Actually, hindi pa namin napag-uusapan kasi pati siya parang nagulat. Nasabi ko lang kanina mga bandang late morning na baka kung puwede umali-aligid ka na lang muna sa lugar at baka.
Q11
CHIZ: Tulad ng anumang eleksyon hangga’t hindi pa natatapos ang aktwal na botohan at ikaw ay napoproklama, ika nga, hindi pa tapos ang anumang eleksyon. So nalaman ko, matapos kong sumumpa.
Q12
CHIZ: Bawat oras naman may pag-asa, ikaw naman. Hindi lang ako siguro yung iba ngayon ay bahagi ng pagkakaroon ng pag-asa ‘yan. Subalit hanggang hindi natapos hindi ako naniwala bagaman nang nanampalataya ako.
Q13
CHIZ: As I said earlier walang “team ko”, “team niya”, “team naming.” Walang Majority, Minority at nag-iisa kami sa Senado at ‘yun ang pananaw ko. Ang tanging kulay na dinadala naming mga kulay ng bandila at dapat gabayan kami sa anumang sabihin namin. Ang bandila ang nasa harap namin tuwing magsasalita at boboto kami sa plenaryo ng Senado.
Q14
CHIZ: Ulitin ko, kuwestiyon ng kumpiyansa ito at hindi para sa akin. Sa panahong ito, sabihin kung anong rason ng bawat isa. Bawat isa ay may kanya-kanyang rason at mas gusto kong pag-usapan kung ano pa ang marapat nating gawin at hindi ko alam ang maaaring sakit o pagkagulat o tampo ng ilan o ng iba kaugnay ng bagay na ‘yan. Matapos ang halalan, palagi kong sinasabi tapos na dapat ‘yon. Dapat umabante na tayo sa ngalan ng paninilbihan ng samabyanan at ‘yun din naman ang sinabi ni Senate President Zubiri bago siya nagbitiw.
Q15
CHIZ: Priority namin? Actually, titingnan muna namin kung ang mga nakabinbin dahil dalawang araw na lamang tayo. Wala kaming puwedeng simulan na matatapos naming bago kami mag-adjourn sa loob ng dalawang araw. So uunahin namin ang mga, ika nga, ni Senate President Zubiri naitanim na. Na puwede nang matapos ngayon at maski siya, noong kami ay nag-usap, sabi niya ay nais niyang i-prioritize itong Procurement Law na sila ang nag-shepherd kaya pinakiusapan ko si Senator Angara na, bagaman nagbitiw siya, ay kung maaari—baby niya naman na ‘yon. Na siya ang magpatuloy na mag sponsor at magtapos.
Q16
CHIZ: I-elect naman ‘yan sa plenaryo. Wala pa mag-adjourn pa kami. Ikaw naman, matagal pa ‘yan.
Q17
CHIZ: Hindi pa ano ‘yung budget. Hindi pa nga nasusumite. Ang budget call is in February. So, February ang budget call. Submission ng budget call is SONA and I hope the budget will be submitted in time with the President’s SONA. So that we’ll have enough time to look over.
Q18
CHIZ: Anong gusto mong sagot sa tanong na ‘yan? Hindi kuwestiyon ang kailangan. Gaya nang sabi ko kanina, ang sinumang Senate President na nanilbihan habang may kumpiyansa siya ng Mayoriya ng mga miyembro. Puwedeng mangyari ‘yan sa akin din. Mamaya, bukas, makalawa, wala namang pinipiling araw ‘yon. Ang araw lang na pinipili ay araw ng sesyon. Hindi mo puwedeng gawin ‘yan ng Sabado’t Linggo.
Q19
CHIZ: Kanya-kanya ng paniniwala. Ulitin ko, huwag na nating ungkatin. Kung gusto mong ungkatin ang masasakit na mga nakaraan, manood ka na lang ng teleserye at dito mas nais kong pag-usapan ang mga susunod pa nating pwedeng hakbangin para mapagkaisahan at maisulong.
Q20
CHIZ: Hahayaan kong ang magsalita para sa akin ang mga salita ko matapos ang araw na ito. At anumang gawain at aksyon kong gagawin at hindi ko gagawin para magpatunay sa tinatanong mo, imbes na buhatin ko ang sarili kong bangko.
Q21
CHIZ: Sa akin wala. Sa katunayan ayaw kong magsalita pero siguro pa sa ibang bagay pero sa bagay na ito, wala.
Q22
CHIZ: Hindi ako ang kinausap.
Q23
CHIZ: I’m sorry. Ulitin ko, sa dulo, kung sino ang may kumpiyansa ng labingtatlo hindi na para sa akin na i-kuwento ‘yung proseso sa puntong ito dahil gusto na naming umabante mula dito at hindi pa para pag-usapan, diskusyunan, debatehan, at buhusan pa, ika nga ng asin. Anumang sugat na nilikha nito, na ako’y humihingi ng paumanhin na maaaring nailikha nito o may nasaktan kaugnay nito. Kaya ayaw kong magkomentaryo kaugnay sa bagay na ‘yan.
Q24
CHIZ: Hindi ko na natapos ‘yung hearing niya so hindi ko alam kung anong sinabi niya o kapasyahan niya. Ang sinabi ko kay Senator ‘Bato’ noong ako ay nag-attend noong hearing kung maaalala niyo: ang motu propio ay limitado sa kapag ka naka-recess ang Kongreso at pagkatapos mag-resume. Usually, nagfa-file na ng resolusyon. Ang isyu naman ay hindi doon sa paksa, ang isyu ay sa procdedure. Kaya pinayuhan ko siya kung gusto mo bang ituloy ito? Para wala nang magreklamo kasi, una, may nag rereklamo. Maghain ka ng resolusyon kaugnay nito. Bakit? Kung iisipin ninyo, dahil kapag ka nag hi-hearing ng motu proprio—paano kung, halimbawa, humi-hazing sa isang institusyon ng military? Higher Education ako, motu proprio sa akin ‘yan. Paano kung hindi pala iyon ang pasya ng Committee on Rules na ako unang kumiteng didinig niyan? Hindi maaaring iwan sa iisang miyembro lamang ang pagpasya kung ano ang jurisdiction ng kumite. Dapat pinagpapasyahan ‘yan.
‘Yung simpleng aksyon na binabasa ni Senate Majority Leader Joel Villanueva. Yung “I move that we defer blah blah blah to the Committee on…” Actually, buong plenary ang nagdedesisyon. Binibigyang tiwala ang pasya at rekomendasyon ang motion ng Majority Leader at hindi ‘yun indibiduwal na pasya ng iisang miyembro lamang o sinumang chairman.
So, hindi ko alam kung ano ang pasya ni Senator Bato. Pero kung may mag kuwestiyon madali namang solusyunan ‘yun. Maghahain lamang siya ng resolusyon. At tulad ng ibang resolusyon wala naman kapigilan ‘yun dahil nga kung babalik tanawan ninyo.
Tingnan niyo ang rules ng Senado, inimbento ang motu proprio. Dati ang may motu proprio lamang ay ang Blue Ribbon Committee. Binigyang daan ang motu proprio ng pagakataon na may mangyari habang nag recess ang Senado. At ‘yung Blue Ribbon lamang ang may jurisdiction. Paano naman ‘’yung ibang kumite na may importanteng dapat dinggin? ‘Yun ang rason kung bakit inamyendahan ‘yun. Pero by tradition and practice din. Matapos mag-hearing, habang recess noong nag-resume, ay naghahain na ng resolusyon.
Q25
CHIZ: Actually, sa tagal ko sa Senado kasi hindi ko pa naranasan na may ma-contempt so isa siguro sa mga bagay na ‘yan tulad nang sinabi ko kanina kay Senate President Zubiri, hihingin ko ang gabay niya. Gayundin na turuan ako dahil mas marami siyang alam kaugnay sa pwestong ito. Hindi ko masasgot dahil hindi ko pa alam ang bagay na ‘yan. Hindi ko pa nagawa ‘yan sa tagal ko sa Kongreso. At hindi ako nagkaroon ng pagkakataon alamin kung may pirma nga ba o wala yang bagay na ‘yan ‘pag contempt.
Q26
CHIZ: Pansamantala, oo. Bukas ko pa lang makikita ‘yung mga kailangan kong pirmahan na nakabinbing papeles. Paumanhin kung hindi ko pa kayang sagutin ngayon.
Q27
CHIZ: Pag-uusapan naman naming lahat.
Q28
CHIZ: Malamang magagawa namin ‘yan sa loob ng dalawang araw na ito at ‘yung ibang pagpapalit pa. Pero kailangan na munang mag-usap ng lahat. Hindi lamang ng naunang sumabay at nagbigay ng kumpiyansa sa akin pero ng lahat. Kasama sila Senator Koko at Risa dito.
Q29
CHIZ: There is no reason to remove him.