SENATE PRESIDENT FRANCIS ‘CHIZ’ G. ESCUDERO (CHIZ): Good morning, I’m here. I don’t have anything to say really, but just to answer your questions because I haven’t been able to answer through text because I was abroad.
QUESTION (Q): (inaudible)
CHIZ: Para sa akin, dapat at tama lamang ‘yon bilang kortesiya sa kanya. Hindi ito ang unang pagkakataong nagawa at ginawa ito ginagawa ito by tradition sa mga dating miyembro, hindi lamang ng Senado pero ng Kamara. Sa kaso, sa sitwasyon ni Senator Sonny, ni Secretary Sonny dati siyang mambabatas sa Kamara, kasalukuyan siyang senador noong siya’y in-appoint ng Pangulo bilang kalihim ng DepEd. So ‘yung mga relasyon at kasamahan niya nandito pa rin naman kaya binigyan siya ng kortesiyang ‘yon ng mga miyembro ng Kongreso at ng Senado.
Q: Previously SP, na-bring up ni Senator Risa na sana ay mabigyan sila ng pagkakataon to (inaudible) ‘yong CA, mabigyan ng pagkakataon (inaudible) tanong o marinig ‘yung opening statement nung (inaudible).
CHIZ: Actually, si Sec. Angara sa kanyang opening statement, nagpapasalamat lamang naman siya at nag-hi sa kanyang dating mga kasamahan, dahil kilala naman na siya ng mga miyembro ng Senado at Kamara at wala namang kailangang idagdag na sabihin pa kaugnay ng kaniyang mga polisiyang pinaniniwalaan at isinusulong. Nakita naman natin ‘yan nitong nagdaang 3, 4 na taon nang pinangunahan niya ang Committee on Finance ng Senado, kung saan ‘yung paniniwala, polisiya, programa, plataporma na isinusulong niya ay matatagpuan naman sa panukalang budget na siya mismong nagde-defend.
Q: Sir, ba’t doon sa kasabay na committee hearing na chini-chair ni Senator Win parang wala pong usec or asec noong una na makasagot doon sa mga tanong ni Senator Win. Hindi po ba dapat mas naaayos ‘yung pagde-deligate nun?
CHIZ: Kasi lahat ng usec at asec niya, gustong umupo sa likod niya kanina. Hindi ko na nga sila pinapapasok. Pinasabihan ko ang CA kanina na limitado lamang ang ibigay na lugar para sa mga alalay kasama ng kung sinumang iko-confirm: sundalo, ambassador, foreign affairs official o secretary man dahil dapat may ibang trabaho silang ginagawa at hindi dagdag na taga-palakpak lamang matapos ma-confirm ng kanilang kalihim. Nakakalungkot ‘yung sitwasyon na ‘yon pero na-correct naman agad dahil mabilis namang natapos ‘yung confirmation ni Sec. Angara. So late lang ng ilang minutes, pero at least nasa parehong building at floor na.
Q: Good morning, Sir. Just a quick reaction on “unity walk” kasi parang I think a lot of groups are giving the Senate flak on ‘yung resolution to suspend and, may pagbabago ba doon?
CHIZ: Kindly brief me on the “unity walk” because, again, as I said I was abroad.
Q: Sa PUV Sir, kasi ayaw nila na ma-suspend ‘yung implementation. I think the “unity walk” is the people who actually followed and consolidated.
CHIZ: Well, hindi nila nauunawaan. Hindi naman porke’t na-consolidate at sumunod na sila ay babawiin ‘yun. Ang pagsuspinde ng programa ay nag-a-apply doon sa mga hindi pa at pinupwersa pa na sumunod habang hindi pa naman handa ang gobyerno dito. Bibigyan ko kayo ng halimbawa, sa sulat mismo ni Sec. Bautista sa budget nilang humigit kumulang P8-B para sa 2018 hangang 2024. Ibibigay ko na lang sa inyo ‘yung sulat niya. Inamin niya mismo na 50% pa lang ang kanilang nagagastos. Nasaan ‘yung kumpletong programa kung sa loob ng apat na taon, anim na taon ay kalahati pa lang nung binigay na budget ang nagagastos nila?
‘Yung local transport plan na nagmumula sa local government units, ayon sa sariling sulat niya, 71 percent pa lang ng LGU ang nagsu-submit ng draft. Hindi kasama sa kanyang liham ilan na ba ang naaprubahan ng DOTR dahil hindi nagwawakas o nagtatapos ‘yung local transport plan sa pag-submit ng draft nagtatapos ‘yan kapag ‘yan ay naaprubahan.
Noong ako ay gobernador, isa ‘yan sa mga ginawa ko bilang gobernadora. Nag-submit kami ng local transport plan, ang problema wala ni sinuman na taga-DOTR o LTO na nagturo sa amin kung paano gawin ‘yon. Kaya sa totoo lang 71 porsyento ng LGU na nag-submit daw hindi ko alam kung ano ang itsura, hugis at kulay niyan at bakit walang binanggit na ni isa man lang na na-aprubahan ang DOTR makalipas ang kung ilang taon na itong programang ito ay tumatakbo na. Nagyabang sila na nakapagpa-utang na sila ng humigit kumulang P2-B to be exact P2.53-B. Pero ang kabuuang kailangan sa hearing na in-attend-an ko ay humigit kumulang P42-B. Kung magbibigay lamang tayo ng P280,000 sa bawat maaapektuhang jeepney driver at operator at sapat ba na ‘yung ibibigay natin ay humigit kumulang 10 porsyento hangang 24 porsyento lamang ng kabuuang halaga nang gusto nilang ipalit. At hangang ngayon din, hindi pa rin nila nabibigyan ng tama at sapat na evaluation ‘yung mga jeepney na ide-decomission na bilang bayad daw sa mga operator at owner ng mga jeepney na ito. Nasaan ang kumpletong programa at kahandaan doon?
Ang hinihiling ng Senado ay simple: ayusin niyo na muna bago niyo lumubasan at tuluyang ipagbawal lahat. Ngayon, ‘yung mga nag-comply at sumunod na, hindi naman namin sinasabing bawiin at itigil ‘yang sa kanila nandoon na ‘yon alangan namang babawiin mo pa vested right ‘yon at naunawaan namin ang kahulugan ng vested right pero doon sa mga hindi pa maka-comply kung ang DOTR nga mismo hindi pa nakaka-comply sa mga ipinangako sa kanila bakit nila pupwersahing mag-comply ‘yung hindi pa kayang mag-comply.
Ganoon lamang naman kasimple ‘yun na hindi na kailangang mag-walk pa o magreklamo pa mismo si Sec. Bautista, dahil sa sulat niya mismo inaamin niya ang kakulangan ng kanilang kahandaan at pagiging kompleto ng kanilang plano at balakin para maisakatuparan ito sa lalong madaling panahon.
Q: Sir, follow-up lang, wala bang mechanism na ma-ensure na itong mga taga-DOTR is doing their job? Di ba parang six years na and yet wala silang nagawa doon sa program?
CHIZ: Well, sa iyo na mismo nanggaling ‘yan. ‘Yan na nga ang punto ‘di ba, six years and yet kalahati pa lang ng budget ang nagagastos. Six years and yet 5 porsyento pa lang na dapat na ayuda nilang maibibigay ang naibigay na. Six years and yet minority pa rin ang local manufacture ng mga jeep na ito mas marami pa rin ang dayuhang manufacture ng jeep na ito. Again, walang masama na magpreno kung gagamitin ko ang salita ng mga tsuper at dyipni, magpreno ng kaunti, mag-menor ng kaunti. Hindi ba baliktanawan ‘yung mga kakulangan pa na dapat at puwedeng punuan bago tuluyang umarangkada, ika nga?
Q: Sir, wala bang piece of legislation na puwedeng ipasa na i-ensure, kunwari may programa i-introduce ang government? ‘Di ba palaging nagkakaproblema po sa implementation, wala bang ganoon?
CHIZ: Well, sa pamamagitan lamang ng oversight ‘yan. Sa totoo lang, sampung batas lang ang ibinigay ng Diyos sa atin kung sinusunod natin wala naman tayong magiging problema, galing sa Diyos ‘yon nakaukit sa bato. ‘Yung ginagawa natin galing lang sa tao ‘yun nakasulat sa papel, puwede pang amyendahan at i-repeal. So trabaho ng bawat isa sa atin bantayan, magmatiyag (inaudible)
Q: Pahabol lang po. So, it’s safe to say na the Senate is standing by on its own po na temporary suspend muna ‘yung PUV modernization despite po doon sa pronouncement ni President Bongbong Marcos?
CHIZ: Well, that’s what you call separation of powers and different divisions of government. It’s okay to have a different opinion. okay lang na magkaroon ng iba’t ibang pananaw ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan walang masama at mali doon at saka napasa na ‘yan napirmahan na ‘yan ng mga Senador at hindi naman na puwedeng i-reverse din ‘yun. Nagpahayag ng sense of the Senate ito ang pananaw at tingin naming. Hindi naming sinasabing tama, perpekto at kami lang ang magaling. Ito ay nagsisilbi lamang na paalala sa Executive branch at ganyan ang relasyon dapat sa pagitan ng executive at legislative hindi naman puwedeng amin na lang palagi at hindi din naman puwede na susunod na lang palagi ang Executive sa gusto ng Senado. Kung titignan natin pinakinggan ng Pangulo ang panawagan hindi lamang ng Senado pero ng marami sa ating mga kababayan halimbawa ang pagsuspinde at pag-ban ng POGO. Dito nagsimula sa Senado ‘yon. Pero pagdating dito, iba naman ang kanyang pananaw, okay lang yun demokrasya. Ang tawag diyan walang kailangang ikabahala o ikaalala sinuman kaugnay sa pagkakaroon ng magkakaibang pananaw sa iisang bagay o issue.
Q: So, Sir to be approved pa ‘yung reso?
CHIZ: Oo pero almost ano naman na ‘yun, basta na-sign naman na at napirmahan, ano pang ia-approve mo unless may mga magwi-withdraw na mga senador.
Q: Sir, si Senator Robin Padilla parang nag-petition sa Supreme Court asking to resolve the issue nga kung dapat ba na bumoto, jointly o separately, ang House at Senate pagdating sa Cha-Cha. Do you think may jurisdiction ang Supreme Court sa ganoong issue?
CHIZ: Liwanagin muna natin, ‘yan ay personal niyang desisyon. Hindi ‘yan ikinonsulta o tinanong sa akin, o sinumang miyembro ng Senado, at hindi yan aksyon ng Senado. Personally, sa aking pananaw at hindi ko sinasabing tama na ito, sa aking pananaw wala pang hurisdiksyon ang Korte Suprema dahil premature ang pagkakahain ng kaso. Dahil wala namang justiciable issue or controversy na nire-require ng korte bago ito mag-assume ng jurisdictions sa anumang petition na inihahain sa kanila pero ulitin ko, ayokong pangunahan ang Korte Suprema.
Q: So do you think the Supreme Court will not act on this?
CHIZ: Again, ayokong pangunahan. Sinabi ko na ang opinion ko bilang abogado pero ayokong pangunahan ang Korte Suprema kung ano ang gagawin nila. Dahil bilang abogado rin, I am a trained officer of the court and I have been trained to respect whatever decisions the court will hand down or issue whether I agree with or not. So, it’s not for me to preempt the court. I simply think that it is premature that is my own legal opinion on the matter.
Q: Bakit sa tingin niyo po hindi (inaudible)?
CHIZ: Kasi wala namang pinag-uusapan o pinagbobotohang o dinedesisyunan ngayon kaugnay ng bagay na ‘yan.
Q: Hindi pa rin puwedeng in-advance kasi ‘di ba parang doon sa RBH 6 at economic, ano ‘di ba palaging nagkaroon ng (inaudible).
CHIZ: Ano ang depenisyon ng “case” o “controversy”? May teknikal na depenisyon ‘yan hindi puwedeng, “ano kaya, tanungin ko sa Korte kapag nangyari ‘yon.” ‘Di lahat ng tanong niyo sa mundong ito na may kaugnayan sa kuwestiyong legal o batas ay idudulog lahat sa Korte Suprema at kung mangyayari din yun in our system of government in checks and balances. Sorry na-miss ko magturo.
Tila magiging pinakamakapangyarihang ahensiya ng gobyerno ang Supreme Court kasi pwede niyang sabihing tama ka, mali ka. Makukulong ka, laya ka. Ang tanging limitasyon sa kapangyarihang ‘yon na tila sumasaklaw sa Executive at Legislative ay pagkakaroon ng tinatawag nating justiciable case or controversy. Hindi sila puwedeng manghimasok sa mga sitwasyon na wala namang bangayan away o issue na kailangan nilang panghimasukan. Hindi ito puwedeng simpleng hihingi ka lang ng payo kaugnay sa isang bagay na naisipan mo lamang.
Q: So, Sir puwedeng legal opinion?
CHIZ: Hindi. Ang pinakamalapit sa legal opinion na sinasabi mo ay declaratory relief but by it’s very nature, if a petition for a declaratory relief precisely seeks to be relieved of something. So kung gusto mo magka-relief, ‘di may pressure may problema, may pabigat na gusto mong pagaangin. Sa bagay at kaso na ito wala pa naman sa aking pananaw.
Q: So parang instant mediation to resolve the issue on ‘yun nga (inaudible).
CHIZ: Kaya nga wala ngang pangangailangan para maresolbahan ‘yon kasi wala namang pinagbotohan o pinagbobotohan.
Q: So, Sir saan dapat dalhin ‘yung mga ganoong—
CHIZ: Hindi puwede sa Lower Court dahil question of law ito. Supreme Court lamang ang may jurisdiction pagdating sa mga tinatawag nating purely questions of law at klaro question of law ito.
Q: So, Sir when magiging justiciable?
CHIZ: Halimbawa, kapag nagkabotohan na kaugnay sa isang constituent assembly resolution at ang boto ay hindi na-meet ‘yung three-fourths threshold ng Senado man o ng Kongreso. So halimbawa, three-fourths sa Kamara, hindi nag- three-fourths sa Senado baka may magkaroon ng kaisapan ay hindi kapag in-add mo three-fourths na. Ganoon ba? Tapos sasabihin namin hindi, so ang COMELEC magde-decide ngayon i-schedule ba namin o hindi ang plebesito. So may maghahain ng kaso kapag ang COMELEC nag-schedule magpa-file siya ng petition for TRO kapag hindi nag-schedule ang Comelec gusto nilang mag-schedule ang COMELEC magpa-file ng petition for mandamus para i-order ang COMELEC na gawin ‘yon. Doon may case or controversy pero sa puntong ito sa aking pananaw ay wala pa.
Q: So, Sir kung kinonsulta kayo ni Senator Robin ia-advice niyo na premature at waste of time?
CHIZ: Oo pero hindi naman waste of time, may kalayaan at karapatan ang bawat isa at may sari-sariling mga legal na payo at advice na tinatanggap sila. ‘Yung ibinigay ko sa inyo kanina ay sarili ko lang na legal na kaisipan hindi ko sinasabi na tama at binding sa lahat. May sarili rin marahil siyang kinausap at kinonsultang abogado at ginagalang ko ang kanyang pasya bagaman hindi ako sang-ayon.
Q: Nagkausap na po ba kayo ni Senator Bato regarding doon sa development sa ICC?
CHIZ: Ano ba ang nire-reactan natin kung may development ba talaga sa ICC o galing lang sa isa o dalawang taong hindi naman talaga tagapagsalita ng ICC
Q: In the event po na—
CHIZ: Problema ko nga kung, ang hirap mag-react nang wala akong nakikitang dokumento mula sa ICC at hindi ICC mismo ang nagsasalita at kung pagbabasehan mo ang napanood ko lang yata ay si Sec. Remulla. Sabi niya, may nakita raw siyang dokumento na parang gusto siyang interview-hin, tama ba? ‘Yun lang ang narinig ko pero hindi ko pa nakikita ‘yung papel at kung gusto man siyang interview-hin hindi ko alam kung napadalahan na siya ng notisya na gusto siyang imbitahin.
Pangungunahan ko na, unique at kakaiba ito dahil kung pag-uusapan natin ang nakaraan ng Senado, ‘yung mga naunang Senate President sa kaso ni Senator Enrile, sa kaso ni Senator De Lima, sa kaso ni Senator Trillanes ang naging pasya ng Senate President sa mga panahong ‘yon ‘wag payagang arestuhin ang isang Senador habang nagse-sesyon ang Senado. In-extend ng kaunti ‘yan sa kaso ni Senator Trillanes ‘wag payagang arestuhin sa loob ng pasilidad ng Senado. Pero sa labas puwede na o paglabas puwede na. Pero hindi sinasabing immune siya sa aresto. Pangalawa, sa ilalim ng Saligang-Batas, immune from arrest ang isang mambabatas para sa isang krimen na ang kaparusahan at hindi lalampas ng anim na taon. Kung pag-aaralan ninyo ang ICC at kasalukuyan pa lamang naming inaaral ito, ang parusa sa crimes against humanity na tsismis na sinasabi nila kaya mahirap na ‘yun daw ang ikakaso ay not more than 30 years. So ang not more than 30 years ba pasok sa hindi lalampas sa anim na taon? Ang batas kasi natin may minimum, may maximum ang batas doon iba. So kapag in-apply mo ‘yung Constitution natin sa terminolohiya ng batas nila posibleng pumasok ‘di ba ang not more than 6 years pasok sa not more than 30 years.
So pinagpapa-aralan namin sa mga abogado ngayon at tiyak ko pinag-aaralan ngayon ‘yan ng abogado ni Senator Bato. So hindi siya ganoon ka-simple. Sunod kung mag-i-issue ng warrant ito ay puro katanungan lamang, kung mag-i-issue ng warrant nga ang ICC kung hindi na tayo miyembro ng ICC bakit natin susundin ‘yung warrant na in-issue niya? Iba ‘yung may jurisdiction sila noong nangyari ‘yung mga events na sinasabi nila doon sa ngayon hindi na tayo miyembro so legal bang pwedeng ipatupad yan ng pulis? Hindi ko alam ang sagot. Kapag pinakitaan ka ng warrant ng ICC na hindi na tayo miyembro, anong legal na epekto nun dito? So, marahil baka may dagdag pang proseso.
‘Yung tinatawag nating recognition of foreign judgement na para madesisyunan ng Korte kung tama nga ba ‘yun, legal o hindi. Tapos ‘yung Korte natin na lokal ang mag-i-isyu o hindi mag-i-isyu, depende sa kanila. Itong lahat ay bagong sitwasyong legal na hindi pa natin napagdadaanan so hindi ko pa masabi kung anong magiging kapasyahan dahil hindi pa namin klarong nakikita rin yung mga legalidad na papasok dito. Pinapapag-aralan ko parin sa legal ng Senate.
Q: (inaudible) covered pa rin siya and may responsibilidad parin yung Pilipinas to respect the ICC.
CHIZ: Pero ano bang nakasulat doon sa ICC? May jurisdiction sila kapag hindi nagpa-function ang Korte natin. Nakahanda ka ba, nakahanda ba ako na aminin na hindi nagpa-function ang justice system sa ating bansa? Na kinakailangan silang manghimasok at makialam dito?
Q: Who would decide?
CHIZ: Tila nagpasya ang administrasyon na hindi nila kino-concede ‘yun kaya ayaw nila makipag-cooperate. Pero isa ‘yun sa requirements na kung may jurisdiction sila. May jurisdiction sila dahil dysfunctional—hindi nagpa-function ng tama, walang remedy dito ang mga biktima at naapi. So, depende. Again, ito’y mga katanungan lamang. Hindi ko ito posisyon, hindi ito posisyon pa ng Senado pero pinapakita ko lang sa inyo kung gaano kasalimuot itong isyung ito at hindi ganoon kasimpleng kwestiyong legal lamang.
Q: Kung umabot sa point na magkaroon ng arrest order, ano ‘yung magiging responsibility ng Senate leadership kay Senator Bato? Pu-proteksyunan niyo ba siya ay papayagan na magstay dito sa Senate?
CHIZ: Nangyari na ‘yan dati, ‘di ba? Mahigit na isang buwan dito si Senator Trillanes. We will follow tradition, the practice of the Senate and accord the same treatment with respect to him. But again, Cely, the issue is ano ba ‘yung warrant na pinaguusapan natin? Ano ba ‘yung papel na ‘yun? Kung napakinggan niyo yung hearing noong isang araw, si Pastor Quiboloy nga may warrant na pero hindi naman daw kailangan sumuko. ‘Yun Philippine court na ang nag-issue nun. Kung gaano siguro karami yung abugado, ganoon karami rin ‘yung legal na opinyon kaugnay sa bagay na ito. So, ayaw ko munang tuldukan ito.
Q: ‘Yung following tradition, you mean pu-protektahan po niyo ni Senator Bato?
CHIZ: Meaning, when in session ‘yun ang susundan ko. When in session, we will not allow any arrest. While inside the Senate, we will not allow too because it will remove or perhaps diminish—that was the reason that they gave before—it will diminish the integrity and the prestige of the institution if that is allowed.
Q: Sa ngayon po, inaaral na ng Senate ang possibility (inaudible)
CHIZ: Opo, at itong mga binanggit ko sa inyo ay mga tanong na pinukol ko sa kanila na hindi nila masagot.
Q: (inaudible) nakapagusap na po ba kayo ni Senator (inaudible)
CHIZ: Kanina lang nag-usap kami tungkol doon, bahagyang tungkol doon pero mas patungkol doon sa security detail niya.Q: (inaudible)CHIZ: Sabi niya kasi tinanggalan daw siya, ‘di ba? So, pinaguusapan namin kanina bagaman bahagya lang kasi nag-CA na kami kaugnay nung sitwasyon. Inaalam ko pa lang ‘yung sitwasyon niya kasi hindi naman niya personal na brining-up sa akin ‘yun.
Q: Pero ano po ang rule ng Senate when it comes to the security of the members?
CHIZ: Last night, we amended a portion of the rules na ino-authorize namin ‘yung sergeant-at-arms to do what he can to protect not only the institution, the office, the building and those in it but also the members of the Senate. So, kung ano man ‘yung ibig sabihin nun at pag-aaralan pa namin. Ang importante na-authorize na ‘yung sergeant-at-arms na gawin ‘yun. Ito’y bugso sa totoo lang, hindi ng sitwasyon ng Senator Bato o ni Senator Bong Go. Itong amendment na ito ay dahil dun sa nangyari sa mga pagdinig kay Mayor Alice Guo na nagkaroon ng banta sa ilang miyembro at nagkaroon ng ilang kuwestiyon kaugnay sa pag-serve ng mga warrant of arrest at contempt orders ng Senado na kailangan pang dumaan sa pulis. So, in-authorize na namin specifically at directly ang Sergeant at Arms na i-serve ‘yung mga warrant at contempt orders maliban sa pulis.
Q: Sir, at present, meron kang detail kung kailan?
CHIZ: Sa ngayon, wala. Ever since naman wala.
Q: Pero Sir, subject to your approval bago ma-deploy sa senator?
CHIZ: Yes.
Q: (inaudible)
CHIZ: Wala pa. Kasi in-authorize pa lang ang OSAA so pina-finalize namin ngayon ‘yung parameters at ‘yung guidelines. Hindi naman puwedeng sky is the limit. Hindi naman puwedeng walang hangganan. So, inaayos pa lamang namin ‘yung parameters. Hopefully, ngayong linggong ito maayos namin ‘yun.
Q: Pero Sir, mayroong necessity for that?
CHIZ: I believe so, especially after the Mayor Guo and POGO hearings. Again, not because of the pullout of the security sa members. It was more because of the Guo hearings.
Q: Even during your time as governor, wala kang security?
CHIZ: Naka-short pants nga lang ako tsaka tsinelas nung governor ako kasi COVID nun. Wala namang pumapasok. Nakakahiya naman kung naka-long pants at sapatos ang security ako at ako naka-short pants at tsinelas, ‘di ba? Huwag na, okay na ‘yun. Tsaka, among Bicolano politicians, hindi uso ‘yan. In fact, I am not aware of a single Bicolano politician who even has a bullet-proofed car. Laway lang kasi kami doon, wala naman kaming barilan dun. Laway-laway lang. Deba-debate lang.
Q: (inaudible) ano pa po ‘yung puwedeng i-expect from NPC?
CHIZ: Actually, I do not know, honestly. I’m sorry. Hindi ako pasok sa negosasyong ‘yan. Ni hindi ako naimbitahan o nag-attend sa pirmahan sa pagitan ng NPC at Lakas pero miyembro ako ng NPC hanggang ngayon. Hindi lang ako privy sa mga naging kasunduan kung anong saklaw nung coalition na iyon. Dahil kung maaalala mo, may tatlong miyembro ng NPC ang nagnanais tumakbo sa pagka-senador, dalawa pala. So, hindi ko alam kung kasama ba ‘yon o hindi dahil hindi ako kasama sa usapan.
Q: Sir, ano ‘yung ideal for you bilang miyembro ng Senate?
CHIZ: Hindi participation ng NPC, mas nais kong sabihin ano ‘yung nangyari noon sa mga alyansang tulad nito. Usually, kung may alyansa yung mga partido, may koalisyon ‘yung mga partido ibig sabihin niyan hindi sila maglalaban-laban sa anumang pwesto. So, ibig sabihin iisa lamang ang slate ng mga partido naka-koalisyon sa pagka-senador, sa pagka-gobernador iisa lang din ang slate. Pero may exception yan na gagawin nila, free zone o zona libre. Kapag ‘yung incumbent ganito o ‘yung dating ganito… depende na usapan at negosyon nila ‘yan. ‘Yun ‘yung medyo masalimuot na parte sa pagkakaroon ng koalisyon, ‘yung labanan sa baba—mayor man, governor man, konsehal, vice mayor o congressman.
Q: Pero Sir, sa national level po, especially sa Senate binding ba pagdating sa issues na kung ano ‘yung tatayuan ng administrasyon ay automatic i-embrace ng NPC?
CHIZ: Nung kandidato, at least. Dahil ang NPC as a party, ang Lakas as a party at karamihan ng mga party halos motherhood statements naman ang laman ng mga objectives, principles at policies niyan. Lahat naman gusto tumulong sa mahirap. Lahat naman gusto umunlad ang bansa. Wala namang mga specific na programa ‘yan. So kadalasan wala namang conflict pagdating doon. Sino ba naman ang aamin na gusto niya kasamaan para sa kapwa niya Pilipino o bansa? Siyempre lahat yan ang gusto ay umunlad ang bansa, mapabuti, mapahusay, mapaangat ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino. Halimbawa, isang bayan o isang siyudad dito sa Metro Manila. ‘Yung may magandang laban sa darating na eleksiyon, lahat ng congressman ay bahagi ng Lakas. ‘Yung Mayor, biglang nag-Lakas, so hindi ko alam kung kanino na kakampi yung lima o anim na miyembro ng Lakas na kandidato sa pagka-mayor. Automatic ba ‘yun, sabay ba ‘yun? Hindi ko alam, pag-uusapan nila ‘yan pagdating ng koalisyon.
Q: (inaudible)
CHIZ: Hindi ako kasama sa negosasyon dahil hindi ako opisyal ng NPC. Matagal-tagal ng panahon na hindi ako opisyal ng NPC.
Q: By choice?
CHIZ: Oo din dahil nag-gobernador ako noon. Huli akong nagkapuwesto sa NPC bago pa naging Senate President si Tito Sen. Tapos noong naging Senate President siya since siya ‘yung highest ranking, siya ‘yung piniling maging chairman ng NPC at siya pa rin ‘yung nananatiling chairman hanggang ngayon.
Q: Para daw ma-recover ‘yung possible economic losses sa pag-ban ng POGO (inaudible)
CHIZ: ‘Di ba sinabi ko noong nakaraan tayong nagkita, liwanagin na natin kasi ‘yung polisiya natin kaugnay sa sugal. Ano ba talaga ang gusto natin? Kung hindi, walang katapusan itong mga tanong at debateng ito. ‘Yan bang si PIGO, PAGO, PEGO, POGO, hindi ko na alam kung anong acronym ang meron. Sa dulo, pag-aralan din natin. Okay ba sa atin ‘yung lokal na sugal, mas okay ba ‘yun na Pilipino ang nagsusugal kaysa dayuhan na nagsusugal? O mas gusto ba natin na Pilipino na lang walang dayuhan o gusto natin na dayuhan na lang walang Pilipino. Dapat klaruhin natin kung ano talaga ang gusto natin bilang isang bansa. Hindi ko sinusulong at hindi ako tutol sa anuman sa ngayon. Pero ang gusto ko lang klaro para hindi tayo palaging magtatanungan ng ganyang sitwasyon. Kung maaalala niyo, time ba ni President Marcos o President Duterte, ‘yung pagbawal ng e-sabong?
Q: Duterte, Sir. Kasi maraming kidnapping—
CHIZ: —Dahil nagkaroon ng isyung ganun at dahil ‘yun na ang libangan ng halos lahat kapag breaktime nila. So tiningnan niya ‘yon, sinukat niya ‘yon. Ang tanong nagbago na ba? Again, that is a policy that Congress, doesn’t need to enter because it is basically the decision of the Executive. Maliban na lang kung magkakaroon ng polisiya ang Kongreso mismo na bawal ang lahat at anumang uri ng sugal dito sa ating bansa. ‘Yon maliwanag at klaro ‘yun as long as it is a game of chance kasi kung hindi ang daming permutation.
I’ll give you an example again, may three elements of gambling—look it up in any dictionary—a bet, a game of chance, and settlement of payment. Kapag ‘yang tatlong elementong ‘yan present, sugal ‘yon. Taya, bet, game of chance whether text ‘yan or toss coin. Game of chance, sabong o kung anuman tapos bayaran, settlement of payments. Sa casino, sa poker, klaro ‘yun. Tumaya. Sa slots, klaro ‘yun. Naghulog ng coin, tumaya, nag-game of chance, bumunot ng baraha, nagkabayaran kung sino ang nananalo at natalo. Lahat ng tatlong elementong ‘yon nangyayari dito. May mga uri ng sugal ngayon dahil sa teknolohiya na hindi lahat ‘yun nangyayari dito, na lahat ‘yun hindi nangyayari dito. Bibilang pa bang sugal ‘yun? Kaya ‘yung sinasabi niyong pagbabawal ito o ‘yan. Hangga’t hindi maliwanag ang polisiya natin ang mangyayari lang ay mag-iimbento lang ng panibagong acronym palagi. Pero sa dulo, iyon parin naman ‘yon.
Q: Sir, sa House may in-adopt na resolution. Joint congressional investigation sa EJK, POGO and war on drugs? Do you also see the need to do this?
CHIZ: Sa ngayon, hindi at hindi naman kailangan sumunod ng Senado sa ginagawa ng Kamara sa lahat ng bagay. Sa ngayon, wala akong nakikitang rason o dahilan para gawin din namin iyon. Kasi iba-ibang mga kumite ‘yan to begin with. EJK, Public Order, sumanga na ‘yong POGO investigations mula sa Committee on Women dahil prostitution naman talaga ‘yong simula. Nagpunta na tayo nang binan ng Pangulo sa winding down so mas may marapat na jurisdiction ay ang Committee on Games at may resolusyon nang inihain na ni-refer na sa Committee on Games para dinggin ito. Kaya tiyakin ‘yong wind up, wind down na ‘yan sa loob ng taong ito ayon sa pinag-uutos ng Pangulo.
Q: (inaudible)
CHIZ: Pinag-aaralan pa namin kung magkano. I think si Senator Alan magpapasa ng resolusyon para doon. Pero by tradition din ang ginagawa naman ng Senado, wala naman akong kakayahan tulad ng ibang ahensya ng pamahalaan, so tulad ng ginagawa ng Senado, in the past, nagpa-pass the hat ang mga Senador para dito.
Pero kung ako ang tatanungin niyo, sa ganang akin at ipapanukala ko sa aking mga kasamahan sa Senado na bagaman walang medalya, si EJ ay dapat bigyan din ng pabuya at parangal kung hindi ako nagkakamali mula 11th naging ika-apat siya. Isa na lang, ‘di ba, medalya na ‘yon. Pero malaking achievement, accomplishment ‘yon at pinakita n’ya talaga ang laki ng puso niyang patuloy lang lumaban at ipaglaban ‘yong kanyang pinakakaya at pwedeng gawin ayon sa kanyang katawan at lakas. Marapat din para sa akin na bigyang ng pagkilala ‘yon. At hindi lang ‘yung nagkakamedalya. Hindi naman nasususkat ang pagkakaroon o kawalan ng medalya ang binuhos na kakayahan ng isang Pilipino lalo na pagdating sa larangan ng palakasan.
Q: So, sir sa tingin niyo pass-the-hat?
CHIZ: Hindi ko pa alam. Si Senator Alan ‘yung magpo-propose. Hopefully, this week because we expect our athletes to come back, next week? So ang inaasahan namin na, siyempre mauna na ang mas malalaki, nakakahiya naman makikipagsiksikan pa kaming mauna hindi naman kami ganung kalaki ‘di ba? Mauna na ang malalaki, mag-schedule na lang siguro kami.
Q: Sir, may update na po dun sa review New Senate Building from Senator Alan?
CHIZ: Wala pa siyang update pero ang pangako niya sa akin ay meron na siyang maibibigay na update by the middle of August. So, kung titignan natin, maikli pa lang naman na panahon iyon at saka may utang pa ang DPWH sa amin na mga updates ng papel at dokumento para mabuo niya ‘yung magiging rekomendasyon niya, hindi lang para sa akin, para na rin sa mga Senador, para sabay-sabay naming pagpapasyahan ito at hindi lang ako.
Q: Sir, ‘yung budget daw by next week
CHIZ: DBCC kami ng August 13, 14. ‘Yung schedule kasi ng budget kailangan tinutugma sa schedule ng Kamara. Kasi siyempre nagsisimula din sila, so hindi naman puwede hatiin ‘yong mga secretary, so ‘pag nakuha na ang schedule nila sa DBCC, doon magsisimula ‘yon. Magsisimula na rin kaming mag-schedule ng ibang departamento.
Ngayong budget deliberations lang may susubukan kaming gawin na bago, sana magsilbing paraan din ito para mabigyan ng notisya ang mga dadalo dito na mga officials ng iba’t ibang departamento. Secured na building ang Senado at hindi niyo kailangang dalhin lahat ng mga bodyguards ninyo dito sa Senado, sa labas na lamang po sila. Pangalawa ‘yung mga kailangan lamang talaga mag-attend at iimbitahan ng LBRMO, ang papapasukin sa mga committee rooms. Meron kaming dalawang holding area na pwedeng doon silang tumambay kung saan mapapakinggan nila ang hearing. Bibigyan namin sila ng internet, mesa at connection ng kuryente para kung may kailangan silang i-download at i-print at itakbo doon sa hearing magagawa nila mula sa holding area. I-activate naming ‘yung dating protocols ng COVID para mabawasan ung pupunta rito.
Ang pinakamalaking rason ba’t ko napagpasyahang gawin ‘yan ay ito, walo lamang, meron tayo by mid-August promise, walo lamang ang committee rooms ng Senado kung lahat sila papa-attend-in at wala namang iaambag doon sa hearing. Iko-collapse lang namin ‘yung mga divider, ‘yung tatlong committee rooms nagiging isa. So pakikinabangan ko ‘yung walong committee rooms, ‘di ba na puwede magkaroon ng hearing, ang Budget man, ang Finance man, o ang ibang komite hanggang September 28 ‘pag adjourn namin.
Madalas nadedelay kasi ang budget dahil kulang sa committee rooms so may tinitignan pa kaming dagdag na rooms by August diyan sa GSIS, para ma-expand pa ang bilang ng committee rooms namin para hindi maantala ang budget kaugnay sa 2025 proposed GAA. So sana, makisama at pakisamahan kami ng mga ahensiya para mas mabilis din ‘yung kanilang mga budget. Hindi ito parang House na kailangan nilang dalhin lahat ng provincial director, regional director sa iba’t ibang parte ng bansa dahil hindi nila alam kung sinong congressman ang magkukuwestiyon na may personal na problema. Davao del Sur Senator Bato, Davao, Senator Bong Go, Sorsogon Chiz, ‘di ba? ‘Yon na lang dalhin nila kung gusto nila. Malay mo may tanong ako tungkol sa Bicol, ‘yon na lang. Huwag naman ‘yung buong Pilipinas na hindi naman talaga kinakailangan. At ‘yung parking, hopefully, nagki-clearing na tayo sa SSS lot na nirentahan ng Senado. Hopefully, ma-espaltohan at mailawan siya ngayong buwan ng Agosto, ‘pag nagawa ‘yon, open parking na ‘yon sa lahat.
Q: Ilang slots ‘yon, Sir?
CHIZ: Covered ko na ang 1,323, 1,080 lang tayo kasama na kayo sa 1,080 so sobra pa ng kaunti. So ‘yung first layer pa rin ng ano, ‘yon pa rin ang bisita.
Q: Sir, ‘yung pag-trim down ng mga pupunta dito ay dahil na-observe niyo in the past na ng overcrowd ‘yong—
CHIZ: Oo. Tsaka alalay lang naman, wala naman ambag. Minsan may tumatakbo galing sa likod may dalang papel, ‘di ba? Pero kaya na nila ‘yon. ‘Di ba kaya may holding area naman. Kaparehas ng naitanong mo kanina andyan lahat ng assec, usec, ‘di ba? Pero wala doon sa hearing. Hindi naman kasi kailangang andun lahat, ‘di ba? Para puwede tayo mag-multi-tasking. Kami rin mag mumulti-tasking kami kasi merong mga bills pa rin kaming hinahabol na maaprubahan bago kami tuluyang mag concentrate sa budget pag-resume namin sa November.
Q: So, Sir during the break tuloy pa rin ang budget hearing? Kasi September 28 break na, ‘di ba?
CHIZ: Well, in theory tapos namin dapat ‘yon. In theory, in a perfect world tapos dapat ‘yon. Kasi makukuha na namin ‘yong GAB, ‘yung General Appropriations Budget galing sa Kamara para mahimay na namin, makumpara na namin dahil doon kami magbabase ng amendment para makapag-produce ng committee report ang Committee on Finance para pagdating ng Nobyembre, pag-resume namin floor debates na kami. Para maaprubahan na rin namin ‘yon kaunting amendment na lang ‘yon para pag nag-bicam, kaunti na rin lang ang pag-uusapan.
Q: Thursday session bukas?
CHIZ: Tomorrow 10 o’clock, as you requested. Sabi niyo gusto niyo nang umuwi, ayaw n’yo na maghintay pa ng hapon.
Q: Sir, kaya meron dahil maraming pending na local bills?
CHIZ: Hindi naman ‘yon ang napagkasunduan. Siguro, more or less, we will be taking up something like between 20 to 30 local bills, mostly hospitals and holidays. Pero ‘yung holiday nagkasundo ang Senado na limitahan ang mga holiday. Mahigit isang buwan na ang holiday sa buong bansa, which makes Philippine companies and workers less competitive. ‘Di ba, may holiday ang siyudad, may holiday ang munisipyo, may holiday ang probinsiya, may national holiday, may religious holiday, ‘di ba? Which makes us less competitive. Tignan n’yo halimbawa ang Estados Unidos meron silang Presidents’ Day, lahat ng magagaling nilang presidente pinagsama-sama nila sa iisang araw na lang na holiday. Tayo hindi, may Araw ng Kagitingan, National Heroes Day, bawat bayani noong pinatay sila may holiday na naman, ‘di ba?
Q: Posible po ba na pagsama-samahin na lang sa iisang holiday?
CHIZ: Isa ‘yon sa pinapaaralan ko sa kanila ngayon sa komite. Ang problema lang away ‘yan, pero hindi naman kailangang gawin ngayon. Simulan lang natin ‘yung proseso, hayaan mong mag-percolate siya—mapagpasyahan. Because I tell you it is making our Filipino workers less competitive. Because our competitors from other countries aren’t requiring this companies to pay double dahil nagkataon lamang na holiday at wala namang kinalaman dun sa mga bansang pinagtatrabuhan nila lalo na sa call center. Thank you!