PUBLIC ORDER AND DANGEROUS DRUGS

 

SENATOR RONALD DELA ROSA (RDR): I would like to acknowledge the presence of Senator Chiz Escudero. You want to say something, your Honor? Please continue later.

SENATOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Mr. Chairman, I like to raise a point of order which I hope the chairman will consider and did not rule upon it at this moment. Number one, when we subscribe our witnesses to tell the truth, only the truth and nothing but the truth it is limited only to what he knows based on his personal knowledge. What he knows to be and known to him to be known to be. Hindi naman pupwede pong ‘yung testigo magsasalita dito, susumpaan na sinabi ni ganito, sinabi ni ganyan. Kaya po ngayon, ang chairman nahihirapan. Imbitahin ba natin si Pangulong Marcos? Imbitahin ba natin si dating Pangulong Duterte dahil binanggit ng ating testigo? Hindi po pupwedeng ganoon. Limitado lamang dapat ang sabihin ng testigo sa nalalaman nilang personal na naranasan niya, nakausap niya, narinig niya.

Ngayong kung may sinabi man ‘yung taong ‘yon, ‘yung taong ‘yon ang nakakaalam kung totoo man ‘yon o hindi. Bilang halimbawa, Mr. Chairman, binanggit niya ‘yung kanyang informant na hindi na niya maalala. He is not testifying as to the truth of what the informant saw or said. ‘Yung informant lamang po ang puwedeng makapagsabi noon, hindi si G. Morales. So, kung may ipapatawag po tayo ‘yung nakahalubilo niya kung maalala niya at babanggitin niya ‘di ‘yung informant. Para malaman natin, totoo nga ba ‘yung sinasabi niya o hindi.

Pangalawa, binanggit niya si G. Gadapan na binabanggit ang pangalan ni dating Executive Secretary ang imbitahan po natin kung puwede ba pero ayon sa chairman ay wala na ‘yong kinausap at kilala lang din niya, si G. Gadapan. Ngayon binabanggit din niya na mayroong taga-NAPOLCOM na kumausap sa kanya na inaareglo siya, ‘yon lang din ang limitasyon ng kanyang testimonya hindi kung sino pang pangalan ang binanggit na taga-NAPOLCOM. Hangang doon lamang po ang nalalaman niya dahil kung hindi natin lilimitahan doon, G. Chairman, aabutin na po tayo ng Disyembre hindi pa tayo matatapos sa dami ng pangalang binabanggit ng ating testigo sa ngayon.

Sunod po Mr. Chairman, a point of order. Narinig ko po ‘yung motu proprio investigation ng Chairman. Sabi po ninyo ‘yong drug haul sa Batangas at ‘yung PDEA leaks. Ngayon kung ang posisyon ng Chairman ay authentic ‘yung dokumento, dapat po isama sa magiging in inquiry ng komiteng ito ay kung authentic ‘yung dokumentong. ‘Yun gaya nang sabi ng chairman may butas. Hindi po ba ‘yung papel, ‘di dapat po sumentro na po ang imbestigasyong ito sino ‘yung bumunot doon sa folder na pinanggalingan nung dokumentong sinasabi ng chairman na authentic.

Ang pangalawang problema po kasi ay hindi lang naman may nag-leak ng confidential na dokumento, ang issue din po ay sinong bumunot o kumuha ng confidential na dokumentong ‘yon kung kaya’t wala na ngayon sa PDEA. Kung nandoon man ‘yon sa simula. Kung hindi ‘yan tinurn over kay Director Francia, sino man ang nakakuha ng dokumentong ‘yon, sino nga ba ang bumunot nun. ‘Yon ang dapat alamin at malaman ng PDEA at ng komiteng ito.

Naimbitahan na natin si Bb. Soriano para tanungin kaugnay nito. Pero ang issue nga natin ‘yung Batangas at ‘yung PDEA leaks, hindi ‘yung sinasabi doon sa leak mismo. Puwedeng puntahan ‘yon, pero subject matter na po marahil ‘yon sa isa pang pagdinig na sentro na lamang doon sa bagay na ‘yon.

Pero, pansamantala, sa issue na ito, ang nais po nating malaman saan galing ang dokumentong lumabas at kung authentic ‘yon sa pananaw ng chairman. Nasaan na ‘yon ngayon at sinong bumunot mula sa files ng PDEA nung file na ‘yon, nung papel na ‘yon at mga litrato at sinumpaang salaysay nung sinasabi ni G. Morales na informant po niya na hindi po niya maalala sa ngayon.

Again, for the consideration of the chairman at a later time and for the chairman to rule at a later time, Mr. Chairman. Thank you, Mr. Chairman. Thank you to my distinguished colleague Senator Poe for granting me leeway to speak.

RDR: Thank you, Senator Chiz Escudero, for those points that you have raised. Indeed, it is my pleasure to hear some advice coming from a veteran senator—

CHIZ: Tanda na nun.

RDR: —who are, who is a legal luminary. Indeed, well accepted by the chair of this committee. Lahat ng points na ini-raise mo, I am going to consider it seriously and I’m going to rule on it at the proper time.

CHIZ: Thank you, Mr. Chair.