SA TOTOO LANG

 

JOVE FRANCISCO (JF): I-welcome na po natin, para malaman na po natin ang ganap sa Senado, wala pong iba kundi si Senator Chiz Escudero.

SENATOR CHIZ ESCUDERO (CHIZ): Jove, Maricel, Chiqui, at sa ating mga tagasubayba, magandang hapon sa inyong lahat.

CHIQUI VERGEL (CV): Magandang hapon, Senator.

MARICEL HALILI (MH): Good afternoon.

JF: Para maiba, hindi ako unang magtatanong. Go, Maricel.

MH: Senator, una sa lahat, o para maiba kasi nakausap mo rin ba si Senator Chiz kanina. Ito Senator, una sa lahat hingi po muna kami ng reaksyon dun sa naging desisyon ng Commission on Elections na, for now, suspendido muna ‘yung pagtanggap nila ng people’s initiative na isinusumite sa COMELEC. Ano pong masasabi ninyo dun? Sir.

CHIZ: Well, pag-amin ito para sa akin na may depekto ‘yung kanilang rules and regulations. To be fair, hindi ‘yung mga commissioners natin ang gumawa niyan, dahil taong 2020 pa ginawa ‘yang rules and regulations. Nakita marahil nila na hindi sapat ‘yung rules and regulations nila para tugunan ‘yung maraming katanungan at kuwestiyon kaugnay sa isinasagawa ngayong people’s initiative ng kamara.

MH: Senator?

CHIZ: Yes, hello.

JF: Ayon.

MH: Ayon. OK na pala.

CHIZ: Gaya nang sabi ko tila inaamin ng COMELEC na may kakulangan ‘yung kanilang sariling rules and regulations kaya minabuti nila na i-review muna nila to. Kung walang rules and regulations wala naman puwede munang tanggapin o patakbuhing people’s initiative na isinusulong ngayon ng Kamara.

MH: OK, pero Sir, meron ba kayung natanggap pa na additional information if it’s true indeed that President Bongbong Marcos will ask the Congress na, “Teka muna tigil muna natin tong people’s initiative.” Although parang hindi naman sila umaamin na kanila galing sa House.

JF: Puwede din may pruweba si Senator Chiz na inilabas nung weekend. Na-quote.

CHIZ: That was Senate President Zubiri relayed to us kanina at nag deliver din siya ng talumpati kaugnay sa meeting nila kaninang umaga kasama si Pangulong Marcos. Kasama si Legal Counsel Sec. Enrile. Nandiyan din si Executive Secretary Bersamin. Sa ngayon Jove, Chiqui, Maricel, kung hindi  naman talaga sila na alam naman nating lahat na sila. ‘Di bakit sila ang kakausapin ng Presidente? Malamang alam din ng presidente na sila naman, huwag nating lahatin. Pinangungunahan principally, ng ilang miyembro ng kamara sa pangunguna siyempre ni Speaker Martin Romualdez.

CV: Sige, speaking of people’s initiative muna. Sorry, this is Chiqui Vergel po, Senator, ‘no. Ang sinasabi nila wala naman balak, actually, si Rep. Michael John Duavit, ano. Sabi niya wala naman balak tanggalin ang Senado, ‘no. So, bakit takot na takot tayong lahat? Sabi nga niya as far as our party is concerned there’s no way we’ll be voting any form to remove our five senators. So, kung hindi daw tatanggalin ‘yung limang senador nila, wala daw ikatatakot ‘yung nineteen other senators.

CHIZ: Well, tama ‘yan. Tama ‘yan, Chiqui, kaibigan kong matalik ‘yan si Duavit. Pero ang tinuturo nila hindi nga daw sila. Bakit sila ang magagarantiya? Pangalawa, ang tinuturo nila si Mr. Onate at ang sinasabi ni Mr. Onate sa kanyang mga interview ay ang talagang layunin ay dalawa: pagtanggal ng term limit para matigil na daw ‘yung dinastiya, at pangalawa, gawing unicameral ang Kongreso. So, ang nag de-deny hindi naman daw sila ang gumagawa pero ‘yung umaangkin na sila ‘yung gumagawa iba naman ‘yung kumakanta. So anong papaniwalaan at papakinggan namin?

CV: Speaking of paniwalaan at pakikinggan, ‘no. Sabi ni Senator, “senator” tuloy. House Speaker Romualdez, we await the approval of the Senate of RBH No. 6 and we commit to adopt this measure pertaining to the amendments of the economic provisions of the Constitution. So, i-adopt daw nila yung sa Senate version po. So safe bang tanggapin ang statement na ito o do we take it with a grain of salt na may kaunting reservation?

CHIZ: Sa mga panahon ito yata, Chiqui, anumang sentence na nagsisimula o nagsasabing Speaker Romualdez, ang sagot agad ay “teka muna.” So ang tugon ko dun ay sa isang demokrasya hindi mo puwedeng daanin sa pilitan o sa takutan o hostage-an. Sa demokrasya dapat magkumbinsihan tayo. Bakit ang ginagawa nilang paraan porke’t mabagal o ayaw ng Senado, hindi kumbinsido ang mas maraming senador sa mga pahayag nilang pagbabago sa Saligang-Batas ang naging solusyon nila ay baguhin ang paraan ng pagbabago ng Konstitusyon. Kaya ang panukala sa people’s initiative ay joint voting, hindi demokrasya na ang tawag doon. Pagpapasunod na sa gusto mo at pagbabago sa rules sa gitna ng game, ika nga.

Ang nais nilang gawin, now, tutukuyin ko ‘yung economic provisions. Ito din ang personal kong posisyon dito. Sa lahat, Chiqui, Maricel, Jove, ng business lahat ng foreign business survey. Wala naman sa top five na rason ‘yung restriction sa Konstitusyon kung bakit hindi sila naglalagak ng puhunan dito. Ang number one na rason ay mataas na presyo ng kuryente. Ito’y survey na nagawa o isinasagawa nitong nagdaang lima o sampung taon na. Pangalawa, ay ang kawalan ng level of playing field. Pangatlo ay red tape. Pang-apat ay korapsyon. Pang lima ay pagbabago na naman ng rules kapag ka nagbabago yung administrasyon. Magsisimula na naman daw sila sa simula. ‘Yun ang limang pangunahing reklamo nil ana nais nilang makita sa bansa para maglagay sila ng puhunan.

Tukuyin kung ano ang specifics o mga pinapanukala. Bubuksan ang advertising industry. Bubuksan and edukasyon. Ganoon kalaking negosyo na galing sa dayuhan ang papasok ‘pag binuksan natin ‘yon. ‘Yun ba talaga ang gusto lamang nila o pakay nila? Dahil ‘yung mga ibang kumpanya tulad ng mining, ‘yung mga malalaking endeavors transportation, airlines, telecom, binuksan na ‘yun ng Kongreso sa pamamagitan ng amendments sa Public Service Act. So ito advertising, babaguhin naming ‘to sa Saligang-Batas, parang hindi naman ata tugma sa sinasabi nilang kahalagahan na gawin ‘yan sa lalong madaling panahon.

JF: Klaro, klaro. Senator Chiz, alam ko napag-usapan na natin ito kanina sa isang programa. Iba namang audience ngayon

CV: Korek! Kahit ako hindi narinig.

JF: Oo, ano lang, habang ini-interview ka namin pinapalabas yung situation ng mga video ng Senate earlier today na ‘yun nga ‘yung mga tao ay naka ano, naka-maroon na or purple kind of ribbon. Ano itong isinulong niyong mga kawani diyan sa Senado?

CHIZ: Tama ka, Jove. Ang hula ko kung bakit ‘yun ang pinili nilang kulay ay hindi dahil taga-UP ako. Fighting Maroons siguro, baka fighting.

JF: Fighting. Tama!

MH: Fighting.

JF: So, ayon. Oras na nakita natin na siyempre nakiisa ang mga senador at sila’y nagsuot ‘yan. At maski sa session kanina, nag photo-op kayo ulit, hindi ba? Parang nandoon kayong lahat sa harapan kanina.

CHIZ: Ewan ko nasa lounge ako, Jove. Hinila lang ako bigla kailangan daw bumalik. Kaya picture pala, OK.

JF: Picture-picture-picture pa. Kailangan kumpleto ano, pang-attendance ‘yun.

CV: Attendance pruweba,

MH: Para strong message daw. Pero Senator, dito po sa gitna ng mga usapin tungkol sa people’s initiative, of course, ‘yung hindi pagkakasundo ng mga mambabatas biglang nagsalita si former President Rodrigo Duterte kagabi. Tungkol dito sa people’s Initiative meron din siyang warning kay President Marcos paano ito makakaapekto sa nangyayari ngayon?

CHIZ: Well, dagdag ingay politika yan na hindi natin kinakailangan sa panahong ito. In fact, ‘yung ating NEDA Secretary mismo three days ago nagsalita na. Na ‘yung bangayan at ingay kaugnay sa people’s initiative at Cha-Cha ay hindi maganda para sa mga negosyante na pumasok dito. Marahil maghihintay manonood muna’t mag-aabang sa kakahinatnan nitong ingay pulitikang ito mas umingay pa nga kagabi no’ng nga tumayo mismo ang dating pangulo laban sa people’s initiative kasama na yung ibang maaanghang pang salitang binitiwan niya.

MH: So, kung hindi ito makakatulong sa situation natin ngayon. How do you wish to end this issue, this conflict?

CHIZ: Well, simple, the President should rein in his political ally and cut it na tigilan na ito. Kung mapapansin mo yung mga problema na nadadanasan ni Pangulong Marcos hindi naman nagmumula sa kanya. ‘Yung bangayan ‘di umano sa pagitan nilang dalawa o tampuhan ni Vice President Duterte nanggaling din naman sa Kamara noong tinanggal ng Speaker ang confidential funds niya. ‘Yung kay Pangulong Duterte nag-ugat pa rin sa Kamara noon nga pinaimbestighan ng Speaker ang SMNI at sa kalaunan ay ah sinuspende indefinitely. At ngayon itong pangatlong kinakaharap nyang hamon nanggaling pa rin sa Kamara at sa Speaker ang rason kung bakit nagkakaroon ng ganitong ingay sa politika. Hindi naman lahat ‘yan nagsimula kay Pangulong Marcos pero ang kailangan niyang gawin bilang Pangulo, bilang lider ng ating bansa, bilang pinakamataas na official kaalyado niya, kamag-anak niya, is to reign him in and to make him a follow the line that he wants to follow as the President of the entire country, binoto man siya o hindi.

MH: Hindi pa sapat ‘yung naging executive session noong nakaraan, Sir.

CHIZ: Well, apparently, hindi dahil noong unang nag-usap, sila Maricel, Jove, si Pangulong Marcos, si Senate President Zubiri, at si Speaker Romualdez, noong una nag-usap sila sinabi ni SP Migz ‘yung ginagawa ng Kamara, hindi naman dineny ni Speaker Romualdez na sila ang nasa likod nito. In fact, ang sagot nya kay SP Zubiri, wala ako doon kaya mas maganda siya tanungin niyo, ito’y hearsay na. Ang sagot niya, “the ship has sailed from the court, how can I bring it back?” Ika nga, lumabas na ‘yung toothpaste sa tube, hindi na puwedeng  mabalik ‘yon.

Hindi naman niya dineny, noong nagsalita siya. Inilabas ko nga ang video na pinagyabang pa niya na gagawin naming ‘to sa lalong mas madaling panahon. Isang people’s initiative para wastuin, ayusin ‘yung problema sa proseso ng pag-amyenda ng Constitution. Inamin na niya ng diretso ‘yon. Sabi nga niya, kayong una kong sasabihan kasi mami-miting palang kami mamaya ng party leaders tungkol dito. Sasabihin ko na sa inyo, sinabi niya. Tapos noong kainitan na, medyo, “hindi na kami yan, wala kaming kinalaman diyan.” And yet ang nagbibigay ng mga update sila. And yet sa usapan kaninang umaga nga ni SP Zubiri kay Pangulong Marcos, ang tugon ng Pangulo ay kakausapin ko ang Kamara.

CV: Senator, balikan lang natin to refresh everyone memory, ‘no. Kasi itong nangyayaring gulo like people’s initiative, usaping Cha-Cha, economic provisions. Ang sinasabi nila ay hindi umano gumalaw o gumagalaw ‘yung economic provisions sa pag-amyenda or looking into it before. So, bakit nga po ba hindi gumagalaw ito before?

CHIZ: Well, marahil hindi nga natin kasi kailangan naman talaga. Kasi ‘yung kailangan mga aspeto ginalawan na ng Kongreso mismo, Kamara at Senado para amyendahan ang Public Service Act. ‘Yun ‘yung mas makabuluhan marahil: telecom, transportation, mining. ‘Yung malalaking industriya, pero hindi yung sinasabi nila ‘yung kailangan pang dagdag gawin na advertising, educational institution. ‘Yon sa tingin ko ay palusot na lamang para sabihing may kailangang gawin na pagbabago sa ating Saligang-Batas.

Tsaka kung papakinggan ang tema ng ilang mambabatas nagsisimula ng banggitin ang term limit din. Nagsisimula silang banggitin ang term mismo. Ilang mambabatas ang na-interview nitong nagdaang mga araw at ang sinasabi ay bakit sila anim na taon 2 terms hanggang 12 taon, kami 3 terms 3 years, hanggang 9 years lang. Ang sinasabi pa ng iba ay patungkol sa term limit. Na yan daw ang naging ugat ng dynasty dahil ‘pag nag-graduate ‘yung congressman, mayor o governor papatakbuhin niya asawa niya. ‘Pag bumalik siya, syempre nakatikim na, kailangan hanapan naman ng ibang puwesto naman, kaya magiging vice governor o congressman o mayor naman.

Para sa akin, hindi nakakatulong, ganyang mga usapin para itaas ang kumpyansa ng ating mga kababayan kaugnay sa tunay na mga motibo sa pagbabago ng Saligang-Batas. Lahat ng tangka na baguhin ang Saligang-Batas, kakulangan ng tiwala ang rason sa likod kung bakit hindi natutuloy. ‘Yun naman ang ugat ng lahat. Babalik-tanaw natin ang kasaysayan kaugnay sa mga nabigo na pirma dahil ‘yung mga nagsusulong nito tila kulang at hindi sapat ang tiwala ng ating mga kababayan na ito’y hindi magigingpansarili at para talaga sa kapakanan ng bayan.

JF: OK, that’s very clear. Naku, kami ay magpapasalamat na kay Senator Chiz. Kulang ang oras Chiz. Tatanungin sana kita tungkol kay Heart pero next time na lang.

CV: Sayang naman may 3 minutes pa naman.

JF: Baka hindi na bumalik ‘yan. Next time na lang.

CV: Kikiligin lang naman ‘yan.

MH: Malapit na raw kasi Valentine’s Day.

CV: Oo.

JF: Oo nga. O wala bang plano wala ka bang plano? Or ayaw mong sabihin sa amin kung anong plano mo sa February 14 for Heart, Chiz?

CHIZ: Well, birthday din niya ‘yon.

JF: Yes.

CHIZ: We only celebrated. Ang maganda lang dahil birthday din niya yan tipid na isang regalo lang.

JF: Oo nga, tipid na nga ano.

CV: Last time nasa bahay lang sila, ‘di ba?

JF: So, without any (inaudible) meron ka ng pinaplano syempre para sa doon okasyon na ‘yon.

CHIZ: Syempre.

JF: OK.

MH: ‘Yon.

CHIZ: Syempre kasi, sweet ka hindi palagi.

CV: A man with a plan.

JF: Naku, we’ll see you soon Senator Chiz, and thank you for joining us ngayong gabi.

CHIZ: Again, Jove at Maricel thank you. Maraming salamat sa ating mga televiewers at listeners. Magandang hapon.

CV: Maraming salamat.

MH: Salamat, Senator.

CV: Always a pleasure, Senator Chiz Escudero.